81. Escaping MATYAGANG NAGHIHINTAY si Sage ng taong makakatulong sa kanya. Hindi pumayag si Celine na mag-isa siyang kikilos sa paglabas ng lugar na iyon. Hindi pa raw kaya ng katawan niya dahil baka mapwersa siya kaya kailangan niya ng makakatulong. Hindi niya alam kung sino ang sasaklolo sa kundisyon nila ngayon at kung papaano ito matatawagan ni Celine. Malabong ang mga kapatid niya ang magpupunta sa kanya dahil nag-iingat ang mga ito na huwag malaman ng mga pinuno ng paligsahang ito na naroon sila. Tama nang ang kapatid niya na lang na bunsong babae ang nalagay sa alanganing sitwasyon. Kapag nalaman ng mga itong narito ang dalawa niya pang ate, mas magiging mahirap ang sitwasyon nila. Panigurado kaseng mababawasan ang tinik ng mga ito sa lalamunan kapag nawala ang isa sa dalawang k

