Chapter 15

1275 Words
Matapos maligo ni Hanna ay pumunta agad sya sa kitchen para e check yong pinakuloan nyang nilagang baka. Inihanda rin nya ang kanin at nilagay ito sa tray.   Nakarating na sya sa kwarto kung saan naroroon ang lalaki, bitbit ang isang tray ng hapunan nito. She set the tray on the bedside table and stood for a moment, watching the stranger sleeping.   Dumilim na nga sa labas, and the room was dim and shadowy. Pero kitang-kita pa rin nya ang mga pasa ng lalaki sa katawan. Nang pahiran nya kanina ang lalaki ng basang cloth, napansin nya na meron itong peklat sa kanyang dibdib. Older scar to be exact. Hindi kaya tama rin ito ng baril?   Hanna found herself longing to know more about him. Gusto nyang malaman ang lahat ng sekreto nito, all the hidden details that he couldn't or wouldn't remember.   Lumapit naman sya sa tabi ng lalaki at hinawakan ang noo nito. Mainit pa rin ito at nangangailangan ng pag-aaruga. Nag-aalala sya dahil konti lang naman ang nakain nito sa nakalipas na mga oras, at base na rin sa kaalaman nya, maaring magkasakit pa ito ng pulmonya sa susunod na mga araw.   Bigla namang gumalaw ang lalaki sa pagkakahawak nya, pero hindi pa rin nito binuksan ang mga mata. He kicked at the blanket and moved his head restlessly on the pillow.   "Gising ka na?"mahinang tanong nya.   Binuksan naman ng lalaki ang mga mata nito tsaka huminga ng malalim, at pumikit ulit. Ngayon, kamay naman ng lalaki ang hinahawakan nya. His lethargic response sent a flicker of anxiety through Hanna and she knelt beside the bed and touched his face with the back of her hand.   "Naririnig mo ba ako?"sabi nya, at medyo nilakasan na nya ang kanyang boses."Alam mo bang tinakot mo ako dyan sa reaksyon mo? Lumaban ka, naririnig mo ba ako?" Hanna's breath came fast and hard as she ran her hands over his face and down his chest.   He muttered something unintelligible and continued moving his head back and forth.   "Come on"sabi ulit ni Hanna. Sinampal-sampal naman nya ang magkabilang pisngi ng lalaki hanggang sa mapadilat ito.   For once, nakikita na naman ni Hanna ang galit sa mga mata nito.   "My God"he murmured."Ano ka bang klaseng nurse? Una, itinali mo ko. At pangalawa, sinampal mo naman ako."   "Hindi naman kita sinampal ng malakas ah"aniya pa."Natatakot lang kasi ako sa reaksyon mo kanina."   "Wag kang mag-alala, hindi ako mamamatay dito."he was staring at her odly, mukhang pagod ang mga mata, pero nakuha pa rin nitong mag biro.   "Wag ka ngang maingay, mas mabuti pang kukunan nalang kita ulit ng temperatura."sabi ni Hanna at nilagay na nya ang thermometer sa kili-kili ng lalaki.   "Sadistic"he muttered.   Hindi na lamang pinansin ni Hanna ang sinasabi ng lalaki. Kinuha na nya ang thermometer mula sa kili-kili nito at linagay nya ulit ito sa case.   "Bumaba ka nga ng konti. May dala akong hapunan mo..Kaya mo na ba?"   Hanna put her arm around his back, careful not to hurt his bruised ribs. Then as he braced himself and push upward, she slid the pillows behind him.   Nang ipikit muli ng lalaki ang kanyang mga mata, she stood for a moment looking helplessly at him. He was very sick. Sicker than before? God, pano nalang kung mamamatay nga ito? Pano kung mas marami pala ang dugo na nawala sa kanya kaysa inaakala nya, or di kaya magka blood clot ito sa utak. Kwestyonable nga, but still, she found herself worrying about every remote dangerous possibility.   "Okay ka--?"   "I'm fine"iritadong sagot nito."Medyo nahihilo lang ng konti."   "Sabi ko na nga ba eh"bulong nya sa sarili.   Umangat naman ang ulo ng lalaki para tingnan sya, staring at her with those fever-lit brown eyes.   "Masyado ka namang nag-aalala para sakin."   "Meron naman siguro akong karapatan na mag-alala sayo diba?"sabi nya at umupo sya sa tabi ng lalaki, at wala na rin syang pakialam sa iisipin nito."Kailangan kung makapunta sa syudad para makabili ng karagdagang antibiotics, pero hindi naman kita pwedeng iwan gayong may sakit ka pa. Kaya please.."umusog sya ng konti papalapit sa lalaki at hinawakan nya ang isang braso nito."Please tatawag nalang tayo ng doctor para--"   "Damn it, hindi ka ba nakikinig sakin?"galit na sabi ng lalaki, at bumuga ito ng malalim na hininga."Ayoko ng doctor. Okay lang ako. Nararamdaman ko kasi na parang nararanasan ko na ang--"bigla namang tumigil ang lalaki sa pagsasalita, realizing what he'd said.   "May naalala ka na ba?"curious na tanong ni Hanna.   Logan gritted his teeth as he tried to remember. Napakunot-noo sya at hinilot ang sariling sentido.   Gusto mang hawakan ni Hanna ang lalaki para e comfort ito, pero pinigilan na lamang nya ang sarili. She felt so helpless, hindi rin kasi malawak ang kaalaman nya tungkol sa mga pasyenteng may amnesia.   "Yong mga naalala ko, it's just that there on the tip of my tongue."sabi ng lalaki."You know? Katulad nalang sa mga panaginip mo na hindi mo na ma-aalala. Kaya siguro hanggang ngayon hindi ko pa iyon masabi-sabi."pagpatuloy nito habang nakakuyom ang mga kamao."Damn! why can't I just say it."   "Dahil may sakit ka at mahina ka pa."sabi ni Hanna. She leaned forward to help with his dinner.   "Hindi yon"sabi naman ni Logan while motioning her away."Not until I remember...not until..."   Hanna just rolled her eyes in frustration. Juice ko! napakatigas talaga ng ulo ng lalaking ito, sabi nalang nya sa sarili.   "Kung sana katigasan nalang ng ulo ang makapagpapagaling, then kumbinsido ako na gagaling ka nga in a matter of days."   "Wala na akong sapat na araw. Kailangan ko nang umalis dito. Kailangan ko ring malaman kung sino itong Kurt na sinasabi mo na nabanggit ko. Sa ngayon, yan muna ang dapat kung gawin."pagkasabi ng lalaki ay bumaba na ito ng kama.   "My God"tumayo na rin si Hanna mula sa kama at napameywang sya."You're unbelievable, do you know that? Siguro nga isa ka don sa mga nakatakas na suspek. Napakatigas ng ulo mo."   "Yeah...right"he said, flashing her a look of determination."Look, okay lang naman ako. I'm just a little weak, that's all."   "Weak"she muttered, shaking her head."Maniniwala lang ako na okay ka lang basta maubos mo itong dinala ko sayong hapunan."sabi nya sabay pick-up sa tray ng pagkain mula sa bedside table. Nakita nyang napasimangot sa kanya ang lalaki, at napangiti naman sya sa lihim sa naging reaksyon nito. Iniabot na nya ang tray ng pagkain sa lalaki. Tinanggap naman ng lalaki ang tray, pero lang kung makatitig ito sa kanya para bang sinusuri sya nito.   For a moment she couldn't breathe...or move. Nanigas sya sa kinatayuan nya habang nakipagsuklian ng titig sa lalaki.   Humakbang papalapit sa kanya ang lalaki at biglang hinawakan ang peklat nya, she flinched only the slightest bit, pero nanigas parin sya habang hinahaplos ng mga daliri nito ang peklat nya. His touch on the sensitive skin made her nerves tingle wildly. Ngayon lang ata sya natauhan kung kaya napaatras sya palayo sa lalaki.   And as she looked into his eyes and saw his understanding, she felt stunned. No one had ever touched the scar. At iyon nga ang pinakahuling bagay na inaasahan nyang gagawin ng lalaki.   He seemed so cool, so sophisticated and yet the look in his eyes was warm and filled with an unusual tenderness.   "K-kailangan mo ng kumain"aniya sa lalaki.   She stood beside the bed, fists clenched. Sa kaloob-looban nya, nagtatalo ang kanyang emosyon..Bakit ganon nalang ang nararamdaman nya para sa taong hindi naman nya lubos na kilala? A man who could be anything or anyone.   Matapos maubos ng lalaki ang dinala nyang haponan, dali-dali namang kinuha ni Hanna ang tray na pinagkainan nito at mabilis syang lumabas ng kwarto.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD