bc

Playlist ng Lablyf Ko

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
sweet
bisexual
straight
genius
ambitious
witty
school
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Francis Marcus Alegre, pangalan ibinigay sa akin ng aking maga magulang noong ako’y isinilang. Labing walong taong gulang, Kolehiyo na , kumukuha ng kursong AB Political Science sa isang unibersidad ng Maynila. Matalino, mabait, gwapo, cute, pogi, matangkad, chinito at ubod ng kwela.Subalit nakakulong pa rin ako sa sarili kong hindi ko kilala.

chap-preview
Free preview
Ang Simula:Why can't it be
Magkahawak ang aming mga kamay, nakasandal ako sa  kanyang balikat. Sa mga oras na iyon, doon ko naramdaman ang sinasabi nilang pag-ibig. Alam ko, ligtas ako, alam ko mahal niya ko, mahal ko siya at masaya kaming dalawa. Kinuha niya ang aking mukha, naiharap sa kanya, tiningnan sa mata, kita ko ang luha niya, malapit nang tumulo. Hinagkan niya ko ng mahigpit, ramdam ko ang pagmamahal, ramdam ko ang saya na kanyang nararamdaman. Subalit, bigla niya ko binitawan, unti-unti siyang lumalayo, unti-untng  naglalaho hanggang sa hindi ko na siya makita. Biglang may narinig akong tunog, isang malakas na tunog.Napabalikwas ako, tumunog na ang aking alarm, Panaginip lang pala. Napakagandang panaginip. Sana hindi na ako nagising. Balik nanaman sa tunay na mundo. Panibagong hapon, panibagong pagsubok, panibagong sakit. Tila di na mawawala ang mga sugat ng kahapon. “Francisss! Gising na! Tanghali na late ka nanaman” sigaw ng mahal kong ina. “Opo nandiyan na po!”sagot ko habang nagliligpit ng aking pinaghigaan. Tinahak ko ang munting lamesa sa aking kwarto, puno nanaman ng papel. Nagkalat ang mga  panulat at ginusumot na papel. Naiwan ko nanamn kagabi, di ko pa din natatapos ang aking kailangang tapusin. Naligo na ako, nagbihis at nag-ayos tsaka lumabas ng aking kwarto. Nakahanda na ang almusal. “Kain na, gwapo talaga ng anak ko” hirit nanaman ni Ina. “ Nay, alam niyo naman matagal ko nang alam yan” sagot ko, sabay ngiti. “ Alis na po ako, sa school na ako kakain” “ Nagpuyat ka nanaman kasi. Sige, mag-iingat ka, Wag mong kalimutan kumain” “Opo” sabay labas ng pinto. Francis Marcus Alegre, pangalan ibinigay sa akin ng aking maga magulang noong ako’y isinilang. Labing walong taong gulang, Kolehiyo na , kumukuha ng kursong AB Political Science sa isang unibersidad ng Maynila. Matalino, mabait, gwapo, cute, pogi, matangkad, chinito at ubod ng kwela. Ganyan ako idescribe ng aking mga kaibigan. Head turner ako, napapalingon lahat ng nkakasalubong ko mapa babae o lalaki. Halos isang oras ang byahe ko patungo sa unibersidad na aking pinapasukan. Mahilig ako sa mga kanta kaya naman lagi akong nagsosoundtrip. Masayahin ako kung masayin pero isa akong “EMO”. Kabaligtaran ng ibang lalaki, hindi ako mahilig sa rock song, sa mga love songs ako mahilig. Punong puno ng love songs ang playlist ko. Hindi ko alintana ang maingay na tunog ng mga sasakyan, lumilipad ang isip ko habang patuloy na tumatakbo ang jip kung saan ako nakalululan. Pag tunog ng kantang “ Why can’t it be” doon ko naalala ang isang tao naging parte ng buhay ko. Isang taong minahal ko ng palihim nang mahigit apat na taon. “Why can’t it be?” Pagdating sa pag-ibig pihikan ako, hindi ako yung normal na tumitingin sa kagandahan ng mukha ng isang babae. Mas tinitingnan ko yung ugali niya  kasi aanhin mo ang magandang mukha kung napakapangit naman ng ugali di ba? Way back high school days; I have this classmate who is very charming, lovable, simple but elegant. Simplicity is beauty that’s what defines her as a woman. Catherine Michelle Del Valle, simply “Cath” the most charming girl I’ve ever seen. Maganda, chubby, kwela , simple lang at ubod ng bait. At first, nahihiya akong iapproach siya, kasi nga na love at first sight ako sa kanya. Torpe ako, kaya I keep my feelings for her for almost 4 years. Oo, hopeless romantic ako dahil sa kanya. Madaming umaaligid sakin pero siya lang talaga ang nakikita ko. We became friends, more than that. Nafall ako dahil sa sweetness niya at kabaitan niya. Yung feeling na? Lagi ka niyang niyayakap, lagi niyang hinahawakan ng kamay mo habang naglalakad kayo sa corridor. Nakakakilig talaga. Her eyes, her lips, her hair, her everything was so perfect. Her imperfections make her the most perfect girl in the class. Dahil nga torpe ako, hindi ko naamin sa kanya. Minahal ko siya ng patago, minahal ko siya sa malayo kahit ang lapit lapit na niya sa akin. There’s instances na nagtanong siya, “Kiko, (tawag niya sa akin)  kamusta love life mo? Bakit wala yata akong nababalitaan na nililigawan mo? Ang dami naman nagakkagusto sayo, pero bakit ni isa wala kang niligawan?” tanong niya habang nilalaro ang kamay ko. “ Ah eh.. focus muna ako sa study, alam mo naman graduating na tayo di ba? ( di ko lang msabi, ikaw ang gusto ko! Ikaw ! Ikaw ang mahal ko)” medyo naiilang kong sabi. Nakatawa ako ng mga oras na yun pero deep inside, makikita mo sa mata ko na I’m longing to have her, to be with her and to tell her how much I love her. “ Ikaw talaga, sabagay, running for first honors ka nga pala. Pero, may naririnig ako na may mutual understaning daw kayo ni Pauline? Yung muse ng second section? Is it true?” “ Ha? Wala ha, We’re just friends. Nagkakatext lang kami.” ( bakit nagseselos ka? sweet mo naman, tanong ko sa isip ko, medyo kinilig ako ng bahagya) hindi ko napansin na hawak pa din pala niya ang kamay ko. “Uy, sweet nila oh? Kayo na?” sabat ni Joan, classmate naming na intrigera. “Ha? Hindi ah, FRIENDS lang kami. Tsaka ito? Magugustuhan ko? Walang talo talo, bestfriend ko yan . tsaka ang pangit kaya niya” sagot ni Cath sabay bitaw sa kamay ko at nilaro ang buhok ko sabay alis kasama si Joan Parang nadurog ang puso ko, hanggang doon na lang ba talaga kami? Kaibigan lang?   Mas lalo akong natakot na aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Tumulo ang luha ko ng hindi ko napapansin. “ Sabi ko na nga ba, mahal mo siya eh” bulong ni Cheena, ang bestfriend ko talaga. “Hindi ah, we’re just friends.” sagot ko habang pinupunas ang luha ko. “ We’re just friends? E halata naman na may gusto ka sa kanya. Bakit ka umiiyak? Ako pa ba ang pagtataguan mo Kiko?? Kilala kita.” “Napuwing lang ako” “ Napuwing talaga? Wag mo na nga ako pinaglololoko? Bakit mo pa sabihin sa kanya?” “Best, alam mo naman? narinig mo naman siguro, Kaibigan lang tingin niya sa akin. Kung sasabihin ko, wala din naman mangyayare di ba? “ “Atleast nasabi mo di ba? Mas masakit na hindi mo sabihin, almost 3 years mo na yan tinatago. Hindi ka pa ba napapagod? Pero, kung anong desisyon mo susuportahan ko. Pero, payo ko sayo, sabihin mo na. “ “Salamat best, pag-iisipan ko” Lumipas ang araw, still the same ganun pa din ang set up naming hanggang sa malaman ko na lang na alam na niya na mahal ko siya.  It turned out right, nakita niya pala yung poem na ginawa ko sa kanya. Hindi na ko nakapagdeny nung tinanong niya ko. “ Kiko, mahal mo ba ako?” tanong niya sakin, seryoso may halong lungkot sa mata niya. Lumapit siya, hinawakan ang kamay ko. “Ah eh, oo, pero hindi ko naman I don’t expect na you will love me.” sagot ko habang nakayuko ang ulo. “ Sabi ko na eh, kaya pala napakaespesyal ko sayo. I feel that, pero I don’t want our friendship to be ruined by love. I appreciate all the things you’ve done for me. Pero, hangang friends lang talaga kaya kong ibigay sayo.” sabi niya sakin habang nakayakap at nakasandal ulo niya sa balikat ko. Tumulo ang luha ko, hindi ko napansin. Tuloy-tuloy di ko mapigil. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nilagay ang mukha ko sa kamay at umiyak. “Sorry talaga, hindi ko gusto na saktan kita. Pero mas lalo kang masasaktan kung magkukunwari ako na mahal kita ng higit pa sa kaibigan. Ayokong umasa ka,ayokong masaktan ka mahalaga ka sa akin kasi kaibigan kita. Wag mo kong pahirapan ng ganito.” umiyak na din siya habang niykap niya ulit ko. Tumayo ako, nakaupo siya. Pinusan ko luha ko, pinunasan ko din luha niya. “Tahan na, okay lang ako. Wala kang kasalan. Ngayon, alam mo na siguro mas mabuting lumayo na lang ako. Ayoko na nalulungkot ka, ayoko na umiiyak ka. Gusto ko lagi kang masaya, gusto ko lagi kang nakatawa. Masaya na ko, kung masaya ka. Mag kaibigan pa naman tayo. Best Friends di ba? Ingat ka palagi. Dito lang ako kung kailangan mo. Alam ko masaya ka na sa piling niya, mabait siya. Alam ko aalagaan ka niya kaya tinulungan ko kayo na mahulog sa isa’t isa. From the very start, I’m not hoping na mamahlin mo ko ng higit pa sa kaibigan. “  nakangiti na ako, bakas pa rin sa mata ko ang sakit. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong magparaya para maging masaya siya. “Salamat. Walang magbabago ah? Mahal kita kasi kaibigan kita. Mahalaga ka sa akin kaya sana hindi mo ako iwan. Ikaw yung taong nakakaintindi at mas nakakakilala sa akin. Salamat talaga.” sabay tayo at yumakap sa akin. Biglang bumuhos ang ulan, kasabay ng pagluha ko sa kanyang balikat. Alam kong masaya na siya. Habang ako, ito nagdudusa pero masaya ako dahil masaya siya. Siguro nga, hindi pa siya yung tamang tao sa akin. Natapos na ang graduation. We will all go separate ways. Pero keep in touch pa rin kami sa isa’t isa. Hanggang ngayon, nagkakatext at nagkikita pa kami. Ang kanyang boyfriend ay kaibigan ko, dahil gusto kong maging masaya siya, tinulungan ko silang mahulog sa isa’t isa at nagtagumpay naman ako. Nagparaya ako, alam ko lang ay gusto kong maging masaya siya kaya ko ginawa yun. Mahal ko siya, hindi yun magbabago at kung saan siya magiging masaya, masaya na din ako. Why can’t it be? Why can’t it be the two of us, why can’t we be lovers’ only friends? You came along at the wrong place, at the wrong time, Why can’t it be... *** Natapos na yung kanta, naalala ko naman siya. Napangit na lang ako. Traffic!!!!!!, late na talaga ako sa first class ko. Siguro second class na ko makakapasok nito. Hindi naman ako nabadvibes. Kasi nga, soundtrip pa din ako. “ Manong bayad po, sa may LRT Station lang po” sigaw ko kay manong driver. Balik sa daydreaming session ko. Solemn yung intro, kumanta na nga si Aiza Seguerra. Para sayo, napatigagal nanaman ako. Sabay pumasok sa isip ko si Suzanne, classmate ko siya doon sa dati kong school before ko lumipat. First day of class, siya yung una kong nakilala at napalagyan ng loob. Yung feeling na parang ang tagal na ninyong magkakilala? Ganun yung naramdaman ko. Kulitan, kwentuhan at kung anu-ano pa. Suzanne Alexandra De Ocampo, simply “Suzy”. Cute, Chubby at ubod ng funny. That’s how I describe her. Kpop fan kaya nga kung magdamit at mag ayos parang Kpop. Parang cute na doll. Ako lang nakakakurot sa kanya sa pisngi at ako rin lang ang nang-aasar sa kanya ng sobra sobra. Napakasweet niya. She’s my most supportive fan and classmate. She always believes in me. Siya yung nagpapatatag lagi ng loob ko. Siya yung nakakappreciate ng lahat ng ginagawa kong poems, short stories, anecdotes and essays. Siya yung unang tao na tuwang tuwa pag may naaachieved ako. Siya yung taong tinuring kong isang special girl sa buhay ko. Second chance, She defines it in me. Siya yung babaeng nagpatibok ulit ng puso ko. Mahal na mahal ko siya, napakaimportante niya sa kin. Sabi ko nga sa isang poem na ginawa ko sa kanya. “They say you’re fat, But for me you’re not Coz you’re the only girl That captures my fragile loving heart.”   “Kikong Matsing! “ tawag niya sakin sabay yakap ng napakahigpit. “Aray ko! Tabachoy ka talaga!” sabay pisil ko sa pisngi niya. Napagkakamalang kami sa school. Todo deny naman kaming pareho pero alam naman deep inside na mahal naming ang isa’t isa pero we’re both scared to admit it. Kulang araw ko pag hindi ko siya nakaktext o nakakausap. “ Matsing!” “Baboy” “I miss you” “Miss na din kita” Napaka caring niya, sobra,  kaya di talaga ako magtataka kung minahal ko siya. Not in such way na gusto ko siya maging girlfriend. Hindi! Ayoko! gusto ko hanggang kaibigan lang kami. The feeling is mutual but ayaw naming magcommit. Kontento kami sa ganito, masaya kami. “ No Demands No Commitment No Expectations No Obligations At least NO BREAK UP!”   I know, she knew that I love her so much. She knew that she’s so special to me. Sabi nga, Actions speak louder than words. We both believe this kasi ganito yung ginagawa namin. Pero, dumating sa point na , nasaktan ako kasi may ibang nakakuha ng atensyon niya. Classmate din namin kaya ramdam ko yung pagbabago niya. Hindi ko maintindihan pero, alam ko sa sarili ko na nagseselos ako. Hindi ko na sinabi kasi I have no right to demand nor to be jealous coz we don’t have commitment naman eh. WE’RE JUST FRIENDS. That’s all. Hanggang sa lumipat na nga ako ng school We still have communications. Akala ko I can get over her, but I’m wrong. Wala nga pala sa nature ko ang madaling makalimot. So may times na namimiss ko siya, naiisip ko siya bigla. Lalo na pag naririnig ko yung kantang “Para Sayo” ni Aiza Seguerra. Kinanta kasi naming siya ng duet sa isang contest sa school. “Para sayo, ako’y iibig pang muli Dahil sa iyo, ako’y iibig nang muli Ang aking puso, pag ingatan mo. Dahil sa ito’y muling magmamahal sayo, Para lang sayo…”   Doon ko naisip na, mahal ko siya, special siya sa akin at may puwang siya sa puso ko pero not in a sense na siya yung gusto kong maging special someone. SPECIAL lang talaga siya sa akin without reasons. Tapos. Sabi nga, Minsan mas magandang magkaibigan lang kayo kasi Friendship lasts forever kesa magiging kayo tapos magtatapos agad at hindi naman masasave yung friendship at magbabalik kayo sa pagiging Strangers. May pagkakataon na nagtext siya, bonding daw kami sa isang mall. Free naman ako kay pumayag ako, tsaka miss na miss ko na din naman siya eh. On my way, iniisip ko ano kaya magiging reaction ko at reaction niya kasi nalaman niya na mahal ko siya eh. Hindi ako mapakali, hanggang yan na nga. Nakaupo ako sa food court, hinihintay siya hanggang sa may tumakip sa mata ko.. “Baboy ang kamay” sabay tawa. “Matsing! namiss kita ng sobra” sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. May kasama siya kaya naman, hindi kami nakapag usap tungkol sa amin pero walang patid ang kwentuhan namin at tawanan. Napakasaya talaga, ang saya saya ko pag siya ang aking kasama. Hanggang sa nagpaalam na ako. “Suzy, uwi na ko. baka gabihin ako eh” sabi ko sa kanyan sabay akbay. “Sige, ingat ka ah? Salamat Bye!” sagot siya sabay hug at kiss sa pisngi ko. Nabigla ako, kinilig ako di ako makapaniwala. Ramdam ko yung sincerity niya. Ramdam ko talaga na miss na miss niya ko. Ramdam ko na she really cares for me. Umuwi ako with a big smile.  Inspired na inspired, Kinilig talaga ako. Days and months passed, nalaman ko na lang na may mahal na pala siya, di naman naging sila pero mutual yung feelings. Lagi silang nagbobonding, lagi silang magkasama. Nakaramdam nanaman ako ng selos. Pero masaya na ako para sa kanya. Hindi ko siya nakalimutan, tinanggap ko na lang na may iba na nga siyang mahal. Hanggang sa, bigla siyang tumawag, ang lungkot ng boses niya. “Kiko, kamusta ka na?” “Okay lang naman. Anong problema mo?” “Di ko maintindihan eh. In love ako  pero alam kong wala naman talaga at hindi naman niya ko magugustuhan. Ano gagawin ko?” “ Be it. Kung mahal mo siya, magiging masaya ka sa desisyon niya.Ikaw naman, move on move on din pag may time. Siguro He’s not the right person for you. You deserve someone better, yung maappreciate ka at hihigitan ang pagmamahal na binibigay ko.” “ Siguro nga. Ikaw naka move one ka na sakin? “ biglang niyang naitanong. Nabigla ako. “Oo naman, kakausapin ba kita ngayon kung hindi di ba?” “Sabagay. Salamat talag. Lagi ka andyan para sa akin. Miss na kita” “ Miss na din kita” Mahaba ang naging pag-uusao namin. Normal na lang. Special friends ba. Ganun naging turingan namin. Hanggang ngayon. Yung kanta ko sa kanya, para sayo kasi siya yung dahil bakit ako umibig muli. Para lang sayo… Natapos na yung kanta ni Aiza. *** BLAGGG !  May nagbanggaan. Ano ba yan, late na eh, sabi ko sa sarili ko. Buti na lang magaling magdrive si Manong Driver. Nakahanap kami ng shortcut. Tuloy ang daydreaming session.  Matagal tagal pa ang byahe. Next on my list “Somewhere down the road” 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.8K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
59.0K
bc

BAYAW

read
82.2K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook