Sir Crush Episode 14

866 Words
Si Mr. Rodrigues ang ka meeting ni Paul. Hindi ko alam bakit ako ang sinama niya. Wala din akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila. Nakaupo lang ako sa gilid. Nagugutom na din ako. As usual late na naman si mr. Rodriguez. Nakatingin lang ako kay Paul. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina sa sasakyan. Kinilig ako bigla. Napangiti ako. Napatingin sa akin si Paul. Pinandilatan niya ako ng mata. “Sorry” Napa-ayos ako ng upo. Lahat kami ay nakatingin sa kanya. Napakagaling niya magsalita. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ng matagal. Napaka professional niyang tingnan sa suot niya. Wine red Casual Suit. Mas lalong nakita ang kagwapohan niya. Hindi nakakapagtaka na si Ms. Bel ang girlfriend niya. Bagay na bagay silang dalawa. Napabugtong hininga na lang ako. Ang laki na ng pinagbago ni Paul. Ang layo na rin ng narating niya. Samantalang ako ganito pa din. Saglit akong nalungkot. “Kailan kaya ako magkakajowa ng katulad ni Paul?” nakapangalumbabang tanong ko sa sarili ko. Nakatulala parin akong nakatingin sa kanya. Saglit akong nawala sa sarili ko. Hindi ko napansin na lumapit sakin si Paul at naupo sa tabi ko. Ginaya niya ako na nakapangalumbaba at nagtanong “Gwapo ba si sir Paul?” tumango ako “crush mo ba si sir Paul?” muli akong tumango. “matagal ka ng may-gusto sa kanya?” tumango ako ulit “Gusto mo ba mag date kayo?” tumango lang ako ulit. “Well then, get your things and let’s go” “Ha?” bigla akong natauhan. Wala na lahat ng kasama namin. Napatingin ako sa tabi ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. “Sir Paul?” Lumaki ang mata ko sa sobrang gulat. Hindi ko man lang namalayan na tapos na ang meeting. Napapikit ako sa sobrang hiya. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko. Naririnig ko siyang tumatawa. Nakakainis. Ano ka ba naman Cassie. Mabilis kong kinuha ang aking bag at mabilis na lumabas. Nanginginig ako sa sobrang kaba. Hindi ko alam kong paano ako haharap kay Paul. “Cassie” tawag niya. Tumatawa pa rin siya. Hindi ako makatingin sa kanya. Nakayuko lang akong akong sumagot “yes sir”. Lumapit si Paul sa akin. Muli niyang hinawakan ang ulo ko at tinapik-tapik. “Let’s go”. Tumango lang ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Dinala ako ni Paul sa mamahaling restaurant. “Since gusto mo akong maka date, ikaw ang manlilibre sa akin today.” Nakangiting sabi niya. Napaubo ako sa sinabi niya. Parang gusto kong tumakbo pauwi ng bahay. Hindi ako makapagsalita. Ngumiti na lang ako. Tiningnan ko ang mga menu. Wow! Parang sahod ko na ng isang buwan ang mga pagkain dito. Ni hindi nga ako makabili ng damit sa sobrang tipid. Napakamot na lang ako ng ulo. “Sir Paul” mahina kong tawag sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. “May alam akong karenderya malapit sa office, mura lang pero masarap” pagmamalaki ko. Natawa lang siya. Umayos siya ng upo at nagsalita. “alam mo bang sa lahat ng nagkakagusto sa akin ikaw lang ang dinala ko sa gantong lugar” Namula ang aking mukha sa hiya. Natawa lang siya. “don’t worry, my treat” nakangiting sabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa . Parehas kaming natawa sa isa’t-isa. Habang kumakain hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Gusto kong mag open sa kanya kung sino talaga ako. Magsasalita na ako ng bigla siyang nagsalita. “Sasama ka ba next week?” “next week?” “Para sa summer outing ng department”. Napangiti ako. Ngayon lang ako kinausap ni Paul ng mahinahon. Nakakatuwa. Napakasaya ng mukha niya. Ganito din kaya magiging reaksyon niya pag sinabi kong ako ito, si Cassie. Saglit akong natahimik. Parang may nagtutulak sa akin na sabihin ko kay Paul ang totoo. Hindi na ako mapakale. Napatingin siya sa akin “may problema ba? Tanong niya. Sasabihin ko ba? Paano kong magalit siya sa akin. Paano kong hindi niya na ako kausapin? Paano kung hindi niya ako maalala? Bahala na. “may sasabihin sana ko” “okay, what it is?” magsasalita na ako ng biglang lumapit ang waiter. Binigay nito ang aming bill at umalis kaagad. “Sorry” sambit ni Paul. Umiling lang ako. “Ano ngang pinag-uusapan natin?” tanong niya. “nevermind” ngumiti na lang ako. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya. Muli akong nagsalita “congratulation pala sa inyo ni Ms. Bel. Ikakasal na daw kayo?” tanong ko. Biglang tumahimik si Paul. Nawala ang saya sa mukha niya. Hindi na muli siyang nagsalita. Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya na ako sa amin. Tahimik pa din siya. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali. May problema ba? Alam kong hindi siya okay. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako. “thank you “ paalam ko. Nakatingin lang siya sa malayo. Walang reaksyong ang mukha niya. Pababa na ako ng sasakyan ng mag salita siya “ About me and bel” tumingin siya sa akin. “it is not what you’re thingking”. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD