Sir Crush Episode 3

858 Words
“Welcome to Cruz Builders Inc. Ms. Lopez. See you around” naka ngiting bati niya sa akin. “Thank you Mam”. Masayang sagot ko. Salamat at makakapag pahinga na rin ang aking tenga sa mga sermon ni Mama. Magkakaroon na rin ako ng rason para hindi makita ang mga buraot kong kapatid.            Gabi na ng makauwi ako ng bahay. Saktong kakain na din ng hapunan ng dumating ako. Nahulaan ata ni Mama na nakapasa ako at nagluto ng masarap na ulam. Gutom na gutom na din ako. “Nakapasa ka?” sabay sabay nilang tanong. Hindi ko alam kong matutuwa sila na nakapasa ako o mas matutuwa sila na wala parin akong trabaho. Dahil alam nila na pag nag-trabaho na ako wala ng magluluto para sa kanila. Wala na din mag-lalaba ng mga damit nila pag nagkataon. Hindi ako sumagot, hinihintay ko lang ang reaksyon nila. Nilagay ko ang aking bag sa sofa at naupo sa hapag-kainan. “Mukhang madadag-dagan na ang allowance ko ngayon” pabiro ni Nico. “Ang tanong naka-pasa ba?” dagdag na biro ni Sam. Mga buraot talaga. Ngumuso na lang ako. “Anong akala nyo sakin, si Cassandra Lopez ata to.” Matapang kong sagot. “Wag kakalimutan mag-abot sakin” dagdag ni Mama. Hindi pa nga ako nag sisimula magtrabaho may nakalaan na para sa sahod ko. Hay naku.            Cruz Builders Inc. Isa sa mga malalaking kumpanya sa Pilipinas. They build buildings, apartments and houses. Sa totoo lang wala talaga kong alam sa field na ‘to. Nagkataon lang siguro na kailangan nila ng tao at saktong tapos din ako ng 2years sa kursong Office Administration. Sa Project Management department ako naka assign. Sana lang mababait mga kasama ko at ang boss ko. Sabi kasi ng kaibigan ni Sam playboy daw ang head ng department namin at lahat ng bagong dumadating nagiging ex niya. Well for sure hindi nya ko magiging ex. Period!             “Good morning! Ikaw ba si Cassandra?” tanong ng lalaki sa akin. “Yes Sir.” Kung hindi ako nagkakamali hindi siya ang Boss namin. Nasa middle-age na siya kung titingnan. Siguro mga nasa fourty? Maputi na rin ang kanyang buhok kaya siguradong pamilyadong tao na siya. “ Tawagin mo na lang akong Sir Roy or kahit kuya Roy, no problem.” Naka-ngiting sabi niya. “thank you po, Sir Roy?” pabiro kong sagot. Natawa na lang din kaming dalawa. “Dito ang magiging table mo sa tabi ni ms. Kath. Siya na din ang magtuturo sayo at kung may mga tanong ka or kailangan wag ka mahiya na itanong sa kanya.” Patuloy niya. “Hi mam Cassandra!” bati ni Kath sa akin. ”Ms. Cassie na lang “naka-ngiti kong sagot sa kanya. Maliit lang siya na babae, hanggang balikat ang buhok. Hindi rin naman ganun katabaan at lagging naka-ngiti. Masasabi mo na mabait siyang tao at hindi mahirap pakisamahan. “Siya naman si mam Lyda, secretary ni Boss”. Tumungo kami sa kabilang table malapit sa office ng Head. “Kung gusto mong mag leave or anything sa kanya ka lang lalapit.” Patuloy ni sir Roy. “Good morning Mam” ang bati ko. “Good morning din. Samahan na kita kay sir Ruiz para makilala ka na din niya”. Sabi niya. Matangkad na babae si mam Lyda, maigsi lang ang buhok, halata din na maalaga siya sa katawan. Maayos din manamit, masasabi mo talaga na isa siyang secretary sa isang malaking kompanya.            “Good morning Sir. Ito nga pala si Ms. Cassandra ang bagong myembro ng ating department” pabirong sabi ni Mam Lyda. Nakayuko lang ako, feeling ko kasi mahihimatay ako sa sobrang kaba. Hindi ko pa nakikita ang itsura ni sir Ruiz pero parang gusto ko ng umuwi. Kunti na lang maiihi na ako. Relax Cassandra this is your first day, kaya mo yan. “Good morning Sir” ang bati ko, pero hindi ko alam bat nakayuko pa rin ako. Biglang tumayo ang lalaki at humarap sa akin. “Good morning Cassandra, welcome to Project Management Department. “Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni sir Ruiz. Napaka lamig ng boses niya. Hindi ko alam kung kaya ko pang itaas ang ulo ko para humarap sa kanya. Sa boses nya pa lang masasabi mo talagang habulin siya ng babae. Hay naku Cassandra kaya mo yan. Fighting! Dahan-dahan kong tinaas ang aking ulo at tumingin sa kanya. Napaka-tangkad nya, siguro hanggang balikat nya lang ako. Chinito din ang kanyang mata at napaka tangos ng ilong. Maayos din siyang manamit, mapagkakamalan mo siyang artista sa unang tingin. Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya. Habang tinititigan ko siya lalo ko siyang natatandaan. Mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. I know him, we met before. Bigla kaming nagkatitigan, parang tumahimik ang paligid. Nangugusap ang aming mga mata. Naalala ko na siya, he’s.. “Paul Ruiz, head ng department” Itinaas niya ang kanyang kamay para maki pag kamay sa akin. Bigla akong nanghina ng marinig ko ang buong pangalan niya. “Paul? Paul Ruiz?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD