80. Zia PATULOY ANG pakikiramdam ni Sage nang makarating sa kwartong tinutuluyan. Nag-aabang pa rin ang binata sa mga susunod na mangyayari. Malapit na rin ang paglabas ng haring araw ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Maaaring sumobra ang pagtulog niya nitong mga nakaraang araw kaya ngayon ay hindi na siya dinadalaw ng antok. Ikinalma niya ang sarili nang marinig ang yabag na patungo sa silid na inaakupa niya. Nakatakong itong sapatos kaya maririnig ang pagpilantik niyon at pagtama sa puting tiles. Nang tuluyan itong makalapit ay huminto sa kanyang harapan. Dama niya ang pagtitig nito kahit nakapikit ang mga mata niya. Mayamaya pa, sinalat nito ang noo niya. Sinuklay ang kanyang buhok. Nakontento ito na gawin iyon sa loob ng ilang minuto habang hindi inaalis ang tingin sa

