"Sino ka ba talaga, Khari?"
Nanigas si Khari sa kinatatayuan. Hindi niya malaman ang gagawin habang nababasa ang pangalan ni Anton sa screen ng kaniyang cellphone na patuloy na nagri-ring sa kamay ni Allen.
Sinubukan niyang kunin ito pero umatras si Allen at iniwas ang hawak sa kamay niya.
"Tinatanong kita," ulit nito.
Gusto niyang mag-alibi pero nakita na niya sa sofa ang kaniyang maruming bag na nawawala sa kakahuyan. Alam niyang huli na para magsinungaling.
"Akin na ang phone ko," sagot niya na tila may pagbabanta. Hindi kumilos si Allen at patuloy na naghintay ng sagot niya sa tanong nito.
"Akin na 'yan, hihintayin ko lang si Kristof at aalis na kami," patuloy niyang sabi.
Sa wakas ay huminto ang pag-ring ng telepono pero wala sa hitsura ni Allen ang papalampasin ang sitwasyong ito. Sigurado siyang hindi siya titigilan ni Allen kaya tumalikod si Khari para bumalik sa kuwarto. Nagsisimula nang mabuo ang panic sa dibdib niya.
"Crisostomo. Ikaw si Kharizza Sanchez Crisostomo, hindi ba?"
Nanlamig ang buong katawan ni Khari nang marinig ang buo niyang pangalan. Mabilis siyang humarap at sinubukang tumakas palabas ng bahay. Pero agad siyang nahabol ni Allen para pigilan.
"Bitiwan mo 'ko!" Automatic niyang naiangat ang kamay papunta sa ilong ng binata bilang depensa. Tumulo ang dugo sa ilong ni Allen pero hindi siya pinakawalan nito.
Muli siyang nanlaban pero dahil sa kaniyang dagdag na bugbog sa katawan at sugat sa ulo, kulang ang lakas niya para makatakas sa binata.
"Stop it, Khari!" pigil ni Allen
Namataan ni Khari ang vase sa side table. Naabot niya iyon at naiangat para sana ihampas sa binata nang biglang tumunog ang gate sa labas. Sabay silang napahinto at napalingon sa main door bago nagkatinginan. Sinalo ni Allen ang vase. Sumenyas ito na ibaba niya ang hawak at sa di malamang dahilan ay sinunod niya ito. Hindi na siya nakapalag nang hatakin siya ulit ni Allen sa loob ng guest room. Ngayon ay nakaipit siya sa katawan ni Allen habang nakasandal sa isinarang pintuan. Ramdam na ramdam niya ang palitan ng kabog ng dibdib nilang dalawa.
"Please, pakawalan mo 'ko," bulong niya. Alam niyang imposible ang hinihiling niya pero wala siyang choice kung di subukan ang makiusap. "Paalisin mo kami ng kapatid ko. I swear, hindi mo na kami makikita pa."
Kumunot ang noo ni Allen sa sinabing iyon ni Khari. Itinaas nito ang daliri sa kaniyang labi at sumenyas na tumahimik. Sabay silang nakiramdam sa pagpasok ng pamilya ni Allen.
Naririnig niya ang masayang boses sa labas, kasama ang hagikgik ni Kristof. Lalong sumikip ang kaniyang dibdib. Likas na masayahin si Kristof. Pero hindi sa ibang tao. Takot si Kristof sa mga estranghero. Ang saya niyo ngayon ay muli na namang nagpapatunay ng kabaitan ng pamilya ni Allen.
Nagtagpo ang mata nila ng binata. Nakatitig ito sa kaniya na parang tatagos sa kaniyang kaibuturan. Ramdam din niya ang hininga nito na lalong nagpapainit ng kaniyang pisngi. Mayamaya'y inikot ni Allen ang mata sa kaniyang mukha, pababa sa kaniyang katawan.
"Are you hurt?" mahinang tanong nito.
Akala niya ay mali ang kaniyang narinig pero bahagyang lumayo ang binata at sinipat ang kaniyang mukha at kaniyang katawan. Nagulat pa siya nang ibaba nito ang nakapatong niyang polo mula sa balikat pababa sa kaniyang braso. Lumitaw ang kaniyang mga pasa at galos. Maging ang mukha niya ay ininspeksyon nito sabay bumigkas ng pabulong, "For Christ's sake, Khari, you could have died out there."
Hindi malaman ni Khari ang ire-react sa mga oras na ito. Hindi niya maintindihan si Allen. Namumutawi ang galit sa mata nito pero sa totoong dahilan ay hindi siya sigurado.
Nag-aalala ba si Allen sa kaniya?- tanong niya sa sarili.
Napakislot siya nang makarating ang kamay ni Allen sa kaniyang buhok. Lalong nagdilim ang mukha nito nang makapa ang sugat niya roon. Hindi na siya nakaimik pa nang hilahin siya ni Allen sa banyo.
"Don't move," banta nito bago nilinis ang dugo sa sariling ilong.
Kumuha ito ng mga gamot at ointment sa hanging drawer at saka muling humarap sa kaniya.
Nakasandal ang binata sa counter kaya nakaharap siya sa salamin. Sa liwanag ng ilaw, doon lang niya nakita nang maayos ang pamumula ng kaniyang kanang pisngi. Nabura na ang foundation niya.
Hindi na niya maalala ang huli niyang titig sa kaniyang sarili. At dahil sa mainit na salubong ng tingin sa kaniya ni Allen, napatutok siya lalo sa salamin.
"Bakit mo ginagawa sa 'kin 'to?" nagtatakang tanong niya.
"Ang alin? Ang gamutin ka?" sarkastikong sagot ni Allen.
Bumaling ang mata niya sa binata. Hindi makakailang may galit sa boses nito pero parang mayroon ding pag-aalala. Di niya napigil iangat ang kamay at punasan ang ilong ni Allen na may bakas pa ng dugo at tubig.
"Huwag mong idamay si Kristof. Alam mo na kung sino ako, ano man ang plano mo sa 'kin, huwag mong isama ang kapatid ko," kalmado niyang sabi.
"Do I really, know you?" sagot ng binata na tila natutulala sa ginagawa ni Khari sa kaniya.
"Alam mo na ang katauhan ko. Ang nangyari sa amin... s-sa akin," sagot niya. " Hindi ko alam kung paano, pero nakikiusap ako. Kapatid ko na lang ang mayroon ako. Ayokong masira ang buhay niya dahil din sa akin."
"Oo, kilala na kita. Yet hindi mo na yata naaalala ang buong nakaraan mo," sagot ni Allen.
Kumunot ang noo ni Khari. Hindi niya maintindihan ang sinsabi nito.
"Allen, please," muling pakiusap niya.
"Maybe this is a revelation, but not everything. That tragedy, yes, now I know. But after that? Yesterday? Even just this afternoon is already a part of your past that I need to know. Ano'ng nangyari sa 'yo Khari?"
"Allen, kung ano man--"
"Kung ano man ang plano ko sa 'yo, what?" Saglit na natawa si Allen sa salitang inulit. "Ano nga ba'ng plano ko sa 'yo?" Hinarap ni Allen ang mukha niya dito. "You have no idea how crazy I'm feeling right now. How I felt when I realized who you really are-"
"Ate Khari?"
Si Khari naman ang naglagay ng daliri sa labi ni Allen sa pagkakataong ito. Sinalo ni Allen ang kamay na 'yon ni Khari. Nang makaramdam siya ng pagkailang ay napabitiw si Allen sa kaniya at dumistansiya. Ni hindi niya napansin na gano'n na pala sila kalapit sa isa't- isa.
Inayos ni Khari ang polo saka lumabas ng banyo para salubungin ang kapatid.
"Hi, nakita ni Kristof ang bag mo and nahulog itong balisong. Kako delikado kaya- oh, my God, Khari anong nangyari sa 'yo?"
Hindi agad nakakibo si Khari. Kasunod na pumasok ni Kristof si Amy at nagulat sa hitsura niya.
"She sleep walks," salo ni Allen mula sa likuran niya habang pasimpleng pinupunasan ulit ang sariling ilong. "I heard strange noises kaya pumasok ako dito and found her looking like that."
Pilit na tumango si Khari sa alibi ni Allen.
"Ginamot niya lang ako, tumama yata ako sa lababo," paliwanag din ni Khari.
"That must have hurt," sagot ni Amy nang may pag-aalala. "Well, here's your bag. Hindi kita masisisi, kahit ako may swiss knife sa bag for self-defense, pero baka kasi paglaruan ni Kristof," dugtong nito. "Anyways, may mga pasalubong kami. Halikayo sa labas."
Muling napaigtad si Khari nang akbayan siya ni Allen para isabay palabas ng kuwarto. Inabot din nito ang bag niya mula kay Amy pero isinukbit sa sariling balikat imbes na ibigay sa kaniya.
***
"Ate, ang ganda ng mall. Kumain ako ng cake kahit hindi ko birthday," masayang kuwento ni Kristof. Sinuklay ni Khari ang buhok nito gaya ng nakagawian.
Sinalubong siya ng mga nag- aalalang tingin ng parents ni Allen.
"Are you really okay?" tanong ni Tita Rina.
"You should seek a doctor, hija. Hindi safe ang nags-sleepwalk," wika naman ni Tito Ed.
"Okay lang po talaga ako," paniniguro niya sa dalawa.
"Alam mo ba, Khari, I remember Allen when we were younger. May kinuwento na rin siyang ka- village namin na nakikita niyang nag-i-sleepwalk," sabi ni Amy. " I think that's the reason why he sneaks out almost every night for an hour. Sino ba 'yun?" tanong nito sa kapatid.
"I can't remember," simpleng sagot ni Allen.
"Sus, ikaw pa? Wala sa vocabulary mo ang makalimot. Sige na, sino 'yun?" pangungulit ni Amy.
"Hindi po pala kayo tubo rito," singit ni Khari.
"No hija, taga-San Juan kami. Sa East Executive Village sa Metro Manila," sagot ni Tita Rina.
Nagkatinginan sina Khari at Allen. Panibagong kutob ang kumabog sa dibdib ng dalaga.
*********
Alas dose ng gabi.
Binalak ni Khari na tumakas ng ganitong oras kahit pa binalaan siya ni Allen na huwag nang magsayang ng panahon dahil magbabantay ito. Pero malalim na ang tulog nila ng ganitong oras, mas safe bago magising ang mga ito para magsimbang gabi mayamaya.
Sinubukan niyang sumilip sa sala para malaman kung totoo ang sinasabi ng binata. Madilim naman at walang tao. Mas madali sana ang pagkakataon kung natimbrehan niya na si Anton pero 'di isinoli ni Allen ang cellphone at bag niya. Kaya wala siyang choice kung di magbakasakali.
Tahimik siyang lumabas. Bubuksan niya muna sana ang main door bago niya babalikan ang natutulog na kapatid.
"Going somewhere?"
Humarap siya sa dilim kung saan narinig ang boses ni Allen. Nagbukas ito ng lampshade at lumitaw sa sulok ng sala.
"Lock that door. Let's talk." Pinagpag nito ang katabing espasyo ng sofa at walang nagawa si Khari kung di ang lapitan ito. Tumingin pa siya sa itaas para ma-check kung may magigising ba level ng boses ni Allen.
"Kumusta ang ilong mo?" tanong ni Khari nang lumampas ang ilang sandaling katahimikan.
"Sinabi ko nang huwag ka nang magtangka di ba? pero tatakas ka pa rin," malayong sagot ni Allen. "Are you underestimating me?" dugtong nito na tila may hinanakit at hamon sa tono.
"Hindi, pero bakit? Bakit mo kami kinukulong dito? Bakit hindi mo ako dinala sa station?" tanong- sagot ni Khari.
"Do you want me to?" hamon ni Allen na parang di makapaniwala sa naririnig.
"Kung hindi mo ako isusuplong, bakit hindi mo pa kami paalisin ng kapatid ko?" laban niya.
Humarap si Allen sa kaniya at nakipagtagisan ng tingin. Hindi siya nagpatalo. Gusto niyang malaman kung ano ang totoong plano ni Allen sa kaniya.
"Dahil hindi ko alam kung ano'ng dapat ko'ng gawin sa 'yo. Not until I know everything," sagot nito.
"Wala ka nang malalaman pa sa 'kin," matigas na sagot ni Khari. "Kung ano man ang palagay mo'ng totoo, bahala ka na."
Napailing si Allen with frustration.
"I- I know you, okay? Years back. In that subdivision..." panimula ni Allen matapos ang mahaba at napakalalim na buntong-hininga.
"Taga-East Executive Village ba talaga kayo?" tanong muli ni Khari.
"Yes."
"Saan doon? Alam mo ba ang buong nangyari?" tanong niya ulit.
"Are you interrogating me now?" tanong ni Allen.
"Kung ganon... p-personal mong alam ang nangyari sa pamilya ko," pahina nang pahina niyang sabi.
Ngayon na naa-absorb na niya ang sitwasyon, di niya alam kung mahihiya sa nakaraan niya.
Ngayon pa lang siya may nakausap na kilala ang tunay na pagkatao niya bukod sa lawyer ng parents niya.
Pareho nang patay ang grandparents niya bago pa man mangyari ang trahedya. Nag-iisang anak ang mommy niya at ang mga kamag-anak niya sa mother side ay hindi nila kadikit. Samantalang ang dalawang kapatid ng daddy niya ay nasa magkaibang kontinente at parehong walang komunikasyon na sa kanila. Kaya mula nang magising siya sa pagkaka-comatose, tanging ang lawyer-friend lang ng daddy niya ang nakausap nila ni Anton kung kaya't may access siya sa pera ng kaniyang mga magulang.
Sa unang pagkakataon, unang umiwas ng tingin si Allen sa kaniya.
"'Yung kinukwento mong na-witness na krimen..." patuloy ni Khari.
"Yes," mabilis na sagot ni Allen bago pa matapos ang sasabihin ng dalaga.
"Paano 'yung... Ako rin ba 'yung sinasabi ni Amy na nakita mong mag-sleepwalk?" tanong niya.
Pakiramdam niya ay may kaunti na siyang idea sa nakaraang nag-uugnay sa kanilang dalawa.
Ilang sandali pa'y tumango si Allen.
"Yeah," sabi nito. "And that's why I sneak out that night para daanan ka sa bahay ninyo if gising pa kayo or baka..."
Hindi malaman ni Khari ang kakaibang nararamdaman sa sarili lalo ngayon na hindi lang basta alam ni Allen ang nangyari sa kaniya, kung di may koneksyon sa kanilang dalawa.
"Hindi ako makapaniwala..." mahinang banggit ni Khari.
"Every six in the morning, dumadaan ang school bus sa bahay niyo to pick you up. Lagi akong nasa likod ng bus dahil senior na ako. You don't actually know me dahil nasa phase three kami. Except after that one night, naabutan kitang naglalakad nang nakapaa. Sinundan kita and you wake up suddenly sa gitna ng park. Nagulat ka and tumakbo pabalik ng bahay niyo. Hinarang kita and offered you na iuwi ka at sumama ka. Since then naiisip kitang silipin mula sa inyo if lalabas ka na naman nang tulog."
"Naaalala na kita," tila nanlulumong sabi ni Khari nang marinig ang kuwento ni Allen.
May isang teenager nga siyang laging nakikita sa harap ng bahay nila na laging naka-bike. At naalala niya ang gabing iyon na ihatid siya nito sa bahay mula sa pag-sleep walk niya.
"Inilibre kita sa ice cream house dahil doon. Ikaw nga ba 'yun?" hindi makapaniwalang sabi ni Khari.
"That's me." Gustong mangiti ni Allen pero alam niyang di maganda ang kauuwian ng kuwento. "The next evening I wanted to give you something as a Christmas gift. Iiwan ko lang sana sa gate ninyo pero..." Hindi na niya maituloy ang susunod na sasabihin.
"After the fireworks, nagpahinga na kami. We have a flight kinabukasan... f-for a holiday vacation." Nagsimulang magkatinik ang lalamunan ni Khari. Alam niyang mababasag na ang boses niya kung itutuloy pa niya ang kwento.
May inilabas si Allen mula sa bulsa niya. Tiningnan iyon ni Khari nang kumislap mula sa ilaw ng lampshade.
"I was there nang dumating ang mga pulis. Saw all of you and it haunted me for weeks, months... Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin 'yun minsan," papahinang kwento ni Allen. "After ko malaman na na-comatose ka, wala na akong naging balita dahil I also went for a treatment. Then nag-decide sina mommy na lumipat na kami," pahayag nito.
Umangat ang kamay ni Allen at ipinakita ang hawak.Kumunot ang noo ni Khari sa silver na kwintas na may pendant na krus.
"I kept this for a reason," patuloy ni Allen. "Hoping na maibigay ko pa rin ito one day."
Napaatras si Khari.
"Sa ice cream house nabanggit mong pupunta kayo ng Japan Disneyland at gusto ko sanang ipabaon to sa 'yo. For protection," paliwanag ni Allen. Iniangat niya ang kuwintas para ikabit kay Khari pero umiwas siya at tuluyang tumayo.
"Hindi ko kailangan 'yan. Paalisin mo na kami dito, Allen. Hayaan mo na kaming makauwi ni Kristof." Muling bumalik ang matigas na tono si Khari.
"No. You're not going anywhere," matigas ding sabi ni Allen.
"Bakit ba? Para saan? Wala ka namang balak ipakulong ako," sabi ni Khari na may kasiguraduhan.
"Don't temp me, Khari, alagad pa rin ako ng batas!" mahina pero mariing sabi ni Allen. "Naiintindihan ko kung bakit ka andoon sa kakahuyan. And I don't blame you dahil sa mga nakita mo sa loob ng library."
"Then alam mo rin kung bakit hindi ako titigil para mahanap sila at maipaghiganti ko ang nangyari sa pamilya ko."
"Oo, naiintindihan kita, Khari, pero hindi ko na hahayaang ipahamak mo ang sarili mo. You have no idea kung gaano kadelikado ang sinusubukan mong gawin... kung ano man 'yon." Lumapit si Allen at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Let me do it for you. Huwag mo'ng ilagay ang batas sa mga kamay mo."
Kumalas si Khari sa hawak ni Allen.
"Hindi ko kaya, Allen. Hindi ako matatahimik." Tumalikod na si Khari.
"Then I have no choice," wika ni Allen. "Si Anton ang ipapadampot ko."
Mabilis na humarap si Khari na may galit sa mga mata niya. "Walang kinalaman si Anton dito," sabi niya.
"Really? I have Anton's old phone. I have evidences na sangkot siya sa grupong iyon," sagot ni Allen.
"Hindi 'yan totoo! Nagkakamali ka!" Lumapit si Khari kay Allen para duruin ito sa galit.
"How'd you think I arrive in this conclusion? Sa tingin mo, paano ako ngayon nandito sa harapan mo, kinokompronta ka?" laban ni Allen.
"You stupid, stupid, detective!" mariing sabi ni Khari habang sinusuntok ang dibdib ni Allen. Imposible ang sinasabi nito. "Ako lahat ang may kasalanan! Wala siyang ginawa kung di ang pigilan ako at sagipin!"
Sinalo ng binata ang mga suntok ni Khari. Doon inilabas ng dalaga ang galit na hindi niya maisigaw nang malakas.
"Listen to me, Khari. Believe me when I say that he is as guilty as much as you are. Pero kung ayaw mong maniwala. Kung ayaw mong madamay si Anton... If- If you care about him, you'll stay. You'll stay and never leave this house... Or else," banta ni Allen.
"Idadamay mo talaga si Anton?" hamon niya. "Seriously, isa siyang anak ng simbahan," pagkukumbinsi ulit ni Khari sa binata.
"Nabubulagan ka sa nararamdaman mo sa kaniya," ulit din ni Allen.
"Kung mahal mo si Anton... Susundin mo ako."
Sinalubong ni Khari ang titig ni Allen at siniguro ng binata na seryoso ito sa sinabi.
"Hindi matatapos dito ang kuwento," seryoso ring banta ni Khari. "Hinding-hindi."
"I'm looking forward to that. Now go back to your room, Khari. You still have two hours to rest bago magsimba," sabi ni Allen na bumalik na sa mahinahon ang boses.
"Magsimba kayo mag- isa niyo." Tumalikod si Khari na nagtatagis ang mga panga sa galit.
"Khari," muling tawag ni Allen. Hindi niya ito pinansin.
Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya tungkol sa nag-uugnay sa kanila ni Allen. Ang mga rebelasyong di kapani- paniwala. At ngayon ay ginagamit nito ang pagmamahal niya kay Anton para masupil siya.
Napaka-imposibleng paratang.
Hindi siya papayag. Kailangang makagawa siya ng paraan. Maaring talo siya ngayong gabi, pero alam niya rin na malaya na niyang malalaman ang iba pang impormasyon tungkol sa mga demonyong iyon. At gagamitin niya pa rin si Allen para makuha ang gusto niya!
Hindi pa tapos ang laban.