STEFFANY POV
"Stefany! Anak, gumising ka na! Malalate tayo sa charity gala!" sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto.
Napabalikwas ako mula sa kama, sabog pa ang buhok, at wala sa mood. Ang aga-aga, at eto na naman si Mama. Ang dami niyang plano para sa buhay ko na hindi ko naman gusto.
"Ugh, Mama! Ang aga pa, puwede bang mamaya na?" sagot ko nang medyo pasigaw, sabay tago ng mukha sa unan.
Hindi ako pinakinggan ni Mama. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko, tumayo sa tabi ng kama, at tinanggal ang kumot na nakabalot sa akin. "Stefany, bumangon ka na. Ayokong magpahiya tayo sa event na ‘to. And besides, importante ang mga taong dadalo roon!"
Bumangon ako, nakasimangot, at inirapan siya. "Mama, wala naman akong pakialam sa mga taong ‘yun! Kung si Ate na lang kaya ang isama mo?"
“Stefany, ikaw ang gusto kong kasama. At tumayo ka na d’yan bago pa ako mainis,” madiing sabi ni Mama habang nagtaas ng kilay.
Napabuntong-hininga ako at napailing. "Fine! Pero pwede bang tapusin natin agad ‘to? May plano pa kami nina Cheska at Mia mamaya."
Tumayo ako mula sa kama at kinuha ang robe na nakasabit sa gilid. Pagkatapos ay dumiretso ako sa vanity table at sinimulang suklayin ang buhok ko. Habang ginagawa ko iyon, patuloy pa rin si Mama sa pagsesermon.
"Stefany, hindi lahat ng bagay sa buhay ay tungkol sa kasiyahan. Kailangan mong matutunan ang responsibilidad," sabi niya habang nakatayo sa tabi ko.
Napapikit ako at huminga nang malalim para hindi siya masagot nang pabalang. “Mama, narinig ko na ‘yan kahapon, at narinig ko na rin ‘yan noong isang araw. Pwede bang skip na lang tayo sa part na ‘yan?”
Napailing si Mama at lumabas ng kwarto. “Bilisan mo, Stefany. Ayokong malate tayo.”
Pagkaalis niya, napasandal ako sa upuan at napatingin sa sarili ko sa salamin. “Ano ba naman ‘tong buhay na ‘to? Hindi ko nga pinili ‘tong charity-charity na ‘to, tapos ako pa ang pilit na dinadamay.”
Habang nag-aayos, narinig ko ang tunog ng phone ko. Message ni Cheska:
Cheska: “Girl, ready ka na ba mamaya? BGC tayo!”
Napangiti ako at mabilis na nag-reply.
Ako: “Oo naman. Tapos na ang drama dito sa bahay, diretso tayo mamaya!”
Napatigil ako sandali at napabuntong-hininga ulit. “Konting tiis na lang, Stefany. Pagkatapos nito, back to the life I love.”
Pagkalabas ko ng kwarto, naroon na si Mama sa sala, suot ang eleganteng emerald green na gown na bumagay sa pearls niyang kuwintas. Ako? Syempre, hindi ako magpapatalo.
Ang suot ko ay isang off-shoulder white dress na hanggang hita ang haba, fitted para ipakita ang perfect kong figure. Pinatungan ko ito ng designer blazer para lang magmukhang mas formal. Paired with my silver stilettos at diamond earrings, alam kong head-turner na naman ako mamaya. Sinadya ko pang maglagay ng red lipstick para mag-stand out.
Pagdating ko sa sala, agad akong sinipat ni Mama mula ulo hanggang paa. Napailing siya.
"Stefany, ano na naman ‘yang suot mo? Charity gala ito, hindi party sa club!" sermon niya agad.
Napairap ako at tumawid ng braso. "Mama, formal naman ‘to ah. Ano bang gusto mo, magsuot ako ng abito?" sagot ko, medyo naiinis na.
"Ang sinasabi ko lang, mag-dress ka ng mas mahaba. Hindi mo kailangang ipakita lahat ng balat mo," sabi niya, habang pinipigilan ang boses na tumaas.
“Ma, fashion statement ‘to. Hindi naman ako magmumukhang madre sa event na ‘yan. Kaya nga ikaw na lang ang tumingin sa mga boring na suot, ako bahala sa pagiging stunning natin,” sagot ko sabay talikod para kunin ang clutch bag ko.
“Stefany! Ano ba? Kailan ka ba titigil sa pagiging pasaway?”
Napalingon ako at tumitig sa kanya. "Mama, seryoso ka? Gusto mo ba talagang mag-away tayo bago pa tayo makarating doon?"
Huminga siya nang malalim at iniwas ang tingin. “Sumakay ka na lang sa kotse, Stefany. Ayokong mapahiya tayo sa harap ng mga kaibigan ko.”
Napangiti ako nang matalo siya sa sagutan namin. As usual, ako pa rin ang panalo. Dumiretso ako sa labas at pumasok sa sasakyan.
Habang nasa loob, kinuha ko ang phone ko at nag-selfie. Perfect lighting, perfect outfit, perfect me. Tapos, sinend ko agad sa group chat namin nina Cheska at Mia.
Ako: “Wish me luck, girls. Torture muna bago party!”
Habang hinihintay si Mama na sumakay, tumingala ako at napangiti. “Konting tiis na lang, Stefany. Pagkatapos nito, it’s time to have fun.”
Pagdating namin sa venue ng charity gala, halos mabingi ako sa dami ng taong nag-uusap at nagkukumpulan. Ang ingay, pero hindi iyon ang problema ko. Ang totoo, wala akong pakialam sa event na ‘to.
Habang naglalakad kami papasok, napansin ko ang mga mata ng ilang bisita na tumitingin sa akin. Syempre, hindi ko masisisi ang mga tao kung humanga sila sa itsura ko. Buti na lang at magaling akong magdala ng kahit anong suot.
“Stefany, ayusin mo ang kilos mo,” sabi ni Mama nang may diin habang naglalakad kami.
"Ma, ayos naman ako ah," sagot ko habang tinataas ang kilay.
“Stefany, please lang. Kung hindi ka pa magtitino, tatawagan ko ang Daddy mo kahit nasa ibang bansa siya,” seryoso niyang banta habang tumigil kami sa harap ng isang grupo ng mga kaibigan niya.
Napairap ako. “Ma, seryoso? Tatawagan mo si Daddy para lang sa ganito? Busy ‘yung tao, huwag mo nang guluhin.”
“Stefany,” madiin niyang sabi habang hinahawakan ang braso ko, “hindi na ito tungkol sa pagiging busy ng Daddy mo. Kapag nalaman niya ang ginagawa mo, sigurado akong magagalit siya. Ayokong mangyari ‘yun.”
Napatingin ako sa kanya, medyo nakaramdam ng kaba. Si Daddy? Magagalit? Rare lang ‘yun mangyari, pero kapag nangyari, mas mabigat pa siya kay Mama.
“Okay, okay, I get it. I’ll behave,” sabi ko, sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko.
Nginitian niya ako, pero halata kong nagdududa pa rin siya. “Siguraduhin mo, Stefany. Ayokong mapahiya sa harap ng mga taong nandito.”
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa paligid. Charity gala. Pshh. Wala namang exciting dito. Pero syempre, hindi ko kayang tiisin na si Daddy pa ang magalit sa akin.
Habang papunta kami sa main hall, nilabas ko ang phone ko at nag-message sa group chat namin nina Cheska at Mia.
Ako: “Guys, send help. Literal na torture ‘to. Kung pwede lang teleport!”
Napangiti ako ng konti sa sarili ko. Konting tiis na lang, Stefany. Matatapos din ‘to.
Nakaupo ako sa isang table habang pinapanood ang mga taong abala sa kani-kanilang pakikipag-usap. Ang iba, tumatawa, ang iba naman, masyadong seryoso. Ano ba ‘tong lugar na ‘to? Wala na bang mas boring pa dito?
Hawak ko ang isang baso ng wine, at habang iniikot-ikot ko ang laman nito, napabuntong-hininga ako. Ilang beses ko nang sinubukan ngumiti at magpanggap na interesado sa mga kwento ng mga matatandang bisita, pero hindi ko na talaga kaya.
“Anak, bakit parang wala kang gana?” tanong ni Mama nang dumaan siya sa tabi ko.
Ngumiti ako ng pilit. “Wala, Ma. Nag-eenjoy naman ako,” sabi ko kahit halatang kabaliktaran ng nararamdaman ko.
Napailing siya bago lumayo para kausapin ang ibang bisita. Nang makalayo si Mama, tumingin ako sa paligid. Ito ba ang definition nila ng fun? Hindi ko talaga gets.
Napagdesisyunan ko na tama na. Hindi ko kailangang pahirapan ang sarili ko. Tumayo ako mula sa upuan, kinuha ang baso ng wine, at naglakad palayo mula sa venue. Hindi ko na inisip kung may makakapansin.
Lumabas ako sa garden area ng hotel kung saan ginaganap ang gala. Tahimik doon, at malamig ang hangin. Humigop ako ng wine at tumingin sa kalangitan. Finally, some peace.
Habang nakatayo roon, naisip ko, Bakit ko ba hinahayaan na diktahan nila ang bawat galaw ko? Hindi naman ako bagay sa ganitong lugar. Ang buhay ko ay dapat masaya, hindi ganito ka-dull.
Naglakad pa ako palayo hanggang sa makarating ako sa may gate. Walang tao, at mukhang walang nakakapansin na wala na ako sa loob. Ngumiti ako. Perfect escape.
Sumakay ako ng taxi na nasa labas, at habang nakasandal ako sa upuan, napangiti ako sa sarili ko. “Sorry, Mama. Pero hindi ko kayang magkunwaring nag-eenjoy sa boring na event na ‘yan.”
Habang umaandar ang sasakyan, sinend ko agad ang message sa group chat namin nina Cheska at Mia.
Ako: “Girls, I'm out. Meet me at BGC. Wine in hand, ready for real fun!”
Habang nasa taxi, hindi ko mapigilan ang tumawa nang malakas. Parang baliw lang ako habang iniisip kung ano na ang itsura ni Mama kapag nalaman niyang umalis ako nang hindi nagpapaalam.
"Grabe, Stefany! Ang lakas talaga ng loob mo!" sabi ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang baso ng wine.
Natawa rin ang driver at sumulyap sa rearview mirror. "Mukhang masaya ka, Miss ah."
Napangiti ako at tinaas ang baso ng wine. "Oo naman, Kuya! Alam mo, minsan lang tayo mabuhay, kaya dapat laging fun!"
“Eh, saan ba ang punta natin?” tanong niya habang sinusulyapan ako.
“BGC, Kuya! May mga kaibigan akong naghihintay doon. Time to party!” sagot ko nang sobrang saya.
Habang nasa byahe, sinimulan kong mag-play ng music sa phone ko. Tumutugtog ang isang upbeat na kanta, at sinabayan ko pa ito ng pagkanta kahit wala ako sa tono.
"Cause, baby, you're a firework! Come on, show 'em what you're worth!" sigaw ko habang umiindak sa loob ng taxi.
Napailing si Kuya driver pero napangiti rin. “Miss, mukhang ang saya mo talaga ngayon ah. Ingat ka lang sa wine mo, baka matapon.”
"Kuya, don't worry! Hindi ako matutumba. Sanay ako dito," sagot ko sabay tawa ulit.
Pagdating namin sa BGC, bumaba ako mula sa taxi at agad na naglakad papunta sa isang rooftop bar kung saan naghihintay sina Cheska at Mia. Nakita ko sila sa isang table, at nang makita nila ako, halos sabay silang napatawa.
“Stef! Ano na naman ang drama mo?” tanong ni Cheska habang hinahampas ang mesa sa kakatawa.
“Drama? Walang drama! Ang boring kasi sa bahay kaya eto, escape mode!” sagot ko sabay upo at lagok ng natitirang wine sa baso ko.
“Grabe ka, girl. Anong sasabihin ng Mommy mo?” tanong ni Mia habang nilalagyan ako ng bagong baso ng alak.
"Bahala siya! Baka iniisip niya andun pa rin ako sa boring na charity gala," sagot ko, sabay tawa ulit.
Sa sobrang saya ko, napasayaw ako kahit nakaupo lang. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong napapatingin sa amin. Walang makakapigil sa saya ko ngayong gabi.
Ito ang buhay na gusto ko. Malayo sa mga sermon, malayo sa expectations, at malapit sa saya. “Cheers to freedom!” sigaw ko habang tinaas ang bagong baso ng wine.
Hindi ko na alam kung pang-ilang baso ko na ito. Basta ang alam ko lang, masaya ako! Yung tipong wala akong pakialam sa mundo.
"Girls! Ang saya-saya ko!" sigaw ko habang hawak ang isang shot glass at tinungga ito nang walang kahirap-hirap.
"Stef, tama na! Lasing ka na," sabi ni Cheska habang pilit inaagaw ang baso ko.
“Cheska! Wag kang KJ!” sabi ko, sabay tawa at yakap sa kanya. Halos mabuwal kami sa pagkakaupo ko.
"Stef, tumigil ka nga! Parang kang baliw na!" sabi naman ni Mia habang pinipigilan akong tumayo mula sa upuan.
Pero syempre, hindi ako nagpapigil. Tumayo ako, hawak ang bote ng wine na iniwan ng waiter sa table namin. "Cheers to freedom!" sigaw ko ulit, kahit wala nang sumasabay sa akin.
Napatingin ang ilang tao sa paligid namin, pero wala akong pakialam. Sumasayaw-sayaw ako sa gitna ng bar habang hawak ang bote ng wine.
"Stefany Santiago, queen of the night!" sigaw ko, sabay ikot at halos matumba. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Mia.
"Stef, umupo ka na. Hindi na 'to nakakatuwa," sabi niya, halatang naiinis na.
"Guys, bakit ba ang seryoso niyo? Ang boring niyo na, ha!" reklamo ko habang naupo ulit, pero hindi pa rin tumigil sa pagtawa.
Sa sobrang kalasingan ko, kinuha ko ang phone ko at nag-selfie kasama sina Cheska at Mia. Kahit halatang naiinis na sila, napilitan silang ngumiti sa camera.
“Ang gaganda natin! Para tayong mga reyna!” sabi ko habang tinitingnan ang picture.
Pero habang tumatagal, naramdaman ko na ang bigat ng ulo ko. "Wait lang, parang umiikot na ang mundo," sabi ko habang hinahawakan ang ulo ko.
"Stef, yan na nga ba ang sinasabi ko. Ang kulit mo kasi," sabi ni Cheska, sabay kuha ng bote mula sa kamay ko.
“Hindi ako lasing!” sagot ko, pero halatang wala nang direksyon ang boses ko. Napahiga ako sa mesa, habang si Mia ay tumatawag na ng taxi para makauwi na kami.
“Stef, tigilan mo na. Dadalhin ka na namin sa bahay. Kung ano-ano pa masabi mo, lagot ka kay Mama mo,” sabi ni Mia.
Ngumiti ako kahit nakapikit na ang mata ko. "Bahala na si Mama. Ako pa ba? Ako si Stefany Santiago!" sabay tawa ulit bago tuluyang napapikit.