CHAPTER 23 Kinagabihan ngang iyon sumama ako sa mga pamangkin ni Sister Elena sa pag-akyat sa bundok. “Ate Liza ready ka na ba?” sabi sakin ni Glenda, isa sa mga pamangkin ni Sister Elena na kasama sa aakyat. “Oo, medyo kabado at excited. Ngayon ko lang kasi maeexperience to ei” nahihiya kong sagot. “Sigurado ako masisiyahan ka at baka umulit ka pa” sabay kindat sakin ni Glenda. At nagsimula na nga kaming umakyat sa bundok. Dala-dala namin ang ilang gamit at pagkain kasama ang flashlight na pang-ilaw namin sa madilim na trail. Paminsan-minsan akong nadudulas kaya nagkaroon ako ng maliliit na gasgas sa tuhod pero balewala yun sa sakin sa kagustuhan na maakyat ang tuktok at matupad ang kahilingan ko. Ilang oras pa kaming naglalakad

