Sir Crush Episode 4

289 Words
Paul Ruiz. Ang aking teenage crush. High school ako ng nakilala ko siya kung hindi ako nag-kakamali. Nagkakilala kami sa isang organazation sa lugar namin which is parehas kami na naging myembro nito. Lagi kaming mag kaaway, para kaming aso’t pusa. Lagi kaming nag aasaran, kulang na lang mag suntukan kaming dalawa. Kaya lagi kaming napagdududahan na mag jowa. Ang daddy nya ang adviser ng organization namin kaya palagi din kaming nasa bahay nila. Naging malapit din ako sa kapatid niyang babae. Nag-iisang babae lang din ito. Si Paul at ako ang laging nauutusan pag may mga gawain dahil nagkakasundo kami ng mga opinion kahit palagi kaming nag-aaway. Hindi ko din alam kung bakit.            Habang tumatagal mas lalo kaming napapalapit sa isa’t isa. Mas madalas na kaming mag-kasama. Madalas man kaming mag-away, mas lumalim naman ang samahan namin. Sa kasamaang palad hindi na ko palaging nakaka punta pag may mga gawain dahil hindi na rin ako pinapayagan nila Papa. May mga kumakalat kasi na balita na wala naman daw naitutulong ang samahan namin sa mga kabataan. Nasasayang lang daw ang oras ng mga kabataan. Kahit naman pag nasa bahay sila nasasayang din ang oras nila, kasi puro lang naman sila cellphone. Nasisisi pa ang organization namin.            Ang natatandaan ko na lang yung huling gawain namin na nagkasama kami. Pumunta kami sa isang camping site malapit sa amin, para pag usapan ang susunod na project ng organization. Ngunit kailangan din naming umuwi kaagad, ako pati ang dalawa kong kaibigan na myembro din ng samahan namin, tumakas lang kami saglit dahil hindi na nga kami pinapayagan. Nangako ako kay Paul na pag-balik ko magiging kami na, yun yung huling usapan namin. Pero hindi na ko nakabalik .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD