Naiwan akong mag-isa. Naninikip ang aking dibdib sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang umiyak. “Ms. cassie“ sigaw ni Jay. Lumapit sila sa akin. “What happened?” “May problema ba, nag away ba kayo ni sir Paul?” Sunod sunod na tanong nila. Makikita mo sa mga mukha nila ang pagaalala. Pinipilit kung huminahon. “I was his first love” patuloy pa rin akong umiiyak. “first love?” Sabay sabay nilang tanong. “I was Paul first love” “magkakilala kayo ni sir Paul” gulat na tanong ni Jay. Nagtinginan silang tatlo. Pinilit kung huminahon. Pinaliwang ko sa kanila lahat. "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw mong nakakasamasa si sir Paul" sabi ni Jay. "Natatakot ka na baka maalala ka niya" tumango lang ako. Nagbuntong hininga lang si Jay. Alam kong hindi nila inaasahan ang mga narinig nila mula sa akin. “Sorry, hindi ko sinabi sa inyo.” Pabirong sumimangot si Jay at niyakap ako. “Im crying” malungkot na sambit ni Kath. “Wag ka na ngang makisabay” biro sa kanya ni Jay. Nagtawanan lang kami. Kahit papaano nakahinga na din ako sa wakas. Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata. "Cassie it’s not your fault" mahinahong sabi ni Sally. Hinawakan niya ang aking kamay. "For sure maiintindihan ka niya kung ipapaliwanag mo sa kanya." "Paano kung masaktan ko siya uli" "Gusto mo ba uli siyang saktan?" Wala akong maisagot. Paano kung mahal niya parin si ms. Bel? "You need to tell him ms. Cassie." " What if he is still waiting for you?" "What if he's not?" "Atleast you tried” Niyakap nila ko ng sobrang higpit. Nasasaktan pa din ako. Hindi ko alam kung sino ang dapat kung sisihin o may dapat ba akong sisishin.
Pabalik na kami ng kwarto namin ng makita namin si ms. Bel. Hindi ko alam kung narinig niya ang pinag usapan namin. Nagtinginan kaming apat. Tiningnan niya lang kami at tuluyan ng umalis. Narinig niya ba kami? Sana hindi.
Umaga na ay hindi pa kami bumabangon na apat. Nasobrahan ata kami sa alak kagabi. Nahihilo pa din ako. "Sally gising na! Jay! Kath!" Malakas na tawag ko sa kanila. Ilang oras na lang ay uuwi na kami. Kung hindi kami magmamadali mapapagalitan na naman kami ni mam Lyda. Nauna na akong bumangon. Dumeretso na ko sa banyo at naligo. Mabilis na din nagsibihis sila Jay. Maya maya pa ay dumating na si mam Lyda. "Cassie! Tapos na ba kayo? Kayo na lang hinihintay" malakas na sigaw nito mula sa labas. Hindi na namin naayos ang aming mga gamit. Nilagay na lang namin sa bag kung anong makita namin. Bahala na. "Cassie!" Muling sigaw ni mam Lyda. "Lalabas na po" sabay sabay naming sigaw. Natawa na lang kami. Nasa parking na lahat ng team. Halos lahat ay nakatingin samin. Nakakahiya. "Sorry" ang sabi ni Jay. Maging si Paul ay nandun pa din nagaantay. Hindi pa din ako makatingin sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumingin sa kanya. Naka sakay na si Bel sa sasakyan ni Paul. Sa front seat siya naka upo. Simula ng malaman ko ang tungkol sa kanila ni Paul hindi ko na ginustong tawagin siyang ms. Bel. She dont deserve it. Napatingin sakin si Sally. "I'm fine" mahina kong sabi sa kanya. "Let's go guys" malakas na sigaw ni sir Chad. Lahat kami ay nag kanya-kanya na ng sakay. Bago pa kami makasakay ni Sally ay tinawag ako ni Paul. "Cassie, you're coming with us" pagkatapos ay sumakay na siya sa sasakyan niya. Napalunok ako ng di oras. Ayokong sumabay sa kanila. Paano kung bigla silang mag-away. Bumusina si Paul. Alam kong hinihintay niya kong sumakay. Hinila ko si Sally at sumakay sa sasakyan niya. Nanlaki ang mata ni Sally sa ginawa ko. "Sorry" mahina kong sabi sa kanya. Wala na din siyang nagawa. Binuksan ko ang pinto at sumakay. Napatingin sa gulat sa amin si Bel at Paul. Ngumiti lang ako at nagsalita. "Parehas lang kasi yung way ng bahay namin so baka pwedeng sumabay na din siya" ngumiti kami parehas ni Sally. Pinanlakihan ako ng mata ni Sally. Ngumiti lang ako. Magkasalubong ang kilay ni Bel. Mukhang hindi niya alam na dito kami sasakay. Umiling lang siya. Halatang hindi niya gusto na nandun kami ni Sally. Sumimangot lang si Sally. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Umayos ka" piit ang boses kong sabi sa kanya. "Fine" maigsing sagot niya. Pinaandar na ni Paul ang sasakyan.
Magdadalawang oras na kami sa byahe pero hindi ko man lang narinig na nag-usap si Bel at Paul. Paano natitiis ni Paul ang ganitong sitwasyon? Paano niya nakakayang makasama ang taong sinaktan siya. Well I know I hurt him, but atleast I have reason. Pero si Bel? She cheated on him. Hinawakan ni Sally ang aking kamay. Tumingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang kanyang tiyan. Nagugutom na siya, nagugutom na din ako. Hindi pa nga pala kami kumakain. Nilabas ko ang biscuit sa bag ko at inalok sa kanya. Umiling lang siya. Tinuro niya si Paul. Nagsalubong ang aking kilay. Hindi ko siya maintindihan. Umayos siya ng upo at nagsalita. “Sir Paul, nagugutom na daw po si ms. Cassie” nagulat ako sa sinabi niya. Kinurot ko siya sa tagiliran. Napatingin sa amin si Bel. Ngumiti lang kaming dalawa. Mabilis na itinigil ni Paul ang sasakyan sa malapit na Resto na nakita niya. Nagulat si Bel sa ginawa niya. “I need to go home now” giit nito. “You can take taxi from here if you want” sagot ni Paul. “What? Are you kidding me?” Hindi niya nagustuhan ang sagot ni Paul. Tiningnan niya ako ng masama. “Sir im fine, hindi pa naman ako sobrang gutom” mabilis kong sinabi kay Paul. Tinaasan ako ng kilay ni Sally. Kesa naman mag-away sila ng dahil sa akin. Tumingin sa akin si Paul. “Im hungry” seryosong sabi niya. Napangiti na lang ako. Umiling lang si Sally. Wala na din nagawa si Bel. Bumaba na kami at pumasok sa Resto.
“What do you want to eat?” “Pasta” sabay naming sambit ni Bel. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakataas ang isang kilay niya. Bakit kasi ako sumagot. For sure hindi ako ang tatanungin ni Paul. Nakakahiya. Ngumiti na lang ako at nag-sorry. “Sorry”. Umiling lang si Bel at mahinang tumawa. Ano ka ba naman Cassie. Yumuko na lang ako at tumingin sa Menu. “Im talking to you” Nakatingin na sabi sakin ni Paul. “Ha?” Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin sa kanya si Bel. Naiinis na siya. Mabilis na nag salita si Sally. “Ako na lang oorder, bago pa kayo mag-away away” Nakangiting sabi niya.
Maya-maya pa ay dumating na ang aming pagkain. Steak for each of us, Pasta, Salad and some desserts. Pinaghiwa ni Paul si Bel ng Steak at ibinigay ito sa kanya. “Thank you” malambing na sabi nito kay Paul. Muli kong naalala ang mga sinabi ni Paul kahapon. Siguro until now mahal niya pa rin si Bel. Hiniwa ni Paul ang steak na nasa harap niya at ipinalit ito sa plato ko. Napatingin sakin si Bel. Umiling lang siya at ininum ang juice na nasa tabi niya. Alam kong naiinis na siya sa mga kilos ni Paul. Hindi ko din alam bakit ganito ako tinatrato ni Paul. Paano kung malaman niya na si Cassie at ako ay iisa? Kailangan ko pa bang sabihin sa kanya? Naniniwala siya na hindi ako si Cassie. Na nagkataon lang na magkapangalan lang kami. Hindi ko na ata kayang makita na masasaktan uli siya dahil sakin. Kailangan ko ng umiwas sa kanya. Yun lang ang paraan para hindi niya na malaman kung sino ako. Lalagyan niya na ng Pasta ang plato ko ng hinarang ko ito. “Im fine” napatingin sa akin si Sally. Maging si Paul ay nagulat sa ginawa ko. “Wow! Marunong ka din pala mag-umarte” mapang-asar ang tingin sa akin ni Bel. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagkain. Wala na kong ibang choice kundi umiwas sa kanya. Matapos ang isang oras ay tapos na din kami kumain. Mabilis kaming sumakay dahil nagmamadali na din si Bel.
Makaraan ang tatlumpung minuto ay nakaramdam ng p*******t ng binti si Paul. Nahirapan siya mag drive. Pinupulikat ang kanyang binti. Kinabahan kaming tatlo. Patigil tigil na ang pagmamaneho niya. Naririnig na namin ang mga busina sa likod namin. Nagsimula na din mag panic si Bel. “Paul are you alright? What’s happening? Pilit na hinahawakan ni Paul ang manibela ng maayos. Naiiyak na si Bel sa sobrang takot. Maging kami ni Sally ay nagpapanic na din. Nakikita kong hirap na hirap na si Paul. “Just stop the car” sigaw ni Bel” pinilit ni Paul na maitigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada na hindi kami mapapahamak. “Aah” Malakas na sigaw ni Paul. “Are you okay?” Nagaalalang tanong ni Bel. Hindi na niya napigilang umiyak. HInawakan ni Paul ang kamay niya. “I’ll be fine” Tumango lang si Bel. Alam kong hindi ito ang oras para sa nararamdaman ko kay Paul, pero nasasaktan ako dahil wala akong magawa. Nasasaktan ako dahil nag-aalala parin siya kay Bel. “Ako na lang ang magda-drive” mabilis akong bumaba ng sasakyan. Sumunod na din na bumaba sila Bel. Parehas na kami ni Paul na nasa front seat nakaupo. “Are you sure you can drive? Cause I don’t want to die right now” hindi mapakaleng sabi ni Bel. Hindi ko siya pinansin. Paaandarin ko na ang sasakyan ng hinawakan ni Paul ang braso ko. Napatingin ako sa kanya. “Be careful” Ngumiti lang ako. Pinaandar ko na ang sasakyan.
Nauna naming hinatid si ms. Bel sunod ay si Sally. Kaming dalawa na lang ang natitira ni Paul. Mahimbing siyang natutulog. Saglit kong itinigil ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ko siya ihahatid. Paano kung tanungin niya ko kung paano ko nalaman kung saan siya nakatira. Ayoko naman siyang gisingin. Saglit pa lang siyang nakakatulog sa sobrang sakit ng binti niya kanina. Anong gagawin ko? Kailangan ko na din umuwi. Paano pag nakilala ako ng Daddy niya or ng kapatid niya? Inuntog-untog ko muna ang aking ulo sa manibela bago nag desisyong ihatid na si Paul. Bahala na. Nasa tapat na kami ng bahay nila. Mas lalong gumanda ang bahay nila Paul. Mas lumaki din ito kesa sa dati. Halata din na bagong renovated ito. Unti-unti kong nararamdaman ang kaba. Huminga muna ako ng napaka lalim bago tumingin kay Paul. Tumagilid ako ng upo at kaunting lumapit kay Paul. Mahimbing pa din siyang natutulog. Napaka-amo ng mukha niya. Napaka-tangos ng ilong. Dahan-dahan kong hinawakan ang matangos niyang ilong maging ang mapula niyang labi. Paano nagawa ni Bel lokohin ang ganitong inosenteng mukha. Ngayon ko lang uli nasilayan ang mukha niya ng ganito kalapit. Napapangiti na lang ako. Hindi ako magsasawang tingnan siya. Kinikilig ako. Malalaman niya kaya kung halikan ko siya? Hindi naman siguro di ba? Isang halik lang naman. Malapit na din matapos ang kontrata ko sa trabaho kaya hindi na din kami magkikita. Nangingiti ako sa mga iniisip ko. Wala na din naman siya magagawa kung halikan ko siya. Tumingin muna ko sa paligid. Nang patingin na ako sa kanya ay hinawakan niya ang aking batok at hinalikan ang aking mga labi. Nagulat ako sa ginawa niya. “Is this what you’re planning?” Nakangiting sabi niya sa akin. Nakahawak pa rin siya sa batok ko. Hindi ako makapag salita. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha maging ang bilis ng t***k ng puso ko. Kanina pa siya gising? Alam niya ba na kanina ko pa siya pinagmamasdan? Napalunok ako. Aayos na ako ng upo ng muli niya akong hinalikan. Muli siyang tumingin sa akin. Hinawakan niya ang aking mukha at pinag masdan ito. Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. “I like you Cassie”