Brion’s POV Tahimik ang buong paligid, ngunit ang t***k ng puso ko ay parang malakas na tambol sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ang katahimikan niya ay senyales ng pag-iisip o tuluyan na niya akong isinasantabi. Ngunit kahit anong mangyari, handa akong maghintay. Nang bumuntong-hininga siya, parang tumigil ang oras. Napatingin ako sa kanya, pilit na binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Brion…” Sa wakas, nagsalita siya, at ang pangalan ko sa kanyang labi ay parang musika sa tenga ko. “Kung talagang gusto mong patunayan ang sarili mo, kailangan mong intindihin na hindi ito tungkol sa kung ano ang kaya mong ibigay. Gusto ko ng katotohanan. Gusto ko ng kasiguruhan.” “Makukuha mo iyon, Stefany,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan. “Kahit ano pa ang kailangan mong gawin para

