Stefany’s POV Kinabukasan, nagising ako nang may bigat sa dibdib. Kahit anong pilit kong kalimutan ang usapan namin ni Brion kagabi, patuloy itong bumabalik sa isip ko. Hindi ko maalis ang pag-aalinlangan at takot na baka muli lang niya akong saktan. Habang nag-aayos ako ng sarili, narinig ko ang tunog ng pintuan sa sala. Lumabas ako para tingnan, at nakita ko si Yve na may dalang paper bag. Ngumiti siya nang makita ako. “Good morning, Stefany,” bati niya. “Pasensya na kung napaaga ako. Gusto lang kitang kamustahin.” “Good morning din, Tito Yve,” sagot ko habang inaayos ang buhok ko. “Anong sadya mo?” Ngumiti siya nang may halong pagkasabik. “Nagpadala si Brion ng mga gamit para sa iyo. Ayoko sanang manghimasok, pero gusto kong sabihin na seryoso ang pamangkin ko. Hindi ko pa siya nak

