Wala akong nagawa kundi bumaba ng sasakyan. Mabilis niyang pinatakbo ito. Patuloy parin ako sa pagiyak. Halos mapaupo ako sa kinatatayuan ko. Bakit ngayon pa? Bakit kay Bel niya pa nalaman. Bakit hindi ko sinabi sa kanya agad? Punong puno ako ng pagsisisi. Gusto kong sumigaw sa galit. Saglit pa ay naramdaman ko na ang pagpatak ng ulan. “Ate anong nangyari sayo? Bat basang basa ka?” Hindi mapakaleng tanong ni Sam. Mabilis siyang kumuha ng tuwalya at inilagay sa balikat ko. “Magpalit ka ng damit. Para kang binagsakan ng langit at lupa sa itsura mo”. Hinila niya ako at itinulak papasok sa banyo. Nanghihina parin ako. Tulala pa rin ako dahil sa nangyari kanina. Paglabas ko ay nakaupo na si Sam sa lapag. May mga beer na sa harap niya at mga pagkain na kung anu-ano. “Beer?” N

