The End Is Near

2415 Words
Pinagmasdan ni Khari si Allen. Inaayos nito ang ikinabit sa kaniyang knee pad at ngayon ay ang elbow pad sa kaniyang magkabilang braso. Hindi siya umiimik dahil deep inside her, gusto niyang bigyan ng oras mapag-aralan ang features ni Allen. Mayro'n sa hitsura nito ang tila kakaiba at nagiging pamilyar din sa kaniyang pakiramdam at the same time. "Okaay," sabi nito habang sinisipqt nito ang mga ikinabit sa kaniya. "Kailangan ba talaga natin gawin 'to?" ulit niya. "Yes." Ikinabit ni Allen nang may kahigpitan ang binder na nilagay niya sa may tyan ni Khari. "Ikaw ba, ready na?" tanong nito na patungkol sa kaniyang mga sugat. "Depende. Balak mo ba talaga 'kong saktan?" balik tanong ni Khari. Ngisi ang unang isinagot ni Allen sa kaniya. "I'm gonna teach you how to properly defend yourself," sabi nito. "Akala ko ba, kaya mo 'kong protektahan?" pang-asar ni Khari. "You know that I can. This is just for the times na wala ako sa tabi mo." Sinalubong ni Allen ang tingin ni Khari. "Kung tinatawag ako ng trabaho," dugtong nito. "Fine," pabulong sagot ni Khari na umiwas na ng tingin. "Game." Tulad kagabi, nagulat na naman si Khari nang bigla siyang hablutin ni Allen at ikulong naman ngayon sa mga bisig niya. "First rule-" Hindi naituloy ni Allen ang sasabihin dahil bumwelo na si Khari ng kaniyang siko para tamaan ito sa tigiliran. Naubo si Allen pero hindi siya nito pinakawalan kaya tinapakan niya ang kaliwang paa nito. Lumuwag ang kapit ni Allen at sinamantala niyang makakilos palabas sa yakap nito saka sinubukang buhatin at maihagis ang binata. "Be careful!" sigaw ni Allen. Dahil kontrolado ni Allen ang sitwasyon, nabigo si Khari sa balak niya. Sa halip, nagawang humarap at mai-lock ni Allen ang mga kamay ni Khari sa likuran niya. Napahinga nang malalim si Khari sa pagtitimpi. "First rule," ulit ni Allen. "Go for the weak spot then run as fast as you can," hinihingal na wika ng binata. Tila hindi rin nito inaasahan ang mga ikinilos ng dalaga. Umangat ang tuhod ni Khari na nasa pagitan ng mga hita ni Allen. Lumaki ang mata ng binata. Tuluyan siyang nabitiwan nito at napaluhod. "Thanks, coach," wika ng dalaga na may tonong pang-aasar. Nakangiting yumuko si Khari na iniaabot ang kamay para tulungang makatayo si Allen. Pero nagulat siya nang bigla siya nitong hatakin. Naihiga siya nito nang mabilis at pinaimbabawan. "I said, run as fast as you can. Hindi mang-asar," wika nito sabay kurot sa ilong niya. Napangiti si Khari sa ginawa nito. "Next rule, never put down your guard. Kahit sa tinggin mo ay panalo ka na," dugtong ni Allen. Umirap si Khari. Alam naman niyang naglalaro lang sila. Pinakitaan lang naman niya ito ng kaya niyang gawin. "Now, how are you gonna escape this situation?" Bumaba ang mukha nito at tumapat sa mukha niya. Nailang si Khari sa lapit nilang dalawa kaya mabilis niyang ikinilos ang kaliwang kamay papunta sa leeg ni Allen pero nasalo iyon ng binata at naikulong sa lupa. Sinubukan niya agad ang kanan pero mabilis din iyon nahuli. "Well?" Si Allen ngayon ang tila nang-aasar. Inikot ni Khari ang tingin sa sitwasyon niya. "Sweet spot?" hula niya. "Yes, correct," sagot nito. Nilabanan niya ang tingin ng binata. Hindi niya mahulaan ang pag-yes nito. Saan? Paano? Ano'ng sweet spot? Hindi siya makahanap ng sagot dahil sa awkward na nararamdaman sa titig ng detective. Hindi rin siya makapag-isip dahil tila nag-iinit ang pisngi niya sa di malamang dahilan. Sa muling pagkakataon, she felt like she's out of options. "That's right, Khari. Lure the enemy, make him helpless, if you have to." Kumunot ang noo niya. Hindi niya pa rin maintindihan ang sinabi nito. "Khari may gusto akong-" Bago pa maituloy ni Allen ang sasabihin ay naitaas na ni Khari ang tuhod patungo sa pang-upo nito. Nagulat ang binata at muntik masubsob sa itaas ng ulunan niya. Mabilis niyang naitayo ang sarili at pinaikot ang binata para makawala. Tumayo siya at ngumisi dito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pero alam kong gagawin ko ang lahat para di maabuso nang kahit sino," wika niya. "And that's all I'm saying, Khari." Ini-offer na ulit ni Khari ang kamay and this time, tinanggap 'yon ni Allen. ********** Nang umakyat ng kuwarto si Allen, nagsubok ulit pumasok si Khari sa library. Muli niyang naabutan ang mga nakakalat na papel sa malaking mesa nito. Inisa-isa niyang basahin nang pahapyaw ang mga papel saka pinagsama-sama ang sa tingin niya ay may kinalaman sa isa't isa. Dinampot niya rin ang mga ginupit na newspaper at itinabi. Kakahalungkat niya, nabuksan niya ang isang folder at lumitaw ang file ng mga lumang dyaryo na nagpatigil ng kaniyang paghinga. Ang balita na naglalaman ng karumal-dumal na pangyayari, pitong taon na ang nakakaraan. Isa-isa niya itong binuklat. Mga larawan ito na halos mabura na sa luma pero malinaw sa kaniyang mata. Kasing linaw ng pangyayari sa kaniyang alaala. Larawan ng kaniyang mga magulang na nakahandusay at walang buhay. Ang mommy niya kuwarto niya na hanggang ngayon ay nakikita pa niya sa kaniyang mga bangungot. Ang kinahantugan ng daddy niya sa master bedroom na ngayon lang niya nasaksihan. Sa sumunod na larawan ay nakita niya ang kaniyang paboritong comforter na nakalamukos sa sahig, katabi ng marka ng mga dugo at ng isang walang muwang na winarak ng mga nilalang na galing impyerno. Kita pa roon na halos magpang-abot pala ang kamay nilang mag-ina. Nanginginig niyang inilipat ang isa pang pahina at tuluyan na siyang naluha. Habang tinititigan niya ang kaniyang larawan na nasa ospital, puno ng kable sa katawan at nag-aagaw buhay, nangibabaw na naman ang pagkamuhi sa dibdib ni Khari. Kahit anong pigil niyang kontrolin ang sarili ay bumalik ang mga eksenang araw-gabing huma-hunting sa mga bangungot niya. Mamamatay silang lahat sa mga kamay ko. - paulit-ulit niyang naiusal sa sarili. "Khari-" Nahinto si Khari at pilit ibinalik sa katinuan ang nababaliw niyang isip. Mabilis niya sanang pupunasan ang mga luha pero huli na. Nasa harap na niya si Allen. Tumingin ito sa mga hawak niya. "Huwag kang tumingin ng mga ganiyan. Akin na 'yan-" agaw ni Allen. "Ayos lang. Ako na ang mag-aayos ng mga ito," bawi ni Khari sa inagaw na mga papel ni Allen. Pakiramdam niya ay pag-aari niya ang mga iyon. "Khari-" Napabalikwas si Khari nang hawakan siya ni Allen sa braso. "Khari, ano ba'ng nangyari sa 'yo?" "Bitiwan mo ako," di niya sinasadyang masabi. Umatras si Khari palayo. Hindi niya na maitago pa ang emosyong namumutawi ngayon sa dibdib niya. "Magluluto na muna ako sa kusina. Tatawagin na lang kita kapag handa na ang pagkain," sabi ni Khari. Hindi niya alam kung paano kakalmahin ang sarili kaya minabuti niyang umalis na ng library. "Khari, wait-" habol ni Allen. "Okay lang ako," harang ni Khari. Nagtagpo ang mga mata nila. Hindi niya mabasa ang tingin nito kaya pilit niya itong iniwasan. Ayaw niyang si Allen ang may mabasa sa mga mata niya. "Sa kusina lang ako," paalam niya. Mabilis siyang tumungo ng lababo at naghilamos. Kasabay noon ay ang pagbuhos ng luha niya. Ngayon lang niya nakita ang dyaryong iyon. Ni minsan mula nang magkamalay siya, pitong taon na ang nakakalipas, hindi umabot sa kamay niya ang balitang iyon, kahit aksidente. Ni hindi niya ito nagawang mabasa sa internet. At 'singsakit ng nakaraan ang mabasa iyon ngayon. Hindi na niya napigilang masuka. "Khari." Mabilis na inayos ni Kharizza ang sarili. "Are you okay?" tanong ni Allen. Simpleng tango ang naisagot niya sa binata. "Mabuti pa magpahinga ka na lang muna," wika ni Allen. "Okay lang ako. Sumama lang talaga ang pakiramdam ko," pagtatanggi ni Khari sa nag-aalalang binata. Tumunog ang radyo sa tagiliran ni Allen na parehong ikinadugtong ng kilay nila. "Alpha team, you're all wanted at the station," paunang sabi sa radyo. "Aalis lang ako sandali. Babalik din ako agad," paalam nito. Tumango si Khari at pilit ngumiti. Hinatid niya ng tingin si Allen hanggang sa makalabas ng main door. Pagkasarang- pagkasara nito ng pintuan ay agad siyang pumasok ng guest room para kunin ang kaniyang telepono. "Anton, kailangan ko ang mga gamit ko." ***** "Kharissa, ano'ng nalaman mo?" Maingat na ibinalot ni Khari ang baril sa isa niyang itim na shirt saka ipinasok sa secret pocket sa ilalim ng lagi niyang gamit na leather bag tuwing ganitong lalakad. "Nasa tamang lugar ako, Anton. Kaunting panahon na lang at malalaman ko na ang pinagtataguan nila," sabi niya habang isinasaksak ang mga patalim niya sa mga tagong siksikan ng kaniyang customized bag. "Sabihin mo sakin ang alam mo," ulit ni Anton. Pabuntong-hininga siyang umupo sa tabi ng binata. "Rumadyo ang kasamahan ni Allen kanina. May nakita silang telepono sa bundok at ngayon ay may lead na sila." Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Anton. Marahil pinag-aaralan na rin ng binata ang maaring gawin ni Khari. Ito lang naman ang kayang gawin ni Anton. Lagi nitong inaalam ang plano ni Khari at madalas nagagawa niyang salubungin kung saan mapapadpad si Khari para maitakas. "Hindi mo ba naiisip? Alam nilang sila ang puntirya ng Detective na 'yan kaya sila pumasok dito. Warning 'yun na di sila natatakot," giit ni Anton. "Eh, di hindi nga ako nagkamali ng lugar na pinili. Hihintayin ko na lang sila dito." Napailing na sabi ni Khari. "Khari, hindi na tama ito, please." Humarap si Anton sa kaniya na puno nang pag- aalala. "Mahihirapan kang takasan ito. Baka maipit ka pa sa kanila." "Nabasa mo ba sa dyaryo ang balitang nangyari sa amin? Nakita mo ba sa balita kung paano kami pinatay ng mga taong 'yun?" tanong ni Khari sa binata. "Khari naman..." nanlulumong sagot ng binata. "Nasa library ni Allen. Nandoon lahat ng pictures sa mga dyaryong iniipon niya. Kasama ng napakarami pang balita ng mga biniktima nila! Nandoon, Anton. Doon ko nakita ang-- ang kahabag- habag na hitsura ng mga magulang ko... ng hitsura ko nung nag-aagaw-buhay ako!" hinagpis ni Khari sa huli. "Ngayon, sabihin mo sa akin, ano ang tamang gawin?" Kinuha ni Anton ang kamay niya. "Akin ang paghihiganti, ako ang magpaparusa; kanilang pagbagsak ay nalalapit na-" Kumalas si Khari sa binata at nagpunas ng luha. Tumalikod siya para ipagpatuloy ang pagsasara ng kaniyang bag. Ayaw niyang marinig ang mga bersikulo nito galing sa bibliya. Sobra-sobra ang hinanakit na nararamdaman niya ngayon para makinig ng pangaral. "Saka ko na pakikinggan ang mga tula mo. Ikumusta mo ako kay Kristof." Lumapit si Khari sa pinto at binuksan iyon. Tahimik na tumayo si Anton at patiunang lumabas ng kuwarto. Alam nitong wala na siyang masasabi pa para magbago ang isip ni Khari. Palabas na sila ng gate nang biglang bumukas ang pinto nito. "Detective, magandang hapon," bati ni Anton. Dugtong na kilay ang sagot ni Allen. "Nagpadala lang ako ng bagong damit kay Anton," automatic na paliwanag ni Khari. "Paalis na rin ako," habol ni Anton. "May dala akong pagkain, magmerienda muna tayo," alok ni Allen sabay taas ng bitbit nito. Tatanggiban sana ni Khari ang imbitasyon ni Allen pero sumagot si Anton. "May mag-aayos na ba ng salamin mo?" ******* Inilapag ni Khari ang mga platito sa harap ng mga binata. Agad sinalo ni Anton ang pag-aayos ng pagkain. "Magkano ang magagastos sa pagpalit ng bintana?" tanong ni Allen habang pinapanood lagyan ni Anton ang platito ni Khari. "Ica-canvas ko lang ang sukat at kapal na gusto mong salamin. Bukas ay ipapadala ko na rito para maikabit." Inunahan ni Allen si Anton sa pagkuha ng juice, "Ako na," wika nito at nagsasalin sa baso niya matapos ay kay Khari. "Sa hapon ka na pumunta." "May lakad ba kayo ng grupo mo?" mabilis na tanong ng dalaga. Kumunot ang noo ni Allen sa kaniya. "Sige, hindi rin ako puwede ng umaga," sang-ayon ni Anton nang hindi sumagot si Allen kay Khari. "Puwede mo nang sukatin ang bintana. May aayusin lang ako sa library," paalam ni Allen. Nagkatinginan sina Anton at Khari pag-alis nito. "Magdahan- dahan ka sa mga pagtatanong mo," paalala ni Anton. " Linggo bukas Khari. Araw ng pagsamba." Sumulyap lang si Khari kay Anton at saka sumubo ng pansit na dala ng detective. Tanggap niyang nabigla din siya sa pagtatanong. At hindi niya iniintindi ang araw. Tumayo si Anton para puntahan ang basag na bintana at sinimulang sukatin ito. Mayamaya ay tumunog ang radyong naiwan ni Allen sa mesa. "Team Alpha, do you copy? Team Alpha. 10-81/ 10-89 near the market place. Need immediate assistance..." Mabilis tumayo si Khari at hinawakan ang radyo. "Khari-" sita ni Anton. "Sandali." Pinigilan ni Khari si Anton na lumapit. Dahan- dahang naglakad si Khari papuntang library, naghihintay ng mas malinaw na detalye sa ibinalita nitong natagpuang sasakyan at tao sa may palengke. "...Unidentified as of the moment, no docs found-" Biglang bumukas ang pintuan ng library kaya mabilis na lumapit si Khari at iniabot ang radyo kay Allen. "Bravo, 10/9," sagot ni Allen na inayos na ang suspender na suot nito. "Roger, over and out," sagit nito sa radyo. "Khari, lalabas lang muna ulit ako." "Sige," sabi ni Khari habang napapatingin sa mga baril na nakasuot sa holster ni Allen. "Allen," tawag niya nang maalala ang jacket nitong nakasabit sa upuan kanina. Hinabol niya 'yun at binigay sa binata. "Mag- iingat ka." "Ikaw rin. Ang mga pinto," habilin ni Allen. Hindi nagsayang ng oras si Khari nang makaalis ni Allen. Agad niyang pinuntahan ang library at sa pagkakataong ito, hindi nito nai-lock ang pinto. "Khari, baka mahuli tayo," paalala ni Anton. "Then stay outside. May kailangan akong makita." Agad hinawi ni Khari ang mga papel na nasa harapan niya. Ang ilan ay nakabukod na at madaling na-check ni Khari ang ilang detalye. Mga mapa. Mga larawan. Larawan ng nasa case ni Allen. Binuksan ni Khari ang folders. At agad niyang nakilala ang mga ito. Tila patalim sa mga mata niya ang malilinaw na hitsura ng mga demonyong umahon sa impyerno at naglipana sa lupa. Ang mga tattoo na nakaukit sa mga ito at sa kaniyang paghihiganti. Napapikit si Khari. Huling lumabas ang larawan ni Peter. Tinitigan niya ito. "K-Khari. Halika na sa labas," mahinahong yaya ni Anton. Isinara ni Khari ang folder at muling sinulyapan ang kumpol ng mga litrato niya at ng kaniyang mga magulang. Di na tumulo ang luha niya sa pagkakataong ito. "Malapit na Anton. Matatapos na ang laban," tiim-bagang niyang wika. "Ano'ng pinaplano mo, Khari," tila kinakabahang tanong ni Anton. "Uubusin ko sila, Anton. Hindi ako titigil. At uubusin ko hanggang sa pinakahuling bala ko sa katawan ni Peter."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD