Sir Crush Episode 20

1587 Words
        “Mauna na ‘ko”. Tumango lang siya. Hindi pa ako nakakababa ay lumapit sa amin si Sam. Para siyang bata na naghihintay ng pasalubong sa sobrang tuwa. Tumingin sa akin si Paul. “Your sister?” Tumango lang ako. Kung hindi ko lang kapatid si Samantha matagal ko na siyang sinabunutan. Bumaba na din si Paul ng sasakyan. “Hi kuya Paul” pasimple siyang kumaway kay Paul. May papikit-pikit pa siya ng mata. Nakakainis. ‘BAkit ko ba siya naging kapatid?’ “Hi” nakangiting sagot ni Paul. Nagpipigil ng tawa si Paul. Napakamot na lang ako ng ulo. Mabilis ko siyang hinawakan at hinila na papasok ng bahay bago pa siya magsalita ng kung ano. “Bye” paalam ko kay Paul. “Call me” pahabol niyang sinabi sa akin. Tumango lang ako. “Bye kuya Paul” sigaw ni Sam. “Ano ka ba” Sinimangutan lang ako ni Sam.              Mula noon ay palage na akong hinahatid ni Paul. May pagkakataon din na sinusundo niya ko sa umaga. Madalas din kaming lumalabas. Minsan ay nanunuod kami ng sine or pumupunta sa mga park. Wala ding gabi na hindi niya ko tinatawagan. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang samahan namin ni Paul. At habang tumatagal mas lalo akong natatakot na malaman niya kung sino talaga ako.              One Message Received from Carol: Naka ready na ba mga papers mo? Pwede ka na sumabay kay Joy next month pabalik ng Korea. Si Carol ang isa sa mga pinay na katrabaho ko sa korea. Since malapit na matapos ang kontrata ko nagdadalawang isip akong muling bumalik. Malaki din ang sinasahod ko doon hindi tulad ng sahod ko dito. “ I’ll call you” sent to Carol. Magkasama kami ni Sally na pumunta ng banyo. Nadatnan namin doon si Bel na naghuhugas ng kamay. Nagtinginan kaming dalawa ni Sally. Kahit ayaw namin siyang makausap isa parin siya sa mga boss namin kaya wala kaming magagawa kundi batiin siya. “hi ms. Bel” sabay naming bati sa kanya. Mataray akong tiningnan ni Bel. “So, you’re Paul’s new girl right?” Ngumisi lang ito. Parang gusto niyang sabihin na hindi ako nababagay kay Paul. ‘Bakit akala mo ikaw lang maganda?’ Hindi ko nagustuhan ang awra ng mukha niya. “if I’m not wrong, hanggang next week kana lang dito” Magpigil ka Cassandra. Boss mo pa din siya don’t forget. Ngumiti lang ako at tumango. Binigyan niya ko ng napaka plastic na ngiti. Bago pa siya nakalabas ay muli siyang nagsalita. “Anyway be careful baka bigla ka din iwanan ni Paul katulad ng ginawa niya sa’kin”. Nabigla ako sa sinabi niya. Parang nag-init ang dugo ko sa narinig ko. What? Iniwan ka ni Paul? hindi na ako nakatiis. Humarap ako sa kanya. “You’re wrong. Dapat sila ang mag-ingat sayo. Kasi ikaw ang nang-iiwan hindi si Paul”. Nagulat siya sa sinabi ko. Akala niya siguro hindi ko alam. Ngumisi lang siya at tuluyan ng lumabas. “Okay ka lang?” Tanong ni Sally. “I’m fine”.            Bumalik na kami sa office ni Sally. Hindi ko pa din makalimutan ang sinabi ni Bel. Iniwan? Siya? Ang kapal ng mukha niya. Buti na lang talaga maganda siya. Buti na lang nireject niya si Paul. Ano kaya ang pinakain niya kay Paul at na-inlove ito sa kanya. Napabugtong hininga na lang ako. Maya-maya pa ay lumabas si Paul sa office niya. Seryoso ang mukha nito. Saan kaya siya pupunta? Baka may biglaang meeting? Bumalik na ako sa ginagawa ko. Saglit pa ay narinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Mabilis ko itong kinuha sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. ‘Bel’ Hindi pa ba siya tapos sa sinabi niya kanina? Nakaramdam ako ng pagka-inis. Buti na lang oras pa ng trabaho kung hindi, hindi ko sasagutin ang tawag niya. “Hello? Ms. Bel?” “Hi Cassie. I just want to say sorry about what I said a while ago”. Nabigla ako sa sinabi niya. Si Bel ba talaga ang kausap ko? May konsensya din pala siya. “Are you free tonight? I want to treat you for dinner. I’ll send you the place. See you then”. She ended the call. Hindi man lang ako nakapagsalita. Nagsalubong ang aking kilay. Anong problema niya? Pagkatapos ng sinabi niya sa akin, yayain niya ko kumain sa labas? Tama ba ang narinig ko? Parang may mali. Hindi ko maiwasan mag-isip ng kung ano. Napa-iling ako. Wala naman siguro? Baka gusto niya lang talaga mag-apologize. Nag kibit-balikat na lang ako.              Nasa harap na ako ng restaurant na sinend sa akin ni Bel. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa akin na wag akong tumuloy. Hindi ako mapakale. Kung hindi naman ako tutuloy baka kung ano isipin niya. Hindi ko din sinabi kay Paul na makikipagkita ako kay Bel. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi. Bahala na nga. Pagpasok ko ay mabilis kong nakita si Bel. Mabilis akong tumungo sa kanya. “Ms. Bel” Nakangiting tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Hindi ko napansin na may kasama siyang lalaki. Nagkatinginan kaming dalawa. “Paul? “Cassie? What are you doing here?” Gulat na gulat ang mukha niya ng makita ako maging ako ay nagulat din. Bakit siya nandito? Mabilis na tumayo si Bel at pinaupo ako sa tabi ni Paul. “Thank you for coming Cassie” Nakangiting sabi ni Bel. Napilitan akong ngumiti. Nagkatinginan kami ni Paul. Parehas nakasalubong ang kilay namin. Alam kong parehas lang kami ng nasa isip kung ano ang ginagawa naming parehas dito. Hindi na maipaliwanag ang mukha niya. Unti-unti akong nakakaramdam ng kaba. Parang may hindi tama. “I just want to say sorry to both of you” panimula ni Bel. “we’re in the same place. Ayoko lang na mag-isip ng kung ano ang mga katrabaho natin. Let’s just forget the past”. Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinasabi niya o kung maniniwala ako sa kanya. “What are you doing?” tanong ni Paul. Napatingin ako sa kanya. Alam kong pinipilit niya huminahon. “Hindi mo ba matanggap na naka move-on na ko sayo?” Hindi nagustuhan ni Bel ang sinabi nito. Iniwasan niya ang tingin ni Paul. Ininom niya ang juice na nasa harap niya. Hindi na din ako mapakale. Parang may binabalak si Bel. Tumingin siya likod namin ni Paul. Hindi ko alam kung sino ang nakita niya at biglang sumaya ang kanyang mukha. “She’s here”. She’s here? Ilang tao ba ang ininvite niya? Parehas kaming napatingin ni Paul sa likuran namin. Nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Paanong? “Ate Cassie!” Pat? Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. “I knew it! Sabi ko na nga ba ikaw yun. Kamusta kana?” Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ako makagalaw. Tumingin ako kay Bel. Narinig niya lahat ng pinag-usapan namin nila Sally? Naisip ko kaagad si Paul. Nakaramdam ako ng panghihina. “No need to thank you Cassie” Napaka traydor ng ngiti nito. Napatingin ako kay Paul. Hindi maipaliwanag ang mukha niya. “Cassie? You’re Cassie?” Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. “Oh. Sorry akala ko kasi alam ni Paul” maarteng sabi ni Bel. Gusto ko siyang buhusan ng juice na nasa harapan ko. Ngumisi lang si Paul na parang wala lang nangyari. Mabilis siyang tumayo at tuluyan ng lumabas ng restaurant.              “Paul!” malakas kong sigaw. Mabilis ko siyang sinundan. Hindi niya ko pinapansin mabilis siyang sumakay sa sasakyan niya. Mabuti na lang at nakasakay ako agad bago pa siya makaalis. Iniwasan niya ako ng tingin. Hindi siya kumikibo. Alam kong hindi parin siya makapaniwala sa mga narinig niya kanina. Mas lalo akong natakot. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Nararamdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mata. Kailangan kong huminahon. Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago nagsalita. "Im sor.." "Why?" Mahina niyang tanong. Mahigpit siyang nakahawak sa manibela. "Why Cassie?" Tumingin siya sa akin. Namumula ang kanyang mga mata. Alam kong kaunti na lang ay sasabog na siya sa galit. Hindi ako makasagot. Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko lang umiyak. "Kasi nalaman mo na ikaw ang first love ko? Because I’m rich? O baka naman kasi alam mong mahal kita at kayang kaya kitang patawarin?” Nanlilisik ang tingin niya sa akin. Lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. “Paano mo naitago sakin lahat ng ito?” “I’m sorry” Hindi ko na napigilang umiyak. “I’m sorry” “Sorry? Damn Cassie! Stop crying! Ako dapat ang umiiyak hindi ikaw” galit niyang sigaw sa akin. Napasandal siya ng upo. Pinipilit niyang huminahon. Hindi ko mapigilang umiyak. Wala akong magawa. Gusto kong sabihin sa kanya lahat pero nadadala ako ng emosyon ko. Hanggang dito na lang ba kami? Bakit hindi ko sinabi sa kanya agad? Lumapit siya sa akin at binuksan ang pinto na nasa tabi ko. “Go. I don’t want to see you right now”. “Paul”. “Please”. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD