Stefany’s POV Hindi ko maiwasang mapansin ang mga kakaibang bagay sa paligid. Parang may mga matang nakamasid sa akin, pero hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling ang pakiramdam na iyon. Habang naglalakad ako pauwi mula sa grocery, may nakita akong lalaking tila sumusunod sa akin mula sa di-kalayuan. Mabilis akong tumingin sa paligid, naghahanap ng ibang tao para makasama, pero mukhang wala nang iba sa kalsada maliban sa amin. Kinabahan ako, pero pinilit kong maging kalmado. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan si Brion. "Stefany?" sagot niya kaagad. "Brion... Parang may sumusunod sa akin," sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili. "Ano? Nasaan ka?" Ang boses niya ay puno ng pag-aalala at galit. "Malapit na ako sa bahay..." "Huminto ka diyan. Pupuntahan kita."

