Chapter 6

1528 Words
HINDI ko alam kung ilang oras na akong naglilinis dito sa loob ng kwarto ni Dylan. Kahit antok na antok na ako at wala pang kain, pinipilit ko pa rin na tapusin ang paglilinis. Mabuti na lang din at tuloy-tuloy ang ginagawa ko dahil simula ng lumabas si Dylan, hanggang ngayon hindi pa rin siya pumapasok. Siguro nga masarap na ang tulog niya sa kung saan man siya ngayon. At kung bakit ba kasi umandar pa kanina ang pagiging patolera ko! Kung hindi ko kaya siya pinatulan kanina, tulog na rin kaya ako ngayon? Napabuntong hininga tuloy ako, matapos ayusin ang isang cabinet. Naibalik ko na ulit ito sa dating tayo at nailagay ko na rin ang mga nakapatong. Saglit akong umupo sa gilid at pagod na humikab. Nakusot ko pa ang mga mata ko dahil nakakaramdam na talaga ako ng pagka-antok. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong nakikitang orasan dito sa kwarto niya! Nakakainis lang dahil unang gabi ko dito tapos ito ang napala ko! “Miss Janiyah? Nandito ka ba?” boses iyon ni Kuya Romz nang marinig kong bumukas ang pintuan. Parang nagkaroon ako ng pag-asa! “Nandito po ako Kuya Romz!” Bulalas ko saka tumayo at nagmadaling pumunta ng pintuan. Pagkamangha ang namuo sa itsura ni Romz ng makita niya ako. Magulo ang mga buhok ko at parang basahan na rin ang damit dahil sa mga alikabok na dumikit sa akin. “Anong ginawa mo Miss Janiyah? Bakit dis-oras ng gabi, naglilinis ka pa dito?” Napaawang ang bibig ko sa isipin na alam niya ang gawain ng boss niya kapag nagagalit? Stk. Malamang Janiyah! “Ah–eh…nagkasagutan lang po kami kanina ni Dylan Kuya Romz..” Sabi ko saka inayos ang aking buhok. Umiling-iling siya, hindi mapakapaniwala sa aking sinabi. Nilibot ng mga mata niya ang buong silid at mangha na ibinalik sa akin ang paningin. “Hindi mo dapat sinasagot-sagot si Dylan Miss Janiyah. Hindi mo siya kilala.” Paliwanag niya sa akin. Ayaw ko ng sinabi niya pero hindi ko pinahalata. “Hindi niya rin po ako kilala Kuya Romz pero bakit kailangan niya itong gawin sa akin? Kung may atraso ako sa kanya, singilin niya ako sa maayos na paraan. Hindi yung basta niya lang ako dadalhin dito tapos maglalahad siya ng mga kagustuhan niya na wala akong ibang choice kundi sundin siya... Mukhang hindi puso tao ang puso ng amo mo Kuya Romz. Pusong bampira ang meron siya!” Inis na inis kong sabi saka ipinagpag ang aking damit. Yukong-yuko ako dahil iniiwasan ko na makita niya na namumuo na pala ang mga luha ko sa aking mga mata. Kinagat ko rin ang ibaba kong labi ng sa ganun, hindi matuloy ang panginginig ng bibig ko. Narinig ko kung paano mabigat na bumuntong hininga si Kuya Romz, parang hirap na hirap siyang i-divert ang mga narinig niya sa akin. “Miss Janiyah, ang pinaka-ayaw ni Dylan ay ang sabihan siya ng mga salita na hindi niya gusto–” “Ganun din naman ako Kuya Romz pero bakit parang wala akong karapatan na depensahan ang sarili ko?” Potek, naiiyak na ako! “Gising pa po ba siya? Hihingi ako ng sorry sa kanya,” tanong ko saka binalikan ang mga ginamit ko sa paglilinis. Hindi sumagot si Kuya Romz at ng balingan ko siya, tila problemado pa sa akin ang pagmumukha niya. Ano kaya ang iniisip niya, na baka napipilitan lang ako? Hindi ako ganun! Kapag hindi na matanggap ng konsensya ko, binababaan ko ang pride ko. Hindi ako mapagmataas na tao. Mabait ako kaya siguro ganun na lang ako kung awayin ni Jasmine, ng kapatid ko. Tapos na akong maglinis at kasing kintab na ng sahig nila ang bawat cabinet. Wala na ring makikitang kalat at alikabok sa bawat sulok. Kahit buksan pa niya ang ilaw para makita kung gaano kalinis ang kwarto niya! “Gising pa po siya Kuya Romz?” Tanong ko ulit sa kanya ng nasa harapan na niya ulit ako. Nag kamot siya sa kanyang ulo. “Nasa baba siya Miss Janiyah. Pero kahit bukas mo na lang siya kausapin–” “Hindi po, hindi ko na po ipagpapabukas ‘to..” “Pero hindi mo siya pwedeng kausapin ngayon Miss Janiyah." Napalingon tuloy ako kay Kuya Romz. Nauna na ako sa kanya dahil sa pagmamadali. “Bakit po? Wala naman po yata siyang ginagawa?” “Lasing siya Miss Janiyah at kung ipipilit mo ang gusto mo na kausapin siya, eh baka mas lalo lang kayo mag-away.” Paliwanag ni Kuya Romz. Bahagyang naningkit ang aking mga mata ng marinig ang sinabi niya. At mas lalo lang din akong nakapag-isip ng kung ano-ano! Ay, bahala na! Hihingi ako ng tawad dahil baka ako pa ang dahilan ng paglalasing niya! Medyo assuming ako sa part na ‘yon pero malay ko ba. Baka problemado lang ang tao kaya nagpapakalasing? Ilang beses akong pinigilan ni Kuya Romz pero hindi ko siya pinakinggan. Buo na ang desisyon ko, hihingi ako ng despensa. Wala namang masama sa pagiging mabait at mabuti eh. Plus points pa ako sa langit kapag ganun! “Miss Janiyah, kahit ipagpabukas mo na lang ang–” “What are you doing here?” Natigilan ako ng makita ko si Dylan, namumungay ang mga mata at namumula ang mukha. Sa harapan niya ay maraming bote ng beer, mayroong laman at mayroong wala na, may ashtray rin habang may sigarilyo na nakapatong, umuusok pa. Narinig ko kung paano mabigat na huminga si Kuya Romz na nasa likuran ko lang. Hindi agad ako nakapagsalita hanggang sa pabalang niyang ibinagsak sa counter ang bote ng beer na iniinuman niya. Napataas pa ang magkabila kong balikat dahil sa gulat. “Ah…gusto ko lang…” Nangapa ako ng sasabihin. Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil parang nasusunog ako sa bawat pataw niya ng paningin sa akin. “What do you want?” Kwestyun niya, galit ang boses. “Uh, you want to insult me again? Bakit, hindi ka pa ba pagod maglinis? And you want to call me vampire so that you can clean more?” Sabi niya pero pagkatapos narinig ko ang malakas na pag-ubo ni Kuya Romz mula sa aking likuran. Hindi ko ‘yon pinansin bagkus humakbang ako ng isa para makalapit kay Dylan. Dumilim ang mukha niya. Unti-unting nagtatagis ang mga bagang niya pero hindi ako nag pasindak. Nagmatapang ako na humakbang ulit hanggang sa tuluyan na akong nasa harapan niya. Nilalabanan ko ang bawat paninitig niyang masakit kahit parang magliliyab na ako. “Sorry kung…sinabihan kita ng bampira. Galit na galit lang ako sa'yo kanina. Sorry dahil masyadong foul ang mga nasabi ko sa'yo at hindi ko ‘yon…sinasadya.” Bigla akong napayuko pagkatapos kong sabihin ang lahat ng ‘yon. Totoo na mahina ako sa mga kumprontahan na ganito dahil mababaw lang ang luha ko. Hindi ko napipigilan ang emosyon ko dahil once na humingi ako ng sorry, pakiramdam ko, sobrang hina ko. Muling tumunog ang bote ng beer. Parang kakatapos niya lang ulit tumungga at pabalang na naman niyang ibinaba iyon sa counter. Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil nanginginig na ang bibig ko. Kahit nangangalay na ako sa kakayuko, hindi ko ginawa na iangat ang paningin ko dahil ayaw ko na makita niya ang parte ng pagiging mahina ko. Tumikhim si Kuya Romz saka bahagyang lumapit sa aking likuran. “Miss Janiyah…ihahatid na kita sa kwarto mo. Maligo ka na para makapag-pahinga ka na rin.” Sabi ni Kuya Romz, magaan ang boses niya ngayon. Ni hindi ko nararamdaman ang pagiging istrikto niya. Mas lalo lang nanubig ang mga mata ko. Parang sinasakal na rin ang leeg ko dahil kahit laway lang naman ang lulunukin ko, hindi ko magawang lumunok dahil masakit sa lalamunan. Lalo na ng maalala ko na wala naman akong pamalit kung sakaling maliligo ako ngayon. Kumuyom ang mga kamao ko kasabay ng pagpikit ng mga mata ko. “Pero… wala po akong dala ni kahit isang damit man lang…” Saka pumatak ang isang butil ng luha ko. At dahil sa matinding katahimikan, rinig na rinig ko ang pag patak ng luha ko sa sahig na kahoy. Parang isang jolen ang tunog niyon at alam kong hindi rin iyon nakalampas sa kanilang pandinig. “Get out.” May diin na sabi ni Dylan saka ibinagsak sa counter ang bote ng beer na pakiwari ko’y walang nang laman. Hindi ko na rin kaya na tumigil dito. Nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin sa kanya. Di bali nang hindi siya humingi ng tawad sa akin at least ako nagpakumbaba. Sino ba naman ako para pagpakumbabaan eh sarili kong kapatid hindi magawang humingi ng tawad sa akin kahit sobra-sobra na ang kasalanan niya sa akin. Ilang sandali pa at naglakas loob akong punasan ang mukha ko. Yung punas na hindi nila iisipin na umiyak ako. Hanggang sa mapait akong ngumiti saka inangat ang aking paningin. Iniwas ko agad ang paningin ko kay Dylan pero mas nauna siyang umiwas ng paningin, halatang labag sa kanya na tingnan ako at tanging buntong hininga niya lang ang narinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD