“Good afternoon Mam. Itanong ko lang po sana kung anong floor ang CRUZ Builders Inc.” Hindi ko alam kong narinig ako ni ate kasi kanina pa siya nakatingin sa cellphone nya. Hindi niya din ata napansin na kanina pa ko naka tingin sa kanya. Mukhang wala din siya sa mood, nag-break siguro sila ng jowa niya. “ 6th floor” taas kilay ang maigsing sagot niya sa akin.
Hindi ko alam pero parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Siguro dahil first time ko uli mag interview simula ng bumalik ako dito. Sana makapasa ako, ng matuwa naman si Mama. Nagsasawa na din ako sa araw-araw na sermon nya. “Cassandra Lopez”. Tawag ng babae. Hindi ko alam kong sya ang interviewer. Simple lang ang damit nya, naka slack na black at long sleeve na white. Maganda din siya, mahaba ang buhok na kulay mais, maputi at hindi ganun ka-payat. Kung katulad lang sana nya yung nasa front desk kanina, nabawasan sana ang kaba ko kahit papaano. “Yes mam” mabilis kong sagot. Sinundan ko siyang pumasok sa kwarto. Ako na lang din ang natitira kaya sana mapasa ko ito. “Have a seat” sabi niya. Mas lalo kong nakita ang kanyang kagandahan ng magkaharap kaming dalawa. Napaka kinis ng mukha niya. Tumingin siya sa akin “Mr. Ruiz needs to go to the meeting so I will interview you first today. You can call me Ms. Bel.” Patuloy niya. Yung Mr. Ruiz ata yung lumabas kanina. Hindi ko nakita ang mukha nya dahil kausap ko si Sam ng magka-salubong kami kanina sa hallway. Mabuti na lang talaga at siya ang nag interview sakin. Parang anghel ang mukha niya. Kung hindi ako nagkakamali mag ka-edad lang kami, lamang lang siguro siya ng mga limang paligo. Napapangiti na lang ako, kung katulad niya lang sana ko kaganda. “Ms. Cruz? Are you okay? Can we start?” tanong niya. Bigla akong nahiya. Ngumiti lang siya. Nakakainis, nakalimutan ko nasa interview nga pala ako. Umayos ka Cassandra kung ayaw mong masermonan ka na naman ng nanay mo pag-uwi. Naiisip ko pa lang parang ayaw ko ng umuwi. “Yes Mam” mabilis kong sagot. “Tell me about yourself?” patuloy niya. “My name is Cassandra Lopez….”