Sir Crush Episode 6

556 Words
“Kamusta ang first day at work? Nagka kilala na ba kayo ng Boss mo? Anung itsura niya?” sunod sunod na tanong ni Sam. As if naman na interesado sa siya work ko. Tumingin lang ako sa kanya habang naglalagay ng moisturizer sa mukha. Nakahiga na din siya, pero parang wala pang balak matulog. “Sabi ni Cindy artistahin daw ang boss ng department niyo”. Si Cindy ang kaibigan  ni Sam na nag recommend sa akin sa Cruz Builders Inc. Mag-kaibagan na sila simula nung college. Madalas din matulog sa bahay si Cindy dahil nag iisa lang din siya dito sa manila. Nasa province naka-tira ang pamilya niya. Tinuturing na din naming siyang pamilya. Mag-kaiba kami ng department kaya imposibleng magkita kami sa trabaho. Nagtatawagan lang kami pag may mga tanong ako sa kanya about sa company. “Magkwento ka naman aba”. Pangungulit ni Sam. Hinila nya na ako. Parehas na kaming naka upo sa kama. Para siyang bata na sabik na sabik basahan ng libro. “gusto mo malaman kung sino boss ko?” tumango lang siya. Nakangiti siya na nakatingin lang sa akin. Tinitigan ko siya sa mata “gusto mo talagang malaman kung sino ang boss ko?” “Oo” makikita mo sa mukha niya na sobrang excited siya. “Basta lalaki talaga, nangunguna ka” binatukan ko lang sya. Tumayo ako para patayin ang ilaw. Tanging lampshade na lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto namin. Patuloy pa rin ang pangungulit ni Sam. “siguro may crush ka sa boss mo kaya ayaw mo i-share?” Lumaki ang kanyang mata. Tinitigan nya ko na parang gusto niya akong kainin. Umupo ako uli. Tinitigan ko siya. “si Paul Ruiz ang boss ko” mahina kong bulong sa kanya. Bumalik uli ako sa paghiga. Biglang tumahimik ang paligid. Nakikiramdam lang ako. Unti-unti akong kinabahan. “Paul Ruiz?” paulit ulit nyang binabanggit. “Boss mo ang ex mo?” sigaw niya. “anu ka ba wag ka ngang maingay natutulog na sila mama” mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig. Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko sa bibig niya. Itinaas nya ang kanyang kamay. Pahiwatig na mananahimik na siya. “pag nagsalita ka pa, sa labas ka matutulog” mahina kong sinabi sa kanya. tumango lang siya. Inalis ko na ang aking kamay at humiga uli. Dahan dahan na din syang humiga. “boss mo ang ex mo?” nakatawa nyang tanong sa akin. Humarap ako sa kanya. “Hindi ko ex si Paul, hindi ko ex ang boss ko!” linakihan ko siya ng mata. Tumawa lang siya. Tumalikod na din ako uli. Napa bugtong hininga na lang din ako. Parang nagsisisi ako na sinabi ko sa kanya. “so nakilala ka ni Paul? Anong sabi niya?” muli nyang tanong na ma pang aasar. Muli akong humarap sa kanya. “Ma! may lalaki na naman si Samantha” sigaw ko. Bigla niyang tinakpan ang aking bibig. Alam nyang mapapagalitan na naman siya ni mama pag nalamang may lalaki na naman siya. Kagagaling nya lang sa hiwalayan. “Fine! Tatahimik na” nakasimangot niyang sagot sa akin. Tumalikod na rin siya. “ Gwapo pa rin si Paul?” pahabol niya. “Ma” biro kong sigaw. “matutulog na po” sagot niya. Nagtawanan na lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD