Nagmasid si Khari sa 'di kalayuan kung saan nai-report na may naiwang sasakyan at tao sa loob.
Maliwanag pa kaya siniguro niyang maingat siyang nakatago mula sa grupo ni Allen na nag-iimbestiga malapit sa likod ng palengke. Mabuti na lang at wala doon ang binata at ang sasakyan nito sa paligid.
Sumunod na lumabas si Khari ng subdivision matapos makaalis ni Anton. Dumeretso siya sa lokasyon ng nakitang sasakyan ayon sa radyo ni Allen. Liblib ang katapat nitong lugar at iniwan na lamang basta ang sasakyan sa gilid ng kalsada sa di kalayuan. Wala na rin ang sinasabing natagpuang tao sa loob nito nang makarating siya.
Sinipat niya ang patarik na daan sa kabila. Malakas ang kutob niya na doon ang direksyon na dapat niyang puntahan. Maaring ito rin ang coordinates na nakita niya sa library ni Allen.
Magmamasid pa sana siya pero nakita na niya ang paparating na sasakyan ni Allen. Dali-dali niyang iniwan ang puwesto at maingat na tinahak ang direksyon paitaas sa paanan ng bundok.
Lumipas ang sa tingin niya ay mahigit kinse minutos nang malampasan niya ang mga talahiban. Sinalubong siya ng mga puno papasok sa masukal na daan. Kinapa niya ang puwesto ng kaniyang patalim sa likod ng kaniyang pantalon at inihanda ang sarili. Magdadapit-hapon na at magagamit niya ang dilim habang sinusuong ang liblib na lugar.
Umabot siya sa may magkahiwalay na daanan. Isang pakaliwa at isang pakanan. Pinili niya ang daang pakaliwa nang mapansin niya ang isang upos ng sigarilyo. Ilang saglit pa ay may narinig na siyang mga pagkilos. Mga yabag at mahihinang usapan.
Mukhang tama ang naging desisyon niya.
Nagtago siya sa isang malaking puno, ilang metro lang ang layo. Naaninag niya ang tatlong kalalakihang nagsisimula ng siga sa labas ng isang kubo. May ilaw ng gasera sa loob nito. Ang isang lalaki ay may hawak na baril kaya sigurado siyang kasama ng mga ito ang mga hina-hunting niya.
Tiningnan niya ang lahat ng posibleng angulo kung papaano siya makakalapit sa mga ito. Pero kailangan niyang makita muna ang pinupuntirya niya bago ang lahat. Sina Simon at Peter.
Iikot sana siya papalapit sa kubo nang biglang mag-vibrate ang telepono niya. Sa gulat ay nakatapak siya ng tuyong sanga dahilan para makagawa ng ingay. Agad siyang nagtago. Tumahimik ang mga nag-uusap kaya halos pigilan niya ang huminga.
Naging alarma at mapagmasid ang mga lalaki nang silipin niya muli. Alam niyang sa pagkakataong ito, tatagilid ang kaniyang plano.
Di niya maipapanalo ang pagsugod kaya nagpasya siyang umatras at bumaba na muna. Mahirap mahuli at mapasubo nang wala sa oras. Maghihintay s'ya ng paglalim ng gabi saka siya babalik ulit.
Hindi tumigil ang vibrate ng telepono niya. Lumitaw ang pangalan ni Anton sa screen nang silipin niya ito. Agad niyang pinatay ang tawag ng binata.
Pabalik na siya sa direksyon paibaba nang makita niya ang grupo ni Allen na paakyat. Mabilis siyang nagtago sa isang malaking tipak ng bato.
Papunta ang team nito sa lugar na pinaggalingan niya at hindi puwedeng mangyari 'yun. Hindi nila dapat makita ang kuta ng grupo at maunahan siya.
Ng-isip siya ng paraan para ilayo sila. Hindi niya puwedeng hayaan na maghanap na naman ang mga ito ng panibagong pagtataguan. Hindi sa ganitong napakalapit na niyang makuha ang gusto niya.
Mabilis na naghanap ng paraan si Khari at inikot ang mata sa paligid.
Dumampot siya ng isang bato at binalak na ihagis sa kabilang direksyon 'yun. Hindi niya alam kung uubra ang naiisip pero wala siyang ibang choice.
Bago niya maihagis ang bato, sumigaw ang isang kasamahan ni Allen, "May tao dun!"
Napasilip si Khari at laking tuwa niya na sa kabilang side tumakbo ang mga ito. Dali-dali siyang sumalisi ng pagbaba. Di pa siya lubos na nakakabalik sa may palengke nang muling tumunog ang telepono niya.
"Anton," naiinis na sagot niya. Nahinto siya ng lakad nang puro kaluskos ang narinig niya sa kabilang linya. "Hello?" ulit niya. Pinatay niya ang linya at nagpatuloy sa paglalakad nang hindi niya nakausap ang binata. Gusto niyang pagalitan ito sa muntikan niyang pagkapahamak kanina pero di naman niya tuluyang magawa.
Sa tawiran ng palengke siya nagpahinga at nag-isip ng dapat gawin. Gusto niyang masiguro ang gagawing pagbalik doon sa bundok. Kung saan maaring umikot para makaiwas in case may magbantay na mga pulis.
Paano kung andoon pa ang grupo ni Allen hanggang mamaya? Paano niya malalaman?
Wala sa sariling napatingin siya sa orasan nang mapatutok ang kaniyang mata sa isang fish stall.
******
"Saan ka galing?"
Halos mapatalon at mabitiwan ni Khari ang hawak na supot nang marinig niya si Allen sa bungad ng gate. Hindi niya napansin ang kotse nito sa dami ng umookupa sa isip niya.
Paanong nasa bahay na siya agad? -tanong niya sa sarili
"Saan ka nagpunta?" tanong nito ulit.
"Sa palengke," sagot niya sabay angat ng hawak na plastic. "Ipagluluto kita ng sinigang para sa hapunan."
Nilampasan niya ang binata at di pinansin ang kakaibang tingin nito sa kaniya. Dumirecho siya ng lababo para hugasan ang salmon.
"It's almost seven. And bakit di kita makontak? I've been calling you," sita nito habang sumusunod sa kaniya.
Paano niya nalaman ang number ko? Di ko pa naman siya tinatawagan ni minsan? - isip isip niya ulit.
"Nagpalit ako ng number," alibi niya.
"Bakit?" tanong ng detective.
Saglit na nag-isip ng sagot si Khari. "Hindi na kasi nalo-load-an yung dati. Ang hirap kumustahin ng kapatid ko," alibi niya ulit.
"Sana sinabi mo, nag-alala ako," wika ni Allen.
Bakit siya mag-aalala?
"Hindi ko inaasahang nandito ka na. Akala ko may operation kayo," pag-iiba niya ng usapan, "... kaya di ako nagmadali umuwi."
"May muntik kaming mahuli, kaso natakas," sagot ni Allen na umupo malapit sa kaniya. "Mahalaga ay may lead kami."
"Talaga?" lingon niya.
Nakuha nito ang kaniyang atensyon. Mas lalo niyang dapat balikan ang mga ito.
Tumango lang si Allen pero di na nagkwento pa. "Ano bang lulutuin mo r'yan?" nguso nito sa isda.
Tila natauhan si Khari sa tanong nito kaya agad pumunta ng ref para silipin ang stock na gulay. "Wala pala akong pantimpla sa sinigang," naalala niya. Umikot siya sa buong isdaan dahil di naman niya alam ang dapat bilhin. "Bibili ako sa tindahan sa labas sandali."
Umiiling na tumayo si Allen sa gilid niya at muling ibinuka ang pinto ng ref. "Ako na. Maligo ka na lang, mas amoy araw ka kaysa amoy palengke."
Napaamoy si Khari sa damit sabay layo sa binata.
*****
"Hindi mo naman pala ko kailangan, eh. Mas marunong ka pang magluto kaysa sa 'kin," komento ni Khari habang tinitingnan ang lemon buttered Salmon at soup na ginawa ni Allen. Namangha siya sa bilis nitong nakapaghanda sa sandali niyang pagligo. At may garnishes pa.
"Dito ka lang," sagot nito. Umangat ang mata ni Khari at nagtagpo ang paningin nila. "Kailangan ko ng kasama sa buhay- I mean, sa bahay," natatawang paliwanag nito. "Umupo ka na nga," aya nito.
Magre-react sana si Khari pero pumikit si Allen pagkaupo at tila bumulong pagkatapos ay nag sign-of-the-cross kaya di na siya umimik pa. Tahimik silang kumain.
"Atheist ka ba? I mean-" panimula ni Allen.
"Oo, hindi, depende," sagot ni Khari sa alanganing tanong ng binata. Sensitive siya sa usapang spiritual at di niya maitanggi iyon sa ano mang sitwasyon.
"I'm sorry. Hindi kasi kita nakikitang magdasal. I didn't mean to-" nahihiyang paliwanag ni Allen.
"Mas naniniwala kasi ako sa hustisya. 'Yun ang realidad na kailangan ng mga tao sa mundo para mabuhay," kaswal niyang sagot.
Napansin niya ang sandaling katahimikan ni Allen kaya sinulyapan niya ito.
"Dapat pala nagpulis ka," seryosong sabi nito bago nagpatuloy ng kain.
Hindi nakasagot si Khari. Bago iyon sa kaniyang pandinig na tila kumatok na naman sa isip niya. Nakaramdam tuloy siya ng kakaibang damdamin.
Bakit nga ba di pagpupulis ang naisip niyang paraan?
"Okay ka lang?" tanong ni Allen.
Napatingin si Khari sa kaharap. Di niya namalayang kinain na siya ng kaniyang iniisip.
"Ikaw ba, pagpupulis ang pangarap mo noon pa?" balik- tanong ni Khari.
"No. Gusto ko dati is maging chef," sabay ngiti ni Allen. "Di ba obvious?"
"Ang layo naman ng sandok sa baril," wika ni Khari na muling namangha sa binata. Nahawa rin siya sa aura ng ngiti nito.
"I know, right?" hagikgik nito na tila nakagaan sa pakiramdam ni Khari.
"Well, naisip ko lang, I can still cook for my loved ones kahit di ako mag-chef. Nagagamit ko naman ang passion ko from time to time... Like now."
Napangiti si Khari. Masarap naman talaga ang luto nito. Di man niya sadya, naisip niyang ikumpara ang luto ni Anton sa binata. Masarap na lutong bahay ang mga luto ni Anton samantalang lutong restaurant naman kay Allen. Mga bagay na natitikman niya noong kasama pa niya ang parents niya.
Naalala niya tuloy bigla si Anton at napapaisip kung bakit biglang tumawag si Anton sa kaniya kanina. Mamaya ay tatawagan niya ito at kukumustahin.
"So ano ang nagtulak sa'yo na magpulis? Bakit hindi hotel management o 'yung malapit sa pagluluto?" tanong niya ulit.
"You mean culinary and pastry?" Tinangunan ni Khari ang sinabi nito.
"I guess I wanted justice, too. As much as you do," sagot nito na medyo nagseryoso.
Kunot-noo niyang tiningnan si Allen sa nag-ibang tono nito.
"I witnessed a crime," pag-aamin ni Allen.
Nabitiwan ni Khari ang kutsara niya. Though sinabi 'yun ni Allen casually, nag-iba ang pakiramdam niya para sa binata.
"Nakakita ka ng ano?" saad niya.
"Yeah, killing, and something like it. To be accurate, it was reported to be m******e the day after. In an old neighborhood. It was tragic, really, I learned that the girl I knew was also raped." Bumuntong- hininga nang malalim si Allen habang humihiwa ng salmon.
"Nakita ka ba nila? Anong ginawa mo? Ilang taon ka no'n?" Sunod- sunod niyang tanong.
"No. Tumakas ako ng bahay no'n. I was about to go back home in a bike nang daanan ko 'yung bahay. I heard a gun shot. I wanted to try and help but what can a teenager do, right? So I ran home and called a police hotline that I saw in our fridge, instead," sabi ni Allen. "I was later on traumatized, I wasn't able to sleep for days after I heard the news."
Ilang sandali silang nanahimik.
"Sorry, hindi ko sinasadyang mag-usisa," awkward na sabi ni Khari. Kahit ang totoo'y nai-imagine niya ang kaniyang sariling nakaraan.
"Okay lang. Denial doesn't make things easier, you know. I was under a therapy for a year. I actually liked that girl at naapektuhan ako nang husto sa nangyari kaya ipinangako kong hindi na dapat maulit 'yun sa iba," sabi ni Allen sabay ngiti nang malungkot.
Tumiim sa puso ni Khari na may malapit sa puso ni Allen na nabiktima rin ng mga halang ang kaluluwa. At bumakas sa mukha nito ang masakit na alaala na tila nakaapekto sa kaniya.
Tumingin si Khari sa oras. Tama ang sinabi ni Allen. Hindi na dapat maulit pa ang gano'ng gawain. Kaya paglalim ng gabi, tatapusin na niya ang dapat tapusin.
Ang mga demonyong dapat ibalik na sa impyerno.
"Magliligpit na ako. Magpahinga ka na," sabay tayo ni Khari.
Nabigyan na naman siya ng rason para magkaroon ng masidhing damdamin para sumugod at makaganti.
Sana nga ay nagpulis na lang siya para lisensiyado ang pagtugis niya sa masasama, pero huli na. Mas una niyang sinuong ang maging kriminal para puksain ang masasamang tao. And she's almost there. Mamayang hating gabi-
"Gusto mo bang magkape?"
Naputol ang iniisip si Khari sa tono ng anyaya ni Allen.
"Ahm, baka di ka makatulog. Ipagtitimpla na lang kita ng tsaa," suhestyon niya.
"Okay, pero samahan mo 'ko sa garden," wika nito nang nakangiti.
Muling napatingin si Khari sa relo at saka alanganing tumango.
Tumulong magligpit ng hapag-kainan si Allen. Hindi siya nito iniwan maging sa pagsisinop ng pinggan kaya wala na siyang magawa kundi samahan nga ito sa may garden.
"Bakit ikaw, nagkape? Paano ka matutulog niyan?" tanong ni Allen.
Hindi naman ako matutulog, sagot ng isip ni Khari.
Alas- nuebe na ng gabi at kailangan niyang manatiling gising ang diwa hanggang mamaya.
"Nakakatulog ako kahit magkape sa gabi," sagot niya. "Bakit mo ba naisip mag-stay dito? Magpahinga ka na kaya sa kwarto mo? Baka kailanganin mo ng lakas for emergency," pilit niyang udyok kay Allen.
Kailangan niya rin kasing magpahinga at siguruhin ang pagkakabalot ng kaniyang mga sugat.
Ngumiti ng matamis si Allen saka tumingin sa madilim na langit. Nagulat si Khari nang biglang magkaroon ng fireworks display.
"It's scheduled tonight," panakang sabi ng binata na sumulyap sa kaniya.
Hindi niya naialis agad ang mga mata niya sa kalangitan. Huli niyang na-appreciate ang fireworks ay noong gabi ng kapaskuhan, seven years ago. Bago sila matulog ng kaniyang pamilya ay nasa labas sila at kahit siya ay may hawak na lusis. Naalala pa niya kung gaano kasaya at pumapalakpak si Kristof habang karga-karga ng mommy niya. Sabay-sabay pa silang nagdasal sa kwarto niya for guidance sa lakad nila kinabukasan.
Fireworks ang huli niyang iniisip bago siya pumikit nang may ngiti sa labi. Bago pasukin ang bahay nila. Bago sila patayin at-
Naputol ang iniisip niya nang maramdaman niya ang paghawak ni Allen sa kamay niya.
"Bakit ba napakalungkot ng mga mata mo?" tanong nito.
Hindi niya namalayan ang pagpatak ng luha sa pisngi niya. Na ngayon ay hawak na ni Allen at pinupunasan nito.
"You're so sad, Khari. Tell me why," halos bulong na sambit ni Allen sa kaniya.
Dapat ay itinitigil na niya ang eksenang ito pero di niya maputol ang koneksyon ng mata nilang dalawa. Kakaibang paninikip ng dibdib ang pumapalit sa hinagpis niya.
"Khari, you can trust me. Gusto kong magsabi ka sa 'kin ng tungkol sa nararamdaman mo," malumanay na sabi ni Allen.
Bumaba ang tingin ni Khari sa ilong ng binata na tila papalapit sa kaniya. Bumaba muli ang mata niya sa labi nitong nangingintab at napakaganda. Halos mapapikit si Khari sa kakaibang kaba.
"I think he's here and -"
Napadilat si Khari. Nagising siya sa tila panaginip at sabay silang lumingon ni Allen sa boses ni Claire sa may likuran niya. May mga kasama itong parehong may edad na.
"Mom, dad..." Agad tumayo si Allen at nagpunta derecho sa mga dumating.
Mabilis siyang umayos habang pinapanood si Allen sa pagyakap sa mga magulang. Pinunasan niya ang naiwang bakas ng luhang pinunasan na ni Allen.
"Hey, handsome." Lumitaw ang isang magandang babae sa likuran ng mga magulang ni Allen. At nakuha no'n ang atensyon ni Khari.
"Amy (â-mi), my god." Niyakap ni Allen nang mahigpit ang babae. Maganda ang ngiti nito at masaya. May katangkaran na bumagay sa mahaba at blond nitong buhok.
"Surprise," masiglang sagot ng babae.
"It's great to see you. I missed you," muling yakap ni Allen sa kaharap.
Amy? Kaano-ano siya ni Allen? -tanging naisip ni Khari.
At bakit nakangisi ng mala- impaktang ngiti ang Claire na 'to?
Ang sumikip niyang dibdib kanina ay napalitan ng kakaibang kaba habang pinapanood ang saya ni Allen sa pakikipag-usap sa babae.
And she almost bare herself to him. Hindi siya makapaniwala. She was almost there.