bc

My Angel

book_age4+
4
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Destiny, Soulmate, True Love, Love at first sight are all different labels of love. Pero isa lang common denominator nila ang linyang "I LOVE YOU FOREVER" masarap pakinggan nakakakilig parang wala na talaga katapusang pagmamahalan.

Ang tanong ko lang the word FOREVER was still exist in this world or it was all in a fairytale love story? Nakadikit rin ba sa tadhana ang salitang forever?

 

Ako si Zharyna playgirl of the campus and easy to get ang sabi nila, kasi kung magpalit daw ako ng boyfriend parang damit. Seryoso naman sana lahat ng past relationship ko, kaso hindi ko lang talaga alam bakit nauuwi sa paglalaro lahat.

Hanggang sa may dumating na isang anghel sa buhay ko kung saan ang tadhana namin dalawa magtuturo sa 'kin ng salitang forever. Makaya ko kaya takbo ng tadhanang ito?

 

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“2004 the year that we’ve been waiting for, the day of our graduation in high school. Nakakalungkot isipin magkakahiwalay na kami magkakaibigan. Halos apat na taon din kami magkakasama, but now we have to go in our different path. Nasa iba’t- ibang school kami nag-enroll for our college and we are in different courses.” tahimik kong pag-iisip habang hinihintay sina Shan at Ludelyn sa cafeteria ng school. “Hoy! Lalim ng iniisip ah” pagpukaw sa akin ni Ludelyn. “Best, alam ko iniisip mo, di ba dapat masaya ka kasi nakapagtapos tayo ng high school” sabay yakap sa akin ni Shan.” “Sino ba naman sasaya magkakahiwalay na tayo and to think na mag-isa lang ako sa university papasukan ko.” “Best, nandito lang kami no matter what, kahit na saan ka pagkailangan mo kami isang text or tawag lang pupunta at pupunta kami tandaan mo iyan best” pagpapagaan ni Shan ng pakiramdam ko. “Tama niyo na ngang dalawa ang drama, uy! Saturday ready na lahat the resort, food and our car.” pag-iiba ni Ludelyn ng topic. Nandito kami ngayon sa cafeteria kung saan naghihintay kami mag-umpisa ang program ng aming graduation. “Best, si Kitz” sabay turo ni Shan ang direksyon kung na saan ito. Sabay naman kami dalawa ni Ludelyn nilingon ang direksyong tinuturo ni Shan. Nakita ko papalapit si Kitz sa kanyang mga barkada. Nakangiting tumingin siya sa akin bago sumabay sa kanyang mga barkada. Makalipas ang ilang oras lumabas na rin kami ng cafeteria dahil mag-uumpisa na programa. Nang matapos ang aming programa makikita mo sa paligid may nagpipicturan, may nagyayakapan, nagiiyakan magkakaibigan. "Shan, Luds sa bahay na tayo magdinner sabi ni mama, after natin magdinner doon naman tayo sa bahay niyo Shan and last na kina Ludelyn” “Ok, sige” sagot naman nilang dalawa. Pagkatapos nga namin kumain, ay kina Shan naman kami pumunta. Hindi matapos-tapos ang pagpa-papicture namin tatlo mula sa bahay hanggang sa bahay ni Shan. Papunta na kami ngayon sa bahay ni Ludelyn. “Best, nasa bahay daw si Kitz hinihintay ka text ng ate ko.” “Sige best.” Sagot ko sa kanya. Pagdating nga namin sa kanila nakita ko kaagad si Kitz nakaupo sa kanilang swing. Sumabay siya papasok ng bahay. Magkatabi kami umupo sa sofa nila Ludelyn. “Congrats Zharyna!” pabulong niyang pagbati sa akin. May lungkot akong nakita sa kanyang mga mata ng tinitigan ko siya, ngunit ngumiti lang siya sa akin. “Zharyna, labas tayo gusto sana kita maka-usap” pagbulong niya ulit sa akin. Agad naman kami lumabas at umupo ako sa swing. Siya naman nakaluhod sa harap ko sa damuhan. Hawak niya kamay ko ng mga oras na iyon at ramdam ko init ng katawan niya kahit magkahawak lang kami ng kamay. Malungkot ang kanyang mga mata, hindi ko maintindihan dahil ba alam niya magkakalayo na kami. Nasa 3rd year high school pa lang kasi siya at isa siyang transferee sa school. Sa susunod na taon pa sila magtatapos ng high school. Magkasing edad lang kami dalawa bumalik siya ng isang taon sa high school dahil sa kalokohan niya. “Zharyna, may gusto sana ako sabihin sayo. Alam mo minahal kita kahit ilang buwan pa lang tayo.” “Kitz, diretsuhin mo ko kung ano problema, dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka magsalita ngayon.” Unti-unti na ko kinakabahan sa gusto niya pag-usapan namin dalawa. “Zharyna, I’m sorry I’m really really sorry. I have a long term and long distance relationship bago pa kita makilala and I love her. I love you, but we have the right love at the wrong time.” Dire-diretsong pag-amin niya sa akin habang may tumutulong luha sa kanyang mukha. Wala akong masagot sa lahat ng narinig ko sa kanya hindi ko alam ang gagawin ko kung tatayo na ba ako papasok sa bahay nila Ludelyn or tatakbo ako palayo pauwi sa amin. Tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang paninikip ng lalamunan ko sa pagpipigil ko umiyak. Nararamdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko ng mahigpit. “Zhar, sa kaunting panahon ay nakita ko ibang klase ka babae at ang katulad mo ay dapat ni rerespeto at minamahal ng totoo. Patawarin mo ko pero ang lahat ng ito ay pustahan lang namin ng barkada ko na ibibigay mo lahat sa akin, pero iba ka at isa lang totoo sa lahat ng ito minahal kita.” Sa huling inamin niya sa akin. Agad na ako tumayo at tumakbo palabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nila Shan at Ludelyn pero agad na ako sumakay ng tricycle na dumaan at nagpahatid na pauwi sa aming bahay. Pagpasok ko ng bahay agad ako tumakbo sa kwarto at nag lock ng pinto. Bumuhos kaagad ang mga luha kanina ko pa pinipigilan. Gusto ko sumigaw ng sumigaw magwala pero kailangan ko pigilan. Halos hindi ako makahinga sa sobra paninikip ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng aking nararamdaman. Naputol ang pag-iyak ko ng marinig ko nagri-ring ang cellphone ko at nakita ko tumatawag si Ludelyn. Agad ko naman ito sinagot. “Hello best, anong nangyari? Bakit sabay kayo umuwi? Pag-alis mo agad din siya umalis.” Sunod-sunod na pagtatanong ni Ludelyn. “I’ll tell you everything sa Saturday, right now all I want is to be alone.” Agad ko na pinutol ang linya. Umayos na ako ng pagkakahiga ngunit patuloy pa rin sa pagtulo mga luha ko. Napa-isip ako “bakit ganito? bakit kailangan masaktan ng puso? Mga tanong na hindi ko masagot. Ipinikit ko aking mga mata gusto ko na lang itulog lahat humihiling na sana paggising ko bukas wala na sakit. Nagulat na lang ako ng tumunog muli cellphone ko isang message galing kay Kitz. “Please don’t cry, I’m not worth of your tears… I’m so stupid causing you this pain. Zharyna, where ever you go what ever you do, always remember that I will always love you forever…” Muli tumulo na naman mga luha ko, hindi din ako nagreply sa message niya. Ipinikit ko na lang ulit mga mata ko. Sa pagpikit ko muli ko naalala lahat. “First day of school, ito na huling taon namin sa school na ito. Naglalakad na ako papunta sa classroom namin ng may napansin akong isang gwapong lalake nakatayo sa hall way ng school at nakatitig din siya sa’kin. Madadaanan ko pa kasi mga third year classroom bago makarating sa amin mga fourth year. Alam ko kaagad na transferee ito dahil halos kilala na namin lahat ng estudyante sa school except sa mga first year highschool. Alam ko nasa third year ito kasi nasa harap ito ng third year classrooms. “Shan, Ludelyn” muli namin pagkikita magkakaibigan. Agad naman kami nagyakapan. “Shan, this my lucky day, kauumpisa pa lang ng school year meron’ na’ko kaagad nakita gwapo. Kaso 3rd year pa lang siya.” “Ewan ko sa’yo Zharyna. Baliw ka talaga.” “Manligaw lang siya, sasagutin ko siya kaagad. Na eexcite tuloy ako sa J.S prom.” “Sira-ulo ka talaga best, kakaumpisa pa lang ng school J.S prom na kaagad iniisip mo.” Tatawang panunukso ni Ludelyn. Muli ako nagising at bumangon sa pagkakahiga ko. Lumuhod ako kaagad sa ilalim ng kama at kinuha ang isang itim na karton. Doon ko itinatago lahat nang mahahalagng bagay sa akin, dahil sa sentimental value nito. Kinuha ko isang drawing ng isang anime na si Kenshin Himura ng palabas na Samurai X. Paboritong paborito ko ang anime na ito at idrinawing ito ni Kitz para sa akin. Muli na naman tumulo mga luha ko ng maalala ko na naman lahat. Hanggang sa nakita ko nabasa ng mga luha ko ang drawing na ibinigay sa akin ni Kitz. Bilang sign ng tapos na lahat sa amin ay nilukot ko ang papel at buong lakas na itinapon sa basurahan. “Sana bukas wala na lahat ng sakit tanging hiling ko hanggang sa bumalik na naman lahat ng narinig ko sa kanyang labi kanina.” Bumangon ako at kinuha ang mahiwaga ko notebook. Kung ang iba ay diary agad sinusulat ako naman ay tula tungkol sa nararamdaman ko. Dito ko binubuhos ang nararamdaman ko hanggang sa makabuo ako ng isang tula. In every poem I write there’s a story behind. “Bakit?” tanong na pumapasok sa isip ko ngayon, agad ko ito sinulat bilang title ng isang tula. Bakit ikaw pa? Bakit pa kasi nakilala ka? Bakit ba minahal agad kita? Tatlong tanong ng isip ko na agad ko isinulat at nakakabuo na ko ng panibagong tula na naman. Humiga ako muli kong ipinkit aking mga mata at inalala ang gwapo niyang mukha. Hanggang sa may tumulo na naman luha sa aking mata. Medyo hinihila na ako ng antok pagod, at bigat ng nararamdaman ko. Muli ko tiningnan ang huling text niya at naiiling ako ng mabasa ko “I love you forever.” Tama nga na common denominator nila itong mga lalake mahilig paglaruan pakiramdam ng ibang tao. May mga tanong ang isip ko Na hindi masagot ng puso kong ito Hindi na lang sana tayo pinagtagpo Para hindi rin nasaktan ang puso Panibagong mga salita pumasok sa isip ko at agad ko ito isinulat sa aking notebook. Hanggang sa unti-unti na ko nakakabuo ng tula.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook