Set Your Free

2353 Words
Masyadong maganda para maging totoo. Tila ba isang panaginip na hindi mangyayari sa tunay na buhay at paggising mo sa iyong pagkakahimbing, bigla na lang maglalahong parang bula. Madilim ang paligid. Walang liwanag na nanggagaling sa dikuryenteng bagay. The only ember that lights up the room was the moon shining directly on my window. Nag eemo nanaman ako. Naguguluhan pa din sa mga naganap. Di ko lubos maisip kung bakit umabot sa ganito, mas lalo ko siyang minahal, mas lalo akong nahulog sa kanya, mas lalo rin akong nasasaktan dahil alam ko sa huli na mawawala din siya. Ngunit, I don’t want to let go of this feeling, I want this feeling to grow even the other part of it is pain. I’m happy and confused but I can’t help myself to love him even more. *** “Kringgg ! “ Blag! tiplag na Francis! udyok ng aking isip. May pasok nga pala ako. Lunes nanaman, napuyat nanaman ako dahil sa pag eemo ko. Bumangon na ko sa aking pagkakahigam, nagligpit ng higaan, naligo at nagbihis. Simula kagabi, hindi ko na nahawakan ang cellphone ko sa sobrang pagod siguro, Pagbukas ko… 20 Missed Calls 50 Messages Galing lahat kay James. Nagulat ako, problema nito? Kinabahan ako. Ngayon lang kasi ito naging ganito. Matagal na kaming magkakilala pero madalang sa patak ng ulan kung pag laanan niya ako ng oras para itext o tawagan. Binuksan ko isa isa. “ Tol, Kailangan kita” “ Tol, Bakit di mo sinasagot?” “Tol, nakipagbreak sakin si Shaine” “Tol, sagutin mo naman. Kailangan ko kausap” “Tol, wag mo kong iiwan.   “Tol, pati ba naman ikaw mawawala pa?” “Tol, magpapakalasing ako ditto hanggang sa mamatay ako pag hindi mo sinagot tawag ko!” “Tol! Alam mong hindi ako umiinom, alam mo na mahina katawan ko! Tol! Kailangan kita! Sagutin mo naman nagmamakaawa ako!” “Mahal na Mahal kita” Halos pare-parehas lang yung mga text niya, madaming send. Pagkabasa ako, kinabahan ako, naiyak ako. Hindi ako alam gagawin ako, Baka may nangyari na kay James.  Sinubukan kong tawagan, cannot be reached. Kinabahan talaga ako. Nagtext si Mia. “Best, may nangyari kay James. Hinahanap ka ni Shaine” Hindi ko alam gagawin ko. Agad kong tinatawagan si Shaine. “Hello, Shaine, anong nangyari kay James?” bungad ko pero hindi ko ipinahalata na umiiyak ako. “He’s here at the hospital. Punta ka na lang ditto. Dito ko na lang ipapaliwanag.” sagot ni Shaine. Nagmadali akong pumunta sa hospital kung nasaan si James. Hiindi na ako pumasok, nagpasabi na lang ako kay Mia na iexcuse ako, sabihin na may emergency lang. Pagdating ko sa Hospital, nakita ko si Shaine. Nakaupo. Umiiyak. Kinabahan ako,  anong nangyari kay James?  Parang babaha na ang luha ko pero pinilit ko na hindi umiyak. “Shaine, anong nangyare?” sabay tapik ko sa balikat ni Shaine. “Francis!” sabay yakap ni Shaine sa akin. “Oh? Bakit anong nangyari? tanong ko sa kanya habang pinapakalma siya. “Kasalanan ko bakit siya nag inom. Yan tuloy nahospital siya. Sabi ng doctor okay nanaman daw siya pero naguiguilty pa din ako sa ginawa ko. “ “Ano bang ginawa mo?” “Bibiruin ko lang dapat siya na makikipagbreak na ako. Kaso sineryoso niya. Mahal na mahal ko siya Francis, hindi ko siya kayang iwan. “ paliwanag niya. Hindi ko alam ano mararamdaman ako kung magagalit ba ako, magseselos o maawa sa kanya. “Bakit mo naman kasi biniro, alam mo naman na hindi yan sanay sa mga ganun. Kahit masayahin yan, pagdating sa puso seryoso yan. He loves you so much kasi. Alam mo yun? Ikaw na nga yung gusto niya pakasalanan eh.” “Alam ko yun kaya nga nagsisisi ako eh. Tulungan mo naman ako ulit sa kanya. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko makakaya na mawala siya sa akin” Parang dinurog ang puso ko pero kailangan ko maging matatag, kailangan ko magparaya, sabi ko sa sarili ko. “Sige, wag kang mag-alala magiging okay din kayo” “Shaine, gising na si James” tawag ng mommy ni James “Opo tita, nandiyan na po. Nga pala tita, si Francis po, kaibigan ni James.” sagot ni Shaine “Good Morning po, nice meeting you po” sabi ko sabay shake hands. “Ikaw pala si Francis, ikaw yung kaibigan ni James na lagi niyang kausap sa phone at laging nagpapalakas ng loob niya? Ikaw ba yung nakausap ko din one time nung nahospital si James?” sunod-sunod na tanong ng mommy ni James. “Opo, ako po yun: sagot ko. “Ikaw pala yun, mabait ka nga talaga. Tara na sa loob at hinahanap na kayo ni James.” Kinakabahan ako pagpasok sa loob. Pero, kailangan ko maging matatag, Pagpasok naming, nakita ko si James. Nakatawa pa ang loko. Ang gwapo pa din. “Tol!” sigaw ni James. “Oh Tol!” sagot ko sabay hawak sa kamay niya. Yung parang batian ng magtropa pero alam ko may ibig sabihin yun. “Anong nangyari sayo? Baliw ka talaga. Alam mo naman na bawal sayo ang alak di ba? Bat ka nag inom?” sunod-sunod na tanong ko. Hindi siya umimik. Bigla siyang nagsalita. “Mommy, Shaine pwede iwanan niyo muna kami ni Francis. May pag-uusapan lang kami.Salamat,” sabi ni James. Nabigla ako, Pag uusapan? Tungkol saan? “Sige anak, bibili na muna din kami ng pagkain ni Shaine.”-Mommy niya. “Sige loloves, Francis kaw na bahala diyan muna ah? “ sabi ni Shaine sabay ngiti. Alam ko na ibig sabihin nun. Lumabas na ng pinto yung dalawa. Naiwan kami ni James. Si James, kinakalikot yung phone niya, ako nasa kalapit ng higaan niya nakatingin lang sa kanya. “ Ano na? Anong pag-uusapan natin” pagbasag ko sa katahimikan. Hindi pa din siya nagsasalita. “Hoy!” sabay kuha ng cellphone niya, “Bakit mo kinuha? “ tanong niya. “ E ano nga kasi pag-uusapan natin” sabi ko sa kanya. Bigla siyang tumingin sa gilid at nagsalita. “Wala na kami ni Shaine. Hiwalay na kami.” “ Paano mo naman nasabi?” tanong ko. “E sabi niya kagabi, kaya ng ako nag pakalunod sa alak kasi wala akong mapaghingahan ng sama ng loob kahit ikaw” sabay halukipkip sa kama. “Nako. Binibiro ka lang nun, nagkausap na kami. Mahal na mahal ka niya, hindui ka niya kayang iwan.” “Biro? Tingin nakakatawang biro yun? at ikaw? hindi mo man lang ako dinamayan. kahit isang text, kahit isang sagot wala!” sabi niya sa akin sabay takip ng mukha. Umiyak siya. “E kasi nga hindi ko hawak phone ko, nakatulog ako agad, nakasilent. Ano kaba, bakit hindi mo nab a mahal si Shaine?” “Mahal na mahal, gagawin ko ba to kung hindi?” “Yun naman pala eh, tsaka kung hindi ka niya mahal e di sana wala yun ditto ngayon di ba?” “Oo nga. E ikaw? Mahal mo pa ba ako?” Nabigla ako.  Bakit niya tinatanong yan? “Oo naman. Mahal kita. Kaibigan kita di ba?” sabi ko sa kanyan sabay tayo. Bigla niya akong hinatak at napaupo ulit ako sa tabi niya. “Ano ba?” sabi ko sabay bitaw sa kamay niya. Hinawakan niya yun, may halong lambing at bigla siyang nagtanong “Mahal mo ba ako? Higit pa sa kaibigan.” Hindi ako makasagot. Hinalikan niya ang kamay ko. Naiinis na ako. Umiyak ako. Binitawan ko kamay niya. “Ano ba James? Oo mahal kita. Mahal na mahal.  Masaya ka na?” sigaw ko sa kanya sabay iyak sa tabi niya. “Tahan na. Mahal din naman kita di ba? Tahan na tol, wag ka nang umiyak.” Sasabog na ako. Hindi ko na kaya. “Hindi James, tama na tong katangahang ito. Ayoko na. Kung papipiliin kita, ako o si Shaine sinong pipiliin mo?” Hindi siya nakasagot. Nabigla din siya siguro. “Tol, alam mo namang..” pero hindi pa man siya nakakatapos “Oo. Tama na. Ayoko na. Hindi ako laruan James na pwede mong paglaruan at gawing pampalipas oras. Hindi. Salamat na lang. I’m happy for both you. Makuntento ka na kay Shaine.  Mabait siya, matino siyang babae. Sa kanya mo ibigay lahat ng pagmamahal mo. Salamat sa lahat. Magpagaling ka. Paalam.” “Tol!” pinilit niya akong pigilan pero wala na nagdesisyon na ako. Bakas sa kanya ang pagkabigla. bago ko siya tuluyan iwan. nakita kong umiiyak siya. Lumabas ako ng kwarto niya, inaayos ang sarili ko. Ngumiti na parang walang nagyari but deep inside I’m dying in pain. Nakasalubong ko si Shaine “O? Francis. San ka punta?” bati ni Shaine. “Uwi na ako may pasok pa eh, okay na nakausap ko na siya.” sagot ko. “Sige salamat ah? bakit parang umiyak ka?” tanong niya Nahalata niya siguro kaya nagpalusot na lang ako. “Hindi ah, napuwing lang ako. Maalikabok eh.” “Ah sige. Salamat ulit. Ingat ka pag-uwi,” “Sige, Shaine, alagaan mo si James ah?” “Oo naman. Napakaprotective mo namang kaibigan. Teaka pala, 2 months from now birthday ko na ah? Simple party lang mga close friends at family. Invited ka at si Mia. Hope makapunta ka ah?” “Sige. Try ko pag hindi busy. Sige. Alis na ako.” “Sige.” Umalis na nga ako. Hindi mapigilan ang luha ko. May bus na dumaan, dadaan naman siya sa amin kaya kahit mahal ang pamasahe, sumakay ako. Sa may dulo ako umupo, sa walang masyadong tao, yung hindi ako pansin ng iba. Pagkaupong-pagakaupo ko pa lang, lumaglag na ang luha ko. Ang sakit. Hindi ko alan bakit ko nasabi yun? Tama ba ang sinabi ko? Kaya ko ba siyang tiisiin? Kaya ko bang wag siyang makita o makausap at makatext? Nagtatalo ang isip at puso ko. Sabi puso ko, “Mali. you should’ve not done that. Alam mo na hindi mo kaya, alam mo na mahal mo siya. Bakit hindi mo kayang aminin sa kanya ang totoo? Hindi mo naamin. Nagsinungaling ka sa tunay mong nararamdaman. Oo, alam niya na mahal mo siya, pero alam ba niya na nasasaktan ka na? Alam ba niya ang dahilan bakit ka nagkakaganyan? Ikaw din magsisisi sa huli dahil hindi mo siya pinaglaban at binigyan ng chance. When you’re in love, you need to take risks just to get what you want. In loving, may masasaktan at masasaktan diyan ang mahalaga lang, nasabi kung anong nararamdaman mo at nasabi mo ang mga dahilan behind your actions. Kailangan aware siya. Sabi ng isip ko, “Tama ang ginawa mo. Kung mahal mo siya, magpaparaya ka, pakakawalan mo siya. Iintindihin mo ang sitwasyon niya, ang mga tao sa paligid niya at syempre ang kaligayahan niya. You need to consider the consequences that might happen in everything that you will do lalo na kung alam mong may kinalaman siya. Tsaka isipin mo din sarili mo, wag kang magpakalunod sa sakit lalo na kung alam mong hindika niya kayang sagipin. Pakawalan mo siya para maging masaya na siya at maging masaya ka na. Sometimes you need to let go of someone not because you don’t love him but because it’s the best way to make things right and to ease the pain you feel.” On my playlist Set You Free If loving you must need I really have to set you free Letting go is not an easy task, with smile it feels like I must wear this lonely mask. It hurts deep inside that I just can’t hide and with aguish that I thought that I should’ve not let you go. Tuloy ang agos ng luha ko. Inilabas ko ang papel at ballpen ko sa bag ang nagsimulang magsulat… Hilig kong magsulat ng tula lalo na kung malungkot ako. Doon ko lang kasi nailalabas lahat ng hindi ko kayang sabihin. Sabi nga, “If you can’t no longer bear the pain but you can’t say it, just write it so that you won’t forget it.”  Siguro nga kailangan na kitang pakawalan, Hindi na tama, marami nang nasasaktan, Manhid na din ang puso ko, tuyo na rin mga luha Kaya mas mabuti na ngang ika’y aking pinalaya.   Mahal kita, di yun magbabago, Mula simula at ngayon na dulo Mananatili ka dito sa puso ko, Nakatatak, nakaukit ang pangalan mo     Minsan na kita pinilit kalimutan Hindi ka talaga maalis sa aking puso at isipan Bawat araw, ika’y naaalala Bakit ba kay lakas ng tama ng iyong mahika?   Kung mauulit man aking tatanggapin Pero sa ngayon desisyon ko’y ika’y palayain Sugat na ibinigay mo, susubukan kong hilumin Upang sa muling pagkikit, handa na muli ika’y mahalin   Siguro. Susubukan ko na kalimutan siya. Susubukan ko na iwasan siya. Gusto ko na din na sumaya pero nakakulong pa din ako sa kanyang ala-ala. Pag-uwi sa bahay, dumeretso lang ako ng kwarto. Umiyak, nagmuni muni hanggang sa makatulog na ako. Sana paggising ko bukas, nakalimutan na kita pero malabo. Siguro, kung hindi man kita makalimutan, may dadating na tao na tutulong para maibsan itong sakit at aking kalungkutan. Maaga akong nagising. Nakatulog pala ako kakaiyak. Mugto na ang mata ko. Pangako, ito na ang huling beses na iiyak ako dahil kay James. Ayoko na, suko na ako. Akala ko noong bumalik siya magiging okay ang lahat, akala ko noong naging sweet siya sa akin at naging mutual yung feelings magiging masaya na ako, pero hindi. Lalo akong nahirapan. Lalo akong nasaktan. Desidido na akong kalimutan siya, desidido na akong pakawalan siya,palayain siya at palayain ang sarili ko. Gusto ko maging masaya siya, at gusto ko maging masaya na ako. Nagpalit na ako ng number, naiblock ko na siya sa f*******:. Wala na akong kontak sa kanya. Ayoko na. Tama na. Masyado na akong nasaktan atsaka  ayokong masaktan si Shaine. MAbait siya, hindi niya deserve ang masaktan ng dahil sa pagmamahal ko kay James. Magpaparaya na ako. Alam ko, magiging masaya na sila at magiging masaya na din ako. Pangako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD