Chapter 2

1762 Words
Maaga ako nagising para maghanda ngayong araw. Ito na huling araw magkakasama kami magkakaibigan. Bigla na naman pumasok sa isip ko lahat ng mga pangyayari ng nakaraang gabi. Nakatulog na lang pala ako sa kaiiyak at pag-iisip. “Beeep…beeeep…beeeeep” pamumusina ni Shan agad ako sumilip ng bintana at sumenyas ng sandali lang. Pagsakay ko ng sasakyan nakita ko kung paano ako tingnan nilang dalawa, puno ng katanungan ang kanilang mga mata. Wala silang ideya sa nangyari ng gabing iyon. “Ano ba guys? Come on lets go” pagpukaw ko sa kanilang dalawa. Agad naman kami nakarating sa resort na aming pupuntahan. Habang busy silang dalawa sa pag-aayos ng gamit atbpagkain namin. Naglakad-lakad ako dala ang mahiwagang notebook ko. Kung sa iba ay diary, ako naman ay book of poem. Isinusulat ko sa isang tula ang lahat ng aking nararamdaman. Naupo ako sa isang cottage na walang tao at mag-uumpisa na ako magsulat. “ Poem na naman! Best pwede ba malaman ang nangyari?” biglang pagtatanong ni Shan sa likod ko. ”Best, pinagpustahan lang pala ako ni Kitz sa mga barkada niya. Pinagpustahan nila makukuha lahat ni Kitz sa akin kasi easy to get lang ako” hindi ko na napigilan maiyak ulit ng maalala ko na naman lahat. “Lahat siguro ng pinakita niya dahil lang sa pustahan.”pagkwekwento ko kay Shan habang umiiyak. ”Bakit kung kailan nag-invest na naman ako ng feelings ko saka na naman ako natatalo. Alam mo iyong pakiramdamam na akala mo siya na, iyon pala pare-parehas lang sila.” Humagulgol na ako ng iyak at naramdaman ko na lang pagyakap ni Shan. “Best, stop crying his not worth it, nandito lang kami best. Mabuti na rin umamin siya habang maaga pa kaysa sa pinatagal niya pa. Hindi pa siya para sayo best.” “Alam ko matapang ka, makakamove-on ka rin, ikaw pa ang dami mo reserba.” Bigla ako kumalas sa pagkakayakap niya at sabay kami napatawa. Bumalik na kami sa aming cottage at si Shan na nagkwento kay Ludelyn habang nagluluto ito. ko “Best, wala ba talaga nagyari sa inyo even kiss? Biglang tanong ni Ludelyn. “ Sa tingin mo ba ganu’n ako best.” “Hindi naman sa gano’n best, naninigurado lang ako.” Sabay yakap na nilang dalawa sa akin. “Mga best, ito seryoso I’ll make a promise there will be no boyfriend this coming college life.” Binitiwan kong pangako sa kanilang dalawa. Bigla naman ako hinawakan ni Shan sa noo at sa leeg. “May lagnat ka best, nasapian o nabaliw na dahil kay Kitz” panunukso niya sa’kin. Sabay sabay naman kami nagtawanan. Medyo gumaan na pakiramdam ko dahil sa kanila. “Seryoso best, pangako ko iyan sa inyo.” Nagyaya na silang mag swimming at i-enjoy ang last day na magkakasama kami. Nakaupo ako sa gilid ng pool habang pinagmamasdan sila Shan at Ludelyn. Tama nga si Shan, marami na ko love hurts na naranasan ngayon pa ba ko susuko. I’m proud being a play that has never been kissed. Hindi ako magiging playgirl kung sineseryoso lang nila ako. Kung hindi pinagpustahan malalaman ko na lang may ibang rin girlfriend bukod sa’kin kung hindi naman nanliligaw pa sa iba. Ipinapakita ko lang sa kanila hindi ako ang talo, madali din silang palitan kaya naging easy to get ako. Pero sa lahat ng pinagdaanan ko nasasaktan din ako but I have to be strong. Nag- ayos na kami pauwi. “Best, tandaan mo nandito lang kami ni Ludelyn palagi pagkailangan mo kami. Nandito lang kami sa likod mo handa palagi bumatok sa’yo dahil sa mga kalokohan mo. Text mo lang kami, okay.” Paalala sa akin ni Shan. Pagkatapos ay nagyakap na kami tatlo. Hindi ko na naman napigilan maiyak, pero hindi ko na ito ipinakita sa kanila. Nakauwi na na kami sa aming bahay, pumasok ako kaagad sa aking kwarto at doon ko na pinagpatuloy ang tulang gusto ko isulat. “Bakit” Bakit ikaw pa? Bakit pa kasi nakilala ka? Bakit ba minahal agad kita? May mga tanong ang isip ko Na hindi masagot ng puso kong ito Hindi na lang sana tayo pinagtagpo Para hindi rin nasaktan ang puso Minsan ako sayo’y nagtanong Bakit kailangan pa tayo matutong Magmahal sa huli tayo rin pala’y masasaktan Sinagot mo “ito’y bahagi ng buhay” at ito’y aking naintindihan Kaya ngayon ang tanong ng isip ko Nasagot na ng puso kong ito Nasaktan man ng labis aking puso Naiintindihan ko na ang pag-ibig ay sadyang ganito. “Ilang araw na din, since I confessed to Zharyna. I really felt guilty dahil minahal ko na rin siya. Ibang klase siya babae. Siya tipo ng babae paggusto niya rin ang isang lalake at niligawan siya nito agad niya ito sinasagot, pero ganun pa man siya tipo ng babae nirerespeto. Kahit easy to get siya she’s hard to get and I admired her for that.” “Hi, I’m Kitz Fietra I’m a transferee from Iloilo National Highschool.” Pagpapakilala ko sa buong klase. It was our first day of school nakatayo ako sa hallway ng school ng makita ko ang isang babae naglalakad. Sobra simple niya at napaka natural ng ganda niya. “Sino siya? Ang gwapo niya noh!” mga bulungan naririnig ko tuwing may dumadaan sa hallway kung saan ako nakatayo. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang papalapit na sa direksiyon ko ang babaeng ito. Hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya. Nagising na lang ang diwa ko ng nagkatitigan kami pagdaan niya sa harap ko. “Lakas makatitig kay Zharyna ah!” panunukso ng classmate ko. Mabilis ako nagkaroon ng mga bagong kaibigan sa bago ko school. Marami din magagandang babae ako hinahangaan. “Ring… ring…ring… Hello!” “Hi Babe, so how are you? How’s your new school? Are you a good boy? You should be a good boy as you promised…” sunod-sunod na pagtatanong ng girlfriend ko long distance relationship kami dahil kailangan ko umuwi ng Iloilo. “I will always be a good boy promise. Okay naman bago kong school marami na rin akong barkada. I miss you and I love you forever.” “Make sure, sige na bye babe… I love you too and miss you so much.” Isang araw nag-announce ang adviser namin na magkakaroon kami ng intramurals or sports festival. One month celebration ito ng school. “Guys, sino iyong babaeng iyon?” pagtatanong ko sa’king mga barkada. “Si Kim Zharyna Montinola, isa siya sa magagandang babae dito sa campus. Papalit- palit din ng boyfriend.” “Crush ko siya” “Uy timing! Narinig ko sa isa kong kaibigan na classmate niya crush ka din niya. Pustahan tayo mapapasagot mo siya, pero kailangan mo makuha lahat sa kanya lalo na bandera ng bataan. Ano kaya mo? Deal?” “Deal!!!” Lagi ko na binabantayan mga galaw ni Zharyna. Nakakachallenge siya na nakaka amaze na klase ng babae. Marami na din ako naririnig at nakikilala nagkaka-crush sa kanya ng palihim. Mga ibang lalake natatakot makipagsabayan sa mga nanliligaw sa kanya at mga natatakot ma reject niya. “Hi I’m Kitz Fietra” pagpapakilala ko sa kanya habang nakatalikod siya at may ginagawa sa kanyang upuan. Recess noon at napadaan ako sa classroom nila ng makita ko siya lang mag-isa. Kaya ito na time na nakipagkilala na ako sa kanya. "Hi, I'm Kitz Fietra" “Hi I’m Kim Zharyna” “Ano ginagawa mo?” “Ito kaartehan lang sa upuan ko” “Kaartehan ba iyan ang cute nga ng mga arts mo” “Ginagawa ko ito, para walang makakuha ng armchair ko.” “Ahhh, ganun pala.” Nag-umpisa na kami maging magkaibigan ni Zharyna. Lagi ko siya pinupuntahan pag recess. Nag-umpisa na rin ako manligaw sa kanya. “Kitz, bakit kailangan natin magmahal, tapos masasaktan din pala tayo sa huli?” “Bahagi ito ng buhay ng tao, hindi tayo magiging buo kung hindi natin ito mapagdadaanan. “Alam mo ba meaning nang number 8 ay I Love You?” “Paano naging meaning niya iyon? Alam ko sa 8 is infinite.” “Bilangin mo kung ilang letra ang I love you.” “1..2..3..4..5..6..7..8.. Oo nga.” “See, ang galing ko di ba.” “Ewan ko sayo” “Zhar, ano paborito mo cartoon character?” “Wala, pero sa anime may’ron si Kenshin Himura or si Kenji ng palabas na Samurai X” “Ahhh” “Bakit?” “Wala lang” First day ng Intramurals namin. Sumali si Zharyna sa Competiton ng Dart. Wala akong sinalihan na sports. Nakatayo ako sa hallway ng school ng makita ko si Zharyna nakatayo sa gitna ng quadrangle kasama mga kaibigan niya at iba pa nila kaklase. Nanonood sila ng basketball naglalaban ang mga nasa iba’t-ibang level. Aaminin ko nagseselos ako nakikita siya nakatingin sa iba. Kaya may naisip akong ideya pumunta ako sa music coordinator. “Pare, pwede pa request ng kanta at pakibasa na rin ito habang nagpaplay ang kanta.” Inabot ko sa kanya isang maliit na papel. “Sige, anong kanta?” “Kailangan kita ni Piolo Pascual. Salamat pare.” Nag-umpisa ng tumugtog ang kanta at ng malapit na ito sa chorus. “Kim Zharyna Montinola, gusto ko lang malaman mo para sa iyo ang kantang ito… Kitz” Binasa na niya ang sinulat ko sa papel. Narinig ko marami hiyawan. Marami ang kinilig sa ginawa ko. Nakita ko rin pagtulak ng mga kaibigan niya kay Zharyna bilang panunukso at kinikilig. Halos isang buwan ang selebrasyon ng aming sports festival. Binantayan ko si Zharyna kung nandito na ba siya sa school at nang makita ko siya. Agad ko siya niyaya sa hagdan. Doon kami naupo at iniabot sa kanya isang papel na may drawing ni Kenshin Himura. Nakita ko sa mga mata niya sobra saya na amaze ako na kahit maliit na bagay ay masaya siya. Ibang babae kasi materyal na bagay ang hanap. “Hoy, si Zharyna iniisip mo noh? Kamusta na nga pala kayo?” pagpukaw sa akin ng pinsan ko “Wala na kami tol! I’d give up Zharyna.” “Sayang” tanging sagot niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD