“Somewhere Down the Road”
Lingid sa kaalaman ng iba, isa akong student leader. Kahit sa social networking sites, sumasali ako sa mga group na ang advocacy ay Youth Empowerment.
Student Leader for the Future,isang youth group sa f*******: kung saan ko nakilala si Kenjie, isa sa mga administrator ng page. Siya yung naging kaclose ko sa group. Siya yung lagi kong nagiging kachat kada naka online ako. Nag palitan kami ng number at nagkatext at nagkatawagan. Lumalim yung ugnayan naming. Dumating sa point na,we care for each other.
“ Franc, ingat ka lagi ah? Kain ka na,wag papagutom” sabi niya.
“Oo kenj, ikaw din ah? Ingat lagi. Text mo ko pag kailanngan ko kausap ah?” sagot ko sa kanya.
“Oo naman ikaw pa, e mahalaga ka sakin
“ Talaga? Bat may heart?” nagtataka kong tanong
“ Ayaw mo? Okay po L”
“Hindi naman. Tinatanong lang eh. Tampo agad? Wag ka na magtampo jan
“ Hmm… Sige J”
“Ikaw din po
Doon nagsimula lahat, tuwing umaga, hindi pwedeng hindi naming itetext and isa’t isa. Concern kami sa isa’t isa. Yung mga text na “ Wag kang papagutom, Wag masyado magpapagod,Ingat lagi” Umaga, Tanghali, Hapon at Gabi. Tapos lagi ko siyang kausap tuwing gabi. Walang patid na kwentuhan at sweetness.
Di normal to, sabi ko sa sarili ko. Lalaki siya, lalaki ako pero bakit ganito nararamdaman ko?
Doon ko nalaman ang BISEXUALITY gender. Yung pwedeng kang mainlove sa lalaki o babae.
Minahal ko si Kenjie, kahit malayo kami sa isa’t isa ramdam ko yung pagpapahalaga niya.
Dumating sa point na gusto niya akong pumunta sa kanila, birthday daw niya, gusto daw niya ko makita. Pero hindi ako pumunta, hindi sa ayaw ko, hindi ko kasi alam ang kanila tsaka malayo.
Nagtampo siya, hirap niyang suyuin. Ilang araw din yun. Nagkatext kami ng kapatid niya.
“Franc, mag kaaway ba kayo ni kuya?” tanong ng kapatid niya. Alam naman ng kapatid niya na close kami ni Kenj. Ang alam niya na bestfriends kami.
“ Ewan ko ba. Nagtatampo pa din ata siya kasi di ako pumunta diyan sa inyo. Hindi niya sinasagot tawag ko. Hindi din siya nagrereply. Kamusta na siya? “ sagot ko sa kanya.
“ Yun, nakatulala nanaman sa computer, nahuli ko nga minsan tinitingnan profile mo. Namimiss ka siguro. Lagi ngang ang init ng ulo eh.”
“ Talaga? Sabihin mo naman sorry na oh? “
“ Sige try ko pag nasa mood na. Pero alam mo, pag tumatawag ka, nakayingin lang siya sa phone niya. Malungkot, halata naman sa mata niya eh. Siguro, mapapatawad ka din nun.” sagot niya
Yun na nga, napatawad niya ko. Dumating sa point na umamin na ako sa kanya, umamin din siya sa akin. Pero we decided not to be committed. Until, nawala na lang siya basta. No reasons, no signs and left me without even saying a word.
Mahal na mahal ko siya at it took 3 years bago ako makamoveone completely sa kanya.
Narealized ko na “There are people that can stay in our hearts but not in our life”
Masaya ako na nakilala ko siya. Siya yung unang lalaki na minahal ko at hinding hindi ko yun malilimutan.
***
Yun na nga, dun ko narealized na isa pala akong Bisexual just the way I feel, pero physical I’m straight.
No one can ever say that I’m Bisexual because it doesn’t show.
Somewhere down the road, our roads are gonna cross again Kenjie. It doesn’t even matter when.
It’s true. We had the right love at the wrong time. Time will tell if our path will cross.
***
Nakababa na ko ng jeep, tanggal muna headset.
Bili muna ticket papuntang recto.
Pagkasakay na pagkasakay ko pa lang sa LRT, sinalpak ko na agad yung headset ko.
Next song “ All or Nothing”
Naiyak ako agad. Siguro dahil sariwa pa yung sugat at hanggang ngayon masakit pa, hanggang ngayon yung taong nasa kantang to ay patuloy pa din akong pinahihirapan.
***
“All or Nothing”
Uso pa ang clan sa mga cell phone noon at mahilig akong sumali. Ako yung tipo ng tao sa clan na mahilig magreact sa mga group messages na naisesend sa akin. Hanggang sa may isang ka clan ko nakatapat ko. Siya yung tipong hindi magpapatalo. Broad at detailed siya kung magpaliwanag. In short, naging close kami dahil doon. Siya na yung lagi kong katext.
He’s name was Alexander James Ramirez, gwapo talaga siya,mayaman, mabait at matalino. Connotations, na pag gwapo masungit at suplado pero iba siya, kabaligtaran siya noon. At first, nayayabangan ako sa kanya but he proved to me that I was wrong.
Hindi ko alam pero naging special yung treatment naming sa isa’t isa. Concern kami pareho sa aming dalawa. He even updated me sa lahat ng ginagawa niya. Lagi kaming magkausap tuwing gabi and he always finds time to text me despite of his busy schedules. Ganoon kami naging kaclose at ka sweet.
Pero mali, inamin niya sa akin na may Girlfriend siya at nasa America yun. Matagal na sila at alam sinabi niya sakin na siya na yung pakakasalan niya.
At that moment, na confused ako, so all this time pala eh naglolokohan lang kami. Sabi niya, baka daw ma misinterpret ko yung sweetness niya at caring sa akin. Ganun lang daw talaga siya.
Naguluhan ako kasi one time na tumawag siya.
“ Hello, Kiko! Kamusta?” sabi niya
“ Okay lang, napatawag ka? “
“ Hmm. Namimiss lang kita. Tsaka may tanong ako..”
Kinabahan ako.. Ano kaya yun?
“Ano yun?”
“Mahal mo ba ako?”
Hindi ako nakasagot Nagpatuloy siya ng salita.
“ Kasi ako, parang mahal na kita. Hindi ko yata kaya mawala ka . Alam ko mali pero yun eh. “
“Huh?” nagtanga tangahan ako na parang hindi ko narinig.
“Wala nevermind” sagot niya sabay tawa.
Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero kinilig ako. Alam ko may girlfriend siya pero bakit ganyan siya?
Naguluhan ako.
Nagtext ako, group message pero sa kanya ko lang pinadaan.
“Makakalimutan mo din ako pag dumating na ang totoong nagpapasaya sayo”
Bigla siyang nagreply.
“Wala pa nga eh”
Hindi ko pinansin yun pero napaisip ako.
Umamin naman ako sa kanya, thank you lang natanggap kong sagot.
Gulong-gulo ako sa pinapakita at sinasabi niya. Hindi kasi nagtutugma.
Napakasweet niya, maalalahanin siya sa akin pero normal lang daw yun.
Big deal pag nagtampo ako sa kanya,
Big deal pag hindi niya ako nakontak at hindi ako nakareply pero normal lang?
Pinilit ko siyang intindihin, hanggang sa dumating na nga yung kinakatakutan ko.
Dumating na ang girlfriend niya galling sa ibang bansa. Dumating na ang tunay niyang mahal, dumating na ang tunay na nagpapasaya sa kanya.
Simula noon, madalang na kami mag-usap at magkatext. Siguro nga wala na.
Hanggang sa nakiklala ko si Tristan Gonzaga, half Japanese, mabait at sweet din.
Sa kanya ko nagbuhos ng sama ng loob ko kay James, hangang sa naging close kami at binabanggit ko siya sa mga group messages ko.
Isang beses na nabanggit ko siya sa group message, nagulat ako nang magreply si James.
“Kung ganyan ang message mo wag mo na ako padaanan” galit siya. Ramdam ko
“ Bakit? Dati na nanaman kita pinapadaanan ng GM di ba?” nagtataka kong sagot.
“ Anong kinalaman ko kay Tristan ? Sino siya? Wala akong pakiealam sa kanya”
Nagseselos ba siya? Isip isip ko
“Nagseselos ka ba?” tanong ko.
Lalo siyang nagalit.
“ Bakit ako magseselos? tayo ba? Magkaibigan lang naman tayo di ba? Kaibigan lang kita!”
Ang sakit. All this time ganun lang tingin niya.
“Kaya nga magkaibigan lang tayo e bakit ka ganyan?”
“Wala. Wag ka na lang magtext.”
Pero di ko siya pinansin. Nag ggm pa din ako sa kanya.
Hanggang sa dumating ang time na magkausap kami ni Tristan at tumatawag siya.
Sinagot ko,
“Bakit?” tanong ko
“Sino kausap mo?”
“Si Tristan”
“ Ah okay sige enjoy.” sabay baba ng phone. Galit ata siya.
Lumipas ang mga araw, siya naman ang GM ng GM at patungkol lahat sa girlfriend niya.
Pinagseselos niya ba ako?
Nakaramdam ako ng pagseselos.
Ginawa ko, nag GM din ako na patungkol naman kay Tristan pero sa kanya ko lang pinapadaan yung text.
Hanggang isang gabi, tumawag siya
Umiiyak.
“Niloko mo ko” paulit-ulit niyang sinasabi.
Nabigla ako, tumulo luha ko.
Nagsorry ako sa kanya pero hindi niya ko pinakinggan.
Kinulitm ko siya, hanggang sa magtext na siya ng masasakit na salita.
“ Wala ka banag hiya? Bakla ka ! Tigilan mo na ako! Magsama kayo ng Tristan mo!”
Alam ko nagselos siya, sukdulan. nagalit ako sa sarili mo. All this time mahal pala niya talaga ako pero ang tingin ko lagi ay pinagtritripan niya ko.
Minsan, nung sinabi ko sa kanyan na tigilan na niya ko, wag ako pagtripan.
Tumawag siya..
Unang iyak niya sa akin.
“Ganyan ba talaga tingin mo sakin? Wala ka bang tiwala? Lahat ng pinapakita ko sayo ay totoo”
Iyak siya ng iyak.
Alam ko naramdaman ko totoo lahat, pinahahalagahan niya ko ng sobra pero tiningnan ko yun bilang isang malaking laro laman.
Hindi ko kasi lubos maisip na ang tulad niya, Gwapo, Mayaman, Matalino at may girlfriend ay mamahalin ang isang tulad ko.
Hanggang sa nagsawa na nga siya, nilamon na siya ng selos.
Nawala siyang bigla.
Sa pagbabalik niya, sinabi niya sa akin ang dahilan.
“ Lumayo ako kasi gusto ko kalimutan mo na ako, ayoko masaktan ka lalo. May Girlfriend ako, alam mo yan. Ayoko na mas ma fall ka sa akin at hindi ka na makaahon. Gusto ko sumaya ka. “ sabi niya
Hanggang sa huli, hindi niya ma-admit at maamin sa sarili niya na nagselos siya kay Tristan. Hindi nya maamin na minahal niya ko. Hindi naman ako manhid para hindi ko yun maramdaman.
Ngayon, bumalik na siya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa kanya. May oras na sweet siya pero madalas wala lang. There’s still apart of me that wants him back. I want the old him,I want the old us. If only I can turn back time, I will make it na hindi kami umabot sa nangyari sa amin. I love him so much and I will always will.
Alam ko masaya na siya sa mahal niya. Minsan, naitatanong ko? Namimiss din kaya niya ako?
“Cause I want it all
Or nothing at all
Theres nowhere left to fall
When youve reached the bottom
Its now or never
Is it all
Or are we just friends
Is this how it ends
With a simple telephone call
You leave me here with nothing at all
There are times it seems to me
Im sharing you in memories
I feel it in my heart”
But I dont show it, show it”
He left me with nothing at all.
I’ve written numerous of letters for him. He knew that. Letters that speak what I feel for him and what I want to tell him.
Marami nang beses na gusto ko siya pakawalan at kalimutan kasi ako din yung nahihirapan. Pero hangang ngayon hindi ko pa rin magawa.
The realization here is that totoo na nasa huli yung pagsisisi. Yun ang naradaman ko atsaka it is true that “There are people who are destined to make you fall but leave you when you’re already fallen” That’s what he did. But despite all of those, until now, and forever he will be in my heart.
***
Paparating na sa Recto Station…
Natapos na din yung kanta, nakatulala pa din ako. Naluha pala ako hanggang sa huminto yung LRT.
Nagmadali akong bumaba sa at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Byahe nanaman.
Soundtrip nanaman.
Last na to. Siguro, isang kanta na lang kasi malapit na ko sa school.
Last Song “ You Make Me Smile”
***
“You Make Me Smile”
Noong panahon na complicated kami ni James, si Tristan ang sumalo sa akin. Bago pa lang magsimula ang lahat, isa lang ang lagi niyang paalala.
“Par, Bawal MaFall sa akin ah? Ayoko makasakit”
“ Oo naman, hinding hindi ako mafafall sayo. Di ba nga? Si James.” sabi ko sa kanya.
Naging maayos naman friendship naming, Normal lang talaga. Friends lang
Lagi kami magkausap, nagkakasundo kami kasi parehas kaming writer.
Parehas kaming matalino at mahilig sa mga out of this world topics at greek mythology.
Singer siya, lagi siyang kumakanta pag magkausap kami.
“You Make Me Smile” by Uncle Kracker. yun yung kinanta niya sa akin,
Tawanan at walang humpay na kwentuhan magdamagan.
Moody siya, mainitin ang ulo pero naintindihan ko.
Dumating lang ang time na nasigawan niya ko, at dun ako nagtampo at nagdecide na itigil na ang friendship namin. Pero pinigilan niya ko.
Naitext ko siya, nagpaalam na ko. Nabigla ako ng mag reply siya.
“Par, wag mo kong iiwan, mahalaga ka sa akin. Ikaw lang nakakaintindi at nagtyatyaga sa akin”
Napabalik niya ko, naging maayos naman. Di ko napapansin, nafafall na ko sa kanya hanggang sa yun na nga minahal ko na siya.
“ Par, sabi ko naman wag kang mafafall, Ayokong masaktan ka, ayokong mawala ka.”
“ Wala kang kasalanan. Hayaan mo ko.Ginusto ko to, kung masaktan man ako labas ka dun. “
Nag-usap kami isang gabi, dun ako nagtampo ng husto sa kanya.
“Kulet, ( yun twag ko sa kanya), makikipag relasyon ka pa ba sa BI?” tanong ko. No meaning. Curious lang kasi from the start alam kong we weren’t be in that position or level. He just always Makes Me Smile.”
“ Par, hindi na. Babae talaga gusto ko. “ sabi niya pero nagsalita siya ng nagsalita saying that Bisexuals doesn’t deserve to be happy. No happiness can be found with them.
Yun yung naging point of tension.
Nagkalamat ang aming friendship. Parang bula, nawala din siya bigla. Hindi ko alam pero nabalitaan ko na lang na nagkapartner siya at laking gulat ko, isang BISEXUAL. Dun ako nanlumo.
Pinilit kong maging masaya para sa kanya pero mahirap so I decided to let him go. Even it hurts, I did it just to set myself free.
Ako yung taong hindi mamimilit kung ayaw mo. Naramdaman ko din naman na hindi na ako mahalaga sa kanya, kaya ako na lang yung lalayo.
Hinihintay ko lang na pahalagahan niya ko, Hindi ko hiniling na mahalin niya ko. Magkaiba ang MAHALIN sa PAHALAGAHAN.
It’better for me to be valued than to be loved. Lahat pwede mong Mahalin pero pili lang ang iyong pinapahalagahan.
Di niya ako pinahalagahan. Itinapon niya lahat eh. Yung plano namin, nabaliwala. Wala na. Tapos na.
I’m willing to rebuild our friendship the second time around if he will be able to give me reasons to stay and prove that he is sincere with it. But, I know he won’t do that. I’m hoping…
He makes me smile like a sun, fall out of bed, sing like a bird, dizzy in my head.
But it’s over. He left me and makes me cry.
One realization I got here is that “Lahat ng naFAFALL,NASASAKTAN”
***
“Kuya para, dito na lang po” sabi ko kay Manong Driver.
Late na talaga ako sa school.
Haba pa ng lalakadin. 4th Floor ang room ko.
Soundtrip uli. Pero this time. Last na talaga.
Tyempo “Someday” yung song.
***
“Someday”
Someday someone’s gonna love me, the way I wanted you to need me.Someday, someone’s gonna take your place.
Someday, makikita ko dun yung tamang tao sa akin. Babae man siya o lalaki basta worth it siya sa pagmamahal ko, mamahalin ko siya ng buong-buo. Sa ngayon, iienjoy ko na lang ang pagiging single. Ieenjoy ko na lang ang pagsusulat ng mga poems para sa kanila.
Ito ang playlist ng love life ko.
I will never look for love, I will let love look for me.
Ang dami kong natutunan at alam ko madami pa kong dapat matutunan pagdating sa love.
Siguro nga, Sinusulat pa ni God yung story ko. Masyado lang akong nagmamadali.
Sabi nga ni Writer,
“Love can be defined as painful, sorrowful and hurtful. It brought pain to those people who believe in it. But among all the definitions, there is one that stands out and that is LOVE IS HAPPINESS. “
-McMh
“ Love can never be measured nor it can be counted. All that matters is how someone appreciates the love that one person gives”
--Mikko
“ Love can never be commanded. Heart can never be dicatated whom to love. In uplanned moments, surprisingly, you will fall in love no matter what you do.”
--MM