Sir Crush Episode 5

878 Words
“Ms. Cassandra? Are you okay?” tanong sa akin ni mam Lyda. Parehas silang naka tingin sakin ni Paul. Saglit akong nawala sa sarili ng hindi ko namamalayan. Mabilis kong iniabot ang aking kamay kay Paul para makipag-kamay. “Sorry Sir” paumanhin ko. Ngumiti lang siya. Nakakahiya!  Gusto ko ng lumabas. Gusto ko ng hatakin ang pinto na nasa tabi ko papalabas. Mabilis kong iniwas ang aking tingin kay Paul. Hindi ko alam kung nahalata niya ako. Mas lalo akong kinabahan. Paano nangyaring si Paul ay si sir Ruiz. Bakit hindi man lang pumasok sa utak ko na pwedeng si Paul ang Boss ko. Tumingin ako kay mam Lyda at humingi ng paumanhin “Sorry mam Lyda”. Ngumiti lang siya at tinapik ang aking balikat. Parang gusto nyang sabihin sakin na ‘okay lang’ ‘I understand’. Nabawasan ang kaba ko. Muling nagsalita si Paul “if you have any question about your work, feel free to ask them”. Muli siyang umupo at pinag patuloy ang kanyang ginagawa. Lumabas na din kami ni mam Lyda pagkatapos nya akong maipakilala kay Paul. “Don’t worry, mukha lang masungit si Paul but he is very kind lalo na sa department niya. Just relax. Wag ka mahihiyang magtanong sa amin.” ang sabi ni mam Lyda. Nabawasan ang kaba ko kahit papaano sa mga sinabi ni mam Lyda. Napansin niya ata na sobra akong kinakabahan kanina. “thank you mam” sagot ko. Parehas na kaming bumalik sa aming mga table. Malakas pa rin ang t***k ng puso ko. Hindi ko din maiwasan sumilyap sa office ni Paul. Clear ang glass ng window sa office ni Paul kaya nakikita nya kung ano ang nangyayari sa labas. Nakatapat din ang table ko sa bintana ng office nya kaya kitang kita ko siya.            ‘Wala pa rin syang pagbabago ang gwapo niya parin’. mahina kong nasabi sa sarili ko habang naka-pangalumbaba sa table. Mas lalo siyang tumangkad. Low fade ang style ng buhok nya bagay na bagay sa hugis ng mukha niya. Napaka professional niyang tingnan sa suot nyang navy blue slim fit suit. Mas lalong kapansin pansin ang tikas ng katawan niya. Moreno. Napakaliit parin ng mata niya. Napakatangos ng ilong, mapupulang labi. ‘Bakit bigla akong kinilig? Napa-upo ako ng maayos na parang may sumita sa akin. Nagulat si Kath at biglang tumingin sa akin. Ngumiti lang ako na parang walang nangyari. Umayos ka Cassandra’! Napa bugtong hininga na lang ako. Sasabog na ata ang puso ko sa kaba kanina. Anong gagawin ko?! Naalala niya kaya ako? Maayos ba ang itsura ko kanina? Tumingin ako sa salamin. Napasuklay ako ng buhok habang pasimpleng sumusulyap sa office niya. Buti na lang nakinig ako kay Sam kung anong damit ang dapat suotin ko today. Casual plain white top flutter sleeve, navy plain pencil skirt with black pointed toe heeled pump. Nakalugay din ang mahaba kong buhok na kulay mahogany. Buti na lang nag make-up ako kahit papano. Paano pag tinawag niya ko? Sasabihin ko ba na “Paul ako to si Cassie”. Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng maging boss ko si Pual pa. “Welcome to the club ms. Cassie” biro ni kath. “ha?” tanong ko. Anong club? Wala ako matandaan na may sinalihan akong club. “Welcome sa fan club ni sir Paul” tawa nya. “fan club? Ako? Never” sagot ko sa kanya with confidence. Umiling lang ako. Napansin niya ata na kanina pa ko tumitingin sa office ni Paul. Tumingin lang siya sa akin. Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “okay, sabi mo e” pang aasar niya. Napakamot na lang ako ng ulo.            “Bye ms. Cassie” paalam ni Kath. “Bye. See you tomorrow, ingat sa pag-uwi”. Paalam ko.  Natapos na din ang araw na ‘to. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita pa rin kami ni Paul. In-relationship kaya siya? Single? O baka may asawa na? umiling-iling ako. Sa itsura nya imposibleng single siya. Sino kayang girlfriend niya, baka kasamahan din namin sa trabaho. “Pauwi kana?” kilala ko ang boses na yun. Pero hindi ko alam kung kanino. Hindi ko din alam kung ako ang kausap ng lalaki kaya nagpatuloy lang ako sa pag-lakad, ng biglang may humawak sa bag ko. Bakit ngayon pa kung kalian nag-mamadali ako. Labasan na ng mga tao kaya posibleng traffic na naman. Nakakainis. “may problema ka kuya?” nakasimangot ako na humarap sa lalaki. “Paul?” malakas kong tawag sa kanya. Halata sa mukha niya na nagulat siya. Siguro nasa isip niya ‘bakit niya ko tinawag na Paul? Magkakilala ba kami?’. Mabilis kong binawi ang sinabi ko. “I mean sir Paul” sabay ngiti. Natawa lang siya. Tumawa na lang din ako para hindi awkward. Ano ka ba naman Cassie. Unang araw mo pa lang, marami pang araw na dadating. Umayos ka. Parehas lang kami na naka-ngiti. Naghihintay kung sino ang mauuna magsalita. “Ingat sa pag-uwi” paalam niya. Sabay deretso lakad pabalik sa office. Hay salamat nakahinga din ako sa wakas. Nagpa tuloy na rin ako sa pag lakad. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD