HBHT-3

2225 Words
STEFFANY POV Ang sakit ng ulo ko. Parang may nagpa-party sa loob ng utak ko. Habang pilit kong iminulat ang mga mata, naramdaman ko ang bigat ng katawan ko. Bumangon ako mula sa kama, pero parang umiikot pa rin ang paligid. “Ugh... ano bang nangyari kagabi?” tanong ko sa sarili ko habang hinihimas ang sentido ko. Pagtingin ko sa paligid, nasa kwarto ko na ako. Paano ako nakauwi? Huling naaalala ko, nasa bar pa kami nina Cheska at Mia. Bumaba ako ng hagdan para maghanap ng tubig. Pagkarating ko sa sala, bumungad si Mama, nakaupo sa sofa, at halatang galit na galit. Nakapamewang siya habang hawak ang phone niya. “Good morning, Ma,” bati ko nang wala sa mood. “Good morning? GOOD MORNING?!” sigaw niya, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Nagulat ako sa tono niya. "Ma, bakit ka galit?" tanong ko, sabay taas ng kilay. "Ikaw ang may ganang magtanong?!" sabi niya, sabay hagis ng phone niya sa mesa. Tumama ito nang malakas, kaya napaatras ako. "Ano ba, Ma? Ano bang problema?" tanong ko ulit, halatang inis na rin. Itinaas niya ang phone niya at ipinakita ang screen nito. Napakunot ang noo ko habang tinitingnan ang post na nasa social media. Nakita ko ang sarili ko—umiinom, sumasayaw, at may hawak pang bote ng wine habang sumisigaw ng, "Cheers to freedom!" Kasama pa ang caption na: “This is what life is all about! No rules, no limits! #PartyQueen #Freedom” Napanganga ako. Oh my God. “Stefany Santiago! Ano ‘tong kahihiyan na ginawa mo?! At bakit mo pa pinost sa social media?!” galit na tanong ni Mama habang nanlilisik ang mga mata. “Ma, it’s just a post. Chill ka lang,” sagot ko, sabay ikot ng mata. “CHILL?! Stefany, nakakahiya ka! Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko? Paano kung makita ‘to ng Daddy mo? Nasa ibang bansa man siya, pero siguradong malalaman niya ‘to!” “Ma, hindi naman big deal ‘to. Lahat naman ng tao nagpa-party!” sagot ko, pilit na ipinagtatanggol ang sarili ko. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, bigla akong nasampal ni Mama. Malakas. Pak! Napahawak ako sa pisngi ko, at sa sobrang gulat, hindi ako nakapagsalita. “Stefany, kailan ka ba matututo? Lagi ka na lang nagbibigay ng sakit ng ulo sa pamilya natin! Kailan ka ba magiging responsable?” sigaw niya, nanginginig pa ang boses niya sa galit. Napatingin ako sa kanya, halatang shock pa rin. Hindi ko inaasahan na sasampalin niya ako. “Kung hindi ka magtitino, baka pati Daddy mo mawalan na ng pasensya sa’yo! Hindi na kita kayang ipagtanggol, Stefany. Ayusin mo ang buhay mo!” dagdag niya bago tumalikod at umakyat sa kwarto niya, halatang galit na galit pa rin. Nanatili akong nakatayo roon, hawak pa rin ang pisngi ko. Ang OA naman. It’s just one night, bulong ko sa sarili ko, pero kahit anong pilit kong magpakatatag, naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko. Napaupo ako sa sofa at napaisip. Ganito na ba talaga ako kagulo? Pagkatapos ng sermon ni Mama, dumiretso ako sa kwarto ko at sinarado ang pinto nang malakas. Napahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, habang iniisip ang lahat ng nangyari. Bakit ba laging ganito? Bakit parang ako na lang lagi ang mali? Huminga ako nang malalim at niyakap ang unan ko. Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Kahit na sinasabi kong wala akong pakialam, sa totoo lang, nasasaktan din ako. "Stefany Santiago, bakit ba ang gulo ng buhay mo?" tanong ko sa sarili ko habang pilit na pinipigilan ang luha ko. Naisip ko ang Ate Samantha ko. Palaging maayos, palaging mabait, palaging masunurin. Ang perpektong anak. Siya ang laging pinagmamalaki ni Mama. Ako? Ako ang laging nagbibigay ng sakit ng ulo. Bakit ganun? Bakit parang hindi ko kayang maging katulad niya? Nilingon ko ang isang family photo na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Nandoon kami ni Ate Samantha, magkatabi. Siya, nakaayos ang buhok, naka-smile na parang Miss Universe. Ako naman, pilit lang ang ngiti, at halatang naiirita na sa picture-taking. Napangiti ako nang mapait. Ang laki talaga ng pagkakaiba namin. "Si Ate Samantha, laging tama. Ako? Laging mali. Si Ate, laging sumusunod. Ako, laging suwail," bulong ko habang nilalaro ang laylayan ng kumot ko. Hindi ko napigilan ang luha ko. Parang bigla na lang silang tumulo. Bakit ba ang hirap? Naiisip ko tuloy kung ano kaya ang pakiramdam na maging perpekto. Yung walang reklamo si Mama. Yung hindi siya galit. Yung proud siya sa akin, tulad ng kay Ate Samantha. Pero paano ko gagawin ‘yun? Hindi ako si Ate Samantha. Hindi ko kayang maging katulad niya. Huminga ako nang malalim at tumingin sa salamin sa harap ko. Nakita ko ang sarili ko—magulo ang buhok, namumugto ang mata, at halatang pagod na. Ito ba ang Stefany Santiago na gusto ko? tanong ko sa sarili ko. Pero wala akong sagot. Sa huli, napapikit na lang ako, pilit na pinapatahan ang sarili ko. Ayoko nang mag-isip. Ayoko nang maramdaman ang sakit. Habang nakahiga ako sa kama, biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin si Ate Samantha, may dala pang tray ng pagkain. Agad akong napasimangot. “Stef, hindi ka pa kumakain. Dinalhan kita,” sabi niya, sabay lapit sa mesa sa tabi ng kama ko. “Tsk, ang OA naman. Wala akong ganang kumain,” sagot ko habang umiikot ang mata. Tumalikod ako sa kanya, nakatalukbong ng kumot. “Stefany, tama na ‘yang drama mo. Mag-usap nga tayo,” sabi niya, halatang naiirita na rin. “Ano pa bang pag-uusapan natin, Ate? Sermon na naman ba? Parang si Mama lang,” sagot ko, hindi pa rin tumitingin sa kanya. Huminga siya nang malalim at naupo sa gilid ng kama ko. “Stef, hindi ako nandito para sermunan ka. Gusto ko lang malaman kung ano ba ang problema mo.” Napabuntong-hininga ako at tinanggal ang kumot sa mukha ko. “Ate, ang problema? Ako raw ang problema. Ako na lang lagi. Bakit, Ate? Ako na lang ba lagi ang mali? Ikaw? Perfect ka kasi, eh! Kaya laging ikaw ang tama!” “Stefany, hindi ako perfect. Ikaw lang ang naglalagay niyan sa utak mo,” sagot niya, kalmado pa rin. “Yeah, right. Perfect ka. Si Ate Samantha, ang role model, ang perpektong anak, ang laging pinagmamalaki ni Mama,” sagot ko, sabay irap. “Stef, hindi ko naman kasalanan kung lagi akong pinupuri ni Mama. Ikaw ang gumagawa ng gulo mo, kaya natural na mapagalitan ka,” sagot niya, pero halatang pinipigilan ang inis. “Ganon? Ako pa rin pala ang may kasalanan!” Tumayo ako mula sa kama, nakapamewang habang nakatitig sa kanya. “Lahat na lang ako, diba? Ako ang spoiled, ako ang suwail, ako ang walang kwenta! Ano pa bang gusto niyo sa akin, Ate?” “Ang gusto namin? Gusto lang namin na magtino ka, Stef! Hindi habangbuhay kaya kang takpan ni Mama o ni Daddy. Kailangan mong matutong maging responsable,” sabi niya, tumayo na rin, pero mahinahon pa rin ang boses. “Responsable? Para saan? Para magaya ako sa’yo? Hindi ako ikaw, Ate. At hindi ko kayang maging ikaw!” sigaw ko, sabay talikod sa kanya. “Stefany, hindi mo kailangang maging ako. Pero sana naman, matutunan mong mag-isip ng tama. Hindi lahat ng bagay, laro. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo nang ganon kadali,” sagot niya, halatang napupuno na rin. Hindi ako sumagot. Tumayo lang ako roon, pilit na pinipigilan ang luhang gustong tumulo. “Stef, hindi kita kalaban. Kapatid mo ako. Gusto ko lang na magising ka sa realidad,” dagdag niya, pero halata sa boses niya ang pagod. “Kung kapatid mo ako, bakit parang lahat ng sinasabi mo, kontra sa akin?” tanong ko, pabulong. “Hindi ako kontra sa’yo, Stef. Gusto ko lang matuto kang mahalin ang sarili mo. Hindi ‘yung parang walang direksyon ang buhay mo,” sabi niya bago siya lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya, napaupo ako sa gilid ng kama. Tahimik ang buong paligid, pero parang ang bigat ng sinabi niya. Mahal ko ba talaga ang sarili ko? tanong ko sa isip ko, pero hindi ko pa rin alam ang sagot. Lumipas ang tatlong oras na nakakulong ako sa kwarto. Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang mga sinabi ni Ate Samantha. Nakakainis. Nakakagalit. Pero sa totoo lang, may parte sa akin na parang tinamaan din. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa kama. Kailangan kong lumabas. Ang bigat na ng pakiramdam ko dito sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang lumabas. Tahimik ang buong bahay. Wala si Mama, wala si Ate. “Hello?” tawag ko habang bumababa sa hagdan. Pero ang sumalubong lang sa akin ay si Manang Celia, ang matagal na naming katulong. “Naku, Stefany, nagpunta po sa office ang Mommy mo. Si Samantha naman, umalis din. Sabi eh may lakad daw,” sagot ni Manang habang nagwawalis sa sala. Napahinto ako sa hagdan, saglit na nag-isip. Tahimik ang buong bahay, at wala akong kasama kundi si Manang. Parang ang lungkot bigla. “Manang, may pagkain ba diyan?” tanong ko habang bumaba na nang tuluyan. “Meron po, Stefany. Iniwan ng Mommy mo para sa inyo. Nasa kusina, gusto mo bang initin ko?” alok ni Manang, pero umiling ako. “Huwag na. Ako na lang,” sagot ko, sabay lakad papunta sa kusina. Habang kumakain mag-isa, hindi ko mapigilang isipin kung bakit ang tahimik bigla ng bahay. Dati, hindi ko pinapansin ‘yung ganitong moments. Pero ngayon, parang ang bigat sa pakiramdam. Tahimik ang bahay, pero parang mas tahimik ‘yung pakiramdam ko sa loob. Ang bigat. Pagkatapos kumain, bumalik ako sa sala at naupo sa sofa. Tinignan ko ang paligid, at parang biglang naisip ko—bakit parang lahat ng tao sa paligid ko, may direksyon? Si Mama, si Ate, pati si Manang, lahat sila may ginagawa. Ako lang ang parang wala. Napahawak ako sa ulo ko. “Ano ba ‘to, Stefany? Anong problema mo?” tanong ko sa sarili ko, pero wala pa rin akong sagot. Maya-maya, tumayo si Manang at tumingin sa akin. “Stefany, gusto mo bang magkwento? Mukhang mabigat ang iniisip mo.” Tumingin ako sa kanya at napangiti nang bahagya. “Ikaw, Manang? Ano ba ang tingin mo sa akin?” tanong ko, pilit na nagbibiro pero seryoso rin. Napangiti siya at sagot, “Ikaw ang prinsesa ng bahay na ito, Stefany. Pero sana minsan, pakinggan mo rin ang hari at reyna ng buhay mo.” Tahimik akong napaisip sa sinabi niya. Hindi ko na lang pinahalata, pero ang dami kong gustong itanong. Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang gumulo ang utak ko nang higit pa. Pagkatapos ng buong araw na tahimik at nakakabagot, nagkulong na lang ulit ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa social media, nagbabasa ng mga posts ng mga kaibigan ko. Bigla akong napalingon nang marinig kong may nagbukas ng pinto sa ibaba. Kasunod nito ang tunog ng malalakas na yabag na papunta sa sala. “Manang! Nasaan si Stefany?” pamilyar na boses ang narinig ko. Napaupo ako nang diretso sa kama, halos hindi makapaniwala. Si Daddy?! Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan, nakita ko si Daddy na nakatayo sa gitna ng sala, nakasuot ng coat at tie. Mukhang kararating lang niya mula sa biyahe. “Daddy?!” gulat kong tawag. Pagtingin niya sa akin, ngumiti siya pero halatang may halong pagod ang mukha niya. “Stefany,” sabi niya, sabay lapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. “Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa ibang bansa ka pa,” tanong ko, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko. “May kailangan akong asikasuhin dito, at saka gusto na rin kitang makita. Ang dami kong naririnig tungkol sa’yo mula sa Mommy mo at sa Ate mo,” sabi niya, sabay bitaw sa yakap at tinitigan ako. Bigla akong kinabahan. Alam kong hindi magandang balita ang mga “naririnig” niya tungkol sa akin. “Uh, ano naman po ang sinabi nila?” tanong ko, pilit na nagpapakalmado. “Na pasaway ka pa rin,” sagot niya diretso, pero may halong ngiti. “Pero alam mo naman ‘yun, diba?” Napanguso ako. “Daddy naman, lagi na lang ba ako ang pinupuna niyo? Hindi ba pwedeng chill lang tayo ngayon?” Tumawa siya nang mahina at umiling. “Hindi ako pumunta dito para sermunan ka, anak. Gusto ko lang makita kung ano na ang nangyayari sa buhay mo. Mukhang kailangan na talaga nating mag-usap.” Bigla akong napaisip. Alam kong hindi ako makakalusot kay Daddy. Pero sa kabila ng kaba, may parte sa akin na natuwa. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. “Okay, fine. Mag-uusap tayo. Pero bukas na. Gutom ka na ba? Gusto mo ng coffee?” tanong ko, pilit na binabago ang usapan. Tumawa ulit siya. “Huwag mo akong ilihis, Stefany. Pero sige, mag-usap tayo bukas. For now, gusto ko lang magpahinga at mag-enjoy kasama ang prinsesa ko.” Napangiti ako. Kahit papaano, nawala ang bigat sa dibdib ko. Pero alam ko, darating din ang oras na haharapin ko ang mga tanong ni Daddy. At sigurado akong hindi iyon magiging madali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD