"Oh."
Iniabot ni Anton ang hawak nitong cotton candy kay Khari saka nito isinakay si Kristof sa ferry's wheel.
Tiningala ni Khari ang dalawa at tahimik na pinanood habang paakyat sa tuktok. Kasama noon, lumipad ang kaniyang isip. Mga ala-ala noong kasing liit pa lamang niya ang kapatid at sila pa lamang ng mga magulang niya. Alam niyang masaya siya nang mga panahong 'yun. Pero hindi na niya maalala ang pakiramdam ng excitement na dulot noon.
"Afraid of heights?"
Naglaho ang iniisip ni Khari at halos mapaigtad nang marinig ang boses sa likuran niya. Bagay na hindi normal sa kaniya.
Wala siyang ibang nakakasalamuha kung di si Anton at ang kapatid niya. Maging ang ibang ka-sitio nilang nakakasabay sa simba kapag napipilit siya ni Anton ay di niya direktang nakakausap kung di rin lang siya lalapitan. And in that case, walang lumalapit. At wala siyang pakialam.
"Detective," napilitan niyang bati sa lalaking naka-plain white poloshirt na may patong na leather jacket. May kataasan ito gaya ni Anton kaya bahagya niya itong tiningala.
Hitsura ng tipikal na pulis, -lihim niyang palatak. Bakit ba ito narito?
"Bakit hindi ka sumakay?" tanong nito.
"Wala akong hilig sa carnival rides," simple niyang sagot.
Binasag ng detective ang ilang segundong katahimikan. "You look too sad for the holiday. At palagay ko, alam ko kung bakit," wika nitong may katiting na ngisi sa sulok ng labi.
Pinigilan ni Khari ang magdugtong ang kilay sa katabi pero di niya napigilan ang sulyapan ito ulit. Sumeryoso naman ang mukha ng kaharap at na-emphasize ng anggulo ng ilaw ang pagka-Indyanong mukha nito. Ang matangos nitong ilong na tinernuhan ng malalam na mga mata at makapal na kilay. Mga features na naalala niya noong una niya itong makita sa abandonadong pagbrika.
"Bakit?" hamon niya though iniwasan niya ito ng tingin. May kung ano sa aura ng detective na nagbibigay ng discomfort na pakiramdam sa kaniya.
"You were hurt. And you're still hurting," sagot nito.
Sinukat ni Khari ang pagkakatitig nito sa kaniya.
"Tama ako, right? You know, I always find the truth," naiiling nitong sabi bago muling sumulyap sa kaniya. "Smile, Kharriza, it's Christmas."
Tuluyang nagdugtong ang kilay ni Khari. May alam ba 'to tungkol sa kaniya?
"Alam kong hindi ka tagarito and I know you're not just an ordinary girl, Khari," dugtong pa ng pulis sa kaniya. Di maikakait na may kaya ito sa buhay at may mataas na pinag-aralan.
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo-" Hindi naituloy ni Khari ang sasabihin dahil sa di niya inaasahang hagikgik ng detective na lalong nagpagulo sa isip niya.
"I'm just messing with you. Napakaseryoso mo kasi," biro nito.
Muntik nang mabunot ni Khari ang bagong hasa niyang patalim sa ilalim ng kaniyang palda lalo na nang bigla siyang alukin ng Detective.
"Babayaran ko ang ngiti mo."
"Ano?"
"Napakamahal ba niyan ngayong Pasko? Come on. Babaguhin ko ang mood mo," yaya nito.
Nagulat siya nang pumwesto ito sa likuran niya at bahagya siyang itulak papunta sa isang dart-shooting area.
"Detective Del Rosario... " alanganing babala niya.
"Mukha kang may pasan-pasan sa isip at gusto kong ilabas mo 'yan." Di nito pinansin ang tono niya.
"Hindi ako puwedeng lumayo sa kapatid ko," rason niya. "Pasensiya na."
"Kaibigan mo si brother Anton, 'di ba?" paalala nito. "Tig-isang round lang. Ipanalo mo ang score at aalis na ako," dugtong pa nito.
Iniwas ni Khari ang mukha upang itago ang pagkairita niya sa makulit na lalaki. Pero mukhang wala siyang ibang option kung di pagbigyan ito para lubayan siya.
"Hindi ako marunong," muli niyang pagdadahilan.
"Just try," pilit ni Detective.
Huminga nang malalim si Khari habang pinapanood ang pagbabayad ni Detective Allen sa nasa loob ng booth matapos ang ilang nakapila.
Totoong hindi siya marunong sa dart. Pero wala namang pinagkaiba ito sa pagbato ng patalim.
"I'll show you how," patiuna ni Detective Allen.
Hindi nakakilos si Khari nang pumwesto ulit si Allen sa likuran niya at tila tuturuan siyang umasinta. Walang alinlangan nitong inangat ang kamay niyang may hawak ng pin at ipinuwesto ito. Pinigilan niyang huminga nang malalim sa pagkadismaya.
"Focus sa lobong gusto mong asintahin. Lagyan mo ng puwersa at lakas," wika ng Detective sa gilid ng tainga niya.
Patagilid siyang tumingin sa katabi. Gusto niyang umiwas pero hindi na siya umimik pa. Kung hindi lang ito pulis ay binalian na niya ito ng kamay kanina pa.
Sinubukan niyang ibato ang pin pero bahagyang kumirot ang braso niyang may sugat kaya di man lang ito umabot sa lobo. Pigil niyang ibinuga ang paghinga para di maramdaman ng katabi na may dinaramdam siya.
"Sayang! Pero okay lang 'yan. Subukan mong isipin na 'yung lobong 'yun ang bagay na gustong-gusto mong makuha. Like that yellow duck."
Nilingon ni Khari ang premyong stuffed toy pero ibang mukha ang lumalabas sa kaniyang isip. Una ay mukha ng detective mismo pero di talaga siya komportable sa paraan ng tingin nito kaya inilipat niya ang mata sa pulang lobong nasa gitna ng dartboard. Lihim na nagngalit ang bagang niya sa bagong mukhang naisip bago binitiwan ang pin. Sumanggi ang pin sa katabing lobo at iyon ang nabutas.
"Great! That was nice," masayang wika ni Detective Allen. "Isa pa at makaka-score ka na," excited na balita niya kay Khari.
Determinadong dinampot ni Khari ang huling pin. This time, hindi na siya magkakamali. Itinaas niya ang pin at saka umasinta.
"Kharriza!"
Nilingon ni Khari ang tawag ni Anton. Nag-aalala ang tingin nito habang papalapit sila ni Kristof.
"Come on, throw!" excited naman na wika ni Detective Allen sa kabilang gawi niya.
Wala sa sariling ibinato ni Khari ang pin. At tinamaan nito ay iyong sa ibabang parte ng mga lobo.
"Aw, sayang!" wika ni Detective Allen na ngumiti kina Anton.
"Center siya kanina," balita nito. "My turn."
Humawak sa magkabila niyang braso ang detective kaya humakbang paatras si Khari para bigyan ng puwesto ang binata. Gusto na naman niyang magreact sa bilis ng kamay nito. Hindi kasi siya sanay na mahawakan ng kahit sino.
Agad naman bumato ang detective nang sunod sunod na pin sa ere. Tinamaan nito ang lahat ng nasa sentro at ilang kalapit na lobo. Nagkakamot ng ulo ang nasa booth bago nito iniabot sa Detective ang malaking stuffed toy. Humarap ang detective sa kanila at inabot ang laruan kay Kristof.
"Merry Christmas!"
*****
Bumaba si Anton mula sa owner-type jeep at binuhat mula sa likuran ang tulog na kapatid ni Khari. Kinuha naman niya ang malaking stuffed toy na ibinigay ng detective. Isang busina ang nagpalingon kay Khari bago siya tuluyang makalapit sa bahay. Galing ito sa sasakyan ni Detective na sumunod sa kanila pauwi.
"Goodnight," sabay kaway nito sa kaniya.
Hinatid ni Khari ng tanaw ang papalayong sasakyan bago tuluyang pumasok sa bahay.
"Magpahinga ka na, alam kong masakit pa ang katawan mo."
Papatalikod na sana si Anton nang lumingon ito ulit kay Khari.
"Mag-iingat ka sa mood mo," sabi nito. "Baka magduda ang detective sa 'yo."
Hindi tumugon si Khari, sa halip ay tahimik nitong binuksan ang pinto ng kuwarto saka dumiretso sa cabinet para magpalit ng damit.
Kinuha niya ang itinago ni Anton na two-way radio at tahimik na nakinig sa anumang maaring balita habang inaalis ang lagayan ng patalim sa kaniyang hita.
Ito ang ginagawa ni Khari tuwing gabi. Sumagap ng balita sa radio na nagagawa niyang i-sync sa frequency ng kalapit na pulisya. Ito ang sumasayaw sa kaniyang kamalayan hanggang sa dalawin siya ng kaantukan.
Mulat pa ang kaniyang mata niya nang marinig ang pagpihit ng doorknob sa kaniyang kuwarto. Pumikit siya at nagpanggap na natutulog. Naramdaman niya ang presensiyang pumasok sa loob. Kilala niya ang amoy ni Anton kaya nai-relax niya ang sarili. Nakarinig siya ng mahinang lukot ng papel at paglalim ng gilid ng kaniyang higaan. Maya-maya'y naramdaman na niya ang mainit na palad ni Anton sa kaniyang pisngi.
"Magpahinga ka na. Ipinagdarasal ko sa Panginoon kapayapaan ng puso mo," mahinang sabi nito.
Hindi siya kumilos. Wala siyang pakialam kung alam nitong gising pa siya o hindi na. Madalas nitong ginagawa ang bagay na ito. Noong una, dumadaloy pa ang luha niya sa ganitong senaryo sa tuwing uuwi siyang may bahid ng dugo sa kamay. Hindi na puwede ngayon.
Ang kamatayan ni Santiago ay nagbigay sa kaniya ng tila panibagong tibay ng loob. Ng pag-asang may patutunguhan ang pinili niyang landas.
Tumayo na si Anton na hindi na inaasahan ang reaction niya. Pinatay nito ang radyong nasa tabi niya at ipinatong sa mesa. Tahimik rin itong lumabas ng kuwarto.
Ngayon pa ba ako hihinto? Ngayong alam ko na kung gaano na kalapit ang oras na makikita ko na ang mga hayop na pumatay sa aking pamilya?
Muli niyang binuksan ang radyo. Gusto na rin naman niyang makatulog. At ang tunog sa radyo ang nagpapaantok sa kaniya at tanging nagpapa-relax sa kaniyang kamalayan. Pero ang antok na hinihintay ay naharang nang marinig niya ang isang balita.
"Alpha One, positive. May naka-identify dito sa dating leader ng gang na dati ring kinabibilangan ng isa sa mga namatay sa pabrika...si Santiago de Dios."
"Where's your location?"
Tuluyang nagising ang kaniyang diwa nang makilala ang sumagot. Si Detective Allen.
Kinuha niya ang radyo at inilapit sa kaniyang dibdib sabay pikit. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso sa naririnig na mga impormasyon.
"Copy. Good job, men. Let's meet at the head unit and talk. Kailangan planuhin ang gagawin natin a.s.a.p.. Siguradong nag-iikot ang mga 'yan para makakita ng pagtataguan. Over and out," instruction ni Detective Allen.
Dumilat si Khari at tumitig sa kisame. Ito na ang matagal niyang hinihintay. Kalapit lang ng kanilang barangay ang lugar na binanggit ng inspektor na kausap ng detective. Nasa likod lang ito ng isang magandang subdivision. Madali niyang mapupuntahan ang liblib na lugar.
Kailangan niyang maunahan ang grupo ng detective. Kailangang sa mga kamay niya matapos ang hininga nila.
*****
Madilim at masukal ang pinasok niyang lugar. Sa di kalayuan ay dinig niya ang nagtatawanang kumpol ng kalalakihan.
"Huwag po! Maawa kayo sakin!Aaaahhhh! Aaahhhh!" palahaw ng isang matining na boses ng babae.
May binibiktima na naman sila!
"Huwag kang malikot! Nanggigigil na 'ko," wika ng boses habang ang iba ay tuwang- tuwa sa nagaganap na karumal-dumal na pangyayari. Pamilyar ang boses. Boses na di malilimutan ni Khari. Ang boses ni Simon.
Habang maingat na lumalapit sa tagpi-tagping bahay, binunot ni Khari ang patalim at naghanda. Pinigilan niya ang panginginig ng kaniyang katawan bugso ng muhi at diri. Kailangan niyang mag-focus. Kailangan niyang mapalabas isa-isa ang mga kasamahan ni Peter para mapatay.
Hindi pa siya nakakahakbang ulit nang makarinig siya ng tapak sa mga tuyong sanga at dahon. Pinigil niya ang paghinga at pagkilos, at nakiramdam. Alam niyang papalapit sa kaniya ang kung sino man na nasa likuran niya kaya naghanda siya.
Isang tapik sa kaniyang balikat ang nagpaigtad sa kaniya. Kasabay ng paglingon ay ang mabilis niyang pagduyan ng patalim patungo sa direksyon nito. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang salubungin niya ang mga gulat na titig sa kaniya ng lalaki.
Si Detective Allen!
Binawi niya ang patalim. Kasabay noon ay ang ang unti- unting pagtagas ng dugo sa lalamunang di niya sinasadyang malaslas.
"K-Khari..."
Hindi!
*****
"Khari... Khari, gising," tapik ni Anton.
Napabalikwas sa higaan si Khari. Butil-butil ang pawis niya sa noo.
"Mukhang napasarap ang tulog mo, ah. Tinanghali ka," bungad ni Anton kahit nagtataka ang tingin nito sa kaniya.
"May... May agahan ba?" tanong ni Khari na lalong ikinataka ng binata.
"Oo, siyempre ipinagtira kita," sagot ng nito.
Dumeretso si Khari sa hapag- kainan. Hindi niya na inisa-isa pa kung ano ang nakahain, sinunggaban niya ito at pilit isinubo ang lahat ng makita.
Kailangan niyang magpalakas at gumaling. Kailangan niya nang maging handa sa lalong madaling panahon.
Nilapagan siya ni Anton ng mainit na kape.
"Salamat," sagot niya pero una niyang inabot ang bote ng mga gamot para kumuha ng vitamins at pain reliever.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Anton.
"Oo," sagot ni Khari. "Nagutom lang."
Ayaw niyang mag-isip at mag-alala pa si Anton. Masyado pang maaga para sa binata.
Ngumiti si Anton at tila natuwa sa narinig. "Tama yan. Uminom ka ng vitamins para lumakas ka. Gagaan ang pakiramdam mo. Anong gusto mong lutuin ko sa tanghalian?"
"Hm, kahit ano. Lahat naman ng luto mo, masarap. Si Kristof?" sagot-tanong niya.
"Nasa kapilya, naglalaro. Mamamalengke lang ako, ah? Naalala ko, wala nang mga gulay at karne," paalam ni Anton.
"Ako na lang," alok ni Khari.
"Ako na. Baka mapagod ka na naman-"
"Hindi ako lalayo. Sa talipapa lang ako," harang niya.
"Sigurado ka ba?"
"Oo. Ako na," pagtatapos ni Khari.
Matapos maligo at mag-ayos, bumaba siya para makita ang kapatid. Naabutan niya itong may hawak na nakabungkos na tansan at kumakanta ng pamasko sa harap ng kaniyang bagong yellow duck na laruan.
Lumapit siya sa kapatid at tahimik na umupo sa tabi nito.
"We wish you a merry Christmas and a happy new year, yehey!" awit nito.
"Ang galing mo naman," puri ni Khari.
"Gusto niya po ng kanta ko eh," masayang sabi ni Kristof.
Nilingon ni Khari ang malaking stuffed toy. Muli ay naalala niya ang kaniyang panaginip at wala sa sariling napailing. Hindi niya inaasahang lalabas sa kaniyang panaginip si Detective Allen.
Madalas niyang nakikita sa kaniyang masasamang panaginip ay si Anton. At si Kristof. Bagay na nagpapagising sa kaniya sa buong magdamag.
Bakit ba siya ang napanaginipan ko?- isip-isip ni Khari.
"Kristof, huwag kang lalabas, ha? Dito ka lang," habilin niya sa kapatid.
Binaybay ni Khari ang daan palabas ng main road para mag-abang ng jeep. Sinabi niya kay Anton na sa talipapa lang siya pupunta pero ang pakay niya talaga ay daanan ang malaking subdivision para magmasid.
Isang pagbusina ang nagpalingon kay Khari. Huminto sa harap niya ang kotseng kagabi lang ay kasabay nilang umuwi.
"Saan ng punta mo?" tanong ni Detective Allen nang maibaba ang salamin.
"Diyan lang sa palengke," sagot ni Khari sabay iwas ng tingin sa lalaki. Naaalala pa niya ang titig nito sa panaginip niya habang naliligo sa sariling dugo.
"Sabay ka na. Doon din ang way ko,eh," alok nito.
"Hindi n-" Tatanggi sana si Khari pero narinig niya ang tunog ng radyo na nagpabago ng isip niya. "-Hindi ba nakakahiya?"
Simpleng ngiti ang isinagot nito sa kaniya nang buksan nito ang pinto ng passenger seat. Tahimik na sumakay si Khari. Mayamaya ay muling tumunog ang radyo.
"Alpha one, sir, do you copy?"
"Go ahead, bravo team," sagot ni Allen.
"You're requested inside San Miguel Subdivision, sir," sagot ng nasa kabilang linya.
Nagkatingginan sila ng detective sa narinig.
"What's the problem?"
"May suspicion of illegal entry sir."
"Khari, I'm so sorry, may kailangan akong daanan bago makarating ng palengke. Isasakay na lang kita-"
"Puwede mo ba akong isama?" mabilis na sabi ni Khari. Ayaw niyang may malampasang impormasyon kung tungkol ito sa hina-hunting niyang demonyo.
"Are you sure?" nagtatakang sabi ni Detective Allen.
"Ano kasi... Curious ako sa hitsura ng subdivision na 'yun," pagdadahilan niya.
Ngumiti si Allen at pinabilis ang takbo ng sasakyan. Pagpasok ng subdivision ay agad nilang tinungo ang clubhouse.
"Sandali lang ako. Puwede kang mag-ikot, pero huwag ka lang lalayo," bilin ni Detective Allen sa kaniya bago lumabas ng sasakyan.
Sinalubong agad ng ibang naroon ang detective. Itinuturo ng mga ito ang nakitang tila binasag na pader. Pasimpleng lumabas si Khari at nilibot ng tingin ang pagilid. Nagmasid siya sa lugar ng basag na pader at mga katabing bahay na maaring pinupuntirya ng grupo ni Peter.
Sa kabilang pader makikita ang isang daanan na tinabas lamang ang mga d**o.
"Sir, di mo sinabing may kasama ka pala."
Napalingon si Khari sa lalaking nagsalita. Nahuli niyang tinatapik ito ni Detective Allen at parang sinisita.
"Babalik na lang ako. Magre-report lang ako sandali sa station," wika ni Detective Allen.
Nang makasakay sila ng kotse, hindi pa nakakalayo ay huminto ulit ang Detective sa isang eleganteng gate.
"May kukunin lang akong documents sa itaas," paalam nito bago nagbukas ng gate.
"Dito ka nakatira?" tanong ni Khari.
"Oo. Pero parents ko na lang ang nandito. Would you like to come in?" paanyaya ng Detective.
Tahimik na lumabas ng kotse si Khari. Tahimik niya ring nilibot ang mata sa simple, elegante at may kalakihang bahay.
"Feel at home. Aakyat lang ako sandali," bilin ni Detective habang paakyat ng hagdan.
Napansin ni Khari ang tinted glass sa pader sa may itaas ng hagdan kaya naglakad din siya papunta ro'n. Umakyat siya ng ilang baitang at sinilip ang kabilang parte ng pader. Tama ang kaniyang hinala.
Mula sa pader na sira ay may makitid na daanan na tumutumbok papasok sa masukal na kakahuyan.
"Gusto mo ba ng juice?" wika ni Detective na pababa na galing sa isang silid.
"Hindi na, salamat." Bumaba na si Khari bago sila magpang-abot ni Allen sa hagdan. "Nasaan ang mga kasama mo rito sa bahay?"
"Nasa America ang parents ko ngayon, binibisita ang kanilang apo."
"Mag-isa ka lang?" takang tanong ni Khari. Malinis kasi ang buong lugar.
"One month na mahigit. Bakit, gusto mo 'kong samahan?" Sumilay ang pilyong ngiti nito na ikinadugtong ng kilay ni Khari. "I'm only joking," tawa nito.
Simpleng buntong-hininga ang naging reaksiyon ni Khari sa tinuran ni Detective Allen.
Muli nilang nadaanan ang lugar kung nasaan ang mga kasamahan ng detective. Nagbaba lang ito ng bintana at iniabot ang folder sa kasama.
"Boss, andito si Ma'am Claire, hinahanap ka," sabi ng Inspektor.
Napansin ni Khari na iba ang ngiti nito na sumulyap pa sa kaniya. Natatawang umiling ang detective.
"Allen, baba ka muna, nagdala ako ng merienda," wika ng babaeng sumilip sa detective.
"Pasensiya na, Claire, next time na lang," tanggi ni Allen na sumulyap naman kay Khari.
"Bakit naman, halika na..." Lumapit ang babae at tila dudungaw pero agad pinaandar ni Detective Allen ang makina.
"May lakad pa kami ng girlfriend ko eh, next time na lang," wika ni Allen sabay hawak sa kamay ni Khari.
Nagulat siya pero di na nakakilos lalo na't nakita na siya ng sopistikada at magandang babae na tila nasa bente-singko ang edad.
"Sige, alis na kami." Umandar ang sasakyan sabay agad na bitiw ni Allen sa kamay ni Khari. "I'm sorry about that," natatawang nahihiya na paumanhin nito.
Hindi nakapagsalita si Khari. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi at kakaibang bilis ng t***k ng kaniyang dibdib.
Malapit na sila sa palengke nang muling magsalita ang detective.
"Kumain ka na ba?" tanong nito.
Nag-iisip pa lang ng sagot si Khari nang muling tumunog ang radyo.
"Alpha one sir, tuloy ba ang meeting natin regarding sa dating mga grupo ni Santiago?"
"Positve. After lunch, let's meet sa bahay. Give me an hour, sinisikmura na ako eh, over," sagot ng detective. Ibinaba ni Detective Allen ang radyo. "Marami ka bang bibilhin sa palengke? Tanghali na, ah."
Naka-focus ang isip ni Khari sa narinig na usapan sa radyo. Gusto niyang marinig pa ang ibang impormasyon.
"Wala naman. Gusto ko lang tumingin nang mabibili," wika niya. "Stock lang."
"Mabuti pa samahan mo na lang muna akong mag-lunch. Bawal sa akin malipasan ng gutom," mungkahi ni Detective Allen.
Nauwi sila sa isang simpleng restaurant. Nakahinga nang malamim si Khari na bitbit ni Allen ang radyo sa loob. Kahit busog, hindi siya tumanggi nang umorder ng tig-isang set meal ang kasama. Tahimik silang kumain.
"Pasensiya ka na pala ulit kanina," basag ni Detective Allen sa katahimikan nila.
"Bakit di mo na lang kasi sabihin ang totoo?" sagot ni Khari.
"Ang totoo?" napahintong sabi ng detective.
"Na ayaw mo sa kaniya," paliwanag ni Khari.
"Ah, akala ko pinapaamin mo ako," sabi nitong nagkamot ng batok habang natatatwa.
Hindi naintindihan ni Khari kung ano ang joke doon. Ilang beses na kasing kung magreact ito, akala mo ay nagbibiro.
"She should know. Kaya lang nakikisuyo ako- well, she offered, hinihiram ko ang kasambahay niya," explain ni Detective Allen.
Tango lang ang isinagot ng dalaga. Nadismaya si Khari dahil matatapos na silang kumain ay di pa rin tumunog ulit ang radyo. Hindi niya alam kung paano pa makakakuha ng balita kung magme-meeting na sila nang harapan ng grupo nito. Kailangan niyang makaisip ng paraan.
Naputol ang pag-iisip niya nang tumawag ng waiter si Allen at parg may balak na umorder pa ulit.
"Gutom ka pa?" tanong niya na ikinatawa ni Allen.
"Nakakagana ka kasing kumain, eh," ngisi ng detective.
Pagtataka lang ang reaction si Khari.
"Ano ka ba? Hindi ka ba nakakarinig ng jokes?" pang-aasar ng detective. "Oorder lang ako para sa meeting namin mamaya. Wala akong ipapakain eh. Baka tawagin ko na lang ulit 'yung kasambahay ni -"
"Ako na lang." Mabilis na naisip ni Khari ang isang idea.
"Ang alin?"
"Ang... magsisilbi sa inyo. Tama! I-hire mo akong kasambahay," sabi ni Khari nang hindi nagdadalawang -isip. "Para di ka na guluhin ng Claire na 'yun," tudyo niya.
"Seriously? Gusto mong maging kasambahay ko?" ulit ni Detective Allen na tinatantya ang hitsura niya.
"Oo... kahit hanggang holiday lang."
Napangiti si Khari sa kaharap dahil sa idea na naisip.