Sir Crush Episode 1
“I got you moonlight, your my starlight….” Malakas kong kanta habang nagliligpit ng higaan. Hindi ko alam pero parang ang saya ng araw na ito. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang bumalik ako galing Korea, pero hanggang ngayon tambay pa rin ako. Kabisado ko na nga lahat ng sermon ni Mama. “ Tanghali na hindi pa rin kayo bumabangon. Yung mga pinag hubaran nyo hindi nyo man lang malabhan, pati mga pinag kainan nyo kagabi ako pa naghugas. Para kayong nakakuha ng katulong” bla bla bla. Minsan natatawa na lang ako, naisip ko baka kabisado na rin ng kapit bahay namin mga sermon ni mama.
“Ate!” si Samantha sumunod sakin. Tatlo lang kaming magkakapatid, ako,si Samantha or Sam at si Nico. Mahilig sa mga branded si Sam, kaya laging nagagalit si Mama sa kanya kasi nakakalimutan nya mag-bigay ng pera pandagdag pang gastos sa bahay. Si Nico naman college student, pero hindi ko alam kung may plano ba siya sa buhay niya. Minsan natatakot ako pag tinatawag nila akong ate. It’s either kailangan nila ng pera or kailangan nila ang gamit ko.” Bakit na naman?” pagalit kong tanong. Minsan kasi inaabuso na nila ang kabaitan ko. ”Di ba gusto mo na mag trabaho. Hiring sa company na pinapasukan ng kaibigan ko.” Patuloy nya. “Anong gusto mong gawin ko?” pa biro kong sagot. “Nag send ako ng resume mo sa kanya, interview mo mamayang 2 ng hapon.” Sabay ngiti at alis. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Anong oras na, hindi nya ba alam na hindi na naghihiwalay ang mga sasakyan ngayon sa sobrang traffic. Mapapa buntong hininga ka na lang talaga. Akala ko pa naman napaka saya ng araw na ito dilobyo pala. “Ako muna maliligo” si Nico sabay takbo sa CR. “Dun kana sa kabila may interview ako, anong oras na” sigaw ko. “Naliligo si ate Sam. Kanina ka pa kasi gising, kanta ka lang ng kanta. Buti nga sayo” sagot niya. Hindi ko alam kong matutuwa ako na may kapatid ako o mas matutuwa ako kung malaman ko na ampon lang ako. “Nicolas” paiyak kong sigaw.