Sir Crush Episode 13

861 Words
“Mag-jowa si ms. Bel at sir Paul?” hindi pa din ako makapaniwala. Natawa lang si Kath sa akin. “Hindi sila mag-jowa, ikakasal na sila!” sabat ni Jay na nasa likod lang din namin ni Kath. Bigla akong nalungkot. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Nakatingin lang sila sa akin. ”We understand you ms. Cassie” “Sabi nga nila ang maganda ay para sa maganda, ang panget ay para sa panget” Ganun ba ko ka-panget? Napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko. Sobra ko bang panget kaya hindi niya din ako maalala? “I feel you ms. Cassie” sabi ni Kath sabay sandal sa balikat ko. Tumingin ako sa kanila na parang hindi ako apektado. “Ano ba kayo. Okay lang ako no. Wala naman namamagitan sa amin ni Paul. He is our Boss. Maging masaya na lang tayo para sa kanila”. Nagtinginan silang tatlo “okay” sabay-sabay nilang nasambit. Halatang hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Hindi din naman ako naniniwala sa sinabi ko. Bakit si ms. Bel pa? Unti-unti akong nakaramdam ng pagka-inis. Bakit kasi umasa ko kaagad? Sino ba kasi nagsabing umasa ko? Bakit kasi nagkita pa kami. Nananahimik ako sa bahay. Maya-maya pa ay lumabas na si ms. Bel sa office ni Paul. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Naka suot siya ng V-neck black bohemian long dress. Kahit ako ay napahanga sa kagandahan niya. “ang ganda talaga ni ms. Bel” narinig kong sambit ni Kath. Hindi ko alam pero parang nainis ako sa sinabi niya. Maganda din naman ako ha. Sumimangot lang ako. Palabas na si ms. Bel ng office namin ng bigla siyang napa-tigil. Nagtinginan kami ni Kath. Lumapit sakin si ms. Bel. “Cassandra right?” “Yes ms. Bel” tumayo ako at nagbigay galang. “How are you? pinahihirapan ka ba ni Paul?” nagulat ako sa tanong niya. Napatingin ako kay Paul na saktong nakatingin din sa amin. May mga tanong sa mukha niya. Iniisip niya siguro kung anong pinag uusapan namin ni ms. Bel. Inirapan ko lang siya. Naiinis pa din ako sa nalaman ko tungkol sa kanila ni ms. Bel. “Hindi po ms. Bel” tipid kong sagot. Ngumiti lang siya. “Good. Anyway I talked to Paul para sa summer outing natin nextweek“ “outing?”tanong ko. biglang napatayo si Jay at Kath. “Sana sa beach naman tayo this year”. “Oo nga ms. Bel, ayoko na umakyat ng bundok” natawa lang si ms. Bel. Tumingin siya sa akin “make sure you’ll come” “oo nga ms. Cassie. This is your first time so dapat present ka” sabi ni kath. Nakatingin silang lahat sa akin. Hinihintay nila ang sagot ko. Pagkatapos ng nalaman ko sasama pa ba ko? Wala kang choice Cassie. “Fine!” tipid kong sagot. Napayakap sakin si Jay sa sobrang tuwa. Lumabas na si ms. Bel at maya-maya ay muling bumalik. Nakangiti lang siya. Hinihintay nya ang reaksyon namin. “Dont forget to bring your swimsuit” kinindatan niya lang ako at tuluyan ng lumabas. Napasigaw naman sila Jay sa sobrang saya. Nagtawanan lang kaming lahat.            Maya-maya pa ay lumabas si Paul sa office at tumungo sa table namin ni Kath. “Get your bag. You’ll coming with me” Nagtinginan kami ni Kath. Hindi namin alam kung sino ang tinutukoy ni Paul. Nagtuturuan kaming dalawa. Halatang naiirita na si Paul sa amin. Kinuha niya ang bag ko at nauna ng lumabas. “Bakit ako?” “fighting ms. Cassie” biro ni Kath. Sinimangutan ko lang siya. Tumayo na ako at sinundan si Paul. San na naman kaya kami pupunta. Walang magandang nangyayari pag kasama ko si Paul. Naunang sumakay si Paul ng sasakyan niya. Nag-aalangan akong sumakay. Paano kung makita kami ni ms. Bel. Tumingin-tingin muna ako sa paligid. Pinagmamasdan lang ako ni Paul. Nag decide ako na sa likod na lang umupo. “Hindi mo naman gustong hilain kita papunta dito sa harap diba?” May pag-takot na sambit niya. Muli akong bumaba at lumipat sa harapan. Tahimik lang akong umupo. Nakasimangot lang ako. Nakatingin na naman siya sa akin na parang may mali na naman akong nagawa. Meron ba kong nakalimutan? Dala ko naman ang bag ko. Bakit ayaw niya pang paandarin ang sasakyan? Napatingin ako sa kanya. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Halos ramdam na ramdam ko ang pag-hinga niya. Saglit pa ay nagtama ang aming mga mata. Bigla akong kinabahan. Napalunok lang ako. Naalala niya na kaya ako? Paano kung bigla niya akong halikan? Mabilis kong tinakpan ang aking mga labi. Kumunot ang nuo ni Paul sa ginawa ko. Hinila niya ang seatbelt na nasa gilid ko. Napapikit ako sa sobrang hiya. Hindi nga pala ko nag seatbelt. Ano ka ba naman Cassie. Nakakahiya ka talaga. Nginitian ko na lang si Paul na parang walang nangyari. “did you go to the toilet?” biro ni Paul. Ngumiti na lang ako. Bakit hindi niya makalimutan. Tinakpan ko na lang ang mukha ko sa sobrang hiya. Tumawa lang si Paul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD