Chapter 7

1637 Words
PAGKAPASOK ko ng kwarto, saka ako tuluyang umiyak. Parang sasabog ang dibdib ko kanina pa dahil sa nararamdaman kong bigat. Hindi ako sanay sa ganitong emosyon kasi lumaki ako na masiyahin. Kahit may problema ako at kahit gaano pa ‘yon katindi, dinadaan ko na lang sa tawa ang lahat kasi ayaw kong dibdibin! Maya-maya pa ay biglang may kumatok. Nasa likod pa rin ako ng pintuan kaya tumayo lang ako saka ito binuksan. Ni hindi ko man lang nagawang punasan ang mukha ko kaya ng bumungad ako kay Kuya Romz, parang nahahabag ang itsura niya habang nakatitig sa akin. Patay malisya akong ngumiti saka tiningnan ang kanyang dala. “Miss Janiyah, ito po ay mga damit ng anak ko na hindi na nasusuot.. Mukhang mag kasingkatawan lang naman kayo kaya basta ko na lang ito kinuha sa kanyang cabinet. Pagpasensyahan mo muna kung ito lang–at hayaan mo bukas na bukas, sasabihin ko kay Nadia na samahan ka sa palengke para makabili ka ng mga damit mo.” Mahabang sabi ni Kuya Romz saka inabot sa akin ang ilang damit na nakatupi. Lumapad bigla ang ngiti ko. “Salamat dito, Kuya Romz! Sa wakas, hindi ako matutulog na madumi ang damit at ang katawan..” Pinilit kong alisin ang lungkot sa aking boses dahil nakakahalata ako na parang apektado siya. Kanina kasi habang hinahatid niya ako dito sa aking kwarto, ni hindi niya man lang ako sinisermonan. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin at panay-panay pag buntonghininga. “Maligo ka na Miss Janiyah at magpahinga na rin. Kahit medyo tanghali ka na rin gumising bukas.” Sabi niya pero umiling ako. “Hindi po Kuya Romz… Maaga pa rin akong gigising dahil baka mas lalo akong pag-iinitan ng boss mo.” Humagikhik ako saka niyakap ang mga damit. Amoy taguan. Ang bango! “Hindi ‘yon Miss Janiyah.. Busy bukas si Dylan kaya hindi nun malalaman kung tatanghaliin ka ng gising. Staka may rason naman kung bakit.” Giit niya pa. Hindi na ako sumagot sa kanya dahil alam kong baka puyat lang si Kuya Romz kaya niya iyon sinasabi sa akin. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko at bilang pampalubag loob, hindi niya magawang maging istrikto sa ngayon. Nag pasalamat ulit ako sa kanya bago siya umalis dahil kung wala ang mga damit ng anak niya, baka mamaho na lang ako dito sa loob ng kwarto. Naligo agad ako. Hindi pa rin ako nakakasilip sa aking cellphone kaya hindi ko pa alam kung anong oras na. Pagkatapos, namili ako ng isusuot ko. May dress na pantulog pero ng bigla kong binuklat, may nalaglag na plastik na may laman! Napangiti ako habang dinadampot ang ito at ng buksan ko, bagong panty. Bago pa at may tatak na Avon. Medium ang size kaya tama lang ‘to sa akin. Aba nga naman, kahit papaano sinipitan pa nga rin ni Kuya Romz! Natawa na tuloy ako dahil sa kilig! Aba’y sino ba naman ang hindi kikiligin kung ang susuotin kong panty ay bulaklak ang design! Bali tatlong damit at isang dress na pambahay at tatlong malalambot na short ang ibinigay sa akin ni Kuya Romz! Idagdag pa ang isang Avon na panty. Walang bra kaya nilabhan ko na lang ang bra ko at piniga ng ayos at itinutok sa electricfan habang naka-hanger. Habang pinapatuyo ko ang aking buhok, dinukot ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Ang daming missed calls galing kay Papa. Meron din ilang tawag galing kay Jasmine at Mrs. Sulit. Alas tres na ng madaling araw! Dalawang oras na lang at gigising na ulit ako para magtrabaho! Pinatay ko ulit ang cellphone ko matapos mag tipa ng message kay Papa. Siya na muna ang bahala na makipag-usap kay Mrs. Sulit. Saka na ako magpaliwanag kapag na-uto ko si Dylan at baka papayagan ako na mag day-off. Potek lang dahil bigla akong naging katulong ng wala sa oras! Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit ako nagkautang sa kanya. Ni hindi maabot ng utak ko kung paano ko ‘yon nagawa eh magkulang nga lang ako ng salapi sa tindahan ni Aling Magda, binabalikan ko talaga para ibigay ang kulang ko! Ang laking pera pa naman sana kung matatapos ko ang project ko kay Mrs. Sulit kaso parang wala ng pag-asa na matapos ko ‘yon. Sayang na sayang lang dahil pangarap ko pa naman na makabili ng Toyota Vios, yung second hand lang sana kung sakali na matapos ko ang project na ‘yon! Kaso parang na evil eye agad ang pangarap ko! Kapit ka na lang muna Toyota Vios, gagawa ako ng paraan para sa'yo! Nagising ako saktong five-thirty ng umaga. Una kong ginawa ay kinapa agad ang bra ko at salamat naman dahil natuyo. Pagkatapos kong ligpitin ang higaan ko, nag diretso ako ng banyo para makapaghilamos. Kagabi nagulat ako dahil kumpleto ang hygiene kit sa maid quarter. Lahat mga bago pa kaya iyon na ang ginamit ko. Nag toothbrush ako pagkatapos maghilamos. Nagpalit ako ng damit at short at bago ako lumabas ng banyo, kinapa ko muna kung natuyo ba ang mga damit kong nilabhan kagabi. Basa-basa pa kaya hinayaan ko muna doon. Excited akong makita si Nadia ngayon kaya dagli akong lumabas ng maids quarter kahit medyo kulang pa talaga ako sa tulog. Medyo mugto rin ang mga mata ko pero hindi naman halata kung hindi naman tititigan. “Good morning, Miss Janiyah.” Bati sa akin ni Kuya Romz ng mapadaan ako sa sala. Nakatayo siya sa may main door at tila binubuksan ng kaunti ang pintuan. “Good morning Kuya Romz! Buksan niyo pa po para makapasok ang sikat ng araw–” “Nasa kusina si Nadia Miss Janiyah, mag almusal ka na muna doon." Pinutol ni Kuya Romz ang sasabihin ko. Bumalik na naman sa pagiging istrikto ang mayordomo ng mansyon na ‘to. Maliit na siwang lang talaga ang pagkabukas ng pinto. Hindi ko na lang pinuna iyon dahil baka hindi naman sila naniniwala sa mga kasabihan. “Hello… Good morning!" Bati ko agad sa babaeng nakatalikod, nakapamaywang ang isang kamay habang ang isa naman ay naghahalo sa niluluto niya. Agad siyang napabaling sa akin, gulat na gulat ang reaksyon. “Totoo nga ang sinabi ni Kuya Romy!” Bulalas niya saka pinatay ang kalan. Nilapitan niya ako saka naglahad ng kamay. “Good morning.. Ako si Nadia pero Nadz na lang kung gusto mong maikli," sabay hagikhik niya, nakatakip pa ang isang kamay sa bibig. “Ako si Janiyah… Tama ang hula ko sa'yo, bata ka pa nga!” Bakas sa boses ko ang tuwa habang inaalog-alog ang aming kamay. “Hindi ako maniwala kay Kuya Romz ng sabihin niya sa akin na may bagong katulong dito! Akala ko joke lang pero hindi pala.." Sabi niya saka ako tiningnan simula ulo hanggang paa. Saka siya mas lumapit sa akin. “Mukhang hindi ka naman mahirap Miss Janiyah.. Parang hindi naman pang katulong ang kutis at itsura mo!” Kumunot ang noo niya habang tinitingnan niya pa rin ako. “Janiyah na lang ang itawag mo sa akin—” “Nako hindi pwede! Na briefing na ako ni Kuya Romz, Miss Janiyah raw ang itawag ko sa'yo at saka mag kape na muna tayo o kakain na ng kanin?” Ang daldal niya pala! Pero gusto ko siya! Masaya ‘to.. “Kape na lang muna,” nakangiti kong tugon saka umupo. Nagtimpla si Nadia. Barakong kape ang tinimpla niya kaya parang bigla kong na-miss ang kabataan ko noong nabubuhay pa si Lola. “Nadz, matagal ka nang katulong dito?" Hindi na ako nakapaghintay na magtanong. Kahapon pa nangangati ang dila ko sa mga katanungan ko kaya susulitin ko ngayong araw! Nilinga niya muna ang buong paligid bago sumagot. “Alam mo naman siguro na limitado lang talaga ang mga isasagot at sasabihin namin kapag tungkol sa mga Zavattari ang mga itatanong mo, Miss Janiyah..” Sumimsim siya ng kape. “Dalawang taon pa lang ako dito." Sabi niya sa mahinang boses. “Ikaw, bakit nagustuhan mong mamasukan dito? Mukhang hindi ka naman gipit na gipit para maging katulong dito.” Hindi ako nakasagot. Ano kaya kung sasabihin ko, na.. limitado rin ang isasagot ko sa kanya? “Kailangan daw ng katulong eh, kaya pinatos ko na.." Sabay tawa ko ng mahina. Bwesit, agang-aga nakapagsinungaling pa ako! Kung sasabihin ko naman ang totoo, baka isipin niya na scammer talaga ako! Kahit hindi naman talaga! Napalingon ako sa bandang bintana dito sa kusina. Mainit na sa labas at masarap sana kung masisikatan ng araw ang katawan namin kaso parang hindi talaga yata uso ang mag bukas ng mga kurtina dito. Hindi naman madilim dahil nakabukas ang mga ilaw at hindi rin mainit dito sa loob ng mansyon dahil kahit saan naka-on ang aircon pero iba pa rin talaga ang liwanag na galing sa sikat ng araw. “May tanong ako pero huwag mo naman limitahan ang isasagot mo.” Pabulong kong sabi habang ang mga mata ay panaka-nakang nakatingin sa may b****a ng kusina. Baka kasi biglang pumasok si Kuya Romz! Mabilis na umiling-iling si Nadia saka uminom ng kape. Parang hindi man lang nakaramdam ng init dahil nilagok niya talaga iyon ng isang lagukan. “Nako, hindi pwede Miss Janiyah! Kahit madaldal ako at kahit medyo…close na agad tayo, limitado pa rin ang mga isasagot ko sa'yo!” Parang natataranta niyang sagot pero tinawanan ko na lang siya. Wala pa nga akong naiitanong pero limitado na agad ang sagot niya. Pambihira naman. Nakakapag-isip tuloy kung bakit parang napaka-misteryoso ng mga tao dito lalo na ang Dylan na ‘yon.. Ano kaya ang mga tinatago at iniingatan nilang lihim? Nasa kalagitnaan ng gubat ang mansyon tapos saradong-sarado pa ng kurtina ang buong bahay! Hindi kaya…may pagka-bampira talaga ang lalaking ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD