Chapter 8

1250 Words
Logan seemed confident na sa kanyang pagising kinaumagahan ay maalala na nya ang lahat,and hope for his sake that it happened.   Samantalang hindi naman naniniwala si Hanna sa iniisip ng lalaki kasi alam nyang it would take time na maalala ng taong may amnesia ang kanyang nakaraan. But she hadn't the heart to tell him how unlikely it was, that it might not ever happen at all.   Tumayo naman si Hanna at binuksan nya ang maliit na radyo sa kusina. Habang nakikinig sya sa musika at painom-inom ng kape,bigla namang huminto ang musika dahil sa breaking news kaya nakinig sya ng maigi kung tungkol saan ang balita.   "At dawn this morning, police, agents from NBI and PDEA raided a backwoods compound on the Salisi River. It has long been rumored na may ilang grupong naninirahan don na sangkot sa mga illegal na activities gaya ng drugs at gun smuggling. The raid came after the undercover operation last night, at sa kasamaang palad meron isang baguhang policewoman na namatay. Pahayag pa ng mga saksi na itinapon daw ang katawan ng babaeng pulis mula sa isang van. Police have not confirmed the story and are releasing no other information, dahil sabi rin ng iba nating sources na hindi raw successful ang naging operasyon dahil nakatakas raw ang dalawang suspek. The police and NBI will not confirm or deny it, although there was a very intense search in the area last night. Pero hindi natuloy ang paghahanap dahil nga sa lakas ng ulan kagabi. Police are also on manhunt sa sinasabi ng mga saksi na dark green van..Ang buong storya ng breaking news ay inyong matutunghayan mamaya sa panayam ni insp. Monti sa balitang tanghali."   Pagkatapos marinig ni Hanna ang balita. Pasalampak naman syang umupo sa silya roon. Habol nya ngayon ang kanyang hininga, as the reality of what the announcer said sunk in, she felt momentarily stunned.   Posible kaya na ang taong nasa pamamahay nya ngayon ay isa don sa mga nakatakas na suspek?   Napatingin sya sa orasan. It was ten o'clock in the morning. Kailangang marinig ng lalaki ang balita sa tanghalian, baka sa ganoong paraan maalala na nya ang kanyang nakaraan.   "My gulay"she murmured."This is unbelievable."   Tiningnan nya ang direksyon ng kwartong kinaroroonan ng lalaki. At nagulantang na lamang sya ng tumunog ang kanyang cellphone, she almost jump out of her skin and hurried to answer the call.   "Hanna?"   "Oh..Lucy napatawag ka?"Hanna said breathlessly.   "Naku,naku bes, talagang worried to death ako sayo."   "At bakit naman?"Hanna said,suddenly alert and cautious.   "Hindi mo kaya ako tinawagan kung safe ka bang nakauwi dyan sa Santa Rita. Tinawagan kita pero unattended ka naman. Ang lakas pa naman ng ulan kagabi. Tuloy nagi-guilty ako dahil nag insist pa naman akong papuntahin ka dito sa bahay ko."   "Sorry bes, na lowbat kasi ako at nag brown-out pa ng makarating ako sa bahay."sabi ni Hanna. Atleast that was the truth."Naputol rin kasi ang linya ng telepono ko rito."she glanced at the hall, hoping na hindi masyadong malakas ang boses nya ng sa ganon hindi magising ang pasyente nya. He needed rest more than anything.   "Ewan ko, pero hindi talaga mapanatag ang loob ko sayo bes eh, pupunta nalang kaya ako dyan."   "Uh-noh, I mean.."sabi ni Hanna, her voice was breathless and anxiety."Hindi na kailangan dahil okay lang ako..What shift are you on today?"tanong nya,trying to change the topic.   Magkababata sina Hanna at Lucy, halos sabay na nga silang lumaki. They'd gone through nursing school together and ended up working at the same hospital.   "Second shift ako ngayon.. Diba sinabi ko na yan sayo kagabi?"   "Oh yes, that's right, sinabi mo nga."   "Hanna, sabihin mo nga sakin ang totoo. Is everything all right?"   "Oo naman,everything's fine."   Mag-ingat ka sa sasabihin mo Hanna,paalala nya sa sarili. Alam kasi nyang kilalang kilala sya ni Lucy kung kailan sya nagsasabi ng totoo o hindi.   "Honestly bes,"sabi nya sa kaibigan."Pagod lang talaga ako. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi..d-dahil nga sa lakas ng ulan, tas takot pa ako sa kidlat at kulog."napakunot-noo sya sa sariling sinasabi, sana lang maniwala sa kanya si Lucy.   "Alam ko, dahil noon ka pa takot sa kidlat at kulog. Ang sa akin lang kasi parang marami ang hindi magandang mangyari pag malakas ang ulan sa gabi. Early babies, domestic quarrels and even car accidents..Narinig mo na ba ang balita dyan sa Santa Rita?"nagsimula namang kabahan si Hanna sa tanong ng kanyang kaibigan.   "Grabe,it's just horrible. Sa totoo lang, natatakot ako para sayo Hanna, nag-iisa ka lang dyan at babae ka pa. Nakausap ko nga pala si nurse Beth sa E.R. at alam mo ba sa hospital na pinagtatrabahoan natin dinala ang nasawing policewoman. Sabi ni Beth sayang daw dahil batang-bata at mestisa daw yong babaeng pulis. Marami ngang pumupunta na taga media roon ng malaman nila na doon sya sa San Lucas Hospital inilipat. At alam mo ba, law enforcement has been blaming the hospital at syempre defense mode naman ang ginawa ng San Lucas. May mga rumors din bes, na kaya daw napatay ang magandang pulis dahil sa nabulyaso daw ang operasyon, and worst nakatakas pa ang mga suspek. Kaya bes,mag-ingat ka talaga dyan, dahil hindi na dyan ligtas lalo na't nagpagala-gala ngayon ang mga salarin."mahabang pahayag sa kanya ni Lucy.   "Nagbibiro ka ba? parang tinakot mo lang yata ako eh."maang-maangan nya na kunwari hindi alam ang balita.   "Basta yon ang mga nabalitaan ko. Syangapala marami pa pala akong gagawin. Nagpapasama pa kasi si Mama sa banko. Sigurado ka ba bes na okay ka lang dyan? Pwede talaga kitang puntahan dyan matapos kung samahan si Mama. Kung gusto mo dadalhan pa kita ng lunch at--"   "Wag na..wag na"aniya sa kaibigan."Hindi mo na kailangan gawin yon. Besides, gusto ko munang matulog ulit."   "Hey bes,"sabi ni Lucy sa malambing na boses."Masaya talaga ako at pinaunlakan mo ang paanyaya ko sayo. Sa wakas bumalik na rin sa katauhan mo ang bestfriend ko. Sana marami pang dinner na magkakasama tayo, sana rin makapanood na tayo ulit ng sine, at sana maisipan mo ng magpa plastic surgery at bumalik sa trabaho."   "Sana nga bes, sana nga"sabi naman ni Hanna.   "Basta wag kang mag atubiling tawagan ako pag may kailangan ka ha..bye bes, love you."   "Bye, love you too."   Pumunta ngayon si Hanna sa may veranda. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at humugot sya ng malalim na hininga. Nang sa kanyang pagmulat,ang nakita nya kaagad ay si Felix, kaya pala hindi pa umalis ang pusa dahil nakalimotan nya itong pakainin. Kumuha sya ng pagkainin sa kitchen at binalikan agad ang pusa sa  may veranda para pakainin ito. Pumunta rin sya sa likod bahay para siguradohing maayos ang kanyang pagkakatago sa kotse.   Kailangan talaga nyang matulog. Alam nya yon. Pero sa tuwing maalala nya ang nakatagpong van kagabi na tinutukoy rin ng taga balita, imposible ng makakatulog sya ng maayos.   Napatingin naman sya sa kanyang relong pambisig. Mag tatanghalian na pala. Pumasok ulit sya ng bahay para maipagluto na nya ng mainit na sabaw ang kanyang pasyente. Naisip nyang malapit na rin palang magsimula ang balitang tanghali. Kailangang makakain muna ng tanghalian ang lalaki bago pa nya iparinig nito ang headline sa nasabing news program.   Kung isa nga ang lalaki don sa mga nakatakas na suspek. Sigurado syang hindi talaga nito magugustohan ang balita. Kung kasali nga ang lalaki sa naganap na insidente kagabi, sigurado rin syang nakita nito ang pagpatay sa policewoman. And that itself could explain his amnesia, or it could be that he didn't want to remember.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD