Chapter 42 - THE HAPPY ENDING

1365 Words

Lumipas ang maraming araw, parang isa na rin kaming buong pamilya. Lagi kaming nagkikita nina Mr. at Mrs. Olivares, parang nakakasama na rin daw niya ang kanyang anak sa pamamagitan ni Zyrelle. Palagi kaming bumibisita sa puntod nila daddy at Greg, bahagi sila ng nakaraan, na kahit isa iyong masamang karanasan ay iyon naman ang dahilan kung bakit magkakasama kami ngayon. ISANG UMAGA NG LINGGO, napagpasyahan naming sabay-sabay na dumalaw sa puntod ng dalawang yumao. Kaya nasa iisang van na lang kami sumakay bitbit ang ilang pagkain. Sapagkat ang pinaglibingan ni daddy at Greg ay isang malaking musuleo ng pamilya Monteverde, kung saan sa itaas na parte noon ay may isang space kung saan pwedeng magluto at mamahinga. Ang musuleong iyon ay pinangangalagaan ng caretaker na si Mang Simeon. Al

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD