Chapter 13

1770 Words
Maingat na binuksan ni Hanna ang front door at agad naman syang dumiretso sa kwartong kinaroroonan ng lalaki.   As she stepped into the room she was suddenly aware of someone beside her. Napasigaw sya ng malakas dahil sa gulat, at bigla namang may mga brasong humablot sa kanya.   He pulled her against him, his breathing heavy and loud in the quiet room. Napakainit ng katawan nito,siguro dahil may lagnat pa ito. Tumindig naman ang lahat ng balahibo nya ng maramdaman nya ang mainit na hininga ng lalaki nang bulongan sya nito.   "Tumawag ka ba sa kanya habang natutulog ako? Anong sinabi mo sa lalaking yon?"he hissed.   For a moment, napapanic naman si Hanna sa mga tanong ng lalaki. Hindi ba nito alam na pinagkatiwalaan nya ito higit pa sa kanyang inakala. Nagawa pa nga nyang magsinungaling para lang maprotektahan nya ito.  Nakapagsinungaling sya dahil lang sa isang lalaki at ni hindi nya alam kung isa ba itong kriminal.   "Hindi, hindi ako ang tumawag sa kanya..at wala akong sinabi na kahit anuman sa kanya."pagtanggi pa nya.   His arm was across her shoulders and neck as he held her tightly back against him.   "Wag kang magsinungaling sakin"sabi naman ng lalaki.   Hanna put her hand up to pull against his tensed forearm. Hindi nya kasi maigalaw ang kanyang ulo para matingnan ang lalaki.   "Please.."sabi ni Hanna. Kailangang maipakita nya sa lalaki na hindi sya takot nito.   "Bakit mo to ginagawa? akala ko ba--"   "Akala mo ba pinagkatiwalaan kita? Siguro nga."angil nito."At siguro nagkamali ako. At this point I'd be a fool to trust anyone. Kahit pa sa maganda na tulad mo."   "I swear, wala talaga akong sinabi na kahit anuman sa kanya."   "So anong kailangan nya? bakit sya pumarito?"iniharap sya ni Logan pero di pa rin sya binitiwan nito.   Nagtaka si Hanna kung pano na kaya ng lalaki ang manatiling nakatayo ng medyo ganon katagal. Kung ang pagbabasehan nya ay ang init ng katawan nito, then he must be very very sick.   "Ang init mo"biglang sabi nya. She moved her head and tried to glance back at his face."Hayaan mong tulongan kitang akayin papuntang kama at--"   That was a joke. Ni ayaw nga nitong tulongan sya.   "Sagotin mo lang ang tanong ko"angil parin nito.   Napabuntong-hininga naman si Hanna. Hinahawakan pa rin sya ng mahigpit ng lalaki, and for a moment as she leaned against his hard body, she almost forgot that she was in danger.   "Nabanggit nya yong raid sa Salisi compound"nakikita ngayon ni Hanna ang tensyon sa mukha ng lalaki habang nakikinig ito sa kanya."Sinabi nya na hindi pa raw nahahanap yong dalawang suspek na nakatakas."   "Ano pa?"   "P-pinayohan nya akong hanapin ang shotgun ng lolo ko..at kung may magtangka mang pumasok sa bahay ko, babarilin ko muna daw ito at mamaya na yong mga tanong."   "That son of a b***h"he said in amazement."Umaasa syang babarilin mo ko. To make the job easy for him."   Sumandal si Logan sa dingding habang hawak-hawak pa rin nya si Hanna.   "Sa tingin mo ba aalis kaya sya pag sinabi ko sa kanya ang tungkol sayo?"she asked.   "He might"sagot nito.   "Baka lumulutang na nga yong van sa ilog ngayon." Hanna had the feeling he was talking to himself more than to her."Alam kong nagbabakasakali lang ang taong yon na makikita nya ang katawan ko dito."   Sa katunayan, pareho lang naman sila ng iniisip ng lalaki. Kaya nga ng tinanong sya ni tenyente Monti tungkol roon sa kotse nya ay agad syang naka pagsinungaling. Dahil nararamdaman nya na sangkot ang tenyente sa mga nangyayari.   "Nagtanong rin sya kung nasaan ang kotse ko, at kung nagpupunta pa ba ako sa syudad, kasi nakita raw nya ako sa Makati kahapon."sabi nya, at bigla namang nanahimik ang lalaki ng ilang segundo.   "Oh hell" binitiwan na sya nito, pero inilipat lang pala ng lalaki ang pagkakahawak nito sa balikat nya at mariin syang tinitigan sa mga mata nito.   "Ano talaga ang sinabi mo sa kanya? wag kang magsinungaling sakin Hanna." napakunot-noo itong tinitigan sya ng matalim."Dahil kung.."   "Hindi ako nagsisinungaling."aniya." Totoo na kilala ko si tenyente Monti. Pero hinding-hindi ko sya pinagkatiwalaan. At siguradong hindi ko sya ipapagtatanggol kung sangkot nga sya sa mga nangyayari. At Hindi ko rin alam kung pano kita makukumbinsi na nagsasabi ako ng totoo."   "Bakit hindi mo sya pinagkatiwalaan?"   "It's personal" yon lang ang nasabi ni Hanna. Ayaw na kasi nyang ugkatin pa ang aksidenteng ikinamatay ng kanyang asawa.   Nagtagis ang mga bagang ni Logan habang tinitigan pa rin nya ng matalim si Hanna. As if he could read her mind if he looked hard enough into her eyes.   Samantalang nakikita naman ni Hanna ang mapuputing ngipin ng lalaki, as he bit his lower lip na sinabayan nito ng kunot sa noo. He seemed a bit confused and disoriented.   "Please"she said, reaching out."Dapat nakahiga ka ngayon sa kama, nagpapahinga. Mahina ka pa, at natatakot ako na mas tumaas pa ang lagnat mo."   Sa katunayan, nanghihina na nga ang mga tuhod ni Logan, pero kinaya pa rin nya ang makatayo ng tuwid. He pushed her hands away and walked stiffly and slowly toward the bed.   Pinagmamasdan lang ni Hanna ang mga galaw ng lalaki, at hindi nga sya makapaniwala sa kanyang nakikita.   Napakatigas talaga ng ulo ng lalaking ito, sa isip ni Hanna. Masyado pa kasi itong mahina para pilitin nitong tumayo, and she could see for herself that he was in terrible pain. And yet he still wouldn't let her help him.   Nang makaakyat na ang lalaki sa kama, kumuha agad sya ng thermometer at nilagay ito sa kili-kili ng lalaki. After a few minutes later, kinuha na nya ang thermometer mula sa kili-kili ng lalaki at binasa ito. Nagulat nalang sya ng makita nya kung gaano ka taas ang temperatura nito..Ano ba itong ginagawa nya? nag-aalaga sya ng isang tao na malala na ang kundisyon? He should be in a hospital with a critical-care doctor and twenty-four-hour nurses.   "Kailangang bumaba ang lagnat mo"aniya sa lalaki."It's 39.9 degree celsius. Nag-aalala na talaga ako sa infection mo."   Nanlaki lamang ang mga mata ng lalaki habang nakatitig pa rin ito kay Hanna.   "Ano naman ang sinabi mo tungkol doon sa kotse mo?"biglang tanong ng lalaki sa kanya, his breathing quick and hard.   Napabuntong-hininga lang si Hanna at napailing. Sa tingin nya hindi talaga sya lulubayan ng tanong ng lalaki hangga't hindi nya masasabi ang gusto nitong malaman.   "Sinabi ko sa kanya na pinaayos ko pa."   Napailing naman ang lalaki."Hindi sya maniniwala non. Alam mo ba kung anong gagawin nya? magpapadala sya ng mga tao rito sa gabi at tiyempohin nyang natutulog ka na. Syempre susuriin nila ang paligid, at don nya malalaman kung nagsasabi ka nga ng totoo."   "I can't help it" aniya pa."Yon lang talaga ang naisip kong dahilan sa mga sandaling iyon."   "Hindi na mahalaga yon. Hindi ko naman sinasabi na mali ka. I just wish to hell that..."   "What?"she asked."Na sana wala ka sa sitwasyon na ito? Well, I wish that too. Pero alam mo, ang isang bagay na natutunan ko sa mga nakaraang buwan, na hindi talaga totoo ang mga hiling, dahil lahat ng hiling ko ay hindi naman nagkatotoo. Kaya nga hindi nalang ako mag aksaya ng panahon na humiling pa." Napatingin lamang si Logan sa mga mata ng babae, kung si Hanna hindi naniniwala sa mga hiling-hiling, kabaligtaran naman ito sa pinaniniwalaan nya. Sa katunayan nga, marami syang gustong ihiling. At sa mga oras na yon, gusto nyang humiling na sana kilala nalang nya ang kanyang sarili. Na sana malakas sya para mailayo nya si Hanna sa lugar na yon.   Totoo, ayaw nyang madamay dito ang babae, but there were other reasons for wanting to get away,too. Mga rason na hindi nya maipaliwag sa sarili. But this time, isi-set aside muna nya ang kanyang personal na nararamdaman. Dahil magiging kumplikado lang ang lahat pag ang nararamdaman nya ang kanyang paiiralin. And as he looked into Hanna's face, he sensed that she could complicate a man's life real good.   But the thing he wanted most had nothing to do with his instincts or survival, or even his memory. Ang Gusto lang naman nya ay mapawi ang lungkot sa mga mata ng babae. He wanted to be the one to make her believe in wishes again. And those thoughts surprised and shook him. Marahil din dala lang ito sa kanyang mataas na lagnat, kaya kung ano-anu nalang ang kanyang naiisip.   Hanna turned away and left the room. Sa kanyang pagbalik, bitbit na nya ang palanggana at puting bimpo. Kumuha sya ng silya roon at umupo sa tapat ng lalaki. Pinagsalin nya ito ng tubig mula sa pitsel at pinainom nya ito ng paracetamol. Then, walang imik-imik na tinanggal nya ang bathrobe ng lalaki at pinahiran nya ng basang cloth ang matigas na dibdib nito.   Napapikit lamang si Logan sa kanyang mga mata. He shivered and forced his eyes open again as he reached for the cloth.   "Ako na, kaya ko na to"he said through chattering teeth.   "No, ako na"pagmamatigas na sabi rin ni Hanna."Ako ang nurse dito at pasyente ka lang. Hayaan mo nalang ako."   Kaya hindi na lamang nag protesta pa sa kanya si Logan, pero sa isip ni Hanna, alam nyang nagpaubaya lang ito dahil wala pa itong sapat na lakas na makipagtalo sa kanya. Nararamdaman pa nga nya ang panginginig sa katawan nito.   Patuloy lang ang pagpapahid ni Hanna sa katawan ng lalaki hanggang sa ito ay makatulog. Somehow, kahit tulog pa ito, hindi pa rin nya maiwasang pagpantasyahan ang pangangatawan ng lalaki. Napag-isip nya na hindi naman sya ganito noon sa mga male patients nya.   Nakaupo pa rin sya habang masusing tinitigan ang kabuuan ng lalaki. Na aalala tuloy nya ang paghablot at pagkakahawak sa kanya ng lalaki kanina. Nakita rin nya ang galit sa mukha nito, pagsuspetsa at kawalan ng tiwala sa kanya. Alam nyang kinimkim lang ito ng lalaki habang ang ipinapakita nitong maskara sa kanya ay ang pagiging charming nito.   Pero alagad man sya ng batas or kriminal..devil or angel. Hindi pa rin sya makapag decide kung ano talaga ang nararapat nyang gawin.   Pumunta na lamang sya doon sa kitchen at kumain ng tinapay. It tasted good to her. Hindi man lang nya realized kung gaano sya ka gutom sa mga sandaling iyon.   Hanna knew she had to do something about her car. Kung totoo nga ang suspetsa nya kay tenyente Monti, then it was only a matter of time until he learned that her car was just at her back garage. At sa oras na matutuklasan nito na nagsisinungaling sya, na hindi talaga pinaayos ang kotse nya, baka magduda na tuloy ang tenyente sa kanya.   *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD