Sir Crush Episode 19

1378 Words
            Umayos kami ng upo ng makita namin na may lumabas sa gate nila. Napa ubo ako kunyari. Hindi ako makatingin sa kanya. Namumula pa rin ang mukha ko. Tawa-tawa lang siya na nakatingin sa akin. Parang inaasar niya pa ko sa naging reaksyon ko. Binuksan niya na ang pinto at naunang lumabas. Mabilis na din akong bumaba ng sasakyan para tulungan siya. Sinalubong kami ng Mommy niya at ni Pat, ang kapatid niyang babae. Mabilis akong yumuko. Iniiwasan kong mapatingin sa kanya dahil baka makilala niya ako. Sinamahan ko sila hanggang loob ng bahay. Napaka ganda na talaga ng bahay nila. “Salamat sa paghatid kay Paul” Nakangiting sabi ng mama niya. Ngumiti lang ako at yumuko uli. Nakatingin sakin si Pat. Pinagmamasdan niya ko. Nakaramdam ako ng kaba. Kailangan ko ng umalis bago niya pa ako makilala. “Mauna na po ako”. Mabilis akong lumabas. Sinundan ako ni Pat. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko. “Ate Cassie?”. Napatigil ako. Naalala niya ko? Hinihintay ko siyang magsalita uli. Hindi ako makaharap sa kanya. Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Lalo akong kinakabahan. “Sorry. You look like someone I know”. Thanks God. Nakahinga din ako sa wakas. Binigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan ni Paul at mabilis ng umalis.               Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto namin. Hindi pa ako nakakapasok narinig ko na ang boses ni Sam. “Ate” Nakangiting tawag nito. Umiling lang ako. For sure about kay Paul lang ang motibo niya. “So, kayo na ba?” Kinuha niya ang mga gamit ko at pinaupo ako sa kama. Masaya siyang nakatingin sa akin. Naghahantay ng tsismis. "Hay naku Samantha tigilan mo ko. Gusto ko ng magpahinga." "ang damot mo talaga. Kahit kunti lang, share it sister" nakangiting sabi nito. umiling lang ako. Tumayo ako at nagtungo na sa banyo para magpalit ng damit. Narinig ko na tumutunog ang aking cellphone. Mabilis akong lumabas. Pag labas ko ay nakatayo na sa harap ko si Samantha hawak ang cellphone ko. Pang asar ang mga ngiti nito. Natatawa ako sa itsura niya. "Paul Ruiz is calling you sister" "Ha?" Nagsalubong ang aking kilay. Mabilis ko tong kinuha kay Sam. "Paul Ruiz" Bakit niya ko tinatawagan? "Sasagutin mo ba o hindi?" Makulit na tanong ni Sam. Mas excited pa ito kesa sakin. Hinila ko siya at tinulak papalabas ng kwarto. "Damot" nakasimangot niyang sambit sa akin. Mabilis kong sinara ang pinto. Bakit ako tinatawagan ni Paul? Dahil ba kanina? Bigla akong kinabahan. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni Paul. Go Cassie! "Hello? Sir Paul?" mahina kong sabi sa kanya. Naririnig ko siyang tumatawa. "I told you that I like you, i already kissed you, but still you’re calling me sir Paul?" Napalunok ako sa sinabi niya. Kinikilig ako na ewan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Hello? Cassie?" "Yes Sir. I mean Paul?" Natawa lang siya sa sinabi ko. Natawa na lang din ako. Parang gusto kong tumalon sa sobrang kilig. Oh my God! Bakit ako kinikilig. Relax Cassie. “Kinikilig ka ba?” Pang asar na tanong sakin ni Paul. Naririnig ko ang mahina niyang tawa. Tumingin ako sa salamin ng dresser namin. Namumula na ang aking mukha. Naupo ako sa tapat nito. Hindi pa din ako makapag salita. “Cassie? Are you still there? Okay let’s talk tomorrow I know your tired too” “No! No! No! I’m fine." Mabilis kong sagot. Nagulat ako sa sinabi ko. Binatukan ko ang aking sarili. Anu ka ba naman Cassandra. Nakakahiya. Naririnig ko pa din ang tawa ni Paul sa kabilang linya. Matagal din kaming nag-usap. Hindi ko din namalayan na kanina pa pala nakikinig samin si Sam. Nakapangalumbaba siya sa kama habang nakikinig sa amin. Napakalaki ng ngiti niya. Mabilis kong tinapos ang usapan namin ni Paul. Bigla itong kumunta “Baby you’re my destiny you and I are meant to be with all…” mabilis kong kinuha ang unan sa tabi niya at hinataw sa kanya. Patuloy pa din siya sa pagkanta. “my heart and soul I give my love to have…” kiniliti ko siya hanggang sa parehas na kami napahiga sa kama. “Kayo na?” kinikilig ang boses nito. Hindi ako sumagot ngumiti lang ako. Parang sasabog ang puso ko sa tuwa.              Malapit na mag 9 pero hindi pa rin ako nakakarating sa office. Sana kahit ang traffic may holiday din. Hindi pa nagsisimula ang araw ko nararamdaman ko na ang pagod. Mabilis akong tumungo sa elevator. Pagpasok ko sa office ay nakatingin sakin sila Sally. Kinikilig ang mga ngiti nila. Pinagmamasdan ko lang sila. Dahan-dahan akong lumapit sa table ko. “Roses?” Bakit may bulaklak sa table ko? Naupo ako at kinuha ang maliit na card na nakalagay dito. “I miss u. P” P? sinong P? Napaisip ako kung sino si P. Paul? napatingin ako sa office niya. Nakatayo siya sa may bintana at nakatingin sa akin. Kumindat lang siya at binigyan ako ng napakagandang ngiti. “Baka matunaw si sir Paul” biro ni Kath. Umayos ako ng upo at inamoy ang mga bulaklak. Hindi matanggal sa mukha ko ang saya. Ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak sa buong buhay ko. “Love moves in mysterious way, its always so surprising how love appears over the horizon~…” Sabay-sabay nilang awit habang nakatingin sa akin. Bahala kayo diyan basta ko masaya. Muli kong inamoy ang mga bulaklak. Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti.              Malapit na mag-uwian ng pumunta ako sa office ni Paul para ibigay ang mga papers na kailangan niyang pirmahan. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. May kausap siya sa telepono ng pumasok ako. Nakatingin lang ako sa kanya. Naalala ko na naman ng hinalikan niya ako. Hindi ko mapigilang kiligin. Saglit akong nawala sa sarili ko. Hindi ko namalayan na tapos na sila mag-usap ng kausap niya sa telepono. Nakapangalumbaba lang siyang nakatingin sa akin. Nagulat ako ng tinawag niya ang pangalan ko. “Cassie” “Sir” mabilis kong sagot. Pinagmasdan niya muna ako. “Are you thinking about the day I kissed you?” Nakangiting sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis kong ibinigay sa kanya ang folder na hawak ko. “Sir ito na po pala yung mga papers na kailangan..” hindi pa ako tapos mag-salita ay bigla siyang tumayo at hinalikan ako sa labi. “It’s Paul not Sir” sininok ako bigla sa sobrang gulat. Tumawa lang siya at hinalikan ako uli. “Let's go and eat together” “O-okay?” Gulat pa din ako sa ginawa niya. Napapangiti lang siya sa reaksyon ko. “Go. Or I”ll kiss you again” Muling nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. Mabilis akong lumabas at tumungo sa upuan ko. Tinapik tapik ko ang aking pisngi sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. Kinikilig pa din ako. Tumayo na si Kath at kinuha ang gamit niya. “Tara na girls. Mukhang may bago ng kasabay si Ms. Cassie pauwi” Tumingin ito sa office ni Paul. “Sana lahat may boyfriend” birong sabi ni Jay.                       Pagkatapos naming kumain ay hinatid na din ako ni Paul. “Salamat pala sa mga bulaklak” nakangiti kong sabi sa kanya. “Nagustuhan mo ba? Tumango lang ako. “So, are you my girlfriend now?” pabiro niyang tanong. “hinalikan mo na nga ako tinatanong mo parin ako?” Natawa lang siya sa sinabi ko. Nagtawanan kami parehas. Hindi ako makapaniwala na magiging kami din ni Paul. Bigla akong nakaramdam ng takot. Paano kung malaman ni Bel ang tungkol sa’min? Paano ko sasabihin sa kanya na ako si Cassie? Hinawakan niya ang aking kamay “Are you okay?” Tumango lang ako. Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang tungkol sa akin. “Paul”. “Yes?”. “what if one day you meet her again..” “Who”. “you first love Cassie”. Saglit siyang tumahimik. “I don’t talk to people again that lied to me”.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD