“Oh my God! I feel like I’m in paradise” ang sabi ni Jay. Nakatingin siya sa mga lalaki na naglalaro ng volleyball sa tabing dagat. Napa-iling lang kami nila Sally. “Tara na nga! Nagugutom na kami” Hinila ko na siya. “ikaw talaga basta lalaki, nanlalaki ang mga mata mo” pabiro kong sabi kay Jay. Sumimangot ang kanyang mukha. Pumunta kami sa cottage malapit sa tabing dagat kung saan andun ang buong Department. Kakatapos lang ng mga activity namin. Kanya-kanyang cottages ang bawat Team. Since girlfriend ni Paul si ms. Bel kasama namin siya sa cottage. Hindi ko alam pero parang nag-bago ang tingin ko sa kanya simula kahapon. Hindi na ako nagagandahan sa kanya. Naiinis na din ako pag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung bakit or nagseselos lang ako. Magkatabi sila ni Paul na kumakain, ako naman ay nasa harap nila. “Kath abutan mo nga ako ng chicken” pabulong ko sa kanya. Bago niya pa ko mabigyan ay nauna na si Paul. Narinig niya ata ako. Nilagyan niya ang plato ko hindi lang chicken kundi lahat ng pagkain na meron kami sa hapag-kainan. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Maging si ms. Bel ay napatingin sa kanya. “Thank you sir Paul” Yumuko ako at simpleng ngumiti. Hindi ko alam pero kinilig ako sa ginawa ni Paul. Feeling ko mas love niya ko kesa sa girlfriend niya. Relax Cassandra! Pigilan mo ang iyong puso. Nakangiti lang ako. Nakatingin sa amin si ms. Bel. Hindi maganda ang awra ng mukha niya. Bigla siyang nagsalita. “Paul I want that too”. Maarteng sabi niya. Tinuro niya ang Salad na nasa harap namin ni Paul. Hindi kumibo si Paul. Inabot niya lang ang buong plato at nilagay sa harap niya. Halos lahat kami ay natawa sa ginawa niya. Ngumiti lang ako kay Paul.
Matapos kumain ay bumalik na din si Paul sa kwarto nila. Ang iba naman ay nagkanya kanya na din ng alis. Ang iba ay para maligo sa dagat ang iba naman ay para magpahinga. Kaming apat nila Sally ang naiwan sa cottage. “Tara na ms. Cassie” Yaya nila Kath. “Mauna na kayo. May kukunin lang ako sa kwarto”. Umalis na ako at naiwan sila sa cottage. Nasa pinaka dulo ang kwarto namin. Malapit dito ang Park para sa mga bata. Padaan na ako ng nakita ko si ms. Bel na may kasamang lalaki. Pero hindi ko alam kong si Paul ito. Nasa harap niya ito kaya hindi ko makita. Tanging likod lang ni ms. Bel ang nakikita ko. Nakayakap ito sa kanya. Nagtago ako sa Shower room na tapat lang din ng Park. Mula doon ay kitang kita ko kung anong ginagawa nila. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. They were kissing! Nakikipaghalikan siya sa ibang lalaki! s**t! Paano? Diba engaged na sila ni Paul? Bakit siya nakikipag halikan sa ibang lalaki? I’m so confused right now. Hindi ko alam pero parang matagal na silang magkakilala ng lalaking kasama niya. They look so sweet to each other. Pero bakit? Hindi pa ba sapat si Paul? Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. “Cassie!” nagulat ako ng may tumawag sa akin. Tumingin ako sa likod ko. It’s Paul. “What are you doing there?” Bigla akong kinabahan. Napalunok ako sa sobrang kaba. Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Paano pag nakita niya si ms. Bel na may kasamang lalaki. “Cassandra!” Nagulat ako sa sigaw ni Paul. Hindi ko alam kung narinig kami ni ms. Bel. Anong gagawin ko? “Are you hiding something?” Dumungaw siya sa likod ko. Mabilis kong hinarang ang mga kamay ko sa mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Nagsalubong ang kanyang kilay. Pilit kong hinaharang ang mga kamay ko para hindi niya makita sila ms. Bel. “Stop. Let me see it” sabi ni Paul. “No” “Cassie” Tumaas na ang boses ni Paul. Mas lalo akong kinabahan. “No Sir Paul, I won’t let you see it.” Hindi na siya makatiis. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Tumingin siya sa Park. Pilit akong nagpupumiglas mula sa pagkakahawak niya sa akin. Saglit siyang natahimik. Binitawan niya ang mga kamay ko. “You don’t need to hide it” Nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin. Wala sa itsura niya ang pagka-gulat. “I already knew about it”. Ngumiti lang siya at tuluyan ng umalis. What? Tama ba ang narinig ko? Alam niya ang tungkol dito? Pero bakit niya pakakasalan si Ms. Bel? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Muli akong tumingin kanila ms. Bel. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong magalit kay ms. Bel. Paano niya nagawa yun kay Paul? Saglit pa ay nakita na din ako ni ms. Bel at ng lalaking kasama niya. Tumingin lang siya sa akin na parang wala lang nangyari at tuluyan ng umalis kasama ang lalaki niya. Hindi man lang siya nagulat na nakita ako? Anong klaseng babae ka?
Umalis na din ako at hinanap si Paul. “Sir chad! Nakita mo ba si sir Paul?” “No. why?” “Nothing. Thanks” umiling lang ako. Kanina ko pa hinahanap si Paul pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Nag-aalala ako sa kanya. Paano kung may gawin siya sa sarili niya. Papunta ako ng cottage namin ng makasalubong ko sila Jay. “Nakita niyo ba si Sir Paul?” Mabilis kong tanong sa kanila. “May problema ba? Nag-away ba sila uli ni ms. Bel?” usisa ni Kath. Hindi ako makapag-salita. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Nagtinginan kami ni Sally. Alam kong naintindihan niya ko. “Hindi na kami magtatanong” naka-ngiting sabi niya. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Hindi siya nagtatanong katulad nila Jay but she understand me the most. “Nasa may tabing dagat si Sir Paul. Go!” “Thanks Sally”. Nagpaalam na ako at iniwan silang tatlo. Mabilis akong tumungo kay Paul.
Huminga muna ako ng malalim bago lumapit kay Paul. Marami na siyang nainom. Namumula na ang kanyang mukha sa kalasingan. Naupo ako sa tabi niya. Gusto kong mag-salita pero walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “Sir Paul, I think you should rest now. Marami na kayong nainom.” Tumingin siya sa akin. Napakalungkot ng mga mata niya. “Paul. Just call me Paul”. Gusto ko siyang yakapin. I want to comfort him but I don’t know how. “Paul”. Tumango lang ako at ngumiti. Ngumiti lang siya. Alam kong pinipilit niyang maging okay sa harap ko. Nagbukas uli siya ng beer na nasa harapan niya. Napakalayo ng tingin niya. Mararamdaman mo ang bigat na dinadala niya. Ngayon ko lang nakita si Paul na ganito. Kumuha ako ng isang beer na nasa harapan niya at ininom ito. I want him to feel that he’s not alone. Tahimik lang kaming dalawa na naka tingin sa dagat. Tanging tunog lang ng alon ng dagat ang maririnig mo. Saglit pa ay nagsalita na si Paul. “I proposed to her but he rejected me.” Mahinang sabi niya. Napatingin ako sa kanya sa sobrang gulat. “We already broke-up”. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. What? Hiwalay na sila? Hindi ko maintindihan. Bakit lagi silang magkasama kung hiwalay na sila? Uminom muna siya ng beer bago nagsalita muli. “She asked me a favor, kung pwedeng magpanggap pa din akong fiancée niya hanggat hindi niya pa nasasabi sa parents niya ang tungkol sa amin.” Saglit siyang tumigil. Alam kong pinipigilan niyang hindi umiyak. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita muli. “and I said Yes.” Mahinang sambit niya. Hindi ako makakibo. Sobrang nagugulahan ako sa nangyayari. “Bakit?” hindi ko napigilang itanong sa kanya. Pinipilit niyang ngumiti. “hindi ko din alam” namumuo na ang mga luha sa mga mata niya. “we’ve been for eight years. We promised that we will be together, but she just broke it. I love her so much and she broke my heart”. Hindi niya na napigilang umiyak. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Naaawa ako sa kanya. Paano niya naitago lahat ng sakit na nararamdaman niya. Paano niya natiis makita si ms. Bel araw-araw kung alam niyang may mahal na itong iba. ‘Bakit ang tanga tanga mo’ gusto kong sabihin sa kanya. Bakit ka nagtitiis masaktan? “I just want her to be my wife“. Sambit niya. Natahimik ako. Hindi ako makapagsalita. Nanghihina ako sa mga naririnig ko. Tama ba na ako ang nandito ngayon nakikinig sa kanya? Bakit ako nandito? Unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko. Nagsisisi ako na sinamahan ko siya ngayon. Nagsisisi ako bakit ako umaasa. Umiwas ako ng tingin kay Paul. Alam kong wala akong karapatan masaktan pero nasasaktan ako. “Don’t worry I’ll be fine. This is not the first time”. Nakangiting sabi niya. Kumuha muna siya ng lakas ng loob bago nagsalita muli. Hindi ko alam kung kaya ko pang makinig sa mga sasabihin niya. “there is a girl that I like back in highschool. Nagkasama kami sa isang organization sa lugar namin. She was my first love. But she left me.” Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko. Ako ba ang tinutukoy ni Paul? “Sabi niya babalik siya. But she never did”. Bumilis ang t***k ng puso ko. “What funny is, your name is same as her. I just don’t remember her last name” tumingin siya sa akin. Unti-unti kong nararamdaman ang pagpatak ng aking mga luha. I was he’s first love? Bakit hindi ako masaya? Tumayo na siya. Bago pa siya umalis ay muli siyang nagsalita. “Thanks Cassie. Don’t worry Im sure she’s not you”. Hindi ko na napigilang umiyak.