Hanna couldn't deny that what he was saying was true. Pero ayaw pa rin nyang maniwala na isa nga don ang lalaki sa nakatakas na mga suspek.
Logan's expression softened slightly as he looked at Hanna and at the mysterious scar that troubled her so. Alam nyang meron ding sariling problema ang babae. Subalit,pinatira sya nito sa kanyang bahay na hindi man lang nito inisip ang sariling kaligtasan. Bukod pa don, inalagaan din sya nito ng mabuti. Whatever he was involved in, now she was involved in it, too. At yon nga ang nagpagulo sa kanya.
Kahit paman may posibilidad na isa nga sya doon sa mga nakatakas na suspek. Pero hindi naman nagpapakita ng kahit kaunting takot sa kanya si Hanna,at sa halip pa nga ay mas nagpakita ito ng awa sa kanya at pag unawa.
"Look"he said,swallowing hard."Pasensya na kung hindi man lang ako tumanaw ng utang na loob sa lahat ng ginawa mo para sakin. Pero maniwala ka Hanna, it's just that I'm so damn frustrated. Kung sino nga ako at kung maghihintay na lang ba ako kung sino yong taong makapag rescue sakin."
"Masasabi ko ring tama ka"sabi naman ni Hanna.
Pero nang magsalita na ang ini-interview na pulis sa pinakinggan nilang news program sa radyo,bigla namang nabaling ang atensyon ng dalawa sa ini-interview na pulis.
"Ano ba yang mga pinagsasabi nya?"reaksyon pa ni Hanna sa interbyu ng pulis."Hindi naman yan ang sinabi ng kaibigan ko eh. Ang sabi nya--"
"Kaibigan?"agad na tanong sa kanya ng lalaki, habang nakikita nya ang tensyon sa mukha nito."Nagkausap na kayo ng kaibigan mo? Ano naman ang mga sinasabi mo sa kanya?"
"Wag kang mag-alala"aniya pa."Hindi ko naman sinabi sa kanya na may natagpuan akong isang misteryosong lalaki sa harap mismo ng bahay ko. Na pinapasok ko ito, ginamot at inalagaan pero puro reklamo lang naman pala ang lumalabas sa bibig nito..Ngayon,sabihin mo sakin kung sino naman ang maniniwala sa kwentong yan?"
Napapikit lamang si Logan sa kanyang mga mata. There was a little hint of a smile on his lips when he looked at her again.
"Sorry..nag-iingat lang naman ako. Sige na, sabihin mo na sakin kung ano pa ang mga sinasabi sayo ng kaibigan mo."
"Sabi kasi ng kaibigan ko,na pinaiimbestigahan daw ng NBI yang si tenyente Monti, dahil baka raw may kinalaman sya sa nangyaring leak kaya nabulilyaso yong undercover operation kagabi."
"Baka naman nagkamali lang sila."pahayag naman ng lalaki. He seemed lost in thought as he rubbed his hand over his jaw.
"Anong ibig mong sabihin? Na nagkamali lang sila sa suspetsa nila kay tenyente Monti?"
"I think it's a mistake to let him know they're investigating on him. So syempre ipagtatanggol ng tenyente na yan ang kanyang sarili."
Hanna lifted her eyebrows and grinned at him.
"Hmmm..parang alam mo yata ang tungkol sa mga law enforcement procedures,huh?"
Napailing lamang si Logan sa kanya. Pero nang magsalita ulit si tenyente Monti,bigla namang natigilan si Hanna.
"I have a statement about the undercover operation last night, which resulted in the tragic death of a young police officer named Sydney Amper. I would like to put a stop to any rumors circulating about whether or not our team is fully involved in this investigation. We are cooperating completely with the PDEA and NBI., as we always do in such circumstances. Ipagpatuloy ho namin ang aming masusing paghahanap para lang ho matagpuan namin ang mga nakatakas na suspek."
Napapitlag si Hanna sa kanyang mga naririnig habang tinaponan nya ng tingin ang misteryosong lalaki. Sa nakikita nya mula dito parang uneasy talaga ang lalaki habang ito ay nakikinig.
Then, the tenyente's voice went on.
"Our team assisted last night in the raid on the Salisi river compound and will continue to assist whether we are needed..Yon lang ho ang masasabi ko, maraming salamat."
"tenyente...tenyente!"sigaw ng mga reporters."Gusto lang namin malaman ang tungkol sa mga nakatakas na suspek. Maari nyo ba kaming bigyan ng impormasyon tungkol sa kanila? Kahit mga pangalan lang ho nila?"
"Until the case is solved, our office will have no further statements."
"Ganon!"agad na reaksyon ni Hanna sa mga pahayag ng tenyente."Anong masasabi mo non? Did any of what he said mean anything to you?"
"No, I can't say it did, although.."
"What?"
"Nothing" the flashes of light behind his eyes..the memories of running through the rain didn't mean anything concrete to him. Not yet, anyway.
Hindi naman maiwasan ni Hanna ang pagka dismaya sa sagot ng lalaki.
"Diba sinabi mo sakin kanina lang na may nakita ka na isang van."paalala sa kanya ng lalaki.
"Yes,I did"sagot naman ni Hanna.
"Hindi ko talaga masasabi na iyong van na nakita mo ay yon nga ang hinahanap ng mga awtoridad."pahayag nito."or kung may koneksyon ba ito sa nangyari sakin. Kung isa nga ako sa mga nakasakay sa van,bakit hindi ko iyon matandaan?..But let's suppose it was the one. Sabihin na nating tama ka nga at kaya hindi ako natuloyan dahil nakita ng mga taong gustong pumatay sakin ang paparating mong sasakyan kaya nabigyan ako ng chance na makatakas. Kung nakita mo nga sila, so ibig sabihin nakita ka rin nila, at nakita rin nila ang sasakyan mo. Pag magkataon, hindi ka na ligtas dito Hanna. Baka isa sa mga araw nato may maghahanap sakin at sisiguradohin na talaga nila ang kataposan ko."
Napamaang si Hanna sa mga sinasabi ng lalaki sa kanya. His words brought a feeling of impending doom. She hadn't expected this. Somehow, without even knowing who this man was, she had felt safer with him here.
"Itinago ko na ang kotse ko"sabi nya pa.
Napatingin naman sa kanya si Logan na parang nagugulohan.
"Ano ulit yong sinabi mo?"
"Yong kotse ko, itinago ko na..katulad nalang sa rason na nabanggit mo. Kagabi ko pa nga iyon itinago eh, para naman walang makakita kung saan ko ito itinago dahil madilim nga. Hindi ko nga alam kung bakit ginawa ko yon, basta ayaw ko lang makitang ladlaran sa harap ng bahay ko yong kotseng ginagamit ko."
"That's good"sabi naman ni Logan."Magaling yang ideya mo."at huminga ito ng malalim as a sigh of relief."Pero hindi na ako makakapayag na magiging involved ka pa nito Hanna. Masyado itong mapanganib para sayo. Kailangang makaalis na ako dito bago paman ako matunton sa mga taong gustong pumatay sakin."
"Hindi mo naman kailangang umalis"protesta pa nya."May lagnat ka pa at mahina dahil nga sa maraming dugo ang nawala sayo. Sa tingin ko nga hindi mo pa kayang maglakad ng hundred yards."
Logan sighed heavily, but he didn't argue.
"Saan ka naman pupunta? Ni hindi mo nga alam ang pangalan mo eh. Hindi mo na rin natatandaan kung saan ka nakatira. Pwede kitang bigyan ng pera, pero hindi naman iyon tatagal, mauubos din yon..Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Either tatawag tayo ng pulis or manatili ka dito sa bahay ko."
"Makinig ka muna sakin"sabi nito."Hindi mo alam kung gaano ito ka panganib sayo. Kung meron ngang gustong pumatay sakin, hindi talaga sila titigil hangga't hindi nila ako mapapatay..Kaya ayaw kitang madamay Hanna kung mangyari man yon."
Nanlaki naman ang mga mata ni Hanna sa sinabi nito.
"Kung"panimula nya."Kung mangyari lang naman. At isa pa,hindi naman ako makakapayag na may taong pupunta dito at papatayin ka."matapang nyang pahayag."Gagawin ko ang lahat upang hindi ka nila matunton dito. Between the two us, surely we can figure out who you are before anything else happens."
Nakita ni Logan ang determinasyon sa mga mata ni Hanna, and he knew she meant what she said. Her petite body was tensed and ready for action. But he was afraid she had no idea what she was getting herself into.
Kung ano ang nakikita nya ngayon sa mga mata ni Hanna ay ang nagpa curious sa kanya. She had said she didn't care about anything anymore. But right now he would swear that she did care. That here eyes were filled with concern and compassion and a burning determination.
He leaned his head back at ipinikit nya ang mga mata. Ang palaging pagsakit ng kanyang ulo ang bumabagabag sa kanya, and he found that despite the dilemma he faced, wala na syang lakas upang labanan ang kanyang antok.
"Hindi ko to gusto"he muttered."Pero natatakot akong tama ka nga..Masyado akong mahina ngayon para makipagtalo."
"Mabuti naman kung ganon"sabi pa ni Hanna.
Naku-curious naman sya sa tuwing hahawakan ni Hanna ang kanyang peklat. He had noticed that she did that a lot when she was thoughtful or distracted.
"Hanna...halika nga dito"tawag nya rito.
Samantalang nabigla naman si Hanna sa malumanay na boses nito, at hinay-hinay syang umangat sa rocking chair para tumabi dito.
*****