“You shouldn’t be crying” sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Paglingon ko ay laking gulat ko na nakatayo mismo sa harapan ko si Jeremie. Ipinikit-pikit ko ang aking mga mata. Baka naghahallucinate na ako. Pero nasa harapan ko parin siya. “Why you___” pero pinutol na niya ang dapat sasabihin ko. “Why I’m here o why that you shouldn’t be crying?” tanong niya. Puno man ng pagtataka kung paano niya ako nasundan ay tinanong ko parin siya. Yung tanong na hindi sa bibig ko lumabas kundi tanong mula sa puso ko. “Why that I shouldn’t be crying?” tanong ko. “Because for some reason, naaapektuhan ako kapag nakikita kitang malungkot” sagot niya sabay lapit sa akin na halos isang dangkal lang ang layo ni

