Chapter 4

1438 Words
NASA kusina na ako at si Kuya driver ay nakabuntot lang sa akin na para bang lalaking version siya ni Miss Mischin. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng nerbyos. Paano ba naman kasi, para siyang robot talaga! Tahimik lang na nagmamasid at nakasunod sa akin. Napangisi ako pagkatapos ko na namang mamangha dahil sa pagkain nung lalaking iyon! Mayaman nga talaga siya! Asparagus with raw steak ba naman ang pagkain niya ngayong gabi! Tapos may mga sunog na bawag pa sa gilid ng plato. Habang pinupunasan ko ang mga kamay, iniisip ko ang itsura ng lalaking iyon! Matikas ang katawan niya. Maputi siya at medyo…namumutok ang biceps niya pero baka dahil sa suot niyang polo sleeve kaya ganun? Hindi niya ako mauuto sa mga pa gano'ng awrahan niya. Sa mga libro ko lang naiimagine ang mga gano'ng klase ng lalaki! Simula ng makita ko siya kanina ay nakasuot lang siya ng sunglasses at halos buong katawan niya ay balot na balot! Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya at bakit hindi niya magawang hubarin ang salamin niya? Pero siguro dahil may lahi siyang bampira, kaya ganun? Takot siya sa sinag ng araw. Iyon ang numero unong pinaka-ayaw ng mga bampira! Binalingan ko si Kuya driver ng matapos ako sa aking ginagawa. Halos ilang oras na kaming magkasama pero hindi ko pa pala nalalaman kung ano ang pangalan niya! Umubo ako kahit hindi naman nangangati ang lalamunan ko. Gusto ko lang talaga kunin ang atensyon niya. Nagtagumpay ako ng tumingin siya sa akin, walang reaksyon at tuwid lang na nakatitig sa akin. “Kuya, hindi ko pa pala nalalaman ang pangalan mo samantalang ako, kilala mo na at ilang beses mo nang sinasabi ang pangalan ko,” humagikhik ako. Gano'n pa rin ang itsura niya. “Medyo…unfair lang po sa side ko kaya ko gusto malaman ang pangalan mo...” dugtong ko saka patay malisya na nagkamot sa ulo. Ni umis ay wala man lang humulma sa bibig ni Kuya driver kaya parang gusto ko na lang hilingin na lamunin na lang sana ako ng flooring nila na yari sa good lumber! Ilang sandali pa at tumikhim si Kuya driver kaya parang nagkaroon ako ng pag-asa. “Romy na lang ang itawag mo sa akin, Miss Janiyah.” Sabi niya saka inayos ang kanyang pagtayo. “Kuya Romz na lang po! Ayos ba tayo d’yan Kuya Romz?” Sabay hagikhik ko pero naging mukhang tanga lang ako. “Malapit nang mag alas siete Miss Janiyah, kailangan mo nang pakainin si Dylan. Dalhin mo na ang pagkain niya sa kwarto niya. Sumunod ka sa akin at ihahatid kita sa labas ng kanyang kwarto,” utos niya sa akin saka ako tinalikuran para lumabas na sa kusina nila na parang kasing laki na ng inuupahan kong apartment! Nagkumahog tuloy ako na damputin sa lamesa ang plato na may pagkain ng lalaking iyon! Malalaki rin ang bawat hakbang ko para lang maabutan ko si Kuya Romz. Hindi sa taas dumiretso si Kuya Romz. Paglampas namin ng sala, may isang hallway sa kanan at doon siya lumiko. Basta na lang nabubuhay ang mga ilaw kapag may tumatapat na tao sa spot light kaya namangha na naman ako! Alam kong automatic iyon, kaya lang naman ako namamangha dahil bakit kailangan pa nila mag install ng ganung klase ng ilaw kung pwede namang i-steady na lang ang pag-ilaw niyon! Aksayado yun sa kuryente! Palibhasa mayaman kaya hindi nila pinoproblema ang pagbabayad ng kuryente. “Pumasok ka na Miss Janiyah,” utos sa akin ni Kuya Romz ng buksan niya ang pintuan pagkatapos niyang kumatok. “Kayo po, dito lang?” Mas nilakihan niya pa ang pagbukas ng pinto kaya nakita ko agad ang loob ng kwarto. Sobrang dilim! Lahat ng kurtina ay nakababa at puro kulay itim pa ang mga ito! At kung hindi lang dahil sa sinag ng dim light, hindi ko maaaninaw ang ibang bagay sa loob. Parang bigla akong natakot kaya umurong ako. “Dito lang ako sa labas maghihintay sa'yo, Miss Janiyah.” Sabi ni Kuya Romz, walang reaksyon ang mukha. Ngumuso ako saka umurong ulit kaso dingding na ang naurungan ko kaya awtomatikong napabalik ako sa dating pwesto ko! Bakit kasi ang kitid ng hallway nila? “Pasok ka na Miss Janiyah,” utos niya ulit sa akin. Mukhang hindi ko na siya makukumbinse na samahan niya ako sa loob kaya humakbang na ako papasok pero dalawang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng mapatigil ako dahil may nakita akong gwapong lalaki na naka-upo sa sofa! Wala itong suot na sunglasses at hindi rin balot na balot ang buo niyang katawan kaya napaisip agad ako na baka maling kwarto ang binuksan ni Kuya Romz? Bigla akong umurong saka dumikit kay Kuya Romz! “Kuya Romz, mali po yata ang binuksan mong kwarto?!” Bulalas kong sabi pero sa mahina na boses. Kumunot ang noo niya pero saglit lang at bumalik na ulit sa natural ang awra niya. Nahiya pa eh! “Bakit Miss Janiyah? Kay Dylan na kwarto ang pinasukan mo kaya bakit mo kailangan sabihin ‘yan?" “Eh kasi po gwapong lalaki ang nandoon sa loob! Baka kako nagkamali ka ng–” “My dinner is almost overdue, Romy–” “Pumasok ka na Miss Janiyah, si Dylan ang taong ‘yon..” Saka ako bahagyang itinulak ni Kuya Romz dahilan para tuluyan akong makapasok! Nakagat ko ang ibaba kong labi kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ng magtama ang mga mata namin ng lalaking ito! Siya ba talaga ‘to? Bakit parang angel version niya ‘to? “Ano, tatayo ka lang ba? Hindi mo ba dadalhin dito ang pagkain ko?" Sunod-sunod niyang sabi, magkasalubong ang mga kilay. Hindi niya pala 'to angel version. Walang duda, siya nga ito! Ito nga yung lalaki na ang budhi ay maitim pa sa katas ng pusit! Nagkumahog akong humakbang palapit sa kanya. At ng nasa tapat na niya ako, agad ko rin ibinaba ang plato na kanina ko pang hawak-hawak. Hinila niya iyon palapit sa kanya. Kinuha niya ang tinidor staka ang stainless na kutsilyo na pang karne. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya habang pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa pero parang hindi niya magawang humiwa ng karne habang nasa harapan niya ako kaya ako na rin ang nag adjust! Umurong ako ng tatlong beses hanggang sa malayo na ang distansya ko sa kanya. Pero ganun pa rin, hindi pa rin niya ginagalaw ang pagkain niya. Umangat tuloy ang isa kong kilay pero ng maalala ko ang sinabi ni Kuya Romz na habang kumakain ang lalaking ‘to, kailangan ko pala maglinis sa library niya. “Saan banda ang library mo? Maglilinis ako doo–” “Don’t fúcking ask me! Umupo ka diyan sa silya at hintayin mo ako na makatapos kumain,” Iritado niyang utos saka uminom ng tubig. “‘Yon ba ang una kong gagawin ngayon?" Gusto ko lang makasigurado dahil kung oo, mas maaga pala akong makakapag pahinga. “Are you deaf or what?” “Tao ako at hindi bingi!" Inis na sagot ko sa kanya. Nag tiim ang mga bagang niya kaya parang natakot ako. “Hindi ba pwedeng makitungo ka sa akin ng hindi labag sa loob mo? Una sa lahat kasi hindi naman kita kilala kaya hindi ako sigurado kung bakit dinala mo ako dito at gawing maid mo. Nakakatakot pa naman dito sa mansyon mo..” Sabi ko sa mahinahon na boses dahil kung papatulan ko siya baka walang katapusan ‘to kapag nag-angilan kami. Patolera talaga kasi ako. Binitawan niya ang hawak niyang tinidor at meat knife saka bumuntong hininga na para bang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. “You scammed me so it should be clear to you why you are here in my territory. Isa lang naman ang gusto ko at iyon ay ang pagbayaran ang mga ini-scam mo sa akin–” “Pero hindi nga kasi ako ‘yon at hindi ako nangutang sa'yo o sa kumpanyang sinasabi mo kanina!” “At ano sa tingin mo, maniniwala ako sa'yo? Nagawa mong mang-uto, kaya bakit kita paniniwalaan?” Potek! Sinabing hindi nga ako ‘yon! “Ano ba kasi ang proof mo para ipagpilitan na ako ‘yon?” "Your identity.” Nakataas ang isang kilay ng sabi niya. “Janiyah Maramot Hermoso, 27, single. Born in Lipa City province of Batangas on October 1, 1997." Naniningkit ang mga mata na sabi niya. Lihim akong napatigalgal dahil paanong nangyari na nalaman niya ang identity ko? At talagang buong-buo pa?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD