77. Tapping THIS IS ALL my fault... paulit-ulit iyong sinasabi ng dalaga sa kanyang isipan. Tumutulo na naman ang luha niya habang nakatingin sa kawalan. Gusto niyang makalimot sa sakit na nararamdaman ngunit hindi niya alam kung paano. Paulit-ulit pa ring naglalaro sa isipan niya ang palaso. Ang pagsabog. Ang nangyari kay Sage at ang sulat nito na para sa kanya. Hindi iyon nawawala kahit ano pang sigaw niya sa isipang tama na. Ngunit paano siya hihinto kung ang binata lamang ang laman ng isipan at puso niya? Ang mga ngiti nito. Ang paraan ng pagtitig nito. Ang bawat pangako at aral na sinasabi nito sa kanya... Masakit. Mahirap. Hindi niya alam kung paano magpapatuloy upang lumaban pa. Ito ang dahilan kung bakit siya natutong tumayong muli gamit ang sariling mga paa. Ito rin ang nag

