Sa mansyon, habang nakaupo si Stefany sa malaking hapag-kainan ng mansyon, hindi niya maiwasang titigan ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa harap niya. May lechon, mga sariwang prutas, imported na keso, at iba pang putahe na bihira niyang makita simula nang tumira siya sa probinsya. Kumuha siya ng isang piraso ng keso at tinikman ito. Napapikit siya, dinadama ang pamilyar na lasa na tila nagbalik sa kaniya sa mga panahong nasa Maynila pa siya. Naramdaman niyang unti-unting sumikip ang dibdib niya habang inaalala ang nakaraan. "Masarap ba?" tanong ni Fabio habang tahimik na nakamasid sa kanya. Tumango si Stefany, pilit na ngumingiti. "Oo, ang tagal ko nang hindi nakakain ng ganito." Ngunit sa loob-loob niya, may halo itong kirot. Ang mga pagkain sa harap niya ay parang mga paalala

