CAMILLA Iniipit ko ang bag ko sa aking kilikili. Hindi ko alam kung paano kumilos ngayong nakalabas na kami ni Tonio sa motel. Ilang talampakan din ang layo ko sa kanya. Ayokong isipin ng mga dumadaan na galing kami sa loob kahit na iyon naman ang totoo. Simimple ako ng sulyap sa kanya. Nakatingin siya sa kalsada. Malayo ang tingin at nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Tipikal na Tonio. Parang walang nangyaring kakaiba sa amin kagabi. Hinila ko ang pirasong buhok na dumidikit sa ilong ko. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. “Sabi niya, liligawan niya ako… Pero bakit parang wala namang nangyayari.” Pagmumukmok ng isip ko. Dahan-dahan ulit akong tumingin sa kanya ng palihim. Nagulat ako nang nahuli ko siyang nakatitig sa akin ng may kasamang pagngisi. “Ano?” Tanong niya. Naubo ako

