PADABOG na ibinaba ni Amor ang bag ng mga damit sa ibabaw ng bureau, saka dumeretso sa banyo sa silid ni Joel. Hindi pa rin siya kumikibo. Kahit tinatanong siya ng asawa kanina kung ano ang nangyayari sa kanya ay hindi siya sumagot. Inilabas niya mula sa bag ang ilang piraso ng damit. Overnight bag lang naman iyon, kaunti lang ang laman. Nang bumiyahe siya pauwi sa Sierra Carmela, inisip niya na mga dalawang araw lang siya roon at babalik din sa Maynila dahil sa trabaho. Wala siyang kamalay-malay na sa isang iglap ay mababago ang buhay at estado niya. Hindi naman siya nagsisisi. Bakit siya magsisisi, eh, mahal naman niya ang lalaking pinakasalan? Pero naiinis siya. Ngayon lang kasi siya kinutuban kung bakit ganoon na lang ang pagpupumilit ni Joel na pakasalan siya. “Sw

