Saving Khari

3105 Words
"Open it." Madilim ang mukha ni Detective Allen nang kunin ang bag na hinablot ni Claire kay Khari. Wala lang itong magawa dahil nag-iiskandalo na ang dalaga at napapansin na sila ng ilang kalapit na kapitbahay. "I'm betting, she already got your mom's precious jewelries and expensive stuffs," dugtong pang sulsol pa ni Claire. Muling sumulyap ang detective kay Khari bago nagsalita kay Claire. "I'm telling you she's not capable of doing it. Right, Khari?" sabi ni Detective Allen. Lumunok si Khari kahit nanunuyo ang lalamunan habang nakatitig sa kaniyang bag. Hindi niya alam ang mangyayari sa mga susunod na sandali. Hindi siya makapaniwalang dito matatapos ang kaniyang paghihiganti. Pakiramdam pa niya ay nagmamanhid na ang kaniyang mukha hanggang hita. Sinimulang buksan ni Detective Allen ang bag. Tila mauubusan na si Khari ng hangin sa baga. Nabibingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Ang pinakakinatatakutan ni Khari sa parte ng kinokonsidera niyang pangalawang buhay ay ang hindi matapos ang kaniyang paghihiganti dahil lang sa isang pagkakamali. At tila ito na 'yun sa mga oras na ito. Ipinasok ni Allen ang kamay sa loob ng bag at napakunot ang noo nito. "Show me what's inside." Hinablot ni Claire ang bag at tumapon ang laman nito sa lupa. Kumislot ang mga kilay ni Khari at naghandang lumitaw ang kaniyang- "Vitamins? Nagnakaw ka ng vitamins?!" di makapaniwalang sambit ni Claire. "Hindi 'yan ninakaw ni Khari, Claire. They're hers," paliwanag ni Detective Allen. "Hindi ako magnanakaw," sa wakas ay nasabi ni Khari. Kahit nahihilo ay nagawa niyang lumapit para damputin ang mga natapong laman ng bag sa lupa. Kahit di niya maipaliwanag kung paanong nangyari 'yon, ang mahalaga ay ang makatakas siya sa sitwasyon. Bigla siyang nakaramdam ng matinding liyo nang tumayo siya at tuluyan nang nagdilim ang kaniyang paningin. ************* Bumukas nang malakas ang pinto ng kaniyang kuwarto. Mula sa kama ay nakita niya ang mga demonyong nagpasukan kahit madilim ang paligid. Naghalakhakan ang mga ito nang makita siya at agad lumapit sa kaniya. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang humingi ng saklolo pero nakaposas siya. Hinablot siya ng isa. Winasak ng isa ang damit niya. Sinabunutan siya ng isa pa at pinaibabawan ng pinakamalaking halimaw sa lahat. Lahat sila ay dinidilaan ang kaniyang katawan. "Amin ka! Hahahahaha!" Isang halik ang dumampi sa labi niya. "AAAAAAahhhhh!" Pinilit ni Khari makatayo. Kahit nanlalabo ang mata niya nang makadilat ay agad niyang ibinaon ang kaniyang mga kuko sa leeg ng lalaking kaharap niya. "Mamatay ka! Mamatay ka!" "K-Khari... Khari... Whake up." Hindi magkamayaw sa iyak si Khari sa diring kaniyang nararamdaman. Lalo siyang nagpumiglas nang makawala sa kaniyang kuko ang lalaki at maramdaman ang pagkakakulong niya sa loob ng matitigas na braso nito. "Bitiwan niyo ko, maawa kayo sa 'kin! Mommy! Daddy!" palahaw niya. Damang- dama niya ang takot. "Khari, it's me. It's just me..." Kumirot ang sugat ni Khari sa braso at tagiliran. Wala siyang magawa kung di ang umiyak. Isa siyang mahinang nilalang. Napakabata pa niya at nabiktima siya ng kasamaan. "Shhhh... It's gonna be okay, Khari. I'll protect you. I'm here..." Tila unti-unting kumalma si Khari sa mahinang ugoy na ginagawa ng nakayakap sa kaniya. Hinahaplos nito ang kaniyang buhok. Gusto niyang kumalma at maniwala. Gusto niyang maranasan ulit ang kaligtasan dahil sa proteksyon ng iba. Ng iba. Bumalik ang katinuan ni Khari at tuluyang nahimasmasan. Huminto siya sa paghikbi at agad kumalas sa bisig ng lalaking nakayakap sa kaniya. Sumalubong ang nag-aalalang mukha ni Detective Allen. Kasabay noon ay ang realisasyon na naka- bra lang siya sa harapan ng binata. Agad nag-panic si Khari at inangat ang kumot na nakapatong sa kaniyang hita para takpan ang exposed niyang katawan. "Ano'ng ginawa mo?" akusa niya. "Hey, are you alright?" sabay hawak ng detective sa noo niya. "Ang sabi ko, ano'ng ginawa mo?" ulit niya nang may diin sa boses habang lumalayo sa kamay nito. "You collapsed, okay? Binitbit kita pabalik ng bahay and saw your bleeding wounds. I cleaned it and gave you first aid. I let you sleep but planned to take you to a hospital nang magsisigaw ka," mahabang paliwanag ng detective. "Do you remember what happened to you last night?" Natahimik si Khari habang inaalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Ang intrimitidang si Claire. Ang bag niya. Agad niyang kinonsidera ang unang paglilibing nang buhay sa babaeng pakialamera. Pero bakit walang nakitang baril at mga patalim sa bag niya? Si Anton. Sigurado siyang si Anton ang nagpalit ng mga vitamins sa kaniyang bag bago sila nakaalis ni Detective Allen sa bahay nila. Sa pagmamadaling makapunta ng bundok ay inalis lang niya ang nasa ibabaw na mga damit at di na nagawang silipin pang muli ang nakabalot sa ilalim ng bag niya. Sinagip na naman siya ni Anton. "Hindi ako magnanakaw. Wala akong kinuhang kahit ano dito sa bahay mo," nanghihinang wika ni Khari sa kaharap. "I know," wika nito. Kinuha ng detective ang tray ng pagkain sa side table at ipinatong sa hita niya. Pinasandal siya nito sa headboard para maging komportable. "Eat, para lumakas ka. We still need to go to the hospital." "Huwag na. Okay na ako," tanggi ni Khari. "Pasensiya ka na sa abala. Mamaya lang ay makakapagtrabaho na 'ko." "Magpahinga ka lang. Kailangang makita ng doktor 'yang mga sugat mo at mga pasa. Don't tell me sa hagdan at banyo din 'yang mga 'yan galing." Sabay tingin ng detective sa may parteng tagiliran niya. "Oo, sa hagdan din 'to," giit niya. "M-madalas akong mag-sleepwalk. Madalas akong madisgrasya kapag malalim ang tulog ko," alibi niya. "Really," sabi nito na parang di kumbinsido. "So are you gonna tell me kung saan ka galing kagabi?" mahinahong interrogation ni Detective Allen. Hindi agad umimik si Khari. Hindi siya sigurado kung paniniwalaan siya ng detective. Pero kailangan niyang subukan, kung hindi ay mapupunta pa rin sa wala ang lahat. "Gusto ko sanang umuwi muna kagabi para masilip ang kapatid ko. Pero nag-alala akong wala kang taong maabutan dito kaya bumalik ako," pagdadahilan niya. Sandali siyang tinitigan ng detective bago ito nagdesisyong magsalita. "I'm sorry, nabigla kita sa pag-stay dito. Hindi ko inaasahan na magkakaproblema dahil doon." Patayo na si Detective Allen nang mapansin ni Khari ang marka sa leeg nito. "Detective, sorry din... Hindi ko sinasadyang masaktan ka," sabay tingin sa leeg ng detective. Tumikhim ito saglit habang hinahawakan ang leeg at ngumiti. "I know," wika nito saka muling tumayo. "And you can just call me Allen." Tahimik na hinatid ng tingin ni Khari ang detective palabas ng kuwarto. Hindi siya makapaniwalang umiyak siya sa bisig nito. Bisig ng isang estranghero. Allen. Kakailanganin ko ang tulong mo. *** Nagbihis si Khari at inayos ang sarili bago lumabas ng kuwarto. Wala pa siyang balak umalis sa bahay ng detective. Sa ngayon, ito na ang pinakamabilis na paraan para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa grupo ni Peter. At sasamantalahin niya 'yun. Naabutan niyang nasa bar counter ng kusina si Allen. May hawak itong tablet habang umiinom ng juice. Seven-thirty ang nakasaad sa malaking relo sa dingding. "Gusto mo ba ng kape?" tanong ni Khari dito habang nilalapag sa counter ang tray na hinanda ni Allen sa kaniya sa loob ng kuwarto. "Sure, thanks," sagot nito na sumulyap sa kaniya bago muling binalik ang tingin sa tablet. Naglakad si Khari sa likod ni Allen para masilip ang binabasa nito saka dumiretso sa electric pot. Nang makapagtimpla ng kape para sa detective ay tumabi siya ng upo sa binata. Kailangan malaman ni Khari ang tungkol sa pag-ikot ng grupo ni Allen kagabi. "Mabuti pala umuwi ka nang maaga kagabi. Pero akala ko gagabihin ka," panimula niya. "Well, yeah," maikling sagot nito na parang biglang di mapakali at humawak ng batok. "Hindi natuloy ang lakad niyo?" tanong niya muli. Sumulyap si Allen sa kaniya kung kaya't mabilis naman siyang tumutok sa pagkain para magmukhang kaswal ang tanong niya. "Natuloy," tanging sagot ni Allen. Gustong diretsuhin ni Khari ang pagtatanong pero nagpigil siya. Hindi siya maaring magpahalata kahit naiinip na siyang malaman ang buong nangyari sa kakahuyan. "Are you a college grad?" biglang tanong ng detective sa kaniya. Umiling si Khari. "Hindi ako nakatapos ng high school." Naalala niya bigla ang kaniyang mga awards at recognition noong elementary hanggang highschool niya. Pero wala nang silbi ngayon sa buhay niya ang mga 'yun. "Do you know how to use a computer?" muling tanong ni Allen. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Khari. "Nothing. I was just thinking, maybe I could use your clerical skills," sagot nito. "Puwede naman, utusan mo lang ako," sagot ng dalaga. "Gusto mo bang bumalik sa pag-aaral?" Napahinto sa inom ng kape si Khari nang tila mabilis na sumagot ng oo ang utak niya. Nakakagulat lang na kahit si Anton ay di naitanong iyon sa kaniya. Wala sa sariling napailing siya para kontrahin iyon. "Why not?" tanong ni Allen. Umangat ang mata ni Khari sa direksyon nito. Walang bakas ng kahit ano ang expression ni Allen bukod sa malambot nitong titig sa kaniya. Kung napagmasdan nito ang katawan niya kanina, marahil ay di lang sugat at pasa ang nakita nito. Maging ang mga pilat niya. Ang mga marka ng tama ng baril na pamilyar sa mata ng isang pulis. Isiniksik niya sa isip niya na hindi siya dapat magpakita ng kahit na ano sa lalaking ito. "Hindi na 'ko bata," pagtutuldok niya sa usapan. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila at si Allen ang bumasag nito. "Well, pagkatapos mo kumain, magpahinga ka na muna ulit." Tumayo na ito para umakyat. "Nahuli niyo ba ang hinahanap niyo?" habol na tanong ni Khari. "Don't worry. If maisip man nilang pumasok dito, mahihirapan sila. Nagpadoble kami ng duty dito sa loob ng subdivision," sagot nito. So di nila nakita ang mga demonyo kagabi. Marahil hindi sila ang mga nandoon sa kubong 'yun. "Nakatakas sila?" di niya napigil na itanong ulit. "Hey, don't worry about it," ulit ni Allen bago umakyat ng kaniyang kuwarto. Agad niyang naalala si Anton kaya dinukot ni Khari ang phone para mag-text at kumustahin sila ni Kristof. Gusto niyang ikuwento ang nangyari kagabi ang muntik na niyang pagkahuli at ang nakita niya sa liblib na kakahuyan. Magpapasalamat din siya sa ginawa nito kaya kahit nawalan siya ng malay ay ligtas ang kan'yang pagkatao. Nang wala itong reply ay tinawagan niya na ito. Kumunot ang noo niya nang di niya ito nakontak. Madalang na lowbat o walang signal ang telepono ni Anton. Walang nagawa si Khari kung di itabi ang telepono. Tinapos niya ang pag-aalmusal. Nang makapag-ayos ng kusina ay naglinis linis siya ng ibabang bahay. Medyo masakit pa ang kaniyang katawan kaya ininuman niya ito ng pain reliever gaya ng nakasanayan. Sumilip si Khari sa itaas nang alas-nuwebe na ay di pa rin bumababa mula sa kuwarto nito si Allen. Naisip niyang baka nakatulog ulit ito dahil sa puyat sa kaniya kaya naisip na niya tuloy pumasok sa library. Sumalubong sa kaniya ang makalat na mga papel sa isang mahabang lamesa. Naisip niyang narito pala sa silid ang tatrabahuhin niya. Nagsimulang mag-ayos si Khari. Pinagsasama-sama nito ang mga sa tingin niya ay may kinalaman sa isa't isa. Nadampot niya ang isang papel nang mabasa nito ang pangalan ng pabrikang huli niyang pinuntahan. "Khari," "Detective," gulat niyang wika sabay mabilis na itinago sa likod niya ang papel. "Pasensiya ka na. Pumasok ako para maglinis, itatabi ko lang sana tong mga nakakalat." Bumaba ang tingin ni Allen sa mesa kaya pasimpleng kumilos si Khari para di nito mapansin ang pagsauli niya ng hawak na papel sa mga nakakalat. "Hindi ba ito yung sinasabi mong kailangan mo ng tulong?" dugtong ni Khari. "Hindi 'yan, saka na 'yun. Aalis muna ako, dapat ay nagpapahinga ka na muna," sagot ni Allen. "Okay lang naman ako. Saan ka pupunta?" tanong ni Khari sabay tingin sa suot nito. "Trabaho. I'll see you later, okay?" Sumunod si Khari nang lumabas ng library ang binata. Isinara nito ang library nang makalabas siya. "Huwag ka na lang lumabas nang di ko alam. You know, just to avoid misunderstanding," wika ni Allen na nagpapaalala ng nangyari kagabi. "O-oo. Sasabihin ko sa 'yo kung lalabas ako." "Bakit, may pupuntahan ka ba?" "Ah... Hindi ko kasi makontak si Anton," sagot niya nang maalala ang pagtawag kanina. "Hindi ko makumusta ang kapatid ko." Bahagyang kumunot ang noo ni Allen bago ito nagsalita. "Just wait 'till this afternoon. If hindi mo pa rin sila makontak, sasamahan kita sa inyo." "Salamat." Naglakad palabas si Allen at walang nagawa si Khari kundi panoorin ito. Mas mabuti ngang umalis ito at makapag-isa siya. Mas makakapag-isip siya nang walang iniintinding iba. Kumilos si Khari para pumasok ulit sana ng library nang mamataan niyang nasa gate pa lang si Allen. "Sabihin mong wala na ako. Don't let anyone in and out kung wala ako... Yes, may bisita akong nakatira dito," dinig niyang habilin nito sa telepono. Lumingon ang binata pabalik sa direksyon niya kaya mabilis siyang nagtago. Nagdugtong ang kilay ni Khari sa tono nito. Nang makalabas ang sasakyan ng binata, agad siyang pumunta ng library. Laking dismaya niya nang naka-lock na ito. Pasimple siyang umikot ng tingin para makita ang cctv na nakatutok sa kaniya. Nang makita niyang posible siyang nakikita ay lumayo na siya matapos punasan kunwari ang door knob. Kailangan niya na yatang makagawa ng paraan. Kailangang mapabilis ang pagkuha niya ng impormasyon bago pa siya tuluyang pagdudahan ni Allen. ****** Muli niyang idinayal ang number ni Anton. Gusto niya sana'ng makausap ang kapatid pero patay pa rin ang telepono nito. Nakailang beses na niyang sinubukang kontakin ang binata buong maghapon pero bigo siya kaya nagulat siya nang may mag-text message sa kaniya galing sa di kilalang number. "Burahin mo lahat ng nasa inbox mo." -sabi ng text message. Nagtalo ang isip niya kung tatawagan ang numero o hindi. Tiningnan niya ang laman ng inbox niya. Lahat ng laman nito ay pawang si Anton lang naman. Nag-aatubili man ay tinawagan niya ang numero. "Khari." "Anton, kaninong number ito?" sagot-tanong niya nang makilala ang boses sa kabilang linya. "N-nanakaw ang cellphone ko. I-block mo ang number na 'yun at bumili ka ng bagong sim card," utos nito. "Kumusta ka?" Dinig ni Khari ang pagkabahala sa boses ng binata kaya nagpasya siyang huwag na sabihin ang totoo. "Ayos lang. Salamat sa vitamins," sagot niya. Bumuntong-hininga si Anton. "Mas kailangan mo 'yun para maging ligtas ka." Napangiti si Khari. Hanggang ngayon ay humahanga pa rin siya kung paano nasasagip ni Anton ang buhay niya sa tamang pagkakataon. "Kumusta si Kristof?" tanong niya. "Mabuti siya, naglalaro sa ibaba, birthday ng anak ni Pastor. Pero mas mapapanatag kami kung aalis ka na r'yan. Please, Khari, umuwi ka na," giit na naman nito. "Sandali lang ako dito. Malapit na 'ko makakuha ng impormasyon. Bago magbagong taon, uuwi na ako," assurance niya kay Anton. Muling bumuntong-hininga si Anton at di na sumagot tungkol doon. "Pagkatapos natin mag-usap, baliin mo na ang sim card mo, okay?" "Okay. Pakisabi kay Kristof, tumawag ako. Mag-iingat kayo," habilin niya. "Mas mag-ingat ka," sagit ni Anton. Binuksan ni Khari ang likod ng telepono nang matapos nila mag-usap. Hinugot niya ang simcard at pinutol iyon. Pasado ala-singko na ng hapon kaya naisip niyang maghanda ng hapunan. Kahit medyo masama ang pakiramdam ay kumilos si Khari. Magsisimula na siyang magluto nang ma-realize niyang wala ng gas ang stove. Sinubukan niyang umikot sa likod ng bahay para i-check kung mayroong puwedeng gawing kalan at humagilap ng maliliit na sanga sa garden. Hindi naman katagalan ay nakapagsindi siya ng siga. "Khari? Khari? Khari!" Nagtaka siya nang marinig ang boses ni Allen na parang may panic. Pumasok siya mula sa pinto ng dirty kitchen para magpakita rito. "Detective-" "Khari," Nagulat si Khari nang bigla itong lumapit at hawakan siya sa magkabilang balikat. Hindi niya mabasa ang tinggin nito sa kaniya. "May nangyari ba?" ungkat niya. Tila nahirapan pero binitiwan siya ni Allen na napasuklay ng buhok. "Anong ginagawa mo?" biglang tanong nito nang bumalik ng tingin sa kaniya. "Ah, magluluto sana ako kaso wala ng gas. Nagsisiga ako sa likod para makapagluto," paliwanag niya. Huminga nang malalim si Allen at saka napailing. Lumapit ito ulit at pinunasan ang ilong ni Khari saka ipinakita ang daliring may uling. "Hayaan mo na 'yan. Lumabas tayo," sabi nito. ****** Hindi man maintindihan ni Khari ang nangyayari ay sumama siya. Nagpunta sila sa kainan malapit sa overlooking na sikat na stop-over ng mga turista. Inilibot niya ang tingin sa maliliit na ilaw ng siyudad sa ibaba habang hinhintay si Allen na umoorder sa loob. May grupo ng mga kalalakihan ang nagtawanan sa kabilang mesa, di kalayuan sa puwesto niya. Sa sobrang ingay ay nakapukaw ng mga ito ang atensyon niya. Nasalubong niya ang pagngiti ng isang lalaki roon pero di niya 'yun pinansin. Sa halip inilipat niya ang tingin kay Allen na naglalakad papalapit sa kaniya hawak ang tray ng pagkain. Nakangiti itong umupo sa harapan niya. "Pinatuloy mo na lang sana 'yung pagluluto ko kanina," bungad niya sa binata. "Nagugutom na ko eh," sagot lang ni Allen na napapalingon sa maingay na grupo sa likuran nito. Kinuha niya ang atensyon ni Allen. Parang di kasi ito komportable sa ingay ng grupo sa kabila. "May ka-meeting ka ba? Parang ang dami mo yatang inorder," sabi niya nang may sumunod na waiter at inilapag ang bulalo. Buntong-hininga ang sagot ni Allen bago ito ngumiti sa kaniya. "Kailangan mo ng sabaw at protein. Magpalakas ka," sabi nito na iginitna ang bulalo. Kukuha na sana ng pansit si Khari nang yumuko si Allen matapos ay nagkrus sa dibdib at pumikit. Naiilang na tumingin sa malayo si Khari. Kumilos na lang siya ulit nang umayos ng upo ang kaharap. "Kain na," nakangiti nitong wika. Tahimik silang kumain, bukod sa awkward na sulyapan ay walang usapan na namagitan sa kanila. "Excuse me, magsi-CR lang ako," paalam niya nang matapos kumain. "Samahan kita-" Tatayo sana si Allen pero hinarang niya ito. "Ako na lang." Nagpunta siya ng banyo sa loob ng establishment. Nang matapos at makalabas ay may nakasabay siyang isang lalaki sa pinto. Nagulat siya nang maramdaman ang pagdaplis at tila pagpisil sa bandang ibaba ng kaniyang likuran. Mabilis niyang tinaliman ng tingin ang lalaking sinalubong pa siya ng ngisi at sipol. Nakilala niya ito mula sa mesa ng maingay na grupo. Agad kumulo ang dugo ni Khari. Tiim-bagang siyang lumabas. Imbes na dumiretso sa mesa nila ni Allen, lumihis siya ng daan nang marinig ang sipol na sumusunod sa likuran niya. Nang makarating sa bandang madilim na parte ng lugar ay hinarap niya ito para magantihan. Laking gulat niya nang ibang tao ang nasa harap niya. "Detective, anong ginagawa mo rito?" "I'm here to save you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD