Ito ako ngayon nililibang ang sarili. Text na lang ang naging communication namin ng mga kaibigan ko.
Bukas na mag-uumpisa ang processing namin sa college, kaya naisip ko ayusin muna kwarto ko.
Inayos ko na lahat ng mga uniform ko ng highschool dahil ipamimigay ko na naman ito sa ibang bata papasok din sa aming school.
Sunod ko naman inayos ay ang mga notebook and books ko. Sa pagliligpit ko nakita ko muli sa basurahan ang papel na drawing ni Kitz.
Kinuha ko agad ito at tinitigan muli. Paborito ko itong anime at sobra saya ko ng araw na binigay niya ito sa’kin.
Binasa ko muli ang munting mensahe nakasulat sa likod ng papel.
“The number 8 means I Love You always remember that.”
Hanggang sa na reminisce ko lahat ng tungkol sa kanya.
“Hi, I’m Kitz Fietra”
Isang boses ang narinig ko mula aa aking likod, pero ang kinagulat at binilis ng t***k ng puso ko ay ang pangalang narinig ko.
Isa siya sa mga crush ko sa school. Isa rin siyang transferee galing sa ibang school.
“Ano ginagawa mo?” tanong niya na ikinahiya ko.
Juskolor! Nakita niya pa talaga ang kaartehan pinaggagawa ko. Recess namin ngayon at hindi ako sumama para magrecess dahil gusto ko matapos ang ginagawa ko.
“Kaartehan ba iyan ang cute nga ng arts mo.”
Tumabi siya sa sa upuan ko at amoy na amoy ko ang kanyang pabango.
Nag-umpisa na kami maging magkaibigan ni Kitz. Lagi niya akong pinupuntahan pag recess.
Nag-umpisa na rin siya manligaw sa’kin.
“Kitz, bakit kailangan natin magmahal, tapos masasaktan din pala tayo sa huli?”
“Bahagi ito ng buhay ng tao, hindi tayo magiging buo kung hindi natin ito mapagdadaanan.
“Alam mo ba meaning nang number 8 ay I Love You?”
“Paano naging meaning niya iyon? Alam ko sa 8 is infinite.”
“Bilangin mo kung ilang letra ang I love you.”
“1..2..3..4..5..6..7..8.. Oo nga.”
“See, ang galing ko di ba.”
“Ewan ko sayo”
Sabay talikod ko sa kanya pero hindi niya alam ang kilig na nararamdaman ko.
“Zhar, ano paborito mo cartoon character?”
“Wala, pero sa anime may’ron si Kenshin Himura or si Kenji ng palabas na Samurai X”
“Ahhh”
“Bakit?”
“Wala lang”
Paparating na ang araw ng intramurals namin or sports festival.
Taon-taon namin ginagawa ito bilang bahagi din ng aming pag-aaral ang pakikipagsalamuha at pakikipag kaibigan sa ibang year level.
First day ng intramurals namin. Nagulat ako ng biglang magsalita ang lalakeng naka assign sa sounds and music.
“Kim Zharyna Montinola, gusto ko lang malaman mo para sa iyo ang kantang ito… Kitz”
Napansin ko rin ang kantang
“Kailangan Kita ni Piolo Pascual” kanina ko pa ito narinig pero hindi ko naman binigyang pansin.
Marami ang naghiyawan at mukhang kinikilig din. Sobra sobra kilig ko pero hindi ako nagpapahalata sa kanila lalo na sa kanya.
Halos isang buwan ang selebrasyon ng aming sports festival. Agad ko nakita papalapit sa akin si Kitz.
Niyaya niya ako umupo sa hagdan. Doon kami naupo at iniabot niya sa akin ang isang papel na may drawing ni Kenshin Himura.
Sobra saya ko at doon ko nalaman sobra niya rin galing magdrawing.
Nakita ko rin sa likod ng papel ang isang nakasulat na message.
“The number 8 means I Love You always remember that.”
Sa bawat araw na magkasama kami unti-unti ko na siya nakikilala at marami na rin akong natutunan dahil sa kanya.
Isang araw dalawa lang kami sa classroom, nagulat ako ng bigla siya papalapit ng papalapit sa mukha ko. Agad ko iniwas ang mukha ko sa kanya.
Alam ko iniisip niya kaya agad ko iniwas ang mukha at katawan ko.
Umupo ako at niyakap ang bag ko bilang pagtakip sa katawan ko.
Ngumiti lang siya sa akin at nagpaalam na babalik sa classroom nila.
“Malapit na J.S Prom natin Zhar. Sorry pero akin ka lang buong gabi ha. Sorry pero hindi ako papayag na maisayaw ka ng iba.”
“Grabe ka naman”
Dumating na J.S prom namin at sinundo niya ko sa gate pa lang ng school. Sumayaw kami dalawa.
Nahalata ko gumagawa siya ng paraan para mahalikan man lang ako. Pero hindi ako ganon basta basta mahahalikan.
Oo mahahawakan mo kamay ko pero hanggang doon lang iyon. Nahalata ko nag-iba ang pakitungo niya ng mahalata niya ayaw ko mahalikan kahit sa pisngi.
” Kung may iba ka habol sa akin ngayon pa lang sinasabi ko na sayo hindi mo ito makukuha dahil hindi ako tanga. Kung ito basehan mo ng isang relasyon sorry hindi ito ang basehan ko.”
Mabilis ko siya iniwan at pumunta na sa mga kaibigan ko. Ayoko naman buong gabi kami magkaharap na awkward ang pakiramdam sa bawat isa.
Kung pagtapos man ng gabing ito at lumayo na siya okay lang sa akin importante hindi niya ko makuha. Ito ang prinsipyo ko kaya nagpapalit palit ako ng nobyo hinahanap ko lalake hindi pagka babae mo hinahabol.
It’s been a days simula ng nag confess siya ng lahat. Nasasaktan pa rin ako pagna aalala ko sinabi niya. Siguro hindi ko matanggap na nagpakatanga ako kasi naniwala ako sa kanya sa lahat ng ipinakita niya.
“Tokkk…tokkk…tokkk… Zharyna, ano ito?” isang malakas na katok at boses ni mama narinig ko nagpapukaw sa’king isipan.
Pagbukas ko ng pinto agad niya iniabot sa akin ang sulat. Palihim ako natuwa dahil nakapasa ako sa scholarship ng ibang school.
“Ano ba talaga plano mo? Saan ka ba talaga papasok? Sinasabi ko sayo pag hindi ka nakapasa sa school na gusto ko, maghanap ka ng magpapaaral sayo.
Pagkatapos ni mama magsalita ay pumasok na ulit ako sa aking kwarto.
“Naiinis ako na natatawa kay mama, biruin mo magtatanong siya saan ko gusto mag-aral tapos sa huli may pagbabanta din pala.
Kinabukasan maaga ako nagising at nag-ayos ng mga dokumentong kailangan ko para makapag register at makapag enroll na sa college.
Bachelor of Science in Elementary Education ang kukunin ko kurso ito ang gusto ni mama. Kung ako papapiliin mas gusto ko talaga Hotel Restaurant Management (HRM).
Nag-umpisa na ako kumuha ng mga subject and schedule ko. Open enrollment ang patakaran ng university papasukan ko. Bibihira daw makapasok sa university na ito, dahil kailangan mo makapasa above passing score sa kanilang entrance examination. Mabuti na lang at nagawa ko.
Naayos ko na mga subject ko. Nang matapos ko na lahat agad na din ako umuwi. Pagpasok ko pa lang ng bahay nakita ko agad si Mama nakaupo sa sala
“Akin na mga schedule mo.”
Agad ko naman binigay. Alam ko ililista niya ang oras ng pasok at uwi ko.
“Goodluck College life” tanging bulong ng isip ko.
Meron’ akong tinuturing na kapatid kahit hindi kami magkadugo. Matanda siya sa akin ng ilang buwan kaya ate ang tawag ko sa kanya.
Pinapag-aral din siya ni mama, kaya halos nasa iisang school kami palagi.
Masaya ako nandiyan siya palagi para sa akin. Education din kinuha niya kurso dahil ito din gusto ni mama kaso Secondary nga lang sa kanya akin Elementary.