INIRAPAN ko siya ng banggitin niya ulit ang buo kong pangalan. Kailangan ba talaga dahan-dahanin niya ang pagsambit sa bawat kataga ng buong pangalan ko!?
Simula ng maging legal ang edad ko, dalawang ID lang ang meron ako kaya paanong nangyari na malaman niya ang buong identity ko kung lahat naman ng iyon ay nasa akin?
Imposible rin na makita niya lang sa kung saan-saan ang buo kong pangalan! Wala akong social media account! At kung ID ko naman noong college, imposible rin na makita niya ‘yon dahil nakatabi na ‘yon kasama ng mga gamit ko sa pag-aaral.
Malabo talaga eh!
Tapos na siyang kumain ng tingnan ko siya ulit. At akmang tatayo na ako para sana kunin ang pinagkainan niya ng sumenyas siya. Hindi ko naituloy ang pagtayo ko at bumalik agad ako sa silya para umupo ulit.
“Si Romy na ang kukuha nito. We have things that need to talk about,” seryoso niyang sabi saka pinunasan ang bibig gamit ang likod ng kanyang palad.
Ilang sandali pa at biglang pumasok si Kuya Romz! Nakakamangha na naman dahil parang may secret button sila para malaman nito na siya ang kailangan ngayon!
Hanep talaga! Bakit parang napaka-misteryoso nila?
Paglabas ni Kuya Romz, tumayo ang lalaking ito at saka naglakad palapit sa lamesa na halos katabi ko lang.
Ang tangkad niya! At sobrang puti niya nga talaga! Bahagyang umawang ang bibig ko pero agad ko ring itinikom ng sulayapan niya ako bago ibalik sa drawer ang buong atensyon niya.
Bampira nga yata talaga ang lalaking ‘to!
“That’s the rules that you need to follow, Miss Hermoso.” Saad niya habang nilalapit sa akin ang ilang papel.
Sa mga daliri niya ako nakatingin sa halip na sana ay sa mga nakasulat.
Ang mga kuko niya, parang hindi man lang napapasukan ng kahit anong dumi! Sobrang linis at staka ‘yong bawat daliri niya, parang hindi man lang nakakaranas na patunugin dahil sobrang straight lang ang mga ito! Ni hindi ko man lang masilayan ang mga buto!
“Read it, Miss Hermoso." Untag niya kaya sa papel na ako napatingin!
Dinampot ko ang papel saka pinahapyawan ng basa.
“Hindi ko alam kung planado mo ‘to o pinaghandaan mo lang talaga ang araw na’to?” Kwestyun ko sa kanya pero naningkit lang ang kanyang mga mata.
Muli kong binasa ang nakasaad sa papel at nakita ko na hanggang bente ang numero ng mga rules niya!
Natawa ako bigla, hindi makapaniwala sa kanya!
“Seryoso ka ba talaga dito? Ang hanep, twenty rules? Makakagalaw pa kaya ako dito sa pamamahay mo?” Nakataas ang isang kilay na kwestyun ko sa kanya!
Mas lalo lang naningkit ang kanyang mga mata. Nakatayo pa rin siya at parang hindi man lang nangangalay!
“Kung lahat ng ‘yan ay susundin mo, makakagalaw ka ng maayos dito sa bahay ko, Miss Hermoso–but, if you disobey my rules even just one, madadagdagan ang utang mo sa akin. One disobey, ten percent to be exact, will be added to your debt–”
“Tangina, ano?!” Napamura ako bigla!
“What the f**k? Sinisinghalan mo ako? At minumura pa?” Bigla niyang hinampas ang lamesa niya.
Mas lalo akong nakaramdam ng iritasyon at galit kaya tumayo ako para hampasin rin ang lamesa niya!
Tangina niya, ah!
“Hindi makatarungan yang ginagawa mo sa akin kaya sinong hindi magmumura?” Bwelta ko. “Pumayag ako kanina ng basta mo na lang ako tangayin na parang hayup doon sa trabaho ko! Hindi ako nag eskandalo para ipahiya ka doon at kusa na lang akong sumama sa inyo kahit hindi ko pa rin alam kung bakit mo ako pinaparatangan sa mga bagay na hindi ko naman nga ginawa!” Naiiyak na ako, bwesit!
Pero nilabanan ko na hindi ako manghina! Tangina niya lang kung iiyakan ko siya! Naiiyak lang naman talaga ako dahil sa isipin na wala na nga akong mahuhuta sa pagiging katulong ko dito sa kanya tapos mababaon pa ako lalo sa utang na hindi ko naman inutang sa kanya! Bwesit siyang bampira!
“Mamatay na ang sumunod sa lahat ng rules mo!” Galit kong anas saka ginusumot ang papel na ibinigay niya sa akin!
Narinig ko siyang nagmura ulit ng malutong kaya bago ko siya talikuran, mariin ko siyang tiningnan, yung tingin na basta na lang siya mag-uusok dahil sinasabuyan ko na siya ng holy water.
“Masunog ka sana diyan sa kinatatayuan mo! Bampira na maitim ang budhi! Kasing itim ng suot mong damit!” Singhal ko saka siya mabilis na tinalikuran!
“What the—what you said?” Hindi makapaniwalang kwestyun niya kaya halos matumba ako dahil sa lakas ng echo ng boses niya!
Mabilis niya akong hinarangan rason para hindi ko natuloy ang paghakbang ko.
“Bakit, masakit ba na maparatangan? Na back to you ka ba?” Anas ko sa kanya, halos mangalay ang leeg ko kakatingala sa kanya! Sobrang taas niya na halos hanggang dibdib niya lang ang ulo ko!
Kapag ako binalibang nito, mapapainom talaga ako ng juice na maraming yelo!
“You said what? Bampira? Ako?” Magkasalubong ang mga kilay na tanong niya sa akin. Parang nakaramdam ako ng nerbyos dahil sa awra niya. Nagtatagis ang mga bagang niya habang mariin siyang nakatingin sa akin na parang kahit anong oras, kayang-kaya niya akong hawakan sa ulo at itagilid iyon para lang makagat niya ako sa leeg!
“You know what, hindi ko ini-expect na magiging maingay itong kwarto ko dahil sa'yo–”
“Dahil bakit, huh? Nagagambala na ba ang mga itim na maligno diyan sa tabi-tabi? Nabibingi na ba ang bampira na kagaya mo–”
“Shut your fúcking mouth, woman!” Singhal niya, mas lalong nandilim ang mga mata niya. “If you call me a vampire again, hindi ako magdadalawang isip na kagatin yang leeg mo at sipsipin ang dugo mo hanggang sa magmakaawa ka sa akin at hilingin na bukas na ulit—because you like me súcking your skin.” Ngumisi siya saka pinalandas ang dila sa kanyang ibabang labi habang titig na titig sa leeg ko.
Parang bigla akong nakaramdam ng pangingilabot. Parang kusang nagsitaasan ang mga balahibo ko dahilan para pagkrusin ko ang mga kamay ko para lang mabalutan ang katawan ko.
Unti-unti rin akong umuurong palayo sa kanya pero…hindi ko inaasahan na basta niya ako hapitin na halos ikadikit ko sa kanyang dibdib!
“Careful, Miss Hermoso… Baka maapakan mo ang mga kampon ko,” seryoso niyang sabi.
Dahil do’n, mas lalo akong natakot kaya kahit labag sa kalooban ko na dumikit sa kanya, parang gusto ko na lang siyang yakapin agad!
Napalunok ako.
“Scared?” Sambit niya. Awtomatiko akong tumango-tumango dahil sa nerbyos.
Ngumisi siya saka unti-unting nilalapit sa aking mukha ang kanyang mukha. Ayaw ko na pala na magdikit kami dahil immortal ako kaya habang lumalapit siya, ako naman ay lumalayo hanggang sa maramdaman ko na lang na lumalapat na pala ang buhok ko sa lamesa niya.
Halos humiga na ako sa lamesa niya kung hindi lang siya nakahapit sa akin! At dahil do'n, pigil na pigil ko ang sarili ko na hindi bumigay kahit nakasuporta ang kamay niya sa bewang ko.
Bahagya siyang bumuga ng hangin kaya halos tumama sa aking mukha ang lumabas na hangin sa kanyang ilong! Saglit akong napapikit.
“Because you called me a vampire, you'll clean my room until dawn.”
Bigla akong napamulat.
“Ha? Hindi ako tutulog?”
“Pwede naman kung papayag ka mag pakagat ka sa leeg mo–”
“Huh? Hindi ako papayag!”
“Then clean my room until dawn.” Pinal niyang utos saka ako binitawan ng walang paalam kaya halos mawalan ako ng balanse.
Walang hiya ang lalaking ‘yon!
Bampira nga yata talaga ang lintik na ‘yon!