Kinabukasan, maaga kaming nagpaalam ni Jeremie kina Sister Elena. Bumiyahe kami papuntang Bicol para puntahan ang kapatid ni Jeremie na may sakit. Swerte na may nabook kaming murang eroplano kaya mabilis kaming nakarating sa pupuntahan namin. Dumiretso kami sa ospital kung saan naroon si Maymay, ang nakababatang kapatid ni Jeremie. Nagsuot muna kami ng protective gown bilang proteksiyon kay Maymay dahil madali na siya kapitan ng virus dahil sa sakit niya. Naabutan namin doon ang isa pa niyang kapatid na siyang kumukupkop at nangangalaga kay Maymay. “Kuya?” mahinang sabi ni Maymay sabay muwestra na gusto niyang yumakap. Lumapit si Jeremie sa kapatid at yumakap ng mahigpit na mahigpit na para bang nagsasabi na andito na si kuya, wag ka ng mag-alala. Kapwa s

