Gabi na ng makarating kami sa resort. “Gusto ko na mag swimming” sabik na sambit ni Kath. “sana maraming gwapo sayang ang swimsuit ko” nakatawang biro ni Jay. Hindi na siya mapakale sa sobrang saya. “Hindi pa ba ko sapat?” Dagdag na biro ni Chad. Nagtawanan lang kami. Maya-maya pa ay dumating na din ang ibang team ng department. Nahuling dumating sila Paul at ms. Bel. “Hi ms. Bel, sir Paul” Bati namin. Ngumiti lang si Paul. Napaka simple lang ng damit niya. Plain shirt at short. Si ms. Bel naman ay nakasuot ng Long Dress Bohemian Print sleeveless. Para silang mga artista. Lahat kami ay nakatingin sa kanilang dalawa. “Sana ako na lang si ms. Bel” sambit ni Kath. Sana ako na lang din si ms. Bel. Sana ako yung kasama ni Paul. Sabay-sabay kaming napa bugtong hiningang apat. Nagkatinginan na lang kami at natawa sa mga sarili namin. “Let’s go inside” niyaya na kami ni ms. Bel sa loob para mag check-in. Matapos ay binigay niya na ang mga susi ng mga kwarto namin. Kanya kanya ng nagsitungo ang bawat Team sa kanilang mga kwarto. Halos lahat ay excited. Makikita mo ang saya sa mga mukha ng bawat isa. “Thank you ms. Bel” "Tara na ms. Cassie para makarami tayo ng langoy" biro ni Jay. Nagtawanan kaming lahat. Nagpaalam na din si Chad kay Paul. Paalis na kami ng muli akong tinawag ni ms. Bel. "Cassie". "Yes ms. Bel". "Pwede bang palagay ng mga gamit namin sa kwarto" nakangiting sabi nito. Inabot niya sa akin ang susi ng kwarto nila. Tumango lang ako. Napatingin sa kanya si Paul. " What are you doing?" Seryosong tanong ni Paul sa kanya. May halong inis ang boses ni Paul. Nagtinginan kaming apat nila Jay. Alam naming may something sa kanilang dalawa. "Well, we need to check the room for the party tomorrow, so maybe she could do it for us, if it’s okay with her." Tumingin sakin si ms. Bel. Ngumiti lang ako. Bago pa sila mag-away mabilis kong kinuha ang mga dala nilang gamit. Dalawang maleta kay ms. Bel at isang Tote bag. Isang maleta naman kay Paul. Hindi ko alam kung paano ko ito bibitbitin. Bahala na. Kesa naman ako ang pagbuntangan nila ng galit sa isa’t-isa. Paalis na ako ng inagaw ni Paul ang maleta niya sa akin. Napatingin ako sa kanya sa sobrang gulat. “Im coming with you” seryosong sabi niya at tuluyan ng nauna. Nagulat si ms. Bel sa ginawa ni Paul. “Just give it to her Paul” malakas na sigaw ni ms. Bel. Mabuti na lang at kami na lang ang natitira. Halatang halata sa mukha ni ms. Bel ang pagka-inis. Tiningnan niya ako ng masama. Umiwas ako ng tingin. Bigla akong kinabahan. Ano bang problema ni Paul? Ano bang problema nilang dalawa? Madadamay pa ako. Mabilis na kinuha nila Sally ang gamit ko. “Go” mahinang sabi ni Jay. Mabilis akong sumunod kay Paul.
“Wow! Ang ganda ng kawarto nyo sir Paul". Hangang hangang sabi ko sa kanya. Hindi niya ko pinapansin. "Sana ganito din kwarto namin". One king bed size, malaking living room, napakalaki din ng bintana. Kitang kita mo ang dagat. Sa mga magazine lang ako nakakakita ng ganito. Iba talaga pag mayaman. Napatingin ako sa kama. Na-imagine ko sila Ms. Bel at Paul na magkatabi matulog. Buti pa siya makakatabi niya si Paul. Nagbuntong hininga na lang ako. Umiling-iling lang si Paul. “You’re thingking too much”. Seryoso pa din ang mukha niya. Nakasimangot akong tumingin sa kanya. Nagulat siya sa reaksyon ng mukha ko. Nakataas ang kilay niya na nakatingin sa akin. “Next time kung mag-aaway kayo ni ms. Bel wag ako idadamay. Understand?” may pag-utos na sabi ko. Lumapit sakin si Paul. Napaupo ako sa kama sa sobrang lapit niya sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Bigla akong kinabahan. “Next time pag inutusan ka ni Bel, wag mong susundin dahil hindi siya ang boss mo. Im your Boss. Understand?” Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita. Napalunok ako sa sobrang kaba. Pinagmamasdan niya ang mukha ko. May dumi ba sa mukha ko? Saglit pa ay nagkatitigan kaming dalawa. Unti-unting naglalapit ang aming mga labi. Mas lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. Anong gagawin ko? Tumayo ako at tumungo sa may bintana. Kitang kita ang kagandahan ng buong resort mula sa kwarto nila. Lumapit sa tabi ko si Paul. "Do you think I should marry Bel?” Nagkatinginan kaming dalawa. Seryoso ang mukha niya. Bakit niya ko tinatanong? May problema ba talaga sila? Pero bakit sakin? Kasi alam niya na gusto ko siya?” saglit akong nanahimik. Hindi ko din alam ang isasagot ko. Should I say No? For what? Saglit akong nakaramdam ng lungkot. Tumahimik lang ako. “Cassie” Tumingin sakin si Paul. “I think you should marry her”. Nagsalita na ako bago pa siya magsalita muli. Hindi niya inaasahan ang sagot ko. "She's beautiful, your handsome. Parehas kayo ng status sa buhay. You both smart. I think you’re perfect for each other." Ngumiti akong tumingin sa kanya. Nasaktan ako sa sinabi ko. I lied again. I lied about me, now I’m lying to myself. Pero anong magagawa ko. Ikakasal na siya. Kahit malaman pa niya na ako si Cassie huli na ang lahat. “Mauna na ako” Nagpaalam na ko at lumabas ng kwarto. Natatawa ko na naiinis. May mga luhang namuo sa aking mata. Sa lahat ng tatanungin niya bakit ako pa. Bakit sa lahat ng magtatanong siya pa? Bumalik na ako ng kwarto. Nakita ko silang nagpupulong pulong. Kaming apat ang magkakasama sa kwarto. Ako, si Jay, Sally at Kath. Mabilis silang tumayo at sinalubong ako. “What happened?”. “Hiwalay na ba sila?” “May pag-asa na ba tayo?” nakakunot ang nuo ko na nakatingin sa kanila. ‘Ganito ba talaga ang epekto ni Paul?’ Tanong ko sa sarili ko. “Hindi ko alam. Wala din akong pakialam” sagot ko. Nakasunod pa din sila sa akin. Kumuha ako ng beer at naupo sa kama. “ms. Cassie you need to talk so we can understand you.” Sambit ni Jay. Hindi ako kumikibo. Kumuha na din sila ng maiinum at umupo sa tabi ko. “Cheers to our broken heart” Sambit ni Sally. “Cheers!”