"Surprise!"
"Amy! it's great to see you, I missed you." Yumakap si Allen nang mahigpit sa babae.
"I missed you, too, handsome," malambing na sagot nito pabalik.
"Mom, dad, bakit hindi man lang kayo nagpasundo?" masiglang sabi ni Allen.
"We tried to call you but your line was busy earlier," sagot ng ina ni Allen. "But it's okay. We know your kind of work keeps you busy all day. You look great, anak."
Tahimik na pinanood ni Khari ang masayang eksena. Gusto man niyang ngumiti pero di iyon ang nararamdaman niya ngayon kung di inggit. Inggit at pangungulila sa sariling mga magulang. Mabilis ang blik ng realidad sa kaniya. Ngayong narito na ang pamilya ni Allen, tila mahihirapan na siyang magpatuloy ng plano niya sa bahay na ito.
Dahan-dahan siyang umatras at tumalikod para sana bigyan ng oras mag-bonding ang buong pamilya. Pero hindi pa siya nakakalayo ay napahinto na siya sa sinabi ng ama ni Allen.
"Hindi mo ba kami ipapakilala sa bisita mo?"
"Of course, I do. Khari," masiglang tawag ni Allen sa kaniya. Alanganing humarap si Khari at pilit inayos ang expression ng mukha niya kahit pa nailang siya nang hawakan ni Allen nang mahigpit ang kamay niya. "Everyone, this is Khari. Khari, my parents, and Amy. My little sister."
Sister. Bakit parang gumaan nang ilang tonelada ang dibdib niya sa salitang iyon?
"Good evening, ma'am, sir," bati niya.
"Hindi pa pala name-meet ng family mo ang girlfriend mo, Allen," sabat ni Claire.
"Your girlfriend, huh?" komento ni Amy na may ngisi sa labi.
Napalunok si Khari. Ang lamig ng simoy ng hangin ay di umubra sa biglang init ng pisngi at tenga niya ngayon. Na lalo yatang gumapang sa katawan niya nang pansinin iyon ng ina ni Allen.
"Oh darling, your ears are all red," kantiyaw nito.
"Mom..." tanging sabi ni Allen. Humiwaly siya ng pagkakahawak sa binata at wala na itong nagawa.
Hindi niya alam ang gagawin niya. For nth time, nawalan na naman siya ng option sa sitwasyong sobrang di siya pamilyar.
"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob at mahamog," yakag ng daddy ni Allen.
"I-ipaghahanda ko po kayo ng merienda," tanging sagot ni Khari para makatakas.
*****
"Kaya pala hindi ka nakakatawag para mangumusta, busy ka talaga," pang-aasar na naman ni Amy.
Nasa sala sila ngayon at nagkakape. Na naman. Pakiramdam ni Khari ay nininerbyos siya ngayon gawa nito. O talaga lang nasa gitna siya ng sitwasyong ipit na ipit siya.
"I am busy. Mayro'n akong malaking case ngayon, no," sagot ni Allen na panay ang tingin sa kaniya.
Bakit ba hindi niya na aminin na hindi niya ako girlfriend? At bakit ba kasi hindi pa umuuwi itong Claire na 'to? Ano'ng oras na! - pakikipagtalo ni Khari sa sarili.
"So Khari, taga-saan ka?" tanong ng Daddy ni Allen.
"Mom, dad, aren't you tired? Kanina niyo pa ini- interrogate si Khari," salo ni Allen.
Mistulang interrogation nga sa isang police station ang nangyari sa kaniya. At napakahirap dahil hindi siya sanay magsabi ng impormasyon tungkol sa buhay niya pero tila wala siyang choice ngayon kung di sumagot. At madalas ay totoo ang nasasabi niya.
"What's wrong with that? Bakit kasi napakalihim mo pagdating sa personal life mo? Eh kung pakialaman mo ang lahat ng naging lovelife ko daig mo pa si daddy," sermon ni Amy.
"We're new and still in working progress to know each other, okay?" sagot ni Allen.
Sinulyapan ulit ni Khari ang puwesto ni Claire. Para itong tuwang- tuwa na inoobserbaham ang bawat kilos niya. Para itong leon na naghihintay mabitag ako at kainin niya nang buo sa huli.
"Oh my, I think he is serious," reaction ng mommy ni Allen na nagpainit na naman ng tenga ni Khari na lalong ikinangiti ng matanda.
"Allen is right. Mabuti pa nga magpahinga na tayo. Maaga pa tayo bukas. Hijo, ihatid mo na si Khari-"
"Oh, but she's staying here, right Allen?" sabat ulit ni Claire. Sa wakas ay tila naka-jackpot ito at ngiting-ngiti sa pagkakataon.
Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa laslas ang leeg nito at naliligo na sa sariling dugo. Sa talim na ibinato ni Khari kay Claire ay baka gumulong na nga ang ulo nito sa sahig.
Bumakas ang pagkabigla sa mukha ng tatlong kaharap ni Khari. Mukha pa naman silang mga konserbatibong tao.
"Really?" may kadiinang tono na sabi ng mommy ni Allen. "Allen Enrico del Rosario, how could you!"
"Mom, I can explain," salag agad ni Allen.
Nangamba si Khari dahil umusog ng upo si Allen na parang hinarangan siya. Naisip niya tuloy kung nanunugod ang ina ng binata at kung kailangan ba niyang maghanda.
"This is not right, Allen, and of all people, you know that well," sang-ayon ng daddy ni Allen.
"But dad, wait," depensa ulit ni Allen.
"Uuwi na po ako. Huwag po kayong magalit kay Allen," pagtatanggol ni Khari sa binata. Sumulyap siya kay Claire para bantaan ito and sigurado siya na ngisi ang nasa mga mata nito. Mabuti pa ay umamin na siya. "Ma'am, sir... Ang totoo po kasi-"
"Hindi! Walang aalis!" Mataas na boses na wika ng daddy ni Allen. May kalakihan ang boses nito kaya 'di siya nakaimik. "Hindi ko papayagang masira ang pangalan ng pamilya Del Rosario. Mamamanhikan kami kung kailangan, pero por Diyos por santo, hijo, paano? Kanino?"
Napahinto ang lahat. Lalo na si Khari.
Mamamanhikan? Ano 'yun?
"Dad, no. You're overreacting, I swear," natatawang tila kinakabahan si Allen.
"Claire, I'm sorry. But I think we should discuss this to ourselves now. I hope you understand," wika ni Amy. "Family matters."
"O-of course." Tumayo si Claire at di man lang sinulyapan si Khari nang umalis. "Bye Tito, tita, Allen..."
Gustong umalis ni Khari para lihim na sundan si Claire at iumpog ito sa pader. Gigil na gigil siya sa malditang lumabas. "Excuse me lang po-" subok niya.
"You're not leaving, young lady, until we fix this serious matter," object ng ina ni Allen sa kaniya.
"Can we all sit down? Please?" stress na suhestyon ni Allen na sinunod naman ng pamilya niya. "Khari, you sit too," sabi nito sa kaniya. Medyo lumaki na rin ang boses nito kaya walang nagawa si Khari kung di umupo. Sa sobrang kaba niya ay nadampot niya ang baso niya para uminom at magpakalma.
"You better tell us the truth, Allen, do you wish to make her pregnant? Gusto mo na bang mag- asawa?"
Naibuga ni Khari ang tubig nang narinig ang sinabi ng ina ni Allen. Lahat ay natigilan.
"Oh, for christ's sake, mom, please!" sagot ni Allen sabay hagod ng likod ni Khari.
"Don't you dare mention God's name sa kalokohan mo'ng ito, Allen. What were you thinking? Hindi kita pinalaking ganito," sumbat ng mommy niya. "Hindi ka na naawa kay Khari, she's still young and all alone to decide like this."
Kasama ang impormasyong 'yon sa interrogation nila kanina. Na siya'y ulila na. At ang nakakapaggulo sa isip ni Khari ay ang issue na parang di na niya alam paano kakawala.
"And this is the first time na naglihim ka ng girlfriend at itinira mo pa dito. Not in your condo in Manila, but here, sa bahay natin," sagot ng daddy ni Allen.
"Kuya, you hated blind dates but this... She must mean something -" gatong pa ni Amy.
"Okay, mawalang galang na po, sabat ni na ni Khari. "Katulong po ako ni Allen," dugtong niya. Nabubugbog na kasi ang utak niya sa dami ng mga salitang di niya ma-absorb.
"Katulong?" tanong ng ina ni Allen. Tila mas naguluhan ito.
"Opo," pag-aamin niya.
"You mean, plano niyo talaga 'to? Hija, kailan pa? We're only gone for a month and-"
"Hindi po. Ako po'y kasam--"
"-kasama," salo ni Allen sa sasabihin niya. "Kasama sa plano namin ang..."
Nagkatinginan ang dalawa. Planong linawin ni Khari ang totoo pero pasimple siyang hinindian ni Allen.
"- ang trust. We need to do this if I have to gain her trust. Gano'n, mommy," paliwanag ni Allen na tumingin pa ulit sa kaniya. Wala na namang nagawa si Khari kung di ang tumango matapos lang ang usapan.
Walang umimik ng ilang sandali.
"Khari, are you certain that you want this?" tanong ng daddy ni Allen.
Gusto niya nang umalis pero hindi pa tapos ang misyon niya. Hindi niya alam sa mga oras na ito kung ano ang mas matimbang sa kaniya. Naguguluhan na rin siya. Kapag umalis siya, maaring di na siya makakakuha pa ng impormasyon sa grupo ni Alen kung saka-sakali.
"Nasa inyo pa rin po ang desisyon. Igagalang ko po kung ano ang gusto ng may-ari ng bahay," magalang niyang sagot. "At para lang po sa ikaluluwag ng loob ninyo, magalang po si Detective Allen."
******
"I am so sorry..." nahihiyang paumanhin ni Allen.
Tahimik na naghuhugas ng pinaggamitang mga tasa si Khari. Nang umakyat ang mag-asawa at si Amy, hindi na siya tinantanan ni Allen. Naguguluhan ang utak niya. Ganon pa man, nakahinga siya nang maluwag nang pumayag ang pamilya niya na mag-stay siya.
Madali naman tumakas kapag okay na ang misyon niya- mungkahi niya sa sarili. At plano niyang tapusin na iyon ngayong gabi.
"Ui..." Parang bata na kinalabit siya ni Allen habang nagpupunas ng mga baso dahil hindi siya umiimik.
"Ako na yan, matulog ka na rin," taboy ni Khari sa binata.
"Nakita mo kung gaano sila ka-conservative, di ba? Mas hindi nila maiintindihan ang totoo sa una nilang nalaman at sa una nilang naabutan," paliwanag ng binata.
Muling nag-init ang pisngi at tenga ni Khari sa salitang naabutan. Pero ngayon ay naiinis na siya sa nararamdamang reaction ng dibdib niya.
"Mauna na 'ko-" Tumalikod siya para pumunta ng kuwarto pero pinigilan siya ni Allen sa braso.
"Hindi ba natin pag-uusapan 'yung kanina?" tanong nito.
"Alin'g kanina?" balik tanong ni Khari. Nagsimula na namang kumabog ang dibdib niya.
"Come on, Khari. 'Yung naabutan nila," paalala ni Allen.
Tumalon ang puso ni Khari pero pilit niya 'yun pinigilan. "Hindi ko alam kung ano 'yung kanina. Pero kung ano man 'yun, Detective Allen... Hindi 'yun ang intensyon ko sa pag-stay sa bahay na 'to." Inalis niya ang kamay ni Allen sa braso niya at pumasok na ng guestroom.
Napasandal siya sa pintuan pagkasara niya noon. Hindi niya talaga maintindihan ang kakaibang kabog ng dibdib na nararamdaman niya ngayon. Inalis rin niya sa isip ang pag-aalala kung bakit hindi na nakaimik si Allen sa sinabi niya.
Kinuha ang telepono at tinawagan si Anton.
"Anton, i-ready mo ang mga gamit ni Kristof," bungad niya.
"Bakit? May nangyari ba?" agad na tanong ni Anton.
"Basta," mahinang sagot niya. "Hintayin mo ang tawag ko."
*****
Alas dos ng madaling araw. Madilim ang buong first floor. Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng bag niya at maingat na bumaybay sa sala. Siniguro niyang di siya basta makikita sa cctv at -
"Khari?"
Napatigil siya ng hakbang nang marinig ang boses ni Amy. Kasabay no'n ay ang pagbukas ng ilaw sa sala.
Hindi nakakilos si Khari.
"Saan ka pupunta?" Dinig ni Khari ang hakbang ni Amy pababa ng hagdanan kaya dahan dahan siyang humarap doon.
Hindi niya inaasahan ang bagong paligo nitong hitsura. Kunot-noo itong bumababa.
"Diyan lang sa... " Wala siyang masabi.
"Oh, I see. Bakit mag-isa ka? Teka... Tatakas ka no?" sabi nito.
Hindi maintindihan ni Khari ang pinagsasasabi nito sa kaniya.
"Ha?"
Bumukas ang kabilang pinto at muli ay nakita niya ang mag- asawa na nakapostura. Napakapit siya nang mahigpit sa kaniyang bag.
"Hija... "
"G-good morning po Mrs. Del Rosario, Mr. Del Rosario," mahinang bati niya.
Parehong nakatingin ang mag asawa sa kaniya habang bumababa.
"Call us tita Rina and Tito Ed," sagot ni Mrs. Del Rosario.
"Wala ka bang ibang damit?" tanong ni Mr. Del Rosario na lalo niyang ikinataka. "Amy, pahiramin mo si Khari ng bestida."
"Po?" gulat na tanong ni Khari.
"It's okay. Come on. Marami akong dala for the holiday." Muling umakyat si Amy at sinenyasan siyang sumunod.
Nagtataka man ay sumunod siya kay Amy. Nagulat si Khari nang makakita ng baby at crib pagpasok niya sa loob ng kuwarto. Saka niya napansin ang isang payat na babae na tulog sa isang sofabed.
"Oh, you didn't see my son Cholo last night. Maaga kasi siya matulog," paliwanag ni Amy. " Sumpungin kapag naiistorbo so, hinayaan ko nang umakyat sila derecho dito."
Saka lang naalala ni Khari ang unang sabi ni Allen noon tungkol sa kung nasaan ang parents niya. Hindi niya kasi binubuksan ang mga kwarto kapag naglilinis. Nakafocus siya sa ibaba at kahit si Allen ay di nagpapalinis ng kwarto niya.
Sumunod siya sa hatak ni Amy papuntang wardrobe.
"Halika. Ito, bagay sa 'yo." Nag-angat si Amy ng isang simpleng floral na bestida. "Or ito, o kaya ito, " sunod-sunod na abot nito ng dress sa kaniya.
"Okay na 'ko sa suot ko," tanggi ni Khari.
"That's the problem kapag maagang nahiwalay sa magulang. Nawawala sa tamang landas. No judgement, okay? Look at me," sabi nito sabay tingin sa anak niya.
"Nasaan ang mister mo?" tanong ni Khari.
"Like I said, nawala ako sa landas. May parents pa 'ko niyan," ngiti ni Amy. "Mamili ka na, hindi ka papayagan ni Mommy ng nakaganiyan ka lang," ulit nito.
Bumuntong-hininga si Khari na pinili ang bestidang garterized ang top at may disenyo sa laylayan. Three-fourth ang manggas nito kaya matatakpan ang kaniyang sugat.
"Magbihis ka na r'yan sa CR," tulak nito sa kaniya.
Walang magawa si Khari kung di ang sumunod. Hinubad niya ang damit para magpalit. Sa tantya niya ay halos kaedadan niya lang si Amy. Hindi niya maiisip sa hitsura ni Amy na may anak na ito. Napakabata pa kasi ng hitsura niya.
Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat niya. Agad niyang tinakpan ang sarili ng damit na di pa naisusuot.
"My God, Khari is that a gunshot mark?" mabilis na lapit nito sa kaniya. Nataranta si Khari na lumayo at tinakpan ang balikat.
"Rough past, huh? Don't worry, maybe I had worst," sabi nito na agad umatras at hinubad ang bathrobe para magbihis din.
Hindi maka-move on si Khari sa nakita ni Amy sa kaniya. Nanigas siyq at pinanood ito habang kaswal na nagbibihis. Pakiramdam niya ay naipakita na niya dito ang kaluluwa niya.
"It's alright. Everyone has their secret to tell. A scar to hide," sabi nito nang mapansin siyang tulala. "You see, I was forced by my ex-boyfriend kaya ako nabuntis. And my family didn't know a thing. I couldn't tell a soul," mahinang sabi ni Amy sa huli. " Of course now you know. Congratulations," biro nito "They'll definitely kill him if I do or I'll be damned," dugtong nito.
"N-na-r**e ka?" mas mahinang tanong niya.
"Yes. The effing spoiled brat made me silenced. He even blackmailed me to do it a couple of times more But I made the right choice nang iwan ko siya kahit later on nalaman kong buntis ako. Kahit galit na galit sina daddy, hindi ko sinabi kung sino ang ama ni Cholo. I experienced what hell is and I don't wanna be there for the rest of my life." Tiningnan siya ni Amy at ngumiti. Ibinaba pa nito bahagya ang damit niya sa balikat bago sila sabay humarap sa salamin.
"I like you, Khari. I can see you in your eyes," wika nito bago lumabas.
Hindi nakaimik si Khari. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Tinitigan niya ang mga mata niya.
Ano'ng mayro'n sa mata niya na nagustuhan ni Amy? Anong nakita niya? -tanong ni Khari sa sarili.
Paglabas niya sa banyo, naabutan niyang wala na si Amy at gising si Cholo. Nakatayo ito sa kaniyang crib at nakatingin sa kaniya. Nakapikit pa ang yaya nito kaya lumapit siya.
"Baka mahulog ka, " bulong niya sa baby. Inalalayan niya ito para ihiga ulit saka binigyan ng pacifier.
Nakikita niya si Kristof dito noong maliit pa ang kapatid. Nu'ng maliliit pa sila. Bago sila winasak ng nakaraan. She knew that Amy didn't had a worst past than hers. Wala nang mas worst pa sa nangyari sa kanila.
Sa kaniya.
"Khari, let's go," tawag ni Amy sa kaniya sa labas.
Lumabas siya ng kuwarto habang inaayos ang manggas sa balikat. Ayaw niyang makita ang pilat na tagos sa balikat niya. Nagulat siya nang masalubong ang mukha ni Allen na kalalabas lang din ng kuwarto nito.
Sumalubong ang preskong amoy nito sa ilong niya.
"Good morning," bati ni Allen na halatang nagulat din sa presensiya niya. Nakaramdam siya bigla ng hiya sa hitsura niya kaya tango lang ang tanging isinagot niya. Para kasing may bara ang lalamunan niya. Inabot nito ang kamay para alalayan siyang bumaba pero pinili niyang kumapit sa bag niya.
"Baba na at male-late tayo," wika ng mommy ni Allen.
Naghanap ng pagkakataon si Khari para tumanggi kung saan man sila pupunta. Mayroon siyang ibang lugar na dapat patunguhan.
"Magpalit ka kaya ng bag," sita ni Amy sa kaniya. "Hindi bagay sa suot mo-"
"Okay lang ang bag ko. Komportable ako dito," harang niya. Ito ang isang bagay na di niya bibitiwan.
"Well, wala ng time," sabi ng mommy nila. "Dapat nasisimulan ang simbang gabi-"
"Simbang gabi?" di niya napigilang ulitin.
"Oo. D'yan sa malaking church malapit dito," sagot ni Amy.
"Ah, kayo na lang po," tanggi niya na ikinagulat ng lahat.
"Khari," tila sita ni Allen.
"Bakit? You're thinking we'll meet Claire? She is a b***h, but just ignore her," si Amy ulit.
"Your mouth, Amy," sita ng mommy nila. "What's wrong, Khari?" tanong nito.
"Ahm, uuwi po kasi ako sa amin. Sa kapatid ko," paliwanag niya.
"At this hour?" tanong ng daddy nila.
"Ah, right," salo ni Allen na tila may na-realize. "Mom, may simbahan din kasi sila doon. Their little chapel."
"I see. Well, if you insist, simbahan niyo nga naman 'yon," sabi ng mommy ni Allen. "We should go."
Nakahinga nang maluwag si Khari.
Tuloy ang lakad niya.