“Excited na ko para bukas” sigaw ni Jay habang palabas kami ng building. “ano ka ba wag ka ngang maingay. Nakakahiya” mahinang sabi ni Kath. “naka ready na ba mga swimsuit niyo?” biro ni Sally. Tumawa lang ako. Para silang mga bata na ngayon lang pupunta ng dagat sa sobrang saya. Tumingin sa akin si Jay. Tinitigan niya muna ako saka nagtanong “san kayo nag date ni sir Crush?” “sir Crush?” napaisip ako saglit. “sinong sir Crush?” napatingin silang tatlo sa akin. Nagulat ako sa mga reaksyon nila. “hindi ko kilala si sir crush” mahina kong sagot. Parang kakainin nila ko ng buhay sa mga tingin nila sa akin. “ang slow naman ni ms. Cassie. Si sir Paul si sir Crush” inis na sambit ni Jay. Natawa lang ako. “ah, okay. Now I know”. “So san nga kayo nag-date?” malakas na tanong ni Jay. “Hindi kami nag date ano ka ba. Baka may makarinig sayo”. Pinandilatan ko siya ng mata. “Hindi daw sila nag date” sabay sabay nilang pang aasar sa akin. Ngumiti lang ako. Deep inside kinikilig ako. Namula ang aking mukha. Pinagtawanan nila kong tatlo. “si ms. Cassie kinikilig” nakatawang biro ni Jay.
Nasa labas na kami ng building ng makita namin si Paul at si ms. Bel na magkasama. “Sorry ms. Cassie pero wala kana talagang pag-asa. Sa ganda pa lang ni ms. Bel talo na tayo”. Sambit ni Jay. Mabilis siyang siniko ni Sally “ano ka ba” nahalata niya atang tumahimik ako ng makita ko sila Paul. Lumapit sa amin sila ms. Bel. Humawak siya sa braso ni Paul pero umiwas ito. Nagtinginan kami ni Sally. Ramdam namin na napahiya si ms. Bel. Mabilis siyang nagsalita “ready na ba kayo bukas?” plastic ang ngiti niya. Alam kong hindi siya natuwa sa ginawa ni Paul. “excited na kami ms. Bel. Naka ready na din ang aming swimsuit” biro ni Kath. Nagtawanan lang kami. Tahimik lang si Paul. Walang reaksyon ang mukha niya. “Anyway ingat sa pag-uwi. We’ll see you tomorrow”. “Bye ms. Bel” paalam namin. Pag alis nila ay nagtinginan kaming apat. May mga tanong sa mukha namin. “may something” sambit ni Kath. “mukhang may pag-asa ka pa ms. Cassie.” Biro ni Jay. Natawa na lang kami. “Magsi-uwi na nga kayo.” Pabiro kong sabi sa kanila. Matapos ay kanya-kanya na kaming nagsi-uwian.
Nagliligpit ako ng pinagkainan ng lumapit si Sam. “Ate” malambing niya akong tinawag. Naupo siya sa tabi ko. Mukhang may kailangan na naman siya sa’kin. “Wala akong pera” inunahan ko na siya. Lumalapit lang siya sa akin pag mangungutang siya or gusto niya ng tsismis tungkol kay Paul. “Alam kong wala kang pera. Alam ko din na wala kang boyfriend. Don’t worry alam ko naman na may ex ka, si Paul”. Inirapan ko lang siya. “Sinong Paul?” nagulat kami kay mama. Narinig niya kaming nag-uusap. Nagtinginan kami ni Sam. ”Sinong Paul?” muling tanong ni mama. Nilakihan ko ng mata si Sam. “wag kang magsasalita” ipit ang boses kong sinabi kay Sam. “Samantha?” Malapit na itong mainis sa tono ng boses niya. Hindi na napigilan mag-salita ni Sam. “Ex ni ate nung Highschool” “Hindi ko nga siya ex” mabilis kong sagot. Tumingin sa akin si mama. “Cassandra?” Nanghihingi ng paliwanag ang mga tingin niya sa akin. Hindi ako makapag-salita. Alam kong ayaw nila kay Paul. Nakatitig siya sa amin ni Sam. Siniko ako ni Sam. Parang gusto niyang sabihin na magsalita na ako. Huminga muna ako ng malalim. Pinaliwanag ko kay mama lahat ng tungkol kay Paul. Saglit siyang tumahimik. Nagtitinginan lang kami ni Sam. “Cassandra” Tumingin ako kay mama. Ngumiti lang siya. “Hanggang ngayon ba iniisip mo parin na isa si Paul sa mga dahilan bakit hindi ka na namin pinayagan makipag kita sa kanila? Kung bakit lumipat tayo ng tirahan?” Tumango lang ako. ”Malubha na ang sakit ng Papa mo ng mga panahong yun. Nagkataon na maraming nanay ang nagrereklamo dahil sa samahan niyo. Alam kong hindi totoo ang mga sinasabi nila dahil nakikita kong masaya ka. Masaya kayo na nakakatulong sa mga kapwa niyo kabataan” Saglit na tumahimik si Mama. May mga luhang namumuo sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng lungkot. Ngayon ko lang nakita si Mama na ganito. Parang ang bigat sa dibdib. “Alam namin ng Papa mo kung gaano ka kasaya. Hindi ko gustong agawin ang kasiyahan mo. Pero, hindi ko din gusto na mawala ang papa mo na hindi man lang kayo nagkaroon ng oras sa isa’t isa.” Hinawakan ni mama ang kamay ko. “Sorry anak” “Ma”ang tangi kong nasabi. Nagulat ako sa mga sinabi ni mama. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi na niya napigilang umiyak. Ramdam ko kung gaano kahirap ang nararamdaman niya. Hindi ko alam pero bigla na lang pumatak ang mga luha ko. One month simula ng huling pagkikita namin ni Paul lumipat na kami ng tirahan. After noon pumanaw na din si Papa dahil sa sakit sa puso. Nakaramdam ako ng pagsisisi. Hindi ko man lang siya nabigyan ng oras dahil sobrang nasaktan ako ng lumipat kami. All these years ang alam ko ayaw nila kay Paul, ayaw nila sa samahan namin. Ayaw nila na masaya ako. Hindi ko sila kinakausap. Kung alam ko lang, sana hindi ako nagalit. Sana hindi ko na lang sila pinahirapan. Sana inintinde ko na lang si Mama. Hindi sana siya nahirapan. Hindi ko na napigilang umiyak. Feeling ko ako yung may kasalanan bakit nawala si papa. “I’m sorry Ma” lumapit sakin si Mama at niyakap ako. Hindi na rin napigilang umiyak ni Sam.
“Tumigil na nga kayong dalawa” biro ni Sam na nagpapahid din ng luha niya. Nagtawanan na lang kaming tatlo. “Bakit hindi mo na lang papuntahin dito si Paul?” sabik na tanong ni Sam. Umiling lang ako. Nagtinginan sila ni Mama. “ikakasal na si Paul” “What?” malakas na nasambit ni Sam. Nagulat siya sa sinabi ko. “Di ba nag date kayo? Ilang beses kana din niyang hinatid dito sa bahay. Paano nangyaring ikakasal na siya” Hindi pa din siya makapaniwala na ikakasal na si Paul. “hindi kami nag-date. Hinatid niya lang ako kasi late na kaming natapos sa meeting” paliwanag ko. Parehas kaming napa bugtong hininga. Natawa lang sa amin si mama. Saglit pa ay tumitig uli sa akin si Sam. May naiisip na naman siyang kalokohan sa itsura niya. “Tigilan mo ko. Masaya na yung tao. Wag mo ko itulad sayo” inunahan ko na siya. “Baka lang naman you need help” nakangiti niyang biro sa akin. “Matutulog na ako maaga pa ko bukas. Tulungan mo si Mama magligpit” sumimangot lang siya. Natawa lang kami ni Mama.